Chapter 1

1423 Words
Chapter • One Panay ang mura ko habang nakaupo sa silya. Naiinis kong pinunasan ang pawis sa aking noo. This is bullshit. I'm here for almost an hour now. Naiirita na ako sa init ng lugar na 'to at sa init ng ulo ko dahil sa lalaking 'yon. Napatayo ako nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang delta at sinenyasan akong lumabas na. Ngumisi ako saka lumakad palapit sa pinto. Mahina kong tinapik ang kanyang balikat. "Thanks, lover boy." I whispered in a teasing manner. Ngumisi naman siya sa narinig. Boys. How typical of you. Tumaas ang kilay ko nang makita ang kapatid kong si Vera. Matamis ang kanyang ngiti habang kausap si Pearce na nakahalukipkip lamang at nakakunot ang noo. Nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin. Pearce clenched his jaw when I winked at him. His eyes narrowed at me. Inayos niya ang salaming suot niya saka niya ibinaling ang tingin sa isa pang delta. Binalingan ko si Vera. Tumaas ang isang kilay ko at makahulugan kong pinasadahan ng tingin ang magaling kong kapatid. Lumapit siya sa akin at akmang yayakap pero kaagad kong hinawi ang kamay niya. Oh, please. Syempre naman magpapakitang gilas na naman siya sa mga tao. The good daughter of the Gallivers. She tried to maintain her composure. Pilit siyang ngumiti sa akin. "Sis, pinapunta ako ni Dad. Ano na naman bang ginawa mo?" She mumbled, trying her best to look concerned. I rolled my eyes at her. "Ano pa ba? Doing what I do best." Humalakhak ako para inisin siya. Napabuntong hininga siya saka hinilot ang sintido na akala mo ay stress na stress siya dahil sa narinig. Tumalikod siya sa akin at muling lumapit kay Pearce. Naningkit ang mga mata ko nang makitang hinawakan niya ang braso nito saka bahagyang piniga. "I'm so sorry. Ako na ang mag-aapologize for my sister's behavior." Matipid na ngumiti si Pearce sa kanya saka bumaling sa akin. "Don't worry about it, Vera. I'm sure your sister will enjoy the prison the next time she'll do something again." Makahulugan niyang sabi. Napairap ako. I shrugged my shoulders in frustration before making my way out. Narinig ko pa ang pagtawag ni Vera sa pangalan ko bago ako tuluyang nakalabas ng pinto. "Meiko, saan ka na naman pupunta! Lagot ka na talaga kay Dad!" Sigaw niya. Imbes sumagot ay itinaas ko ang kamay ko sa ere at binigyan siya ng isang dirty sign. Pagagalitan din naman ako kahit wala akong gawin kaya lulubusin ko na. Kinapa ko ang phone ko sa pantalon ko saka dinial ang number ni Hank. "Hey, darling. Enjoying prison?" Nakakaloko niyang sabi. "Shut up. Nasaan kayo? Come and pick me up at the park." Untag ko. "A'right. We're on our way." Tugon niya bago ibinaba ang tawag. Nilakad ko mula sa quarters hanggang sa park. Pagdating ko ro'n ay nakapark na ang kotse ni Jomyl at naghihintay sa akin. Kaagad lumipat si Hank sa likod at hinayaan akong maupo sa harap. Kaagad humampas sa mukha ko ang hangin dahil sa bukas na bintana. Tahimik lamang ako, ang isang kamay ay nakasabunot sa nililipad kong buhok. Sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagsulyap ni Jomyl. Mukhang napansin na niya ang iritasyon ko. "What's wrong? Anong nangyari sa quarters?" Untag niya. Marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga. Kunot ang aking noo dahil sa inis. "Bwisit 'yang Pearce na 'yan. Akala mo kung sino. Isa pa 'yang si Vera. Nagpakitang-gilas na naman kanina. Akala mo naman kung sinong matino. Kapag nalaman ni Daddy 'yang taglay na kalandian ng panganay nila ewan ko na lang." Inis kong sabi saka hinampas ang dashboard. Mahinang humalakhak si Hank mula sa likod. "Si Vera pa ba? Alam na alam na natin ang ugali no'n kaya nga mas gusto ka namin. Hindi ka kasing plastic ng kapatid mo. Tsaka kapag sinumbong mo 'yon kay Beta Oliver, tingin mo ba papaniwalaan ka niya eh ikaw ang dakilang sinungaling at maldita ng pamilya niyo? Oh, come on." Untag niya saka prenteng humalukipkip. Mahinang tinapik ni Jomyl ang balikat ko. "Tama na 'yan. Tara na lang sa Menace. Shot lang katapat niyan." Hindi na ako kumibo. Hinintay ko na lang na makarating kami ng Menace. Nang maipark na ni Jomyl ang sasakyan ay lumabas na si Hank at pinagbuksan ako ng pinto. Malawak ang ngiti niya nang akbayan ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lamang siya sa'kin. "Chill. We're bros, right?" He mumbled. Hinampas ko ang dibdib niya. "Bros bros ka diyan chumachancing ka lang kamong ugok ka. Umuwi ka na nga ng Astrid!" Nagkamot siya ng kanyang batok. "Ayoko pa. Hassle do'n. Dito muna ko. Mas may thrill dito." Untag niya saka ako hinila papasok ng Menace. Nakakahilo ang patay-sinding ilaw at ang malikot na paggalaw ng neon lights. Dumiretso kami sa pwesto namin, malapit sa DJ at isa sa mga VIP couch. Pabagsak akong naupo at ipinatong ang mga paa sa mesa. Sinuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. "Get me the usual, Jomyl." Untag ko. Tumango lamang siya saka sumenyas sa isa sa mga waiter. Nang mailapag ang beers namin ay kaagad kong dinampot ang sa akin at tinungga ito. Habang umiinom si Jomyl ay mataman niya akong tinignan. Kumunot ang noo niya nang makitang halos makalahati ko kaagad ang laman ng bote. Inilapag niya ang kanyang bote sa mesa. "Hinay-hinay ka nga lang, Meiko. Kami ang malalagot sa tatay mo kapag umuwi ka na namang lasing eh." Untag niya bago sinubo ang hawak na pulutan. Ngumisi ako saka pabalang na inilapag ang bote sa mesa. "Ano pa bang bago? Palagi naman tayong damay-damay. Wala namang matino sa'ting tatlo." "Matino naman ako. Ako ang pinakamatino sa'ting lahat." Nakangising sabi ni Hank bago tinungga ang kanyang beer. Natawa kaming dalawa ni Jomyl saka napailing. Dumampot ako ng chips at ibinato kay Hank. "Ikaw, matino? Huh. Si Baron kamo ang matino hindi ikaw." Naningkit ang mga mata ni Hank sa'kin. "We're twins. We're just the same." Untag niya. "No you're not. Ang layo kaya." Ani Jomyl. Muling tinungga ni Hank ang kanyang beer. "Edi wow." Natatawa niyang sabi. Alam naman ni Hank ang bagay na 'yon. Baron is his total opposite. Kung si Hank ay puro kalokohang gaya ko, si Baron naman ang siyang matino. He's not a talker unlike Hank. Madalas lang na seryoso ang mukha niya at maririnig mo lang siyang magsalita kapag mahalaga ang sasabihin niya. Muli kong tinungga ang beer ko saka ito inilapag sa mesa. Nagbukas ulit si Jomyl ng panibago saka ito iniabot sa'kin. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo ko. That man really got into my nerves. I can't get that scene out of my mind. "Are you thinking about Vera or someone else?" Ani Jomyl. Nabaling ang tingin ko sa kanya. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking buhok. "Naiinis talaga ako sa Pearce na 'yon. Akala mo kung sino." Humalakhak si Hank. Nilaro-laro niya ang natitirang alak sa kanyang bote. "Ano bang ginawa sayo at galit na galit ka?" Umirap ako. "Basta. Nabubwisit ako sa kanya. Magsama sila ng magaling kong kapatid." Asik ko saka tinungga ang beer. Napailing si Hank habang tumatawa. "Jomyl, wanna have your money back?" Untag niya. Lumandas ang isang ngisi sa labi ni Jomyl sa narinig. Ipinatong niya ang mga braso niya sa sandalan ng couch. "How?" Lumawak ang ngisi ni Hank nang ibaling niya ang tingin sa'kin. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa kanyang mga tuhod saka ikinalso ang baba sa kanyang magkasalikop na palad. "One month. Kapag naakit 'yang Pearce na 'yan, ibabalik ko ang pera ni Jomyl. Kapag hindi mo naman nagawa, ibibigay niya sa'kin si Jambie." Ani Hank. Nagtaas-baba pa ang kanyang mga kilay. "Woow, hold on. f**k you, huwag mong idamay si Jambie sa usapan. Kakapaset up ko lang sa kanya." Ani Jomyl na nakaturo pa ang daliri kay Hank. Humalakhak si Hank. "Kotse lang 'yan. Ang dami mong pera, kaya mong bumili. Wala ka bang tiwala kay Meiko? Sino bang lalaking kayang tumanggi diyan?" Tumaas ang kilay ko. Ngumisi ako saka humalukipkip. "Oo nga naman, Jomyl. Don't you trust me?" Hindi kaagad nakakibo si Jomyl. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Damn it!" Muli siyang sumandal sa backrest ng couch. Tumingin siya sa akin. "I trust your pride, not you. Alam kong handa mong gawin lahat para sa pride mo pero utang na loob, Meiko. Si Jambie ang syota ko. Ayusin mo ha?" Tumamis ang ngiti ko. "Oo naman." Muli kong kinuha ang bote ng beer saka tinungga ang natitirang laman nito. Inilapag ko ang bote sa mesa saka ako tumayo. Inayos ko ang aking jacket saka sila nginitian. "Before the thirtieth day, I'll make sure that guy is already crazy over me. Mark my word."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD