Tinungga ko ang alak na nasa wine glass na hawak ko. I am alone and yet it didn't bother me. Kailangan ko naman talagang mapag-isa. I don't want anybody to be a witness of how I am drowning myself with the alcohol.
After my first boyfriend Jared and I broke up after our three years of relationship, ngayon lang ulit ako nagkaganito. It was because of Alexei, my boyfriend a year after breaking up with Jared. We're in a relationship for almost four years and he has been my world. I loved him so much because just like Jared, he accepted and loved me despite my past. His family was civil with me and accepted me as Alexei's boyfriend or so I thought.
We were already planning to get married when the incident happened. He impregnated a woman. She threatened him and released a statement about her pregnancy when Alexei refused to marry her. His family arranged their marriage because their scandal would destroy their family name especially so that Alexei is related to the current president of the country.
I know. Wala ring magawa si Alexei kundi ang sumunod sa kagustuhan ng kanyang pamilya. They were threatening not only me but as well as our family's businesses kaya ako na mismo ang nagsabi sa kanyang maghiwalay na kami upang mapakasalan niya ang babaeng iyon. He wanted to continue our relationship kahit na kasal na siya ngunit tumanggi ako. I would never let myself become an option to anybody not even to the man I love so much.
Muli akong nagsalin ng alak sa wine glass ko. Kanina pa ako umiinom at ramdam ko na ang epekto ng alak sa sistema ko. Pero ayaw ko pang huminto. Gusto kong uminom hanggang sa mamanhid na ang sakit na nadarama ko pa rin sa dibdib ko. Mabuti na lang at walang nang-aabala sa akin ngayon dito sa bar. Dati kasi kahit kasama ko si Alexei ay may bigla na lang lalapit para magpakilala sa akin.
Muli akong tumungga ng alak. Siguro sa mga oras na ito ay nasa honeymoon na si Alexei at ang asawa nito. Pinadalhan pa nga nila ako ng imbitasyon sa kasal nila but I'd rather kill myself than attend their wedding. Kaya heto ako ngayon, sa alak ko na lang pinapatay ang sarili ko.
Napakamalas ko talaga pagdating sa mga nakakarelasyon ko. Akala ko noon ay suwerte na ako kay Jared dahil mahal na mahal namin ang isa't isa pero kinakailangan niyang umalis at umuwi sa bansa ng kanyang ama upang magpakadalubhasa sa pagiging doktor. He wanted me to come with him but I can't. Hindi ko pwedeng iwan ang mga magulang ko lalo na at nagpapagaling pa si Daddy noon. Isang taon ko ring ginamot ang sarili ko at pinilit na buoin ulit ito bago ako nakipagrelasyon ulit.
Si Alexei ang muling bumuo sa pangarap kong magmahal at mahalin ulit. He was a wonderful guy. Sa loob ng apat na taong relasyon namin ay puro kami saya. Hindi nga namin inakala na matatapos iyon ngunit ngayon ay nangyari na nga. Tuluyan nang nagsara ang libro namin ni Alexei. And I don't think I could ever love again after him. I've been with men before who broke me. Bakit kaya hindi ko subukang babae naman ang mahalin?
Natawa ako sa naisip kong iyon. I can't imagine my self fúcking someone. I'd rather they fúck me dahil iyon naman ang nakamulatan ko... being fúcked by men who wanted and adored my body. Hmm, if Alexei is enjoying his wife right now, why can't I enjoy the night with someone, too? Kung may naglalakas loob lang na magpakilala sa akin kanina, baka kapag inimbitahan ako nito ay kusa na akong sasama. Pero sandali. Bakit kailangan ko pang hintayin na may lumapit sa akin? Bakit hindi na lang ako mismo ang maghanap ng pwedeng mag-uwi sa akin ngayong gabi?
I'm a man. Kahit naman makipag-one night stand ako ay hindi ako mabubuntis. Muli akong natawa sa isiping iyon bago susuray-suray na tumayo.
Damn. Tinamaan na talaga ako ng alak na ininom ko. Kailangan kong magpababa ng tama. Kailangan kong pagpawisan.
Naglakad ako papunta sa dance floor at kahit mag-isa lang ako ay magsasayaw ako. Ngayon, wala nang Alexei na magbabawal sa akin na sumayaw sa gitna ng mga tao. May advantage din pala ngayong single na ako.
Nang marating ko ang gitna ng dancefloor ay kusang gumalaw ang katawan ko. I waved my body to the sound of the music. Hinayaan kong mabangga ako ng ilang nagsasayaw. Hinayaan ko rin ang mga katawan na dumidikit sa akin habang walang akong pakialam kung niyayakap na nila ako o hinahaplos na ng kanilang mga kamay ang katawan ko.
Isa ang bigla na lang yumakap sa akin mula sa aking likuran. He wasn't dancing with me. He was just holding my gyrating body. Halos dikit na dikit ang likuran ko sa harapan niya. Kahit lasing ako ay dama ko ang tigas ng dibdib niya bukod pa sa tigas na bumabangga sa likuran ko.
I decided to face the man. Nalula ako sa tangkad niya at tama nga ako sa aking hinala na malaki ang katawan niya. He has muscles all over the place. Naningkit ang mga mata ko habang pilit na tinititigan ang mukha niya. He looks old. Much older than me. I think he's in his thirties or forties. Hindi siya bagay sa lugar na ito kaya bakit naririto siya? He's even wearing a coat above his collared shirt. Is he a bodyguard? Or one of the bar's bouncers? He's somewhat scary dahil seryoso ang mga mata niyang nakatitig din sa akin. Masyado na ba akong nagwawala sa pagsasayaw kaya narito siya para itapon ako palabas ng bar. But his arms are still around my body and he wasn't letting me go. Maybe he wants to bring me home tonight.
"Tired already?" mababa ang tono niyang tanong.
"Not too tired if you have something on your mind," prangka kong sagot sa kanya. Ikinapit ko pa ang mga kamay ko sa balikat niya. Hanggang doon lang kasi ang naaabot ko. Kung pipilitin kong abutin ang batok niya ay kinakailangan ko pang tumingkayad.
"I have a lot of things on my mind especially when it comes to you," yumuko siya upang maibulong iyon sa tenga ko.
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Kilala ba ako ng lalaking ito? Baka naman namumukhaan niya ako dahil palagi kami ni Alexei rito dati.
My hands went down to his broad chest. Matigas talaga iyon. He's a muscled daddy. He's not bad for a one night stand. Wala sa loob na naisandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Tumingala ako sa kanya at sinabing,
"Then please bring me home."
...
Kung kanina ay nalulula ako sa tangkad at laki ng lalaking sinamahan ko, ngayon ay nalulula ako sa dami ng lalaking nakapaligid sa amin habang naglalakad kami patungo sa kotse niya.
"Who are they?" May takot kong tanong sa lalaki na nakahawak sa braso ko habang naglalakad kami.
"Just some protection. Don't worry, they wouldn't touch you. Only I would."
Binuksan na ng lalaking ang panglikod na pintuan ng kotse indikasyon na pinapasakay na niya ako sa loob. Tila nabawasan ang kalasingan ko sa mga oras na iyon. Tama ba ang naging desisyon ko na sumama sa lalaking ito? Parang imbes na mag-enjoy ako at mapapahamak pa ako.
"Have you changed your mind?" pambabasag ng lalaki sa pagkatulala ko. Napatingin ako sa kanya. Ngayon na medyo maliwanag na sa kinaroroonan namin ay nakikita ko na ang mukha niya. He wasn't that scary. May itsura ito kahit na may edad na. He looks like a decent businessman. I looked at his fingers at nakitang may mga singing siyang suot ngunit wala akong nakitang wedding band niya. So he's still single at his age.
Huminga ako nang malalim bago sumagot.
"No."
Pumasok na ako sa loob ng kotse at hinintay siyang makapasok.
"Where are you bringing me?" tanong ko sa kanya nang bumibiyahe na kami.
"My house," simple niyang sagot. Hindi ako umiwas nang mas lumapit pa siya sa akin at nang abutin niya ang kamay ko upang hawakan iyon.
"And you could stay there for as long as you want," dagdag niya nang hindi ako sumagot. Muli ko siyang nilingon at biglang may kumislap na alaala sa isipan ko. I've seen this man before. Ngunit dahil sa kalasingan ay hindi ko na maalala kung saan ko siya nakita.
"Have we met before?" tanong ko sa kanya.
He was amusedly looking at me after hearing my question.
"I couldn't believe you can still remember me. Well, we've met once or twice, Julian."
Nanlaki ang mga mata ko nang sambitin niya ang pangalan ko. So this man knows me.
"Are you one of our business partners?" Nagtatrabaho na ako sa kumpanya ng pamilya at kung isa siya sa partners namin, nakadaupang-palad ko na talaga siya noon.
Nakahinga ako nang maluwag nang umiling siya. He better be somebody else rather one of our business partners. Ayokong malaman ng mga pinsan ko na pumatol ako sa isang one-night stand dahil broken-hearted ako.
"No, we are not business partners. Not yet anyway. We've met at a party some years ago," the man informed me.
"Why do you still know me if we've met already years ago?" muli kong tanong. Curious din talaga ako sa kanya.
"'Coz I can't get you out of my head since that night, Julian Vladimier."