Ginagawa ng isang mabuting anak na babae ang kanyang tungkulin upang kagiliwan ng ama. Pero gagawin o susundin ba niya ang lahat ng nais ng mga kidnapper niya kung ito ay magdulot ng pagkabigo sa kanyang ama?
Sa aking ambisyosong politiko na ama, ako ay isang pagkabigo. Hindi ako matalino, sapat na maganda, hindi sapat para tawaging seksi, hindi sikat, hindi sapat na maging anak niya upang palakasin ang kanyang mga ambisyon at makatulung sa kanyang mga koneksyon bilang gobernador ng Cordova City.
Ang Rubicund Monsters ay ang isa pinakamalaking grupo ng gangsters sa lungsod na mas malaki ang kinokolektang kita mula sa mga negosyante sa syudad kesa sa buwis na nakukuha ng gobyerno sa mga ito, at bilang gobernador, nagdeklara ng digmaan ang ama ni Layla. Sinisisi niya ang mga ito sa lahat ng sigalot sa lungsod na , at umaasa siya sa kanyang mahigpit na paninindigan sa krimen at sa kanyang bagong plataporma against gangters na ilunsad niya sa pagtakbo bilang senador ay makakatulong sakanya.
Ngunit sapat na ang tugon ng Rubicund Monsters upang magpadala sa kanya ng isang mensahe na hindi niya maaaring balewalain, kinuha nila ako mula sa aming tahanan sa gitna ng gabi. Kung gusto ni Dad na makabalik ako ng ligtas, kailangan niyang i-urong ang kilusan at bumaba sa kanyang pwesto bilang gobernador ng Cordova City!
Ang huling bagay na dapat kong maramdaman ay ang maakit sa isa sa aking mga captor.
Hindi ito kagaya sa mga nababasa kong magandang libro--ang mga lalaking ito ay marahas at mapanganib na dapat mariin Kong iiwasan.
Ngunit si Jervis Ghazi Del Fero, Bunso sa magkapatid na Del Fero ng Rubics. Mabait, makulit at sa kanyang tattoos at piercings, ay talagang mapapaisip ka.
Ang mga nag-aapoy na mata ni Kerwyn Leford Del ay kumikislap habang pinapasaya niya ako na para bang mas kilala niya ako kaysa sa aking sarili. he is a Pretty, Rubicund Monster's lord. Pangalawa sa magkakapatid na Del Fero. Matapang, tahimik, at mahusay sa ano mang larangan ng labanan.
Pero mas kinikilabutan ako ni Denforth Ardy Del Fero, panganay sa magkapatid na Del Fero may mga galos kung saan walang nakakakita, ngunit kapag bumubulong siya ng maruruming utos sa aking mga tainga, hindi ko mapigilan ang aking sariling maakit sa aking masungit na captor na ito.
At noong nagpasya ang aking ama na gamitin ang aking pagkawala para sa kanyang sariling pampulitikang pakinabang, ang mga lalaking ito ang siyang nagpapakita sa akin kung ano ang tunay na integridad, lakas at pagpapahalaga.
Siguro oras na para tumigil na ako sa pagiging masunuring anak at maging masunuring bihag!