PART 2

1921 Words
"Oh, ba't hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo?!" puna ni Aling Corazon sa kanya, ang nanay niya. Napangiwi si Kirsten. Paano ba siya makakakain? Kung naaalala niya hanggang ngayon 'yung PROOOTTTTTT na 'yon kahapon. Kadiri talaga! Yuck! Ew! Actually, type rin nga pala siya ng lalaking 'yon. Kinukuha nga raw kay June 'yung number niya, pero jusko! Turn off na turn off na siya, noh! "Ayaw mo ba ang ulam? Ipagluluto kita ng iba?" sabi ng nanay niya. Akala yata, eh, may sakit siya. "Hindi na, nay. Wala lang kasi akong gana," sagot niya. Hotdog at pritong itlog ang almusal nila. Mga paborito niya sanang almusal pero hindi niya kayang kumain pa sa ngayon talaga. Hindi naman siya masilan, pero ewan ba niya. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Sabi na nga ba niya at ito ang iniisip ng kanyang nanay. Pero hayaan na lang niya kaysa naman ikwento niyang may tumae na hindi niya makalimutan. Yuck ulit! Urgh! "Hindi naman po, nay. Parang hindi pa kasi ako natutunawan sa mga kinain ko sa binyagan kahapon," kaila niya sabay tayo. "Sa kuwarto muna ako, nay," saka paalam niya. Walang pasok ngayon sa school dahil bakasyon na. Sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya, at hanggang ngayon hindi pa niya alam kung anong kurso ang kukunin niya. Pero para sa kanya hindi 'yon problema sa ngayon, ang problema ngayon ay kung paano niya mahahanap ang prince charming niya? Aba'y nakakahiya na kasi! Ano'ng isasagot niya sa mga magiging new classmates niya sa college kapag tinanong siya kung ano'ng pangalan ng boyfriend niya? Oh, taga saan ang boyfriend niya? Oh, ano'ng name ng Ex-bf niya? Walley, ganoon na lang?! Aw! 'Di na uso kaya ngayon NBSB. Ayaw niyang mapagtawanan. "Sige. Sabihin mo lang kung sasama ang pakiramdam mo, anak." "Opo." Umakyat na siya sa kanyang silid. Pabuntong-hininga siyang umupo sa gilid ng malambot niyang kama saka nangalumbaba. Ano'ng gagawin niya? Saan ba niya kasi makikita o makikilala ang prince charming niya? Ba't ba kasi nag-iinarte pa 'yon na magpakita sa kanya? Aisst! Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. Si Joy ang caller. Umasim ang mukha niya. Naalala na naman niya 'yong bastos na lalaking tumae na iyon. Sinisisi niya kasi si Joy. "Huwag mong sabihing may binyagan na naman tayong pupuntahan?!" pabalang na sagot niya agad sa pinsan. Humagikgik sa kabilang linya si Joy. Syempre alam nito ang nangyari sa kanya sa banyo nina June. "Grabe ka naman! I-excuse mo na 'yon dahil taeng-tae na siguro 'yung tao na 'yon! Sayang guwapo pa naman!" "Tse! Alam mo bang hindi pa rin ako makakain dahil do'n dahil parang naaamoy at naririnig ko pa rin 'yong prooottttt na 'yon! Yuuuuck talaga! Ewwwww!! Nagkaroon na yata ako ng phobia! Buset!" Natawa na nang tuluyan si Joy. "Oh, siya siya kalimutan mo na 'yon. Ang mabuti pa, sumama ka sa'kin." "Saan na naman 'yan?" "May natanggap akong invitation. Remember Cassy? Debut niya sa Wednesday? Samahan mo ako, ha?" Tumirik ang mga mata niya. Heto na naman sila. And yeah, kilala niya si Cassy syempre, classmate nila iyon, eh. Hindi lang niya naging close. Pero teka lang, chance niya ulit pala ito para makita niya ang prince charming niya. Sa mga pocketbook na nababasa niya, kalimitan sa mga birthday party rin nagkikita ang mga magsing-irog. At naalala niya ang crush niya noong si Jet. Ayiee! Baka makita niya ulit ang binata. At baka siya pa ang prince charming niya. Kinilig at na-excite na naman siya sa mga naisip naisip niya. "Ano sama ka?" "Oo naman!" maliksi na niyang sagot. "Okay kita na lang tayo sa park sa Wednesday?" "Sige sige! Text-text na lang!" WEDNESDAY: Tumatagatok na ang takong ni Kirsten, nababagot na siya kaantay kay Joy. Paano ay mag-iisang oras na pero wala pa rin ang pinsan niya rito sa tagpuan nila, gayong kaninang ka-text niya iyon ay on the way na raw ang dalaga. On the way na next year pa yata ang dating, ay naku! "'Asan ka na bang babae ka?!" usal niya na naiinis na. Lusaw na ang make-up niya, eh. Kanina freh na fresh siya, ngayon nilalangaw na. Pastelan! Kainis pa dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao. Lalo na ang mga kabinataan na nag-uumpukan sa may bandang kaliwa niya. Red dress ba naman kasi ang gown na sinuot niya na hanggang tuhod ang haba na may slit sa tagiliran. Baka akala ng mga lalaking, eh, pakawala siyang babae. Kinabahan siya, pagabi pa naman na. Yay! "Uuwi na lang kaya ako?" Naisip na niya. Badtrip na kasi talaga siya sa pinsan niya. Lalong nadagdagan ang kaba ng dibdib niya nang sa kanang bahagi niya ay may nag-umpukan ding mga kabataan. Ayayayayayy! May rayot pa yatang magaganap, ah?! Nalintikan na! Napapalunok siyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang grupo. Naku! Naku! Kailangan niyang makaalis! Kundi maiipit siya sa rayot! Hindi maipinta ang kanyang mukha na dahan-dahang humakbang muna. "Eiiihhhh!!" saka nagtatakbo na siya. Saktong nagsuguran na ang dalawang grupo. Nakita niya ang public toilet ng park at doon niya naisipang magtago. Nangangatog ang mga tuhod niya. Ano na kaya ang nangyayari sa labas? Nagpapatayan na kaya? "Naku! Naku, Lord! Huwag niyo po muna akong idamay na kunin, hah?! Hindi ko pa nga nararanasang magka-jowa kukunin niyo na agad ako?! Huwag muna, Lord, please please!!" abu't abot na dasal niya. Hindi siya mapakali. Natatakot talaga siya dahil naririnig niya ang kagulohan sa labas. Sigurado nagpang-abot na ang dalawang grupo na iyon. Nang may.. KABLAGGGG!! -tunog na narinig niya. Namilog ang mga mata niya na napatingin sa pinto ng CR. May tumadyak n'on. Lagot! "Eiiiiiihhhh!!" tili niyang mahaba nang pumasok doon ang isang lalaki. "Huwag kang maingay!" Senyas sa kanya ng lalaki, pinandilatan siya ng mata. "Eiiihhhh!!" Pero tili niya pa rin na parang mababaliw at naiiyak na. "Huwag mo akong idamay! Nag-c-CR lang ako rito! Hindi ako kasama sa grupo!" "I said huwag kang maingay!" Tinutukan siya ng baril ng lalaki. "Come on! Relax!" Tinaas niya ang dalawang kamay niya. Tumitili pa rin siya pero wala ng tunog. Pusang gala paano kaya ang mag-relax na sinasabi ng unggoy na 'to?! Tss! Naiiling sa kanya ang lalaki, pagkuwa'y sumilip ito sa labas. Napalatak ito nang makitang may papalapit na pulis sa cr na pinagtataguan nila. Sinara nito ulit ang pinto. Nag-iisip na napatingin ito sa kanya. "Hoy! Virgin pa ako! Kaya kung ano man 'yang nasa isip mo! Huwag mo nang ituloy dahil magkakamatayan tayo!" singhal niya sa lalaki. Niyakap niya ang sarili, at sumiksik sa isang sulok ng CR. Iba agad ang nasa isip niya. Advance siya mag-isip, eh. "May tao ba riyan?" boses na ng pulis. Kitang-kita niya ang pagkataranta ng lalaki. Naging mabilis ang kilos nito. At sa isang iglap ay nasa likod na niya ito. Wadapak! "Open it! But tell to them that you're alone here!" bulong nito sa kanya. Wow! Englisero na gangster pala 'to! Pero wala siyang pake! " Go!" Bahagyang tinulak sa kanya ng lalaki. "Tse!" pero pagtataray niya. "Sino ka para utusan ako! Close ba tayo? Ang kapal m--" Natigilan din siya nang ituktok muli ng lalaki ang baril nito sa mukha niya. "Okay sabi mo, eh! Masunurin naman talaga ako!" kaya biglang kambyo niya. Mahirap na noh! Walang siyang nagawa kundi ang buksan ang pinto ng CR at kausapin ang kumakatok. Lumaki ang mga mata niya nang makita niyang pulis pala ang kumakatok. "Miss, okay lang po ba kayo? Wala po bang pumasok dito na mga mukhang adik?" magalang na tanong sa kanya ng pulis. Magsasalita sana siya, magsusumbong sana siya pero naramdaman niya sa pwetan niya ang dulo ng baril ng lalaki. Shete naman, oh! "Ah.. Eh.. W-wala po, sir. Relax na relax nga po ako ritong umiihi kanina. Bakit may nangyari po ba? May problema po ba? Palabas na nga po ako pero mag-ayos po muna ako ng face," ngiting-ngiti na sagot niya sa pulis, labag man sa kalooban niya. "Ah, ganoon po ba. Wala naman po. Sige po," paalam na ng pulis. Marahang isinara na niya ang pinto ng CR pero naniningkit ang mga mata niyang hinarap ang lalaki. "Bastos!" ta's nagngangalit na bulyaw niya sa lalaki sabay sampal dito. "Aw!" Gulat na nasapo ng lalaki ang pisngi. "An'dami-dami mong pwedeng tutukan puwet ko pa talaga?! Paano kung naiputok mo 'yan?! Eh di ampangit kong mamatay?! Walang puwet!" singhal niya pa. Napakamot-ulo ang lalaki habang nakakunot-noo. Humalukipkip siya. Ang sama pa rin ng tingin niya sa lalaki, kung nakakamatay lang tingin, tigok na ang lalaki for sure! "Sorry if nadamay ka," mayamaya ay mababang boses ng lalaki. "Sorry?! Pagkatapos mo akong tutukan ng tutukan ng baril?!" "Sorry na nga. Naipit lang!" pagsusuplado na ulit ng lalaki. "Tse!" suplada pa rin niya. Wala siyang pake kahit na parang gumagwapo na ang lalaki sa paningin niya habang tumatagal. Kamot-ulo na lang ulit ang lalaki. "Uuwi na ako! Palabasin mo na ako!" "Hindi pa pwede. Baka nasa labas pa ang mga pulis o kaya ang mga kalaban naming grupo." "Wala akong pakialam!" gigil niyang sabi. Humakbang siya pero tinulak siya ng lalaki. Ang nakakainis ay sumandal ang lalaki sa dahon ng pinto. "Aissttt!! Ang malas naman talaga, oh! Kainis!" Sa isip-isip niya. Inis na inis siyang patingin-tingin na lang sa lalaki. Literal na napapa-grrrrrr talaga siya. Nga lang ay wala siyang nagawa kundi ang makipagtinginan na lang ng masama sa lalaki, hihintayin kung kailan siya palalabasin. "Hanggang kailan ba tayo rito, ha?! Forever?!" untag niya nang 'di na makatiis. Tantya niya ay thirty minutes na kasi sila roon na walang imikan. "Walang forever kaya hindi," pamimilosopo sa kanya ng lalaki. "Meron!" sabi niya kahit aware siyang wala namang forever talaga dito sa mundo. Lahat nawawala, lahat kumukupas. At para sa kanya, si God lang ang forever o may forever. "Mag-antay ka na lang kung ayaw mong mapahamak! Cooperate!" Tinaasan niya ito ng kilay. Aba't pilosopo talaga ang animal! Lalong nag-init ang bunbunan niya. "Excuse me, mister, dahil hindi ko kailangang makipag-cooperate sa'yo!" Supla niya rito. "And excuse me ulit, dahil hindi ako pwedeng mag-antay! Alam mo bang may party sana akong pupuntahan ngayon?! Na kung hindi mo ako ikinulong dito ay baka nakita at nakilala ko na sana ang prince charming ko roon!" "Prince charming?! Seriously?!" Napakunot-noo ang lalaki. "Oo! Bakit may problema?!" taas ang noo niyang sagot at tanong. Ngumisi ang lalaki. "Asa ka pa! Wala ng prince charming ngayon, oy!" Tumaas ang didbib niya at nanggigil lalo sa inis. "Abaaaa't!!!!" "Saka ang prince charming kung meron man ay hindi hinahanap dahil kusang darating 'yon!" pero seryosong sabi kasi ng lalaki. Siya naman ang napakunot-noo. May sasabihin pa sana siya pero tumayo na ang lalaki at sumilip sa labas. "Sa tingin ko pwede ng umalis," dikawasa'y anito. "Mauna ka na," saka lingon nito sa kanya. "Ay, salamat naman!" aniya na maarteng humakbang. "Excuse me!!" Tinulak niya konti ang braso ng lalaki dahil hindi siya kasya sa lalabasan. Napangisi na lang ang lalaki sa kaartehan niya. Humakbang na siya palayo. "Ingat ka! Pasensya na ulit! Ako nga pala si Sean! Ang prince charming mo!" Pero pahabol na sigaw sa kanya ng lalaki, na ewan niya kung seryoso ba o joke joke lang ang sinabi nito. Takang napalingon siya pero hindi na niya nakita pa ang lalaki. Kunot-noo niyang iginala ang kanyang mga mata. Hanggang sa naramdaman niyang kakaiba na ang t***k ng kanyang puso. "OMG!!" sambit niya na nanlaki ang mga mata niya. "Hindi kaya?! ... Hindi kaya?!... Hindi kaya siya nga ang prince charming ko?!" pagkatapos ay usal niya sa sarili na nasapo ang dibdib............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD