chapter 3

1457 Words
Discussion. Ang siste, eh wala doon ang utak ko. Iba ang naiisip ko ngayon. Hindi maalis sa isipan ko ang pinagsasabi ni Finlay kanina. Teka, bakit niya nagawang sabihin ang mga bagay na iyon? My goodness! Hindi ba siya aware na nasa harap namin sina Becca nang mga oras na sinabi niya sa akin iyon?! Ano ba kasing pumasok sa kukote ng isang iyon?! Muntikan ko na nga masabihan si Finlay, "Koya, nakadrugs ka ba?" Kaso hindi ko naman magawa. Ang ginawa ko lang ay tinakbuhan ko lang siya. Nakakahiya kaya! Gusto ko nalang tuloy umuwi tas magpapababad ako sa panonood mamaya! Doon ko nalang ibubuhos lahat ng feels ko. Pero ayos din itong si Finlay ah. Lakas ng trip. Ewan ko kung anong nasinghot ng isang iyon. Bulag ba iyon o hindi lang marunong umiitindi? Kitang kita naman nag ebidensya sa mukha ko. Hindi ako maganda, hindi ako seksi, none of the above ang katangian sa isang chicks na babae. Ugh. Bahala na nga. Ayoko munang isipin ang baliw na iyon. Nakakawala ng concentration! * Paspasan ang pag-aaral ko sa Library. Dahil may quiz mamaya. Ayokong bumagsak. Marami akong goals. Gusto ko pang maging doktor kapag nagkataon! Hindi naman ako matalino, masipag lang. Buti nga lang ay naapprove ang scholarship ni Mayor bago ako tumuntong ng kolehiyo. Malaking bagay sa akin iyon. Talagang iniwan ko pa ang Laguna para lang mapadpad dito sa Cavite. Marami ngang nagtatanong sa akin kung bakit iniwan ko pa ang Laguna eh marami din naman daw magagandang Unibersidad. Eh sa ayaw ko, eh. Para naman maiba. Sabi daw medyo malamig daw. May part naman na totoo, pero tuwing gabi lang! Hahaha! Nakatanggap din ako ng text message galing kay Amanda na gagabihin daw siya ng uwi dahil may project daw na aasikasuhin. Understood na iyon. Mag-isa ako mamaya sa dorm. Ang problema ko ngayon, ano ang kakainin ko mamayag dinner? Hmmm... Nakuha ng aking atensyon nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa aking tabi at binasa ang mensahe. FROM UNKNOWN : Pasha, Finlay here. I'll wait for you. 7 ang out mo, right? Nasa Parking Lot lang ako. Medyo kumunot ang noo ko. W-what? How come did he know my number?! TO UNKNOWN : Papaano mo nalaman ang numero ko?! Talagang may exclaimation point pa para damang-dama niya ang pakiramdam ko ngayon! Kaloka siya! Wala naman nagsasabi na hintayin niya ako. FROM UNKNOWN : Nakuha ko kay Naya ang number mo. I didn't know she's your friend well that's a good thing. Laglag ang panga ko sa aking nabasa. W-what? Nakuha niya kay Naya ang number ko?! Naya naman, bakit binubugaw mo ang kaibigan mo? Bakeeeet?! Pagkatapos ng klase ko ay mabilis agad kong sinilip ang Parking Lot kung naroroon pa ang sasakyan ni Finlay. Napalunok ako. Naroon nga siya. At talagang nasa labas pa siya't nakahalukipkip. Pupuntahan ko ba o iindiyanin ko? Pili, Pasha. Pili! Biglang tumunog ang cellphone ko. Literal nanlaki ang mga mata ko dahil tawag iyon at hindi text. And guess what kung sino ang tumatawag, it's Finlay Manius Ho for Pete's sake! Arghh. Awtomatiko kong nasagot ang tawag. "H-hello?" "I saw you, babe. Don't try to hide." Then I heard his chuckled. Like, what the hell?! Isang supladong tulad ni Finaly Manius Ho, tumatawa?! "Huwag kang gumalaw d'yan." Sabi niya. "H-ha?" Pero bigo ako. Hindi ko na siya marinig sa kabilang linya pero hindi naman nakapatay ang tawag. "Hoy, Finlay!" "Yes, babe?" Halos matalon na ako sa gulat nang marinig ko ang boses niya. Not through call pero sa personal! What the?! "Bakit ba ang hilig mong manggulat?!" Halos masigawan ko na siya. Tumaas ang isang kilay niya. "Oh, my babe doesn't like suprises?" He asked. Imbis sagutin siya ay umingos ako. "Huwag mo na nga ako sundan. Uuwi na ako." Ako naman ang nagtataray ngayon. Pero tagumpay niyang nahawakan ang pulsuhan ko. "A-anong..." "Ayokong umuwi ka ng mag-isa." Sabi niya. "Ayokong mapahamak ang magiging girlfriend ko. Sumabay ka na sa akin, atleast you are safe." "Papaano ako mapapahamak, aber? Sa kapangitan kong taglay, paniguradong walang papatol sa akin--" "Meron. Ako." Then he smile. "But I'm harmless, babe. Don't worry." I don't know but it makes me stunned. Siraulo ka talagang Finlay ka. Weeeyt. Hindi pa ako ready! Hindi ako ready sa mga banat niya. "It's dinner time. I know you are now straving." * So iyon nga, take out mula sa Mcdo ang ginawa namin. Hindi pa siya nakuntento. Imbis sa dorm na ako didiretso, hindi. Nagstroll daw kami. Sinabi ko nga sa kaniya na masasayang lang ang gas niya. Aba, ang sagot ba naman sa akin, it doesn't matter daw basta daw kasama niya daw ako. Ay, nabubuang na talaga ang isang ito. "Teka nga, wala ka bang gagawin sa inyo? Wala ka bang homework o project man lang?" Tanong ko sa kaniya habang nanguya ako ng fries, nasa loob kami ngayon ng kaniyang sasakyan. Nagdadrive siya at ewan namin kung saan na naman kami mapapadpad ng isang ito. "Tapos na. Tinapos ko na siya habang nasa school ako." Nakangiting sagot niya pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa kalsada. Ahh, kaya pala ang lakas ng loob niyang dalhin ako kung saan-saan. Ay, talaga naman! Biglang tumunog ang cellphone ko. SInilip ko kung sino ang tumatawag. Si Amanda! Hindi ako nag-alangan na sagutin iyon. "Yes, Amanda?" "Nandito na ako. Wala ka pa. Nasaan ka?" She asked. Ngumuso ako't bumaling kay Finlay. "Kasama ko si Finlay. Kasalakuyan niya akong kinidnap--" "W-what?!" Bulalas niya. "Oh my gosh, seryoso?" May kasamang panunukso nang sabihin niya iyon. "Sandali, nagkakamali ka ng iniisip--" "Ay, sorry sa istorbo! Ingat kayo! Umuwi ka ng matino ha? Huwag mo munang isuko ang Bataan!" Tumawa pa siya hanggang sa pinutol na niya ang tawag. Kunot-noo kong tiningnan ang screen ng cellphone ko. Nagtataka ako sa kaibigan ko kung bakit nagkaganyan. Wala akong naiitindihan sa nangyayari ngayon. "Who's that?" Biglang tanong ni Finlay sa akin. "Si Amanda ang tumawag. Ewan ko sa isang iyon bigla akong binabaan." Sabi ko. Ibinalik ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag saka dumungaw sa window pane. "Pasha," Agad akong bumaling sa kaniya. "Oh?" "Are you free in Sunday?" Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Wala naman akong gagawin ng araw na iyon. Bakit?" Saka humigop ako ng softdrinks. "I want you to come with me. Let's have a date." Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. "D-date?" Bago man siya sumagot ay umilaw ang pula sa traffic lights. Tumigil siya't tumingin siya sa akin sa wakas. "Yeah. Manliligaw mo na ako. And soon to be your boyfriend." "Hoy, wala akong natatandaan na pumapayag na akong magpaligaw sa iyo." Angal ko pa. He beamed at me. "Then why are you here with me?" Ngumiwi ako. "Eh sa hinatak mo ako. Siraulo ka din, ano?" Mahina siyang tumawa. "Yeah yeah. Well, wala akong choice para lang sumama ka sa akin." Then he tapped his fingers in a steering wheel. * Hanggang sa nagawa na nga niya akong ihatid sa mismong labas ng dorm. Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin. Hm, gentleman... "Salamat sa libre." Sabi ko. "It's my pleasure, babe." Hindi mawala ang ngiti niya. Kanina pa 'yan noong sinundo niya ako sa building kung nasaan ako. "So, I'm looking forward for our next date." "Oo na. Tss." I looked away. "Ingat ka nalang sa pag-uwi." Nilagpasan ko na siya habang inaayos ko ang pagkasublit ng bag sa aking balikat. Habang nagpapakawala ako ng hakbang palayo sa kaniya, parang may mali. Hindi ko lang matukoy kung ano. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang... Parang nalulungkot ako na ewan? So what, Pasha? Ngayon mo lang naman siya nakilala, ah? Ano bang problema mo? Kusa akong huminto sa paglalakad. Mahigpit akong humawak sa strap ng aking bag. Nilingon ko si Finlay kung nasaan ang direksyon niya. Napalunok ako nang nagtama ang mga mata namin. Seryoso siyang nakatingin sa akin na parang kakapusin ako ng hininga sa lagay na ito. "Why, babe? There's something wrong?" Akmang lalapitan niya ako nang itinapat ko sa kaniya ang aking palad para pigilan ko siya. Mabuti nalang ay sumunod siya. "P-Pasha..." "Bakit..." Kusang lumabas sa aking bibig ang salita na iyon. "Bakit ginagawa mo ang bagay na ito, Finlay? B-bakit sa dinami-dami ng babae na naghahabol sa iyo, bakit ako pa?" Halos mapiyok na ako. Natatakot ako. Natatakot ako na baka sa unang pagkakataon na iibig ako, masasaktan lang ako ng sobra. Madami na akong napapanood at nababasa na tungkol sa mga ganoon pero parang ayaw kong maramdam ko iyon. Humakbang palapit sa akin si Finlay. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at walang sabi na dinampian niya ng halik iyon. "What I did is... I believe you are meant to me, Pasha." Namamaos niyang sabi. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Sagutin mo lang ako ngayon, ibibigay ko lahat-lahat, Pasha. Sa oras na maging akin ka at iyo na ako, ikaw na ang gagawin kong mundo. Kung ano ang gusto mo ay gusto ko na din. Kung ano ang desisyon mo ay magiging desisyon ko na din."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD