bc

A Broken Man's Affair

book_age18+
42
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Can you really teach yourself to love the person in front of you when your heart belongs to someone else? Rodell was devastated when he was forced to break up with his greatest love, Tessa and marry someone else. He tried to forget her and be a good father to his children. Pero mapagbiro ang tadhana at noong akala niyang natutunan niya nang mahalin si Ruth, someone came along and made him feel love again. He realized he was just fooling himself at hindi niya kayang mahalin ang asawa and hasn't completely healed yet. Lalo na nang kasabay ng pag gulo ng buhay niya, ay siya ring pagbabalik ni Tessa. Sino sa tatlo ang pipiliin niya?

chap-preview
Free preview
One
Nagulat si Lirio nang tawagan siya ng ina at ayaing kumain sa labas. Simula bata siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong lumalabas sila ng pamilya. Tuwing may okasyon lang at ang ama niya ang laging nag-aaya. Simula kasi nang sumama ang ama sa ibang babae nung bata siya ay nagulo na ang pamilya nila. Kahit bumalik sila ng ama sa bahay ay hindi na naayos ang kanilang pamilya. Naging cold na ang mga magulang sa isa't-isa. Alam niyang kaya lang naman bumalik ang ama ay dahil nagkasakit ang lolo niya. Naisip niya tuloy na kung kaya sila ang pinili ng ama at hindi ito sumama sa kabit noon, magiging masaya kaya sila?  Nagulat si Lirio nang madatnan ang kapatid na si Lhira na naghihintay din sa labas ng starbucks malapit sa building ng kompanya nila. "Lhira, kasama ka pala." Nakangiting niyakap nito ang kapatid. "Kumusta?" Halatang nagulat si Lhira. "Akala ko ba nasa amerika ka?" Saglit na natigilan si Lirio at hindi alam kung ano ang sasabihin. Bakit ba kasi siya nagpakita dito? Hindi niya naman alam na sasama ito. "Kakauwi ko lang. Pero ayoko pang bumalik sa trabaho." Napasimangot si Lhira pero hindi na nagsalita pa. Masaya silang nagkwentuhan ni Lhira pagkatapos umorder ng inumin. Sakto namang naubos nila ang kape nang dumating ang ina nila. Mukhang masaya ito. Sa unang pagkakataon ay nakita nilang masigla ang ina. Taliwas sa ina na nakalakihan nila na laging umiinom at wala nang ginawa kung hindi magkulong sa kwarto. "Nandito na pala kayo," nakangiting bati nito at niyakap pa sila. Hindi malambing ang mommy nila at napaka-istrikta nito kaya nagtatakang nagkatinginan ang magkapatid. "Ma', are you okay?" hindi nakatiis na tanong ni Lhira na agad namang siniko ni Lirio. "What do you mean?" natatawang tanong ni Ruth na lalong pinagtaka ng dalawa niyang anak. Bihira kasi itong tumawa.  "Tara na, 'ma para mas matagal pa tayong makapagkwentuhan," aya na ni Lirio. "Wait, hindi pa ba dumadating si Rodell? Paimportante talaga iyon kahit kailan," reklamo ni Ruth na ang tinutukoy ay ang asawa. Lalong naguluhan ang magkapatid. Kailan pa naging close ang mga magulang? Magkahiwalay na nga ito ng kwarto. Madalas na hindi na umuuwi ang daddy nila na hindi nila alam kung may bagong kabit. Kapag naman umuwi ito ay laging nag-aaway ang dalawa. Bago pa makasagot ang dalawa ay dumating naman si Rodell. "Sorry, I'm late." "Sana sinabi mo na ayaw mo talagang sumama," patutyada ni Ruth. Tiningnan lang ito nang masama ni Rodell, "Ano ba talaga ang okasyon? Importante ba ito?" Napangiti na si Ruth. "Oo naman. It's our family day. Tara na sa kotse. Ako na ang magmamaneho." Nagkatinginan lang ang mag-aama at walang nagawa kung hindi sumunod kay Ruth. Tahimik ang lahat habang nasa byahe. Si Lhira ay natulog lang habang nanonood ng pelikula si Lirio sa tablet. Si Rodell naman ay tahimik lang na nagbasa ng mga business reports. Mas lalong nagulat ang mga ito nang sa isang amusement park sila dalhin ni Ruth. Naiilang ang magkapatid noong una dahil hindi na sila mga bata. Pero sinakyan na lang nila ang gusto ng ina. Hindi rin naman sila nagkaroon ng pagkakataong mamasyal nung mga bata pa sila. Tila nagbalik sa kabataan ang magkapatid at magkasamang sinubukan ang mga rides. Kasama rin nilang sumasakay ang ina. Noong una ay nanonood lang si Rodell pero kalaunan ay nakisakay na rin ito. Nagpaunlak sila nang humiling ang ina ng family picture. Kinukuhanan din sila ni Ruth habang nakasakay sa rides. Masayang-masaya si Lirio. Kahit isang beses sa buhay niya ay nakasama niya ang pamilya. Hinding-hindi niya malilimutan ang araw na ito. Kahit gustuhin niya mang bumalik sa pagkabata ay huli na. Pero masaya siya dahil nagkaroon sila ng pagkakataong magsama-sama kahit isang araw lang. Maya-maya ay nagreklamo si Lhira na nagugutom na kaya kumain sila sa isang restaurant. Para silang masayang pamilya na nag-kwekwentuhan. Si Rodell ay patingin-tingin lang pero halatang masaya rin. "Kumusta naman ang trabaho mo, Lhira? Hindi ka ba nahihirapan?" nakangiting tanong ni Ruth. "Hindi naman, mommy. Nahihirapan lang ako sa katrabaho ko," sagot ni Lhira. Tawa nang tawa si Lirio. "Wala ka lang kasing love life," tudyo nito sa kapatid. "Bakit ba kasi nagpapakipot ka pa sa kaibigan ko?" Inirapan ni Lhira ang kuya, "Hindi ganoon kadaling magpatawad. Isa pa, alam ko namang iba gusto noon. Baka ginagamit niya lang ako." "Tama ka," makahulugang sabi ni Ruth. "Mabuti na rin iyong nangyari because you were not tied in a loveless marriage." Pinilit ni Lirio na ibahin na ang usapan nang mapansin na bahagyang tinamaan ang ama sa sinabi ng asawa. "Anyway, ang sarap pala ng pagkain dito. We should come here again." "Nag-enjoy din ako," sang-ayon ni Lhira. "Punta ulit tayo dito, Kuya. You owe me." "Oo na," pangako ni Lirio." Napatingin si Rodell sa relo at nahuli naman iyon ni Ruth. "Are you in a hurry, Rodell? Mauna ka na. May sasabihin lang akong importante sa mga bata." "No. It's okay," tanggi ni Rodell. "Nag-enjoy nga din ako. We should do this often. Yung tayong apat lang." Napangiti si Ruth. "Yeah, we should. Although, siguro iba na ang sitwasyon." Hindi na nakatiis si Rodell na tanungin ang asawa. "Ruth, are you sick?" nag-aalalang tanong nito. Napamulagat ang mga mata ni Ruth at natawa ito. "What the hell are you thinking? May malubha akong kalagayan?" Nahihiyang tumango si Rodell. "You were acting weird. Nakakapanibago lang. But I'm glad na inaya mo kami. Naisip ko lang iyong importanteng sasabihin mo. Ano ba iyon?" "I'm not suffering from any fatal condition." Natatawang sabi ni Ruth. "Ang totoo niyan, I'm happy and healthy. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng bagong buhay kaya nagawa ko itong desisyon." Napatingin ang lahat kay Ruth. Naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ng babae. "Well, last week kasi inaya ako ng kaibigan ko na pumunta sa isang rest house para sa retreat." Napaisip si Rodell at nakaramdam ng pagkapahiya. Hindi niya alam na ilang araw ding nawala ang asawa sa bahay. "So I had a chance to reflect over my life. Naisip ko na life is too short. If something is not working in your life, you should be brave to walk away." Hinawakan ni Ruth ang kamay ni Lhira at Lirio. "I want you to know na mahal na mahal namin kayong dalawa and we tried to stay together for your sake kahit ang totoo niyan, alam namin ng daddy niyo na wala ng pag-asa ang relasyon namin. It's just sad na being together is not enough to give you guys a happy home. Mas naging miserable nga yata ang pamilya natin. Pero we can't be like this forever. Sana rin huwag niyong isipin na dahil hiwalay na kami, marriages are bound to be broken. I want you to believe na may forever. Kung hindi man sa pamilya o sa asawa, siguro sa mga magiging anak niyo. I will always be here for you." Napabuntong-hininga si Ruth pero halatang buo na ang desisyon nito. "I'm setting your dad free. Magfa-file na ako ng annulment. Sa tingin ko naman, it's a mutual decision." Tahimik lang ang mga ito na tinanggap ang balita. Halatang hindi na rin nagulat. Si Rodell ay hindi pa rin nagsasalita pero hindi ito makatingin nang maayos sa asawa. Si Lhira ang unang bumasag ng katahimikan. Kahit halatang malungkot ay pinilit nitong suportahan ang mga magulang. "Kaya pala nagpaparty si Mama. Mommy naman. We're not kids anymore. Naiintindihan na namin iyon. It's time for you and dad to be happy. Huwag niyo na kaming alalahanin." "Expected na namin iyon," sabat naman ni Lirio na halata rin ang lungkot. "Pero salamat dahil you tried to stay until nagkaroon kami ng sariling buhay ni Lhira. We're happy for both of you. Kung iyon talaga ang desisyon niyo, masaya kami at susuportahan namin kayo. You both deserved to be happy sa kabila ng mga nangyari." Masayang niyakap ni Ruth ang mga anak. "Salamat. Don't worry, we will still go out as a family. And me and your dad are going to be friends and still business partners. I think mas magiging maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa ngayong malaya na kami." Napatingin naman ang lahat kay Rodell na kanina pa walang kibo. Ngumiti lang ito. "So, tara na. Mukhang may lakad pa ang papa niyo." "Ako na ang mag-dadrive," presinta ni Rodell. Nang maihatid si Lhira at Lirio sa kani-kanilang mga bahay ay umuwi na ang mag-asawa. Nagtataka naman si Ruth dahil hindi sa Villareal company pumunta si Rodell. May penthouse kasi ito sa top floor ng kompanya at madalas ay doon ito nag-iistay. Dumeretso sila sa Elizabeth Gardens kung nasaan ang malaking mansyon ng mga Villareal. "Hindi ka ba sa penthouse matutulog?" tanong ni Ruth. "Sana dumaan ka muna roon at ako na lang ang nagdrive pauwi. Kaya ko naman." "Ihahatid na kita," iyon lang ang sagot ni Rodell. Seryoso lang itong nakatingin sa daan. Tahimik ang mag-asawa hanggang makarating sa bahay. Bababa na sana si Ruth pero hindi niya mabuksan ang pinto ng kotse. "Rodell..." "I didn't know you were filing for annulment," seryosong sabi nito. Hindi niya alam kung galit ito o natutuwa sa ginawa niya. "Wala iyon," nakangiting sabi ni Ruth. "Ayoko ring pahabain pa ang paghihirap mo. You're free to date anyone now. It's time for you to be happy. I'm sorry dahil ngayon ko lang ito nagawa. I should have done it sooner." Napatingin si Rodell sa asawa. "You didn't even ask me if I want to end this marriage." Hindi alam ni Ruth kung ano ang sasabihin. Hindi ba dapat natutuwa ito? Ito naman ang sumira sa relasyon nila dahil sumama ito sa ibang babae. Hindi lang isang beses. At imbes na gumawa ito ng paraan para ayusin ang pagsasama nila ay inilayo lang nito ang sarili. "For Christ sake, Ruth. Hindi na tayo mga bata. Could you just stay married to me hanggang sa mamatay tayo? Ilang years na lang ang ilalagi natin sa mundo. Gagawa ka pa ng eskandalo. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?" galit na sabi ni Rodell. Hindi makapaniwala si Ruth sa narinig. Masyado nang naging miserable ang mga buhay nila tapos ibang tao pa rin ang iniisip nito. "Kahit kailan sarili mo lang ang iniisip mo," Nag-init ang ulo ni Ruth. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Sa papel lang naman ang so-called marriage natin. As far as I know, I was never your wife. Malaya ka nang sumama sa mga kabit mo, Rodell. And you're right. Konting panahon na lang ang ilalagi natin sa mundo. Ayokong sayangin ang natitira ko pang oras. I could still enjoy my life. Ikaw, bahala ka na sa gusto mong gawin." "So, anong gusto mong mangyari? Mapawalang-bisa ang kasal natin? Tapos ano? Maghahanap ka ng bago? Sabihin mo nga, is there someone else?" sumbat ni Rodell. "I'm only forty four, Rodell. Makakahanap pa ako. Magpasalamat ka nga ngayon lang ako maghahanap kung kailan maghihiwalay na tayo at hindi habang kasal ako sa'yo." Katwiran ni Ruth. "Hindi ba dapat, magpasalamat ka sa akin? Dahil kahit gusto mo na akong iwan noon, hindi mo magawa dahil natatakot kang husgahan ng iba. So I'm doing you a favor, ako na ang gagawa para ikaw ang maging martyr." "Hindi ko kayo iniwan kahit naging miserable ako. I fell in love twice pero kayo pa rin ang pinili ko. Ano pa bang kulang, Ruth?" Hindi nakasagot si Ruth. Alam niyang sinisisi siya ni Rodell dahil wala ito sa tabi ni Tessa nung mga panahong kailangan nito ang lalaki. Kahit naman papaano ay nagi-guilty din siya. Pero alam niyang wala siyang kasalanan. "Hindi kita pinilit bumalik, Rodell. Alam mo iyan. You came back for your father. Alam mo ba, si Lirio lang talaga ang gusto kong bumalik noon. Pero when he came back, iba na ang nanay na gusto niyang makasama." "Ruth..." bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Rodell. Pinilit ngumiti ni Ruth at inayos ang sarili. "Tama na ang diskusyon. Ipapadala ko na lang ang papel sa'yo bukas. Please cooperate para mas mapabilis ang proseso." "I'm not signing that," matigas na pahayag ni Rodell. "Then don't. Marami naman akong pera. Kahit ibenta ko ang shares ko sa kompanya, gagawin ko, mapawalang-bisa lang ang kasal natin." Iyon lang at pinihit na ni Ruth ang automatic button na malapit sa manibela para mabuksan ang pintuan ng kotse. Naiwan namang natitigilan si Rodell.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
482.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

My Godfather My husband

read
269.7K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook