PART 3

596 Words
"Marjorie, ano ang balita?" tanong ni Aileen sa gitna ng paghahagulhol. Panay ang tawagan nila ni Marjorie tungkol sa balitang pagkawala ng eroplanong sinakyan ng asawa kasama ang iba nilang kaibigan. Ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin silang alam kung ano na ang nangyari sa pitong magkakaibigan. "Mare, relax lang. Mahahanap din natin sila. Baka kung mapa'no ka riyan," nag-aalalang sabi sa kanya ni Marjorie sa kabilang linya dahil sa pagbubuntis niya. Pero pa'no siya magre-relax kung nawawala ang kanyang asawa? Jusko! Iyak siya nang iyak dahil wala man lang maibalita sa kanya tungkol kina Noel. Gusto niya namang kumalma para sa kalagayan niya, para sa baby nila ni Noel sa sinapupunan niya, sumasakit na nga ang tiyan niya kakaiyak, eh, pero hindi niya talaga kasi mapigilan. Labis-labis na talaga ang pag-aalala niya sa kanyang asawa. Buti na lang at nang matapos silang mag-usap ulit ni Marjorie ay dumating na ang mga magulang niya at mga magulang ni Noel pati na ang mga kapatid niya at mga bayaw at hipag niya. "Noel! Huhuhuhu!" kaso ay mas nag-iiyak naman siya nang makita niya ang mga ito. "Anong nangyari?" Ang tanong nilang lahat sa kanya pero hindi niya muna sila nasagot lahat dahil iyak lang siya nang iyak. *** "Guys, konting tiis na lang!" sigaw ni Noel sa mga kaibigang alam niyang pagod na sa kakalangoy. "May natatanawan na akong lupa!" Lupaypay na ang lahat dahil sa matinding pagod at matinding sikat ng araw. Gayunman ay sinikap pa rin nilang makaahon sa lupa. Ayaw nilang mamatay na gano'n gano'n lang. Narating nga nila ang lupa ngunit nawalan ng malay lahat sila gawa ng matinding pagod. Awa ng Diyos na umabot pa rin sila roon. Bagsak ang katawan nilang lahat na nakadapa habang inaalon-alon ang kalahating katawan nila at nakadarang naman sa matinding init ang kalahati pa. Lumipas ang gabi at muling sumikat ang araw bago sila isa-isang nagkamalay. "Uhmmm.." ungol ni Aliyah. Nasapo nito ang ulo na medyo masakit. Kumilos na rin si Rica. Nagmulat ito ng mata pero muling napapikit ito dahil nasilaw ito sa matinding sikat ng araw. "Where on earth are we?!" anito na napatagilid ng higa at kinusot ang mga mata. Bumangon na si Ruby. Pupungas-pungas ito na inilibot ang paningin sa paligid at anong pagtataka nito sa nakita. Kinilabit nito si Noel na nasa tabi nito. Doon naalimpungatan na rin si Noel. Nasilaw rin siya sa sikat ng araw. "Noel, look? Nasaan tayo?!" Si Ruby na nanlaki ang mga mata sa nakikitang kapaligiran. "Oh my, God!" sambit din ni Aliyah na tuluyan nang nagising. "Ba't ang init?" reklamo agad ni Annie na nagising na rin. Si Noel ay napatayo nang malinaw na makita na rin niya ang paligid. Natulala siya sa 'di makapaniwalang kinaroroonan nila. Si Rica ang nakakita sa medyo malayo sa kanilang sina Licienna at Gilbert. Natutuliro itong lumapit sa dalawa nilang kaibigan at niyugyog ang mga ito. Nagising naman si Gilbert pero si Licienna ay hindi. "Licienna, wake up please?!" kinabahang yugyog ni Gilbert sa dalaga. "Licienna?" tumulong na rin si Rica. Mayamaya pa ay buti na lang at nagmulat na ng mga mata si Licienna. Nakahinga sila ng maluwag. Nayakap nila ito. Kaya lang ay kapansin-pansin ang panghihina ni Licienna. Napahawak ang dalaga sa sugat nito at napapangiwi. Pagkuwa'y maang na nagtayuan na silang lahat. Takang-taka lahat ang mga hitsura nila dahil sa nakakakilabot ang paligid. Isang malawak kasi iyong desyerto! Puro buhangin ang malawak na paligid! Walang ibang makikita kundi buhangin lang! At ang umuusok na init ng araw! "Diyos ko!" kinilabutang nasambit ni Noel..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD