Chapter 1: Perez Brothers

2276 Words
Reese's POV "Gotta go now, I'm late!" sigaw ko bago buksan ang pinto ng condo unit namin ni Ramiel. I didn't hear him say a word kaya naman napangisi na lang ako at umalis na. I'm sure Ramiel is still there, hindi niya lang ako sinagot kasi alam niya na pagagalitan ko siya dahil nag-inom na naman siya kagabi kasama 'yong mga kaibigan niya.  He even left some bottles of liquor in the living room that made me even more pissed. He always does things that piss me off. Sino ba kasing nagsabi na kapag kambal mo ay palagi kayong magkasundo? Well, in our case, Ramiel and I always fight over trivial things like this. Pagkarating ko sa school ay mahaba ang pila sa entrance dahil hindi pa rin pinapapasok 'yong mga late at isa na ako roon. Thanks to Ramiel, napuyat ako kakalinis ng living room. Sinusumbong ko naman siya kay Mom at Dad, pero dahil matalino siya at sigurado namang walang maniniwala na lasinggero siya, hinahayaan na lang siya nila Mom. In the end, ako ang napeperhuwisyo. Kainis. Kaya ang ginawa ko, sa likod ako dumaan. I texted Cielo--my bestfriend. Sinabi ko sa kaniya na sa likod ako daraan. Tutal nandoon din naman ang gym ng University kaya advantage ko na rin. Compared kasi sa front gate ng University, mas maluwag dito sa likod. The guard doesn't mind if you're late as long as you carry your school ID with you, you're allowed to enter any time. 'Yon nga lang ay mahigpit naman dito pagdating ng labasan. Pagkapasok na pagkapasok ko ay humahangos na Cielo ang bumungad sa akin kaya napaatras ako. "Reese, dito!" Hinila ako niya ako pabalik sa gate dahilan para halos madapa na ako. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit mo ba ako hinihila? Hindi naman dito 'yong daan papunta sa gym!" asik ko. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya dahil hinihila niya ako papunta sa gate sa likod ng University. Gusto niya yata na lumabas kami, e may practice pa ang team. 'Di bale sana kung palalagpasin pa ni Coach pag um-absent siya, e, siya 'yong captain.  "Nandoon si Henry!" sigaw niya. Nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng campus. "Ano? Ngayon, ikaw pa 'tong nagmamadali!" "Sorry, pero hindi kayo puwedeng lumabas," sabi ng Guard. Sinamaan niya kami ng tingin, samantalang kanina nang pumasok ako ay tuloy-tuloy lang naman ako. "Kakapasok niyo lang, lalabas kaagad kayo?" Aatras na sana kami nang nagpameywang si Cielo sa harap ng guard na para bang handa na niya itong sugurin any time. "Kuya, ano ka principal?" sabi niya na ikinagulat ko. Kahit kailan talaga 'yong bibig ng babaeng 'to, walang preno. "Palalabasin mo kami o--" I cut her off by covering her mouth with my hand. "Cielo!" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng babaeng 'to. Talaga ngang hindi kami palalabasin dahil unang-una, may klase pa kami at kakapasok ko lang. "Pumunta na nga tayo sa gym! Ako na ang bahala kay Henry." She rolled her eyes at sabay na kaming naglakad papunta sa gym. Natawa na lang ako kasi willing talaga siyang i-ditch 'yong practice para hindi kami magkita ni Henry.  Who's Henry? Well, he's the reason why Cielo and I don't want to go to the gym. She knows how badly I want to avoid that guy. No, he's not a bad guy, he's just, you know, bad news?  He's your typical rich and handsome guy who's looking for a girl he's going to fall into. Apparently, the girl he chose was me. I don't know why. One day, nagulat na lang ako, sinasabi na niya 'yong nararamdaman niya para sa akin. Of course, I was shocked. More like, I didn't really expect it to happen. I mean, I'm Reese Buenavella.  He knows exactly who I am. I'm the girl who turned down every guy that tried to persuade me. Alam niya, pero ako pa rin 'yong pinili niya. Sometimes I wonder if it's because of the thrill.  Isang buong linggo ko na siyang tinatakasan. He's been courting me for a year now, pero hindi ko alam kung paano ko siya ulit ite-turn down. Sa limang beses kong pag-busted sa kaniya, hindi pa rin siya nadadala. Pang-anim na ngayon. Cielo scratched her head. "Ang tanga ko rin," aniya habanng naglalakad kami. "Paano nga pala natin matatakasan si Henry, e, kaklase natin siya." Natawa na lang ako at napailing hanggang sa makapasok kami sa gym at nandoon na ang team. Ang half court ay para sa basketball team, habang ang kalahati naman ay sa volleyball team which is sa amin. Nagtatakbo kami ni Cielo papasok sa locker room at nagpalit ng damit para sa practice dahil sinigawan kami ni Coach, kami na lang pala ang hinihintay. Nauna na sa akin si Cielo dahil siya ang Captain at kakausapin pa siya ni Coach. Dalawang oras lang kami makakapag-training ngayong araw kasi after ng P.E. class, may klase pa kami ni Cielo. Pagkalabas ko sa locker room ay bumungad sa akin si Henry. Basang-basa siya ng pawis at ang natural brown niyang buhok ay magulo. Kitang-kita ang muscles niya sa suot niyang jersey na may nakalagay na Campbell Dragons. He once asked me to wear his jersey, that time nang matapunan ako ng drinks sa cafeteria. Of course, I had to wear it that time dahil kung hindi ay babakat sa uniform ko ang suot kong bra. Some of the girls who are admiring him threw a lot of hate towards me from that day on. Even though it's not my fault, they acted as if it was. "Ngayon mo sabihin sa aking hindi mo ako iniiwasan." Humahangos pa siya habang sinasabi 'yon. "Isang linggo mong in-ignore ang messages ko sa social media, hindi ka rin nagrereply sa text messages ko, tapos nang pumunta ako sa condo mo, sinabi mo sa receptionist, wala kang kilalang Henry. What the hell, Reese?" Nag-iisip ako ng mairarason dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kaniya 'yong totoo. "Kasi, 'di ba? Tawag ko sa 'yo Rey? Kaya wala akong kilalang Henry." Ngumiti pa ako para hindi siya makahalata pero bumagsak 'yong balikat niya. "Next time sabihin mo Rey para papasukin ka." Nilagpasan ko siya pero sinusundan niya pa rin ako. "Bumalik ka na nga sa practice ninyo!" asik ko. Hinawakan niya ang braso ko dahilan para matigilan ako. Mariin kong hinila ang braso ko palayo sa kaniya. "Don't ever do that." Halata namang nagulat siya sa reaction ko. "Sorry," he apologized. Ayaw ko sa lahat ay hinahawakan ako nang walang pasintabi lalo na ng mga lalaki. Napasapo ako sa ulo ko at muling naglakad pero tinawag niya ako. "Sabihin mo nga 'yong totoo sa akin, Reese. Ano ba ang ayaw mo sa akin? Kasi there's no way in hell na ite-turn down mo ako nang limang beses nang walang dahilan! I'm Henry Sebastian Perez!" Hindi ko alam kung kayabangan ba 'yong sinasabi niya o ano kaya hinarap ko siya. Isa ito sa dahilan kung bakit, masyado siyang mahangin. "Ang yabang mo." Naguguluhan niya akong tingnan. "I'm just stating the obvious." Nagkibit-balikat siya. "Atsaka isa pa, sabi mo ligawan kita in a traditional way. Nagsulat ako ng mga letters para sa 'yo, nagpaalam muna ako sa magulang mo bago kita niligawan, and I'm patiently waiting! May nagawa ba akong mali?" Hindi ko rin alam kung ano ba ang ayaw ko sa kaniya. I mean, he is life of the party, he's the captain of the basketball team, tapos mayaman naman siya, atsaka guwapo at alam kong seryoso sa akin dahil isang taon ba naman akong ligawan? Pero mali, e. Kahit ano'ng gawin ko, ayaw ko makipagrelasyon lalo na sa katulad niya. Dahil alam ko na ang kakauwian nito. Ang ending, ako pa rin ang matatalo at maiiwang luhaan and I don't want to feel that pain again. Lumapit ako sa kaniya at itinuro ko si Cielo na nakikipag-usap sa coach namin. "Cielo is the perfect fit for you." "What--" "Captain siya at captain ka rin. Isa pa, kilala niyo ang isa't isa. Why don't you give it a try?" Bagsak ang balikat niya pagkasabi ko n'on na halatang naiinis na siya sa sinasabi ko. But Cielo is much more fun kumpara sa akin na walang ibang ginawa kung hindi mang-busted ng lalaki! Iba lang ang pagkakakilala nila kay Cielo pero magaling siya mag-handle ng relasyon. Kung ako, kilala na hindi nagbo-boyfriend, si Cielo kilala dahil halos lahat daw ng lalaki rito sa Campus ay ginawang boyfriend. "Ayaw ko, Reese. Me and Cielo are just friends. Besides, ikaw lang ang gusto ko." Gusto ko na talaga siyang kutusan. Ano ba nakita sa akin nito? "Sige nga, anong mayroon sa akin na nagustuhan mo aber?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sinusukat ko kung matatagalan pa ba niya ang ugali kong ito kasi kilala ko ang karamihan sa mga lalaki, maiksi ang pasensya nila sa mga katulad kong babae na hindi agad bumibigay. Gusto nila, nakukuha nila agad. Pero hindi ako ganoong klase ng babae. "Walang dahilan." Nagkibit-balikat pa siya. Umiling ako, hindi ako naniniwalang walang dahilan, okay? Excuse lang 'yon ng mga tao kapag sinasabi nilang walang dahilan kung bakit ka nila nagustuhan! Ano 'yon? Nagustuhan ka niya kasi wala lang? Sa lahat ng scam, 'yon ang pinakamalala. "Sorry, Rey. Stop courting me. Maghanap ka na lang ng iba." Nilagpasan ko siya at nag-practice na kami. The day went on at naiilang ako dahil magkaklase kami ni Henry. Sa mga ganitong pagkakataon ko hinihiling na sana ibang course na lang ang kinuha ko o kaya ay sana kainin na lang ako ng lupa. Paminsan-minsan pa, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. About a year ago, an issue about me scattered along with the University, when I turned down the Dean's son. Dahil may galit siya sa akin mula sa ginawa ko na 'yon, he scattered the rumor that I'm a man-hater and that men should just stay away from me. Well, that's good for me. It became easier for me to move around campus without feeling uncomfortable because of men. Pero pati mga babae ay kinaiinisan na rin ako nang magkagusto at ligawan ako ni Henry. Kahit hindi ko naman kasalanan 'yon.  Nang matapos ang klase ay nagkita kami ni Cielo sa labas ng University dahil niyayaya niya akong kumain sa karinderya na malapit lang din sa school. Kadalasan ay roon kami kumakain kapag uwian na, lalo na kapag hindi umuuwi nang maaga si Ramiel sa condo at wala akong kasabay kumain. When we got there, it's a bit crowded dahil masarap ang pagkain at talagang dinadayo sila ng mga estudyante kapag tapos na ang klase. "Tara, pasok na tayo!" I was about to stop Cielo from entering dahil marami ngang tao pero huli na dahil sumiksik na siya sa mga taong pilit pumapasok din. I sighed. Great! Now, I don't have any choice but to follow her inside. Papasok na sana ako nang may grupo ng mga lalaki na dumaan sa tabi ko at ang isa sa kanila ay nabangga ako pero hindi man lang ako nilingon. Napangiwi ako sa sakit dahil medyo masakit 'yong pagkakabangga niya sa akin.  Magrereklamo na sana ako nang napalingon ako sa kanila at doon ko lang na-realize kung sino 'yong mga lalaki. Henry was there, as well as Bryan--his bestfriend. And the others who I'm familiar with. Minsan na kasi niya akong pinakilala sa mga kaibigan niya and now that I bumped into them, sigurado akong makikilala nila ako. "Reese? Fancy bumping into you here," ani Bryan na tumigil sa pagpasok sa loob kaya naman napalingon sa amin si Henry na nakatingin na rin sa akin ngayon. Kasama na rin ang lalaking bumangga sa akin. "H-Hi," awkward ko na sabi kay Bryan at napayuko. Damn. Bakit ngayon ko pa talaga sila nakita rito? "Actually, paalis na ako--" I was cut off nang biglang dumating si Cielo. "Reese, ano?! Kanina pa kita hinihintay! Na-save ko 'yong isang mesa roon para sa atin. Wala na kasing available, e." Napapikit ako. Things are getting worse every minute, s**t.  "Umuwi na lang tayo." Sinenyasan ko siya gamit ang mata ko pero tiningnan niya lang 'yong mga kasama ni Henry at napangisi siya.  "Nandito rin pala kayo. Are you guys going to eat?" kasuwal niyang tanong na para bang hindi niya nakita na sinensyasan ko na siya.  "Sana, kaso sabi mo walang mesa," ani Henry. "Aalis na lang kami." "No!" Nanlaki 'yong mata ko na pinigilan niya si Henry. I know what he's thinking. He probably knows that I feel awkward right now, kaya sinusubukan niyang umalis, pero itong mabait kong kaibigan ay hindi man lang nakaramdam. "Malaki naman 'yong table na pagkakainan namin ni Reese. Baka gusto niyong sumabay?" I rolled my eyes. Mamaya talaga ay sasabunutan ko 'tong babae na 'to. Napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin kanina at nakatingin pa rin siya sa akin. He's looking at me as if he knows but I'm pretty sure that this is the first time I'm seeing him. "Tara na. Nagugutom na ako," reklamo ni Bryan at naglakad na kami papasok dahil wala na rin naman akong magagawa. Hinila ko naman si Cielo kaya napatingin siya sa akin. "What the hell are you doing?!" asik ko na ikinatawa niya. "Sorry. I just saw a familiar guy whom I got a crush on." Kumunot naman 'yong noo ko. Sino roon? E, kilala naman niya lahat ng kaibigan ni Henry dahil ang iba roon ay kaklase namin. "Who?" I asked. She pointed her finger to the guy who bumped me earlier. "That guy..." "... He's Henry's younger brother."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD