EPISODE 3

1453 Words
TUW KABANATA 3 APRIL'S POINT OF VIEW. Nagising ako nang marandaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga sa aking kama at kinuha ang aking gamot upang mawala na ang sakit na aking nadarama. Pinakalma ko muna ang aking sarili sa pag inhale and exhale. Nang maramdaman ko nang maayos na ako ay napagpasyahan ko nang mag ayos sa aking sarili upang makapag luto na ako sa labas. Alam ko naman na impossible na kakainin ni Juctril ang aking lulutuin ngayon, pero magbabasakali pa rin ako na magustuhan ito ng aking asawa. Nandito na ako ngayon sa may kusina namin at tapos ko na maluto ang aming breakfast. Nakita ko agad si Juctril na pababa ngayon sa hagdan namin at nakasuot na siya ngayon ng pang business attire. Tinawag ko naman siya. “Juctril, kumain ka muna rito. Pinagluto kita ng mga paborito mo,” sabi ko at lumapit sa kanya. Sinulyapan niya ako gamit ang kanyang malamig na titig. “Do you think I’ll eat that?” he coldly said. Napayuko ako. “Wala ka pang kain, Juct. Isa pa, paborito mo ang mga luto ko noon—" “Shut up!” He shouted. Natigilan ako habang siya naman ay nakatingin sa akin ng masama. Hinay-hinay siyang lumapit sa akin. “Noon ‘yun, April. I changed, kaya ‘wag mo nang babanggitin ang bagay na ‘yan kung ayaw mo na magalit ako sa’yo lalo.” Sabi nito at umalis. Hina akong napaupo sa upuan na malapit sa akin at napahawak sa aking dibdib. Napayuko ako at hindi maiwasang mapaiyak. It’s all your fault, April. Kung hindi pa sana ako nagpadalos-dalos noon ay maayos sana ang buhay ko kasama si Juctril na mahal na mahal ako. Kung hindi sana ako naging tanga, e’di sana masaya ako, kami ni Juctril. Natigilan ako sa aking pag iyak nang tumunog ang telepono rito sa aming bahay. Tumayo ako at pinunasan ang aking luha. Kinuha ko ang telepono at sinagot ang tawag. “Hello?” sagot ko. “April, is that you?” Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. “Sino ‘to? Bakit mo ako kilala?” “Damn! Finally, nahanap na rin kita! It’s me, Raven.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Raven? Ikaw ba talaga ‘yan?” “Yes, Baby! Let’s meet! Kakauwi ko pa lang galing Paris at hinanap na agad kita. Miss na miss na kita, April!” “I miss you too, Raven! Sige, let’s meet.” Excited kong sabi. “Diyan nalang sa malapit na mall sa subdivision niyo, April. Sunduin nalang kita sa inyo?” “No, I’m okay! Magkita nalang tayo do’n.” Dali dali kong pinagligpit yung niluto ko at naligo. Makikita ko na rin si Raven! Ang tagal ko na rin siyang hindi nakita kasi sa Paris na niya pinagpatuloy ang pagkokolehiyo at pagtatrabaho. “April!” Malaki ang ngiti ko nang makita si Raven na patakbong papalapit sa akin. Niyakap niya agad ako nang malapitan ako at niyakap ko rin siya pabalik. “Raven, Namiss kita!” “Namiss rin kita, Baby ko—aray!” “’Wag mo nga akong tinatawag na baby.” Ngumuso siya. “Wala naman dito ang demonyo mong asawa.” Nanlaki ang mga mata ko. “Raven!” sigaw ko. “Joke lang! ‘To naman, hindi mabiro.” Nakangisi niyang sabi. Siya si Raven Ramos. Naging magkaibigan kami noong high school kami. Naging boyfriend ko rin siya noon pero mabilis lang kasi hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. “Kumusta bilang asawa ni Marc Juctril Real, April?” tanong ni Raven. Kumakain kami ngayon sa isang restaurant sa loob ng Mall. Ngumiti ako. “Okay lang naman, masaya.” Nakita ko ang pagkawala sa ngiti sa kanyang mukha. “Masaya?” seryoso nitong tanong. Kinabahan ako sa pagtingin ni Raven sa akin at ang tono ng kanyang boses. Pilit akong ngumiti. “Oo naman—aray!” Biglang hinawakan ni Raven ang aking braso na may pasa. Natigilan siya at mabilis na tinignan ang aking pasa sa braso. Nakita niya itong nangingitim ngayon gawa ng panggigigil ni Juctril sa akin. “Siya ba ang may gawa nito?!” galit na tanong niya. Napayuko at at napakagat sa aking labi. “April naman! Alam kong ginagawa mo ang lahat ng ito para mapatawad ka ni Juctril. Pero hindi na tama ‘to, April! Maling mali na ang ginagawa niya sa’yo!” galit niyang sigaw. “Raven, mahal na mahal ko siya.” Mahina kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura at napahilamos sa kanyang mukha. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang aking kamay. “Mali ang ginagawa mo ngayon, April. Pero wala na akong magagawa do’n, desisyon mo ‘yan. Nandito lang ako kapag may kailangan ka, April.” Seryoso niyang sabi. Tumango ako at ngumiti. “Maraming salamat, Raven.” “Sigurado ka bang dito kalang?” Tanong ni Raven habang nakatingin sa labas. Ngumiti ako at sumagot. “Malapit lang naman ang bahay namin dito at isa pa safe na ako kasi nasa subdivision na ako.” “Ganun ba? Sige, alis na ako. Magkita nalang tayo ulit.” Sabi niya at pinaandar na ang kanyang kotse. “Mag ingat ka,” sabi ko at kinawayan siya. Nakangiti akong naglalakad papunta sa bahay namin ni Juctril. Ginabi na pala ako. Sana tuloga na si Juctril para hindi na niya ako pagalitan. Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko agad ang sasakyan ni Juctril sa garahe. Kinabahan ako bigla at posibleng gising pa ang asawa ko ngayon at hinihintay ako. Baka matulad na naman ako no’ng huling away namin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong naka off ang ilaw. Hanggang sa bigla nalang itong bumukas at nakita si Juctril na nakatayo malapit sa switch ng ilaw habang nakahalukipkip. “J-juctril..” Tahimik na naglakad si Juctril papunta sa sofa at umupo dito habang nakatingin parin sa akin. “Nagabihan ka?” Malamig nitong sabi na nagpakaba sa akin ng todo. “A-ah..” “What? Nakipaglandian ka na naman?!” sigaw niya. Napapikit ako at napayuko sa takot. “Hindi ko kasi namalayan ang oras, sorry,” mahina kong sabi. “Ganyan ka ba lagi kapag may kasamang ibang lalaki, April?!” “H-hindi ako nakikipaglandian, Juctril!” mabilis kong sabi. Tumayo siya at mabilis akong nilapitan. Hinigit niya ang aking balikat at hinawakan ito ng madiin. “A-aray..” “Don’t you ever lie to me, April! Nakipagkita ka sa ex mo?! Ano ang sinabi ng Raven na ‘yun sa’yo, Huh?!” Napapikit ako kasabay ang pagtulo ng aking luha. “Kinamusta niya lang ako, Juct! H-hindi kita ipagpapalit.” Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa braso ko kaya napasigaw ako sa sakit. May pasa pa ako do’n kaya mas dumoble ang sakit. “Tama na, Juct! Maawa ka sa akin!” “Ginusto mo ang lahat ng ito, diba?! Bakit ka nagrereklamo?! Sabihin mo nga, April, napapagod ka na ba huh?! Sagot!” Mabilis akong tumango at napahikbi. Naramdaman kong bahagya siyang natigilan. “Pagod na pagod na ako, Juct. Pero kahit pagod na ako, hinding hindi ako susuko,” mahina kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura at hinila ang braso ko at kinaladkad. “S-saan mo ako dadalhin?” kinakabahan kong sabi. Namalayan ko nalang na papunta na pala kami sa basement ngayon. Mas lalong tumindi ang takot ko sa aking naisip. “Juctril, ‘wag, please..” Hindi niya ako pinansin. Binuksan niya ang pintuan ng basement at tinulak ako sa loob. Napaaray ako sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. “Hindi ka makakalabas jan kung hindi ka magtatanda!” sigaw niya at isinirado ang pintuan. Dali dali akong tumayo at lumapit sa may pinto. “Juctril! ‘wag ganito, please. Buksan mo ang pinto! Parang-awa mo na, buksan mo ang pinto!” sigaw ko habang hinahampas ang pintuan. Wala akong ibang makita kundi kadiliman lang. Hina akong napaupo sa sahig at napasandal sa pintuan. Napayuko at napahikbi at may naalala bigla. “Natatakot ako!” “’Wag kang mag alala, April. Nandito lang ako, hindi kita pababayaan.” Sabi niya at niyakap ako “P-pero natatakot ako sa dilim.” “Hangga’t nandito ako, hinding hindi pababayaan.” Sabi mo hindi mo ako pababayaan? Bakit ganito ang ginawa mo sa akin ngayon? Wala na ba talagang pag-asa para mapatawad mo ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD