bc

Abstracts of Love (Heartbeats In The Dark Series Book 1)

book_age16+
558
FOLLOW
1.3K
READ
alpha
dark
possessive
fated
goodgirl
luna
tragedy
genius
coming of age
first love
like
intro-logo
Blurb

"He's so good at breaking hearts, he doesn't mind if he'll break his."

Pristine Grimmerson had been crushing on Knight Venzon since she was young. Ngunit nang mag-krus ang landas nila ng ni Chalder Rickfort, nadama niya ang mga bagay na minsan niyang pinangarap maramdaman mula kay Knight. Although she believes in the idea of mates, is she willing to entertain her feelings for Chadler if she clearly knows what kind of reputation he's got when it comes to girls?

Idagdag pa ang walang-kamatayang alitan sa pagitan ng kanilang mga ama dahil lang sa isang simpleng inter-pack tournament.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ONE PRISTINE Some relationship works. Some doesn't. Some hearts move on fast. Some remains shattered for a long time. Siguro dahil hind lahat ng tao ay pare-pareho. Hindi palaging handang sumugal ang bawat nagmamahal. Hindi lahat kasing martir ng tatay ko na handang maghintay...parang siya. I wiped my tears away as I watch him kiss his bride. Mahigpit ang hawak ko sa aking maleta habang pinapanood kung papaanong ianunsyo ng kanilang Alpha ang pangalan niya at ng babae bilang isa. Bakit gano'n? Bakit hindi mo ko nahintay? Was I a little too late or your patience is just a little short? I breathed sharply as I decided to turn my back on them...on him. I have to save myself from falling apart. I have to runaway from this scene. Habang may lakas pa ang mga paa ko para humakbang palayo, lalayo na ako. It was so hard to take my first step. Parang bibigay ang mga tuhod ko habang hila-hila ang aking maleta. I clutched the cloth on my chest as I tried to keep myself from crying but my tears just betray me everytime I try to hold them back. Kaunti na lang, Ris... Kaunti na lang... Dinig na dinig ko ang mga palakpak...pero mas malinaw kong naririnig kung paano niya akong kausapin sa aking isip. "Masaya ka na ba, Ris?" He asked. Huminto ako sa paglalakad. Lumalim ang aking paghinga nang madama ang matinding kirot ng aking dibdib. Mapakla akong ngumiti. Lumandas ang luha sa aking pisngi. "B-Bakit hindi? Y-You're with h-her n-now..." I mumbled in my mind. "This is what you want, right?" He mumbled, tila nanunumbat. Humigpit ang aking hawak sa maleta ko. Marii kong pinagdikit ang aking mga labi habang pilit na pinipigilan ang sariling humagulgol. I took in a sharp breath. "I'm h-happy for you and her..." "Thank you." He mumbled. Hindi ko na napansing nasa likuran ko na sila. Nilampasan nila ako ng magkahawak ang kamay. Para akong mamamatay sa sakit. Pinanood ko silang lumabas ng pinto ng hall saka ko pilit sinalat ang pinakamalapit na upuan. Naupo ako roon at nang maubos na ng tuluyan ang mga tao, tuluyan akong humagulgol. This is what I got from chasing my dream... I lost him. I wish I could just turn back time so I could go back to the day our eyes first met... The day my heart began beating for him. "Ris! Dalian mo! Tinakas ko lang 'tong kotse sa garahe!" Sigaw ni Crayson. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko saka ako lumingon sa kanya. "Oo nandiyan na!" Nicky opened the door on the backseat for me. Malaki rin ang ngisi niya nang makapasok na ako. "So saan tayo? Bawal magpagabi malalagot ako kay Daddy. They'll be back tonight from Rosset." I mumbled. Niliko ni Cray ang sasakyan sa sumunod na kanto at binaybay ang daan patungo sa palabas ng Astrid. "Uuwi tayo bago dumating si Alpha." Untag niya. "Siguraduhin mo, kuya. Kun'di mapapaaga ang uwi ko nito ng Brenther kapag nalaman ni Mommy Ti na hindi mo ipinaalam kay Daddy Baron 'tong kotse." Untag ni Nicky. Nagkamot ng batok si Cray. "Masyado kayong paranoid. Babae nga kayo." "Nasaan nga pala si Gray?" Tanong ko. Nicky grinned at me. "Nandoon na. Guess who's with him." Nagtaas-baba ang kanyang mga kilay. Ginulo ko ang buhok ni Nicky. "Ikaw talaga ang bata mo pa ha malisyosa ka na." "Hindi ah. I'm fourteen. May crush na nga ako eh." She proudly said. "Oo. At bugbog sarado na ang crush mo sa amin ni Gray." Sabat ni Cray. Binatukan ko si Cray. "Tigilan mo nga ang lovelife ni Nicky! Kapag kayong magkapatid ang nag-gi-girlfriend hindi naman namin kayo sinusumbong kay Beta." Ngumisi siya. "Gano'n talaga kapag pogi." I rolled my eyes. "Seventeen pa lang tayo, Cray pero nakailan na ba kayong magkambal?" Nilingon niya ako ng nakataas ang isang kilay. "Si Knight nga walo na." Natigilan ako sa narinig. Biglang namutla ang mukha ko at napaiwas ako ng tingin. "B-Bakit? T-Tinatanong ko b-ba?" Nicky giggled. "Ate Ris, ang cute mo kiligin." "Hindi 'yan kinikilig. Na-broken hearted 'yan." Humalakhak ang gago. Binatukan ko siyang muli dahilan para umaray siya. "Ano ba, Ris! Para kang lalake mambatok!" Humalukipkip ako saka siya tinaasan ng kilay. "Baka nakakalimutan mong alpha ang tatay ko? Natural malakas ako." Hinilot niya ang likod ng kanyang ulo. "Alam mo ang mga tipo ni Knight 'yong mga pa-demure. Mga mahinhin. Mga tipong pati pagtawa kontrolado." Napalunok ako. "S-Sino bang nagtatanong?" "Asus. Kunwari ka pa eh dati mo pa type si Knight." Humalakhak siya. "Kuya, tigilan mo na si ate Ris. Baka gusto mong ipagkalat kong binasted ka ni Yesha?" Tumawa si Nicky. "Hoy, hindi niya ako binasted. Hindi pa lang niya ko sinasagot." Depensa ni Cray. "Ilang months mo na siyang nililigawan kaso hindi ka talaga niya type. Gurang ka na raw." She chuckled. Pati ako ay natawa. "Sasagutin din ako no'n lalo na ngayong kay Chad ako nagpapalakas." Mayabang niyang pahayag. Kumunot ang aking noo. "Kaibigan mo na ang panganay nina Alpha Pearce?" Ngumisi siya. "Oo." "Akala ko masyadong busy iyon? Ni hindi ko pa nga na-meet iyon." Tugon ko. "Hindi kasi mahilig sa party 'yon kaya kapag naiimbitahan ang pamilya Rickfort sa Astrid, hindi siya sumasama. Si Yesha lang palagi ang kasama nina Alpha Pearce. Mabait naman, kaso 'yon nga. Busy." Sagot ni Cray. "Ilang taon na ba siya?" Tanong ko. "Matanda lang ng kaunti si Knight. Twenty one na yata sa susunod na buwan." Ani Cray. "Matanda na pala." Komento ko. Natawa si Nicky. "Makamatanda si ate Ris pero kay kuya Knight hindi naman." Mahinang natawa si Cray. "Crush nga kasi niya si insan." Napairap na lang ako. "How I wish si Gray na lang ang narito ewan ko lang kung makapag-ganyan kayong dalawa." Imbes tumigil, nagsitawa pa ang mga loko-loko. Magkapatid nga. Nakuha nga yata ang genes ng kanilang tito Hank. Pasipol-sipol si Cray habang nilalampasan namin ang bungad ng Galum. Hindi ako masyadong familiar sa lugar na ito. Ito ang hindi ko madalas puntahang lugar. I've only been here once noong wedding anniversary ni Alpha Pearce at Luna Meiko two years ago. Hindi ko rin na-meet ang kanilang panganay noon dahil ang balita ko'y may mahalagang inasikaso kaya hindi na nakahabol sa salu-salo. "Maglalaro ba si Gray ngayong gabi?" Tanong ko. "Oo. Si Knight, hindi mo tatanungin?" Ngumisi siya. Umirap ako at pinaglaruan ang dulo ng brown kong buhok. "Tigilan mo na ako, Crayson. Sisiraan talaga kita kay Yesha." Tumawa siya. "Hindi ka na mabiro." Umiling-iling na lamang ako. Pinanood ko ang tanawin sa labas ng sasakyan. Galum improved since Alpha Pearce became the new pack leader. Iyon ang sabi ni Dad pero sila pa rin ang pinaka-mahigpit pagdating sa mga humans. They don't allow humans to enter Galum that easily. Nang matanaw na namin ang stadium ay ganoon na lang ang excitement na gumapang sa sistema namin ni Nicky. Nick is a big fan of Nexus. Ako naman ay puro practice games lang ang napapanood. Hindi ko natyi-tyempuhan ang mga game talaga dahil sa pag-aaral ko. Pinarada ni Cray ang sasakyan sa parking lot saka kami nagsibaba. Nicky, being the clingy girl she's always been, yumakap sa aking braso habang naglalakad kami. Kahawig niya ang kanyang Mommy. We became bestfriends since our Moms had always been the bff's. Malakas ang hiyawan sa bungad pa lamang ng statium. May mga pumipito, may mga nagtatakbuhan, may mga kanya-kanyang cheer. "Mukhang nag-start na." Komento ni Cray habang nakapamulsa. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok saka niya binasa ang kanyang mga labi bago siya tumingin sa akin. "Ano, pogi na ba? Kasagot-sagot na ba?" Natatawang umiling kami ni Nicky. "Asa..." Napakamot si Cray ng batok. "Tara na nga nang ganahan namang maglaro si Gray. Alam niyo naman. Ako lakas no'n." Mayabang nitong pahayag. "Bromance." Humalakhak si Nicky. Ginulo ni Cray ang kanyang buhok. "Mamaya ka sa'kin, Nick." Tumawa na lamang kami Nicky. Naunang naglakad si Cray patungo sa bleachers. Napakaraming tao at halos nahirapan kaming humanap ng upuan ngunit nang makita naming nag-reserve si Knight ng pwesto para sa amin, biglang kumalabog ang dibdib ko. He's wearing his maroon cap. Ngumunguya siya ng gum habang tamad na nakaupo sa bleachers. Nang makita niya kami ay mabilis niyang sinenyas ang pwestong nireserve niya. Halos ipagtulakan na ako ni Nicky. Oh Geez. Siguradong napaka-pula na ng mukha ko ngayon. ...At lalo pang pumula nang paupuin ako ng dalawa sa mismong tabi ni Knight. Ang lamig ng kamay ko ngunit ang init ng mukha ko dahil sa sobrang lapit namin. Tumigil sa pagnguya ng gum si Knight saka siya ngumisi sa akin. Tinaas niya ang kamay niyang tila nakikipag-apir. "Zup, Ris? Long time no see." He mumbled. Nahihiya kong ini-apir ang kamay ko. Nang maramdaman niyang malamig ito ay kumunot ang noo niya. Dinikit niya ang likod ng kanyang palad sa aking pisngi. "Init mo. May sakit ka?" Kunot-noo niyang tanong. Para akong tanga na nakatulala sa maganda niyang mga mata habang nakatingin din siya sa akin. This is the closest I ever been to him...oh God, I'm gonna die. Naririnig ko sa background ang mga hiyawan. May mga sumisigaw ngunit nanatiling nakatitig ang mga mata ko kay Knight. "f**k! I said get the hell out of the way!" Dinig kong sigaw ng isang hindi pamilyar na boses. Hindi ko pa rin pinansin iyon ngunit mayamaya'y naramdaman ko na lamang na tila may papalapit sa akin. Nang lingunin ko ang direksyon ng field ay ganoon na lang ang gulat ko. The ball was thrown on my direction...and someone with fierce-looking brown eyes and perfect jaw line that's clenching right now run towards me to stop tbe ball from hitting my face. Huminto ang kamay niya ilang pulgada ang layo mula sa aking mukha. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko sa gulat. I was almost hit. Isang rule ng laro ay bawal hawakan ng sinoman maliban sa players ang bola...at kung hindi siya ang pumigil, natamaan na ako. Naningkit ang mga mata sa akin ng lalake. Umigting ang panga niya. Mayamaya, ipinatong niya ang isa niyang binti sa upuan saka niya nilapit ang mukha niya sa aking mukha. Napalunok ako nang makita ang inis sa mukha niya. He's gazing at me like a furious wolf ready to tear its prey apart. Mayamaya'y bigla na lamang niyang tinaas ang baba ko gamit ang kanyang dalawang daliri. Tumaas ang kanyang kilay habang nakatitig sa aking mga mata. "Next time, huwag tatanga-tanga kapag nanonood ng game...Grimmerson." He mumbled on his baritone voice. Natulala ako nang marinig ang sinabi niya. Binitiwan niya ang aking baba saka siya lumundag pabalik ng field. Napatayo ako nang makita ang apelyidong nakasulat sa kanyang uniporme. "Rickfort..." I whispered. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at nilingon ako. Napalunok ako nang makita ang pagguhit ng isang makahulugang ngisi sa kanyang mga labi. Oh goodness. I didn't expect Chadler Rickfort to be that... handsome... ...In a dangerous manner.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook