Isa at kalahating oras lang ay nasa Japan na kami. Jethro used his influence upang doon mailagay ang plane nila. They decided to spend the night sa isang hotel pagkatapos nila akong ihatid ni Pavel while Viktor will stay with Nikolai.
Agad ding nakakuha ng sasakyan sina Pavel na ginamit nila upang ihatid ako sa mansiyon ng mga Kaide. Hindi nila ako iniwan hanggang hindi ako nakakapasok sa loob ng malalaking gates ng dalawang naglalakihang mansiyon na ipinatayo pa ng lolo namin. We even swap numbers at sinabi nilang tawagan ko lang sila kung sakaling may mangyaring hindi ko inaasahan.
At habang naglalakad papunta sa unang mansiyon na napapalibutan ng mga tauhan ni Tito Isly, I was silently praying na kahit papaano ay maging maganda ang gagawing pagtanggap nina Tito sa akin.
Papasok na ako sa bulwagan ng mansiyon nang may sumalubong na isang matangkad na teenager sa akin. Nagdikit ang mga kilay ko dahil tila pamilyar siya sa akin gayong natitiyak ko na ngayon pa lang kami nagkita ng taong ito.
"What a pleasant surprise!" Pekeng ngiti ang ibinigay niya sa akin na lalong nagpasalubong sa mga kilay ko.
Tumigil ako sa paglalakad at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Guwapo sana ang batang ito ngunit napakaantipatiko. At bakit siya ang sumalubong sa akin? Siya ba ang bagong butler ng pamilya ni Tito Isly? Isa pa, kung makapagsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ako, ah?
Teka lang.
Siya ba ang tinutukoy ni Tito Jayson na anak ni Tito Miggy?
"Vladimier?" malamig kong tanong sa kanya.
Tumawa siya nang malakas. ‘Yung tipong nakakagagong tawa ba.
Nagulat pa ako nang pagkatapos niyang humalakhak nang pagkalakas-lakas ay bigla na lang siyang nagseryoso na tila ba hindi siya umaktong baliw kani-kanina lang.
"Martenei," tila masusuka niyang sambit sa apelyido ko.
"Excuse me. It's KAIDE-Martenei." I stressed my middle name to make him realize na mas may karapatan akong umapak sa lugar na kinatatayuan naming dalawa.
"Excuse me. It's KAIDE-Martenei!" panggagaya niya sa sinabi ko with all that ngiwi.
I rolled my eyes. Diyos ko, mula sa dalawang pinaglihi sa mainit na uling na iniwan ko sa Pilipinas, isa na namang isip at asal-batang Vladimier ang makikilala ko. Malas yata talaga ang mga Vladimiers sa akin pwera kina Jayden at Zion, of course. Kung hindi ko pinatulan sina Julian at Jayjay, sa kaharap kong Vladimier ngayon ay mukhang makakapatol na ako sa mas bata sa akin.
"Wala akong panahon sa'yong bata ka. Nasaan sina Tito Isly?" Matigas kong sabi sa demonyong kaharap ko.
"What the f**k did you just call me? Bata?!" napipikong tanong nito pabalik.
Lihim akong natatawa sa nakikita kong pagkaasar nito. Hay, nako. Lahi talaga ng mga baliw-baliwan ang pamilya ni Azyra. No wonder.
"Oo, bah-tah. Umalis ka nga sa daraanan ko. Hindi ikaw ang ipinunta ko rito." Pagkatapos kong sabihin iyon ay diretso na akong naglakad at dahil nasa harapan ko siya ay binangga ko ang katawan niya.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang na tila ako lumipad. Ngunit bago pa ako makipagyakapan sa sahig ng mansiyon, sinalo na ako ng demonyo. His arms were around my body with his hand on my neck. Ang mga kasama kong tauhan ni Tito Isly ay nakatangang nanunuod sa amin.
"I could easily paralyze you using this technique like what happened to Sachi, Kenji Martenei." Nagbabanta ang boses na bulong niya sa akin and he spat my name like a poison in his mouth.
"Maaga ko lang sanang nalaman ang pagdating mo, inabangan na kita sa labas at ginawa ito sa'yo. At sisiguraduhin kong makukulong ka rin sa wheelchair." Lalo pang nagdilim ang kanyang mukha pagkatapos sabihin iyon.
Dumiin din ang kamay niyang nakahawak sa batok ko.
"Really?" Nanunuyang tanong ko sa kanya kahit na may takot akong nadarama sa puso ko.
"You know, a real man doesn't spew shitty threats. They do it right away." I looked at him with challenge in my eyes.
Nakita kong lalo pang nag-apoy ang mga mata niya ngunit bago pa niya masagot ang sinabi ko, narinig na namin ang boses ni Tito Isly.
"Damon!"
....
"Thank you, Tito." Pagpapasalamat ko kay Tito Isly pagkatapos niyang personal na asikasuhin ang mga pagkain na nasa harap ko ngayon.
I never thought that he'd be this domesticated, but he is. Sa kabila ng alam kong galit o pagtatampo niya sa akin, siya mismo ang naghanda ng mga kakainin ko. At ngayon nga ay magkaharap na kami sa dining table. Naroon din si Uncle Luis. Ang mga bata pati na rin si Sachi ay tulog na raw. Ang pinsan naman ni Azyra ay pumasok na sa silid na ipinapagamit ni Tito rito.
"Kumain ka nang mabuti, Isly. Pagkatapos mo ay saka tayo mag-usap." Nilingon ko si Uncle Luis at ngumiti rin ng may pasasalamat sa kanya.
Ilang sandali pa ay magana ko nang kinakain ang inihanda para sa akin ni Tito na tila isang buwan akong hindi nakakain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos ay magkakasunod na kaming nagpunta sa kanyang opisina.
"Ibinabalik ko na po ito, Tito. Alam nating pareho na walang maaaring pumantay sa ginagawa mong pag-aalaga at pamamahala sa iniwan sa'yo ni Grand Pa kundi si Sachi lang." Magalang kong sabi sa kanya habang inaabot ko ang papeles.
Tinitigan iyon ni Tito Isly at nang hindi niya ito abutin ay inilagay ko na lang iyon sa harap niya.
"Iyan lang ba ang ipinunta mo rito, Kenji?" Walang halong panunuya ang simpleng tanong na iyon ni Tito kaya ngumiti ako sa kanya.
"Gusto ko rin po na muling humingi ng tawad sa mga ginawa ko noon sa inyo sa Pilipinas, Tito. Masyado lang akong nabulagan sa mga pangyayari, nagpadala sa galit. Ngayon ay sising-sisi ako sa mga nagawa ko. Gusto ko rin pong muling humingi ng tawad kay Sachi. Gusto kong personal na bumawi sa mga nangyari sa kanya. Gusto ko siyang alagaan hanggang sa tuluyan siyang makapaglakad ulit. Gusto ko ring ibalik ang dating maayos na relasyon sa pagitan ng ating mga pamilya." Mahabang paliwanag ko.
"And how about Azyra, Kenji?"
"Hindi ko po itinuloy ang kasal, Tito." May pinong kirot akong naramdaman sa dibdib ko sa alaalang hindi natuloy ang kasal namin ni Azyra.
"Ano?! Bakit?" tanong ni Uncle Luis.
He was genuinely shock of the news I’ve just told them.
"Ayoko pong patuloy na lokohin ang sarili ko, Uncle. Alam, nakikita at nararamdaman ko naman na hindi na kami para sa isa't isa. I will just be more miserable kung ipagpapatuloy ko ang matagal ng tapos na relasyon naming dalawa. Apat na taon na iyong tapos at nagawa na niyang magmahal ng iba higit sa pagmamahal na naramdaman niya sa akin. It's time to be mature about it. It's time na ako naman ang mag-move on," seryoso kong saad.
"Hindi ka na ba galit kay Sachi dahil sa nangyari sa inyo ni Azyra?" It was Tito Isly's turn to ask.
I smiled at him before replying.
"Natabunan na ang galit ko ng pagmamahal ko sa kanya bilang pinsan ko, Tito. Tanggap ko na po na siya na ang mahal ni Azyra. Hindi man kami agad makakalimot sa pinagdaanan naming tatlo, I am here to make amends. Babawi po ako sa mga naging kasalanan ko sa kanya." Pagbibiro ko upang mapagtakpan ang sakit na nadarama ko.
"May kasalanan din si Sachi at maging kami ng Tito Isly mo, Kenji. Hindi namin tiniyak na wala ka ng nararamdaman para kay Azyra sa nakalipas na apat na taong paghihiwalay ninyo. Circumstances didn't allow us para makausap ka. Sa apat na taon na hindi kayo nagkabalikan, inisip naming lahat na talagang tapos na ang naging relasyon ninyong dalawa. Sana ay mapatawad mo rin kami," tugon ni Uncle Luis sa mga sinabi ko.
"Naiintindihan ko po, Uncle. Talaga namang napakatagal na ng apat na taon upang akalain pa na hindi pa rin ako tuluyang nakakalimot. Anyway, that's all in the past now. Ang gusto ko na lang po ay magsimulang muli ng panibagong yugto ng buhay ko. Aaminin ko pong naririto pa rin sa puso ko ang sakit but I know that time heals all wounds. Makakapagsimula po ulit ako na ako lang at hindi na po ako magpapatalo sa heart break ko. I have learned a lot from what had happened."
"I am glad that the incidents that happened made you mature, Kenji. At ‘wag kang mag-alala kay Sachi. He has already forgiven you. It's just that hanggang ngayon ay nagdaramdam pa rin ang pinsan mo. Alam naman naming labis din niyang mahal si Azyra at ayaw niyang makulong ito habambuhay sa piling niya lalo ngayong paralisado na siya."
"Kaya po ako narito, Tito. Gaya ng sinabi ko, tutulong po ako sa abot ng makakaya ko upang gumaling si Sachi. Mananatili po ako ng one month dito at titiyakin ko na bago ako umalis ay magaling na siya, nakakalakad na. Para sa pagdating dito ni Azyra ay siya na mismo ang sasalubing dito." Napatango na may kasiyahan ang mag-asawa sa sinabi ko.
"Kenji, masaya ako na ginagawa mo ang lahat upang itama ang mga naging pagkakamali mo. Sana ay makatagpo ka rin ng tao na higit mong mamahalin kesa kay Azyra."
"Someday, Uncle. I am really hoping na may matagpuan pa akong tao na mamahalin ko ng higit sa pagmamahal ko kay Azyra at mamahalin ako ng katulad niyon."
"Bueno, welcome ka rito kahit ilang buwan mo pang nais na manatili rito sa Japan. Mahal, kunin mo na ang papeles at ipamalita na mananatili sa atin ang pamamalakad ng Yakuza upang matigil na ang gulo." Nagdikit ang mga kilay ko sa sinabi ni Uncle Luis.
"Gulo? Ano pong gulo, Uncle?" May halong pagtataka kong tanong sa kanya.
Matagal na nagkatitigan ang mag-asawa bago ako sinagot ni Tito Isly.
"Mula nang malaman ng mga kalaban naming grupo na magbabago ang pamamahala ng grupo, marami na kaming natatanggap na mga pagbabanta. Mula iyon sa mga grupo na gustong maagaw ang pamamahala sa akin hanggang sa mga grupong nais maghiganti. That's why habang naririto ka, hindi ka maaaring lumabas na walang kasamang mga tauhan ko. It's for your own safety. We've been receiving kidnapping and death threats. Maging ang mga pinsan mo ay nakakulong na lang dito. I do not like to take the risk."
"I'm sorry, Tito. Kundi dahil sa akin..." puno ng pagsisisi ang boses kong panimula.
"Forget it, Kenji. Kahit naman hindi malilipat ang pamamahala sa Yakuza ay araw-araw na kaming nakatatanggap ng mga threats." Bumuntong-hininga siya at pagkatapos ay inabot ang mga papeles.
"Muli ko itong kukunin baka sakaling mabawasan na ang mga threats sa amin. At malalim na ang gabi, magpahinga ka na rin. Halika. Ihahatid ka namin ng Uncle Luis mo sa magiging kuwarto mo," aya niya sa akin.
Magkakasunod kaming nagtungo sa kabilang bahay kung saan naroroon ang mga kuwarto ng mag-anak at ng mga importanteng mga bisita.
"Naririto nga pala ang pinsan ni Azyra, Kenji. Siya ang laging kadikit ng pinsan mo simula nang dumating ang binatang iyon dito," Uncle Luis informed me.
"Actually, they've already met." Napasulyap ako kay Tito Isly nang marinig ko ang amusement sa boses niya.
"Talaga?" Interesado namang tanong ni Uncle.
"Antipatiko po iyong pinsan ni Azyra." Waring pagsusumbong kong sabi kay Uncle Luis.
"Ha? Naku, hindi. Makulit lang ang batang iyon pero hindi iyon antipatiko. Alagang-alaga nga niya ang pinsan mo, eh."
I rolled my eyes sa ginagawang pagtatanggol ni Uncle sa batang pinsan ni Azyra.
"Mabait lang iyon kay Sachi, Uncle. I heard, mag-best friend ang dalawa."
"Ah, oo. Mag-best friend nga sila. Hayaan mo, magkakasundo rin kayo ng binatang iyon."
As if.
Bulong ng isipan ko. Sa ginawi ni Damon kanina, may bumubulong sa akin na hindi lang best friend ang turing ng Damon na iyon sa pinsan ko at patutunayan ko iyon bukas.
Nang maihatid na ako ng mag-asawa sa kuwartong tutulugan ko at maihatid na rin ng isang tauhan nila ang maleta ko ay naupo muna ako at saglit na iginala ang paningin ko sa kabuan ng silid. Hindi man ito kasing-laki ng kuwarto ko sa Pilipinas, kumportable naman ito para sa akin. May TV at personal ref at may aircon/heater din ang buong silid.
I decided na ayusin muna ang mga damit ko sa mga bakanteng cabinets na naroon. Inalis ko sa isipan ko ang paninibago sa paligid ko. Malalim na ang gabi nang matapos ako. Ngunit bago matulog ay naglinis muna ako ng katawan at nagbihis ng pajama bago ako natulog.
...