Chapter 2

2012 Words
Chapter 2 Akeem’s Pov: Isang lingo na ang nakakalipas ng magtapat ako ng aking nararamdaman kay Yesya. Naging maayos naman ang panliligaw ko sa kanya. Walang kahit ano ang naging problema maliban na lang sa Kendrick na yun. Ginagawa ko naman ang normal na way sa pangliligaw sa isang babae. Yung magdadala ka ng mga gamit niya, yung uutosan ka niya tapos ako sinusunod ko naman. Talagang ganyan talaga siguro kapag nagmamahal ka diba?kahit na nagmumukha ka nang tanga minsan ok lang basta sa taong mahalaga sayo. At ngayon nga ay dadalawin ko si Yesha sa kanilang bahay. Excited ako na kinakabahan. May dala rin akong bulaklak at chocolate. Makaluma ba ako? Hindi ah! tama lang. ganito kasi ang mga napapanood ko sa mga movies eh. Sa isang lingong panliligaw ko kay Yesha, nagtataka ako kung bakit hindi man lang ako ginagambala ni Kendrick. Mukhang patas siya makipaglabahan ah kasi wala siyang ginagawang pwede kong ikapahamak. Pero hindi!maghahanda pa rin ako kung sakaling may gawin man siya sa akin. Minsan nga may mga nakikita akong mga kalalakihan na nagmamatyag sa aking tuwing magkasama kami ni Yesha. Pero kahit na ganun, hindi naman nila ako ginagalaw o inaano. Kung kayo ang tatanungin, anong mas gusto niyo? Ang makasama ang babaeng nililigawan mo buong araw sa school o yung ihatid mo ang babae sa kanilang bahay pagkatapos ng mga klase? Ako kasi mas gusto ko sanang ako ang maghatid kay Yesha pauwi eh para makasigurado akong ligtas siya makakauwi pero ok na rin na sa buong araw ako ang kasama at kausap ni yesha at si Kendrick ang naghahatid sa kanya parati. Ganun ang set up naming tatlo. Pumayag na lang ako, wala naman akong magagawa eh basta ang mahalaga ay nakakasama ko siya at masaya kaming dalawa. Nasa harap na ako ngayon ng isang malaking gate ng bahay nila Yesha. Nakakamangha ang kanilang gate. Napakalaki at may kulay ginto ito. Pipindutin ko na sana ang doorbell ng may isang daliri ang naunang pumindot dito. Napalingon ako sa aking likuran at laking gulat ko nang makita ko si Kendrick?! Ano naman ang ginagawa ng lalaking to dito? Wag mong sabihing.......simula na ng laban! May dala din siyang mga bulaklak at chocolate. Aba gaya gaya lang? " Oh nandito pala ang taong mapapatay ko ha!." nakangisi niyang sabi sa akin. Medyo nakakaramdam na ako ng takot sa pinagsasabi niya. Kilalang kilala si Kendrick sa mga ganyang bagay kaya hindi malayo na totohanin niya sa akin ang kanyang sinasabi. " Tinatakot mo ba ako?!." pinilit kong maging matapang sa kanyang harapan para hindi niya pag-isipan na duwag ako. Nilapitan niya ako at hinawakan ako sa aking damit at itinaas ako. Mas Malaki at mas matangkad kasi ang gag* kaysa sa akin eh.Inilapit niya ako sa kanya. Mas lalo ko nang naramdaman ang takot sa aking katawan. Inilapit niya ng unti unti ang kanyang mukha sa aking mukha at tinigan niya lang ako ng matalim na para bang nagbabadya ng World War 3. " Ang angas mo ha!, bakit lalaban ka!?" ani niya sa akin. Dugdugdug!! Dugdugdug!! Dugdugdug!! Ano ba tong nangyayari sa akin? Kinakabahan ba ako? Natatakot? Ang bilis ng t***k ng puso ko!. Gulp! Napalunok na lang ako ng laway ko.Sh*t nakatakot ang taong to!. " Oh nandito pala kayong dalawa? Anong pinaggagawa niyo diyan?." ani ng isang boses sa amin. Napatingin kami kung nasaan ang nagsalita at nakita naming ang isang nakangiting mukha ni Yesha. " Ah...eh wala...inaayos ko lang damit nitong lalaking to. " pagsisinungaling niya. Aba matindi tong lalaking to ha!! Wag kang maniwala Yesha! gusto niya akong patayin nyan demonyong yan. "Oh Akeem, bakit ka namumula diyan?" tanong niya sa akin. HA?namumula? paano?anong nangyayari? "Kwan kasi...uhhmmm..mainit..oo mainit kasi dito eh." tanging sagot ko sa kanya. Wala kasi akong maisip na dahilan kung bakit ako namumula eh. Napatingin naman ako kay Kendrick at ngumisi lang siya sa akin sabay kindat..ano naman ang problema nitong lalaking to? Tsk! Tanggaling ko yang dalawang magagandang mata mo diyan eh! " Bakit kasi nandito kayo sa labas? Sige na pasok na kayo." Anyaya niya sa aming dalawa. Naunang pumasok si Yesha sa loob at kami namang dalawa ay sabay na pumasok habang nakaakbay siya sa akin. Ano ba talaga ang trip ng damuhong ito? " Ang cute mo naman palang mamula!" bulong niya sa akin. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin at tinitigan ko lang siya ng matulis. "oh relax ka lang bro!!' ani niya. Nauna na akong pumasok sa kanya sa bahay. Nakakainis ang lalaking to! Hindi ko alam kung anong trip ng baliw na to eh. Pagpasok naming dalawa ni Kendrick, pinaupo kami ni Yesha sa sala at umalis saglit para makakuha daw ng meryenda. Habang hinihintay namin ang pagbabalik ni Yesha, nakatitig lang kaming dalawa. Matalim, nakakasindak, nakakapatay.! Tsk! Kung yan ang gusto mo, hinding hindi kita uurungan. Hindi ako takot sayo! Aaaaarrrrrggghhh Kakainis naman oh. Bakit kasi nandito ang lalaking to!? Wala sanang problema eh! Masosolo ko sana si Yesha kung wala sanang asungot!. Ilang saglit din ay bumalik na si Yesha na may dalang mga pagkain matapos naming ibigay ang mga bulaklak at chocolates na dala naming dalawa. Umupo na rin siya sa gitnang upuan na nakangiti. Hayyssst kung ganyan lang nakikita ko araw araw, mag aaply akong hardinero nila para lang masilayan ang kanyang mga ngiting nagbibigay ng liwanag sa aking umaga!! "Meryenda muna tayo." ani ni Yesha sa amin. " Hindi na kailangan Yesha, Makita ko lang ang mga ngiti mo busog na ako." Sagot naman ni Kendrick. Aba bumabanat ang luko ha! Ako nga rin. "ah Yesha anong oras na?." tanong ko sa kanya. "Mag aalas nyebe na!!bakit aalis ka na?" sabat ni Kendrick. Aba panira to ha!! " Ikaw ba ang tinanong para ikaw ang sumagot?!." naiirita kong tugon sa kanya. "Ah eh, bakit mo tinatanung?" sagot ni Yesha. " Hindi ko na kasi alam ang oras simula nang kinuha mo lahat ng oras ko kakaisip sayo eh!!" booommm..corny ba?hahaha Tsk Narinig kong galing kay Kendrick. " Yesha, pakilakas nga ng aircon niyo." utos ni Kendrick. Aba matindi!inutusan pa si Yesha ha!. "Ha bakit eh napakalamig naman" nagtatakang tanong niya dito. Oo nga ang lamig na nga pinapalakas pa niya? "Pasensya na ha, nag-iinit kasi ako kapag kasama kita eh." sagot niya dito. Ok banat pala yun!. Pagalingan sa banat ang gusto mong kulogo ka ha!!hindi kita susukuhan!! "Ah Yesha, alam mo ba na you can't SM_LE without "I"? you can"t F_NE without "I"?, ang how can you say _ LOVE YOU without "I"? see?"I" am very important but "I" can never achieve "S_CCESS" without "U"!!"mahaba kong banat sa kanya. Napangiti ko naman siya kahit papaano sa aking sinabi. Ok na yun no basta nakikita ko siyang masaya. Wala kaming ibang ginawa ni Kendrick kung hindi ang magbanatan kay Yesha. Tawa lang siya ng tawa sa aming dalawa. Hanggang sa mapagod na kami at sinumulan ng kumain sa kanyang dala kanina. " Alam niyo!ang cute niyong dalawa!. hahahaha" natatawa niya sabi sa amin. Ano daw ang sabi niya? Cute kaming dalawa? "Pasensya ka na Yesha pero nagkakamali ka yata, ako lang ang cute itong lalaking to halimaw." sagot ko naman kay Yesha. " oo nga halimaw ako Yesha...halimaw ng kagwapohan!" sagot naman ni Kendrick. Aba! May kayabangan din pala tong lalaking ito ha!. " Alam niyo! Kayong dalawa! Bagay kayo!hhahaha" natatawa na naman niya sabi sa amin!. Ano daw? Bagay kami? hindi yata nakainom ng gamot si Yesha ngayon ha!!delikado na!!. "No way!." matigas kong tugon sa kanya sabay tingin kay Kendrick na nakangisi pa na nakakaloko. "Parang kayo nga ang nagbabanatan kanina eh.ang cute niyong tignang dalawa hahaha."dagdag pa niya.. Nasan ba ang mga gamot ni Yesha? hindi yata talaga nakainom ng gamut eh. Nang matapos kaming magmeryenda, nagpaalam na ako kay Yesha kasi sasamahan ko pa ang mama ko para mag grocery. " Ah Yesha salamat pala sa napakasarap na meryenda pero kailangan ko nang umalis kasi sasamahan ko pa si mama para mag grocery." pagpapaalam ko sa kanya. "Ah ganun ba! sige salamat din sa mga bulaklak at chocolate ha. sige mag-iingat ka!"umalis na ako sa kanilang harapan at nagtungo sa pinto para lumabas. Paglabas ko ng gate, may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Kendrick na tumatakbo papalapit sa akin. Bakit kaya? May naiwan ba ako kanina sa loob? Tumigil ako sa paglalakad papunta sa sasakyan ko. " Oh bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. " Pwede bang maki sabay sa iyo? Pinaayos ko kasi ang sasakyan ko eh kaya wala akong ginamit papunta dito." ani niya na nakayuko. Aba!matapos niya akong takot takutin at kung ano ano pa ang pinaggagawa sa akin kanina!eto ngayon siya! Makikisabay sa pag-uwi? Tsk At dahil mabait akong nilalang na ginawa ng Maykapal. "Sige kawawa ka naman eh!" sagot ko sa kanya. Sabay na kaming naglakad papunta sa aking sasakyan at di ko alam kung sanay lang siya may naaakbayan oh nang-iinis lang ang lalaking to. Nakaakbay na naman ang gag*o eh!! " Akeem.." pagtawag niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. " Oh Bakit?" tanong ko "Ummhhh pwede bang maging diary na lang kita!!"ani niya. Ha? ano daw? At paano naman ako magiging diary aber?! " Naka drugs ka ba o talagang nakatakas ka lang sa mental hospital? Naku bumalik ka na dun delikadong tao ka!" sagot ko sa kanya. "Eto naman eh panira!!gusto ko kasing ako lang ang may karapatan para mahawakan at ipagbawal na tignan ng iba! Diba ang Diary eh private property?" sabi niya sa akin. Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! ano daw? Tuluyan na yata itong nabaliw eh.malala na itong lalaking to ha!. Kendrick’s Pov: Nandito ako ngayon sa bahay ng nililigawan kong si Yesha. napakaganda niya kaya,sexy, mabait at mayaman din gaya ko.hahaha! Kakaalis ng lalaking kaagaw ko kay Yesha kasi may pupuntahan pa sila ng kanyang ina. Uupo na sana ako ng sumagi bsa isip kung wala pala akong dalang sasakyan na pumunta dito.  Na flatan kasi ako kanina habang papunta ako dito kaya iniwan ko dun sa talyer. "Ah Yesha...alis na rin ako kasi dadaanan ko pa ang sasakyan ko sa talyer" paalam ko sa kanya. "Ah ganun ba?.sige ingat ka rin ha." ani niya sa akin. bago ako umalis, syempre omiscore muna ako. Nilapitan ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi sabay labas sa bahay nila. Nang makalabas ako, nakita ko si Akeem na laglalakad patungo sa sasakyan niya. "Akeem!." pagtawag ko sa kanya. " Oh bakit?" halatang nagtatakang tanong niya sa akin. " Pweede bang maki sabay sa iyo? Pinaayos ko kasi ang sasakyan ko eh kaya wala akong ginamit papunta ditto" ani ko na nakayuko. Tsk narinig ko galing sa kanya "Sige kawawa ka naman eh!" sagot niya sa akin. aba ha!sinong kawawa? ako? Kung hindi lang ako nasiraan, hindi ako mag-aaksaya ng oras para makasama siya. Sabay na kaming naglakad papunta sa kanyang sasakyan niya habang nakaakbay ako sa kanya.Hindi ko alam pero talagang ganito ako.Mahilig umakbay na kung sino sino. " Akeem." pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. "Oh Bakit?" tanong niya "Ummmhhh pwede bang maging diary na lang kita!!"ani ko. "Naka drugs ka ba o talagang nakatakas ka lang sa mental hospital? Naku bumalik ka na dun delikadong tao ka!" ani niya sa akin . "Eto naman eh panira!!gusto ko kasing ako lang ang may karapatan para mahawakan at ipagbawal na tignan ng iba! Diba ang Diary eh private property?"sabi ko sa kanya. Nakasakay ako sa sasakyan ngayon ng lalaking kakompetensiya ko..ewan ko pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Paano ko kaya siya mapapalayo kay Yesha para lubayan na niya kaming dalawa? Malakas naman ang kumpyansa ko na malaki ang lamang ko sa kanya eh pero hindi pa rin ako magiging kampante.. Ano kaya ang gagawin ko? Ipapatay? Ipapa torture? Ipapakain sa mga gutom na leon na alaga ni papa? Paano kaya kung....oo tama...subukan ko nga itong iniisip ko...baka sakaling mawala ang pagtingin niya kay Yesha...kung mangyari yun!masosolo ko na siya!! Good idea Kendrick!ang talino talino mo talaga!. ……………….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD