PROLOGUE

460 Words
PROLOGUE BANNER SILENTLY hopped outside the cottage to breath some air and have some walk. Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang makapunta sa ganoong lugar. Most of the time, he'll spend his days and weeks inside his office, the city hall's conference room and his delegates working place, to perform his duty as the mayor. Marami siyang kinakailangang ayusin sa lugar na nasasakupan niya pati na rin mga bagong projects na kailangang isakatuparan sa kanyang termino. Isama pa ang sikretong katauhan niya sa Un Redentor. He's really packed with so many schedules the whole year round. Swerte na lang siguro na magkaroon siya ulit nang ganoong pagkakataon para makahinga at makapagpahinga sa stress na dulot ng kanyang tungkulin. Tahimik siyang naglalakad sa puti at pinong buhanginan sa may dalampasigan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa kanyang balat at mukha. Mukha mang nasa kanya na ang lahat—pera, kapangyarihan, pribilehiyo at mga ari-arian, pero para sa kanya ay may kulang pa. Just like his cousin Azrael, he's also seeking for justice. Hustisya hindi para sa kanya kundi para sa isang taong mahalaga sa buhay niya na hindi niya nagawang ipagtanggol at iligtas noon dahil sa wala siyang kalaban-laban at wala siyang kapangyarihan. He promised himself that he'll do everything to get the justice his beloved deserves. ‘My love, wherever you are right now, I hope you are happy. I know you are safer in that place and no one can ever hurt you again. I'm still missing you each and every passing day of my life but I keep on going just like what i've promised you and what you wanted me to do.’ Kanina pa siyang tumigil sa paglalakad at kasalukuyan nang nakatingala sa malawak na kalangitan. His life was like the night sky. It seems very bright, alive and happy on the outside but the truth is, it's very dark and lonely on the inside. He let out a deep sigh as he extended his arm upwards, as of trying to hold the brightest star visible on the sky. “Sobrang ganda ng langit, noh? Parang kagaya lang din 'yan ng buhay natin dito sa mundo. Madilim man kung minsan, sa bandang huli may liwanag at ganda pa ring naghihintay at nag-aabang.” Nanlaki ang mga mata niya roon kasabay ng panlalamig niya. Those words were very familiar to him. Narinig na niya ang mga iyon noon! Isang tao lamang ang palaging nagpapaalala sa kanya ng ganoon sa tuwing malungkot siya. Marahan niyang nilingon ang babaeng nasa tabi niya, na nakatingala rin sa malawak na kalangitan habang ang parehong mga kamay ay nakatago sa likuran nito. No! Halos manlaki ang kanyang ulo sa nakikita ng kanyang mga mata.—Andra!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD