bc

His Dawn

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
others
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
humorous
heavy
serious
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Zora Beatrice Katava, who just got cheated on by her ex-boyfriend, is asked for marriage by her womanizer best friend Santiago Montano.

Papayag kaya siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Oh my God!" gitlang sigaw ng mga babaeng nakatingin habang pinawalan ni Santiago ang isang malakas na suntok. Tumama iyon sa mukha ni Edward. Mabilis na dumugo ang ilong nito. Agad na natumba ang lalaki kaya naman sinamantala niya iyon upang sipain ito sa sikmura. Mas lalong naghiyawan ang mga nanonood. May iilan na imbis na tumulong ay nakuha pang maglabas ng cellphone para videohan ang nangyayari. Sisipain pa sanang muli ni Santiago ang lalaki ngunit naramdaman n'yang mayrong humawak sa kanyang braso. Pinipigilan siya. Agad nyang hinarap yon at nakita niya ang luhaang mukha ni Beatrice. Nagmura siya sabay pinalis ang mga luhang patuloy sa pagbalong gamit ang kanyang hinlalaki. Nang hindi ito tumigil sa pag-iyak, niyakap niya ito at isinubsob sa kanyang dibdib saka iginiya paalis sa lugar na iyon. Narinig pa niya ang pagdaing ng lalaking sinaktan at ang pagtawag nito sa pangalan ng kasama ngunit hindi niya man lang hinayaang lingunin iyon ng babae. Mabilis niya itong dinala sa kanyang opisina habang nakabalot ang mga bisig na tila ba pumoprotekta. Hulas na ang mascara nito at kumalat na sa mukha ngunit para kay Santiago ito pa rin ang pinaka magandang babaeng nakita niya. Oo, wala na yatang  tatalo sa pisikal na kagandahan nito ngunit higit pa roon ang gandang nakikita niya rito. Like what her name means, she seems to be the first appearance of light in his dark and dull nights. He liked her ever since the first time he saw her. Who wouldn't like a tall and skinny girl with brown hair and green eyes? She was the first woman that actually made him gawk. Her beauty is so out of this world. So ethereal. Normal na para kay Santiago ang mga babaeng tila ba artista at modelo sa ganda ngunit para sa kaniya, kakaiba ang gandang taglay ni Zora Beatrice Katava. Bukod sa stunning physical appearance nito, mas angat ang karakter ng babae. She's passionate and driven to fulfill not just her dreams but also her dreams for her family. She's a modern woman with a pure heart. Bibihirang makita iyon ni Santiago sa mga babaeng nakapaligid sa kanya na ang self-actualization yata ay tila ba natatagpuan na sa pagkakaron lang ng mamamahaling make-ups at magagarang damit. "Nadudumihan ka na," ang mga unang salitang sinabi ng babae nang lumayo ito habang pinupunasan niya ang luhang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo. Ginamit niya kasi ang laylayan ng sleeves ng button down na suot dahil wala naman syang tissue o panyo. "Ang dugyot mo talaga," tawa pa nito. Alam nyang pinapagaan lamang nito ang atmospera sa pagitan nila. Nang mahalata ng babae na hindi umepekto ang biro, bumuntong hininga na lamang ito at muling nag-iwas ng tingin. Hindi napigilan ni Santi ang sarili at ipinaling ang baba nito upang magkaharap sila. "Until when will you cry for that asshole?" naiinis ngunit may halong pagsuyo nyang tanong. He was a very impatient man and he never really liked dealing with girlsespecially those who are cryingngunit pagdating kay Beatrice lagi niya na lamang natatagpuan ang sarili na ginagawa ang mga bagay na hindi niya naman ginagawa noon. Muling naiyak ang babae marahil naalala ang sakit na nararamdaman. Niyakap niya na lamang ito at inalo. Kung binigyan lang siya nito ng pagkakataon noon, sigurado s'yang hindi niya ito paiiyakin gaya ng ginawa ng lalaki. He and Beatrice met when they were still in college. Parehas silang architecture student noon at nagkakilala dahil iisa sila ng kinabibilangan na org. Mas nagkalapit sila nang makakuha ito ng scholarship sa kumpanya nila. Gaya ng ibang babaeng nakapukaw ng interes ni Santi, agad nyang pinormahan ang babae. Nilandi sa iba't ibang pa-simpleng paraan ngunit nang mapansin ito ng babae ay agad siya nitong kinumpronta. Tinanggihan. Ayaw daw nito sa babaero. Bago sa kaniya iyon. Hindi siya sanay na inaayawan. Kaya naman mas lalo syang nagpursigi para sa atensyon nito. Para sa oo nito. Akala niya, gaya ng iba, nagpapakipot lang ito ngunit bibigay rin sa huli. Pero kahit anong gawin niya ay walang nangyari. Hindi niya ito nadala sa pagbibigay ng mga mamahaling regalo, pagpapasiklab kung gano siya ka-yaman, at iba pang superficial na bagay na madalas na ginagamit niya upang makuha ang interes ng babae. Doon niya napagtanto na iba ang babaeng ito sa lahat. Walang puwang rito ang mga kababawan. Ang hindi niya inakala, ito na pala ang babaeng hinihintay niya. Ni hindi niya nga alam na naghihintay pala siya hanggang sa makilala niya ito ng lubusan. Kaya naman kahit na alam nyang malaki ang tyansa na mabibigo siya, muli, sinubukan nyang ligawan ang babae. This time it's for real. This time he's sincere. Hindi lang basta ligaw, nagsipag at nag-seryoso siya sa pag-aaral. Lumayo rin sa ibang babae. Tinigil rin ang bisyo. Sa kasamaang palad, mukhang tumatak na kay Beatrice ang reputasyon niya. Tumatawa lang ito sa tuwing sinasabi n'yang ginagawa niya ang mga iyon para dito. Ang masaklap pa, wala daw talaga itong maaasahan sa kanya. Nalungkot siya noon at hindi na pinansin ang babae. Bigla, nagsisi siya sa lahat ng pagloloko noon. Pero hindi niya rin kinaya na hindi nakakasama si Beatrice kaya siya na mismo ang naglagay sa sarili niya sa tinatawag na friendzone. All these years, he made sure he's always there for her. Pinapaniwala ang sarili na masaya na syang kaibigan lang ang babae. Ngunit habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, mas narerealize nyang hindi talaga sapat sa kanya na hanggang dun lamang sila. Unconciously, he's playing the best friend card to show her he's the best man for her. Malakas pa rin ang iyak ni Beatrice habang nakasubsob sa dibdib niya. Marahan nyang hinahaplos ang likod nito habang panaka-nakang hinahalikan sa buhok. Ang bango talaga ng babae at iwinaglit niya sa isip yon dahil yun ang huling bagay na dapat iniisip niya ngayon. "Everything's going to be fine. Stop wasting your tears on him," pang-aalo niya pa rito. Doon na humiwalay ang babae at parang batang pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad nito. "How? Magpapakasal na dapat kami, Santi! We're engaged," anito na parang hindi niya naiintindihan ang bagay na yon. Hindi na rin yon kailangan idikdik ng babae. Wala itong idea kung gaano siya naglasing nang malaman nyang ikakasal na ang dalawa. Nagpanggap si Santiago na wala lang ang sinabi nito. He made himself look bored when he looked at her. Tumayo na rin siya mula sa pagkakaluhod at umupo sa upuan katapat ni Beatrice. "He cheated. For sure, someone out there will be willing to marry you." nandito lang sa harapan mo. Umiling si Beatrice na para bang katapusan na ng mundo at wala ng pag-asa. "Santiago, Im 29 already! I need to have kids! At least two! And I need to get married before I turned thirty. Isa't kalahating buwan na lang trenta na ako. Saan ako hahanap ng matinong lalaki na mapagkakatiwalaan ko at kilala ko na gugustuhing pakasalan ako sa loob ng gano'n ka-ikling panahon?" Tumaas ang kilay niya. If only she could look at him. "Yun lang ba ang problema mo?" Tumalas ang tingin nito sa kanya. Mukhang na-offend. Mabilis na nagbago ang itsura ng babae. Ang kaninang tumatangis ay parang handa nang manibat ngayon. "Dont tell me na mas marami pa d'yan ang mas malubha ang pinagdadaanan sa akin kaya dapat maging thankful ako. Just because my problems aren't as big theirs doesn't invalidate what I'm going through." Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Santi. His member almost jerked. He really finds it sexy when Beatrice talks like this. Masungit at parang laging may ipinaglalaban. "That's not what I meant, darling. You know I'll never disregard your feelings." Pumamewang ito at nagtaas ng kilay. Hindi niya na napigilan ang tuluyang mapangisi. The sss has woken up. Parang kanina lang mukhang batang inagawan ito ng candy kung umiyak ngunit ngayon, siguradong kung may sibat lang itong hawak ay hindi ito magdadalawang isip na itarak yon sa dibdib niya dahil sa pagka-inis. "So, anong pinapalabas mo?" Mas lalong lumawak ang ngiti niya. He bet he really looked like a Montano. Dangerous, scheming, something you wouldn't want to make a business deal with because you are never getting out. "You want to marry someone who knows you and who you know, too, right?" Tumango ito. Medyo nalilito. Mas lalong naging mapanganib ang ngiti niya. "And you want someone to marry you quickly, right?" Muli itong tumango at naniningkit na ang mga mata. Prente syang sumandal at ipinagkrus ang mga braso. "Marry me, then." Muntik nang matawa si Santiago nang unti-unti, literal na napanganga si Beatrice. Saglit na namayani ang katahimikan. Sinubukan rin nitong magsalita ngunit walang salita ang lumabas sa bibig nito. Gusto nyang isipin na kinikilig ito ngunit malabo yon. He bet she will laugh. And, she did. Ginawa ni Santiago ang lahat ng pagpipigil upang huwag sumimangot at ipakita rito na medyo may hatid na kirot ang reaksyon na yun ng babae. He remained calm and serious. Halos kapusin ng hininga ang babae kakatawa. Sa tuwing madadako ang mga mata nito sa kanya ay lalo lamang itong tumatawa na para bang yun na ang pinaka nakakatawang joke na narinig nito. Yes, he always took delight when he's able to make her laugh but not like this. Hindi nito alam na punyal sa dibdib niya ang naging reaksyon nito. Ngunit nang mukhang unti-unti nang napansin ng babae na talagang seryoso siya ay mabagal na nawala ang pagka-aliw sa mukha nito. She looked confused, tensed even. "Seryoso ka?" "Marriage is something I take seriously, Bea." Mukhang ito naman ang naging uncomfortable. Nakita niya rin ang pamumula ng pisngi nito. Humugot ito ng malalim na hininga bago sumagot. "Why?" "You want a husband, I can have a wife." Kumunot ang noo ng babae at tumayo. Kabisado niya ang babae at alam nyang kapag natatakot ito ay pa-simple itong umiiwas at umaalis. "Baliw ka ba? Magpapakasal ka lang dapat kasi nagmamahal ka!" I know kaya nga pakakasalan kita. "Then, I guess, you should learn to love me." "At paano ako? Dapat mahal mo rin ako." Oh, you have no idea. "You know you are the most important girl in my life." "That doesn't make sense. Isa pa, I want someone loyal. That's definitely not you." Nasaktan siya dun ngunit sanay naman siya kaya hindi siya nagpahalata. Santiago rose on his feet at tumayo sa harap ng babae. He looked at her in the eye, straight into her soul hoping he could reach her heart so she'll see his sincerity. No words can make Beatrice believe how much he loves her kaya ipaparamdam niya na lang yon sa pamamagitan ng gawa. "Try me, darling. Date me for a month and when things go well, I'll marry you before you turn thirty."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.1K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
43.1K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.6K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.9K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
30.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook