bc

Trapping Mr. Cove

book_age18+
131
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
age gap
badboy
doctor
comedy
kicking
first love
secrets
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

"The Miracle Hands".

It is what Dr. Mara Quinta is known for. Bawat hawakan niyang pasyente—kritikal man o may taning na—ay milagrong nadudugtungan ang buhay at gumagaling.

She is valued by all, especially to those who wanted her bad—in a bad way.

Ilang beses na siyang na kidnap at muntik nang tuluyang makuha ng mga masasamang loob na gustong gamitin ang kakayahan niya sa masama.

Buti na lang at laging to the rescue ang all-around-sarsa—este, ang bodyguard niyang si Mr. Cove.

Her stiff and cold bodyguard. Ngunit hindi sa kanya, dahil ilang beses na niyang napatunayang marunong ngumiti at tumawa si Mr. Cove.

Kaya nga't matagal na siyang hulog na hulog dito.

But how will she be able to capture his attention if he only sees her as a child?

Mamatay na ang naka imbento ng saliting 'Age-gap', pero walang makakapigil sa kanya para mabihag ang madulas pa sa okra na bodyguard niya!

But how far can she go and what can she do just to capture the elusive heart of Mr. Cove?

One thing is for sure...she will have him, no matter what!

chap-preview
Free preview
1- Miracle Hands
Pagkalapag pa lang ng sinasakyan kong chopper sa helipad ng Quinta Medical Hospital, ay agad akong tumalon para salubungin ang aligaga kong assistant. Ngunit di pa man ako nakakalayo, agad ko ng naramdaman ang matitipunong mga bisig na lagi na lamang nagpapabilis ng t***k ng aking puso. For fifteen years, those arms never failed to make my heart skip a heartbeat. “Not too fast baby,” sabi ng bodyguard ko sa ‘kin. Ramdam ko ang labi niya sa tapat ng tainga ko. Ang baritonong boses niya ay naghatid ng kakatuwang kiliti magmula sa batok ko at dumaloy hanggang sa aking puson. “Mr. Cove…” utal ko sa pangalan niya. At kahit hindi ako humarap sa salamin ay alam kong namumula ang buong mukha ko. “You knew the protocol baby, we’ve been doing this for more than a decade,” aniya.  I almost roll my eyeballs when he puts me behind his back and with our clasped hands, he started to walk and leaves me no choice but to walk after him. Oo, dekada na kaming ganito. Kahit saan man ako magtungo ay dapat laging siya ang mauuna sa paglalakad ko. His protocol, his rules. And I have been doing this for about fifteen years. Noong mga unang buwan kaming magkasama—11 years old palang ako—ay lagi kaming hindi magkasundo. Simula kasi noong na-assign siyang maging bodyguard ko, ay lagi na siyang nakabuntot sa ‘kin. Dahil sa isang di inaasahang pangyayari noon ay tumatak sa isip kong siya ang mapapangasawa ko. Ngunit dahil sa bata pa ako noon, ay hindi niya sineryoso ang pagsinta kong bubot pa. Hanggang sa nasaktan ako. Nasaktan niya ako. Nakakatawa nga at nagrebelde pa ako noon sa kanya at hindi sa magulang ko. Lagi siyang nakabantay sa galaw ko, at lagi ko rin naman siyang tinatakasan. Lagi naman niya akong nahuhuli o ‘di kaya ay nasusundan. Lagi rin niya akong isinusumbong kay Tatay. Asar na asar ako sa kanya kaya lagi kaming magkaaway. Baon ko pa ang galit ng pagkabigo ko sa kanya ng ilang taon. Pero na bago ang lahat ng pakikitungo ko sa kanya mula nang araw na iyon…ang araw na kailan man ay hinding hindi ko makakalimutan. “Doc, the patient’s vital signs are dropping as we speak,” bungad sa akin ng assistant ko. I silently curse and grip Mr. Cove’s hand to give my secret signal to him. “Who’s in charge?” tanong ko kay Jackson na assistant ko. “Dr. Gallate is the head surgeon,” aniya “Tell her to make the patient’s heart beating, ‘coz I’m on my way.” Agad akong hinila ni Mr. Cove at itinapat sa gilid nya. At para kaming may ‘eject button’ nang sabay kaming kumaripas ng takbo. Nakaabang na sa tapat ng elevator ang isang security personnel. Pagkapasok namin sa elevator, napatili na lang ako dahil para naman kaming nasa ‘free-fall’, nang sobrang bilis naman kaming umandar pababa. Agad naman akong kinarga ni Mr. Cove dahil paniguradong lilipad ako dahil sa sobrang gaan ko. “Damn, I will never ever get used to this elevator. And I will never ever get tired of keep on nagging at you with your ideas on such things that are ridiculous!” singhal ko habang nakasubsob sa leeg niya at kapit na kapit ang mga braso at paa ko sa kanya. I heard him chuckled but never said anything. Bukod sa pagiging bodyguard ay nakahiligan ni Mr. Cove ang mag-imbento. Siya rin kasi ang nagdisenyo ng emergency elevator na ’to. Hindi lang 'yan ang mga nakakalokang bagay na na-modified niya, na para sa kanya makakatulong at makakagaan sa buhay ng tao. Which I doubt. Pagkahinto ng elevator, wala na akong oras para intindihin ang hilo ko. Agad akong bumitiw kay Mr. Cove at para na naman kaming hinahabol ng sampung toro dahil sa sobrang bilis naming tumakbo. Agad kaming nakarating sa locker room para makapagpalit ako ng scrub suit at makapag sanitize. And as I step my feet inside the operating room, every soul in that room... except for the patient, bore their eyes on me. Hope risen and mirrored on their depressed eyes. Isang tango lang ang ibinigay ko kay Dr. Kara Gallate, and she step back on her position but stay beside me as I approach the patient. I could feel all my senses are working. I am aware of everything. Even if I will close my eyes, it seems like I could still see them. I took a deep breath and examine the patient. “She’s pregnant,” I said as a statement. “I've been monitoring the baby’s heartbeat Doc, she can make it if her mom will make it,” agad na sabi ni Dr. Suzie Haliya, ang aming resident ob-gyne. “She’s a fighter, unlike her mom. It seems like she doesn’t have a will to live,” ani naman ni Dr. Kara. “She will make it, let us make sure on that, or else the future heiress of the oil sheik will not be born.” Pagkasabi ko, agad namang kumilos ang team ko. Mabilis na parang nag-init ang mga kamay ko. Bawat hiwa at hawi ko sa balat at laman ng pasyente ay sobrang bilis ngunit buong ingat kong ginawa. Bawat pagdaloy ng pawis ng aking noo ay siya namang pagpunas nito ng aking katabing nurse. Nakaalalay sa bawat galaw ko si Doc Kara at nakaantabay naman si Doc Suzie sa lagay ng sanggol sa sinapupunan ng aming pasyente. Hindi naging madali ang opersyon. Tatlong beses bumaba ang vital signs niya at tatlong bag din ng dugo ang ipinasalin ko. Kung lumalaban lang sana ang pasyente, hindi sana magiging ganito. Alam kong may dahilan kung bakit ayaw niyang lumaban pero hindi dapat ganito. Sa pangkalahatan, ay dose oras na siyang nakasalang sa operating table at hindi maganda 'yon. “Mrs. Singher, what seems to be the problem? Why are you not fighting?” nagsimula na akong ma-frustrate kaya nagsimula na rin akong kausapin ang pasyente ko. “Hindi ka ba naawa sa anak mo? Are you going to give up?” alam kong unconscious siya pero alam kong someway, somehow, ay maririnig niya ako. “Would you like her to grow up without you? Makakaya mo bang magkaroon siya ng madrasta na aalipustahin siya?” “Hey, what are you saying?” natatawang kumento ni Kara. “Why? We knew she could possibly hear us, right?” tinaasan ko sila ng kilay ni Suzie. “I am just telling her the scenario if she won’t gonna fight. You hear me Mrs. Singher? Fight for your life...for your baby.” Siguro ay narinig ako ng pasyente kaya biglang naging stable ang lagay niya. Nanatili itong maayos hanggang sa maisara ko ang mga sugat niya. Inutusan ko rin ang mga nurse na linisin ang pasyente. Agad na napaupo kaming mga doctor dahil sa pagod nang dahil sa tagal na nakatayo. “Kara, you have to inform the immediate family of the patient’s status,” baling ko sa kanya. “'Yaan mo ang hayop na 'yon, napakababaero!” nakasimangot na turan ni Kara pinaningkitan ko siya. “Duh? Kaya na trigger ang sakit ni Mrs. Singher dahil sa nahuli niya sa akto ang asawa na may nakadikit na higad,” tumuwid pa siya ng upo at tamad na tamad na sumadal sa dingding katabi ko. “Di lang 'yon, muntik pang hindi isugod sa ospital itong pasyente natin kung hindi lang dumating ang mga bodyguard no'ng ugok na asawa niya.” “Pa'no mo naman nalaman ang lahat ng 'yan?” Grabe namang kupal ng asawa na 'yon! “I personally ask them—the bodyguards I mean, alam mo naman…dapat alam natin ang reason kung bakit sila naisugod sa emergency.” “Talaga? Buti nagsalita ang mga 'yon,” ani naman ni Suzie. “Kaya naman pala ayaw nang lumaban ng pasyente natin, dapat pala inoperhan din natin ang puso niya at pinalitan ng pusong bato,” biro ko. Natawa na naman ang mga nurse pero batok ang inabot ko kay Kara at hampas sa braso naman kay Suzie. “Hoy ano ba! Superior niyo ko!” “Superior my ass,” sabi nila pareho. “Aba bruha kayo! Ako nagpapasahod sa inyo!” tawa lang natanggap ko mula sa kanila. Palibhasa ay mga naging ka klase ko sila kaya ganyan umasta ang mga yan. Kainis! Nag-decide kaming mas pakabahin pa ang oil sheik sa labas ng operating room. Hindi ko rin pinalabas ang mga nurse ko at pinagpahinga ko sila sa gilid. Pinahatid ko naman agad sa ICU ang pasyente para maobserbahan ng mga naka-assign do'n. Noong manawa na kami sa chismisan at halos 12 hours na kami sa operating room, doon lang kami nag pasyang lumabas. I mask my expression as we step out of the room. Agad kong nakita ang oil sheik na nakadukduk sa upuan at sa tabi naman nya ay paniguradong ang ‘lintang’ sinasabi nila. Tumikhim ako at agad naman na napatayo ang lalaki at dahil nakasandal ang linta, agad siyang nahulog at alam kong pigil na tumawa ang dalawa sa tabi ko. “Mr. Singher,” panimula ko. Pinagmasdan ko siya, gusto kong maawa dahil sa nakikita ko. Sabog ang buhok, mapula ang mata at may bakas pa ng luha.  Pero hayop ang lalaking ‘to! “Doc, how is my wife and our baby,” tanong agad nito sa garalgal na boses. “The baby is okay, but your wife is another story. She didn’t want to fight,” agad naman itong napahagulhol. Wow, tears of joy ba yan? “Please…save them both,” nabigla ako nang bigla itong lumuhod at kumapit sa binti ko. I counted 1, 2, 3, and damn! Biglang sumulpot si Mr. Cove at pilit na nilalayo ito sa ’kin. “Sir please…” pilit ko siyang pinatayo. Baka kasi bugbugin ng bodyguard kong macho. “I can pay. You can take all my money. f**k! You can take my soul instead!” hiyaw nito. Napatingin ako kay Mr. Cove. Parang sinasabi ng mga mata niyang wag ko nang pahirapan ang taong ‘to. “I am not God sir, and I could not do miracles,” “But they say you have miracle hands,” nakalumpasay na ito. Nakakawa. Malayong malayo sa tanyag at makisig na mayamang negosyante na may pinakamalaking kumpanya ng langis sa buong Asya. Isang pilipina ang asawa nito kaya sila dito naninirahan sa Pilipinas. “I promise to love her, only her for the rest of my life. God take her back!” lumambot agad ang puso ko dahil sa sinabi nya. “You should sir, because we only have one life. You already have a credit for her second life. You have to love her and take care – only her, for the rest of your life. That is your payment. And if you won’t, then may the God take her to His kingdom.” Napatanga ito sa’kin. Yes, sinabi ko talaga 'yon. Kunin na sana ni Lord ang asawa niya kung hindi rin naman niya papahalagahan at mamahalin. In fairness kay koyang, kahit na tulo uhog na kakaiyak ay gwapo pa rin. “You may see her at the ICU. I will allow you to stay beside her until she will get better. Just only you sir.” Tango ito nang tango at nagpasamalat sa amin. Agad ko siyang pinahatid sa isang nurse para makita na niya ang asawa niya. Echapwera naman ang linta at naghihimutok na umalis sa harap naming lahat at saka lang kami nagtawanan. “Good job baby,” bulong ni Mr. Cove. Pagkarinig ko sa boses niya ay saka ko lang naramdaman ang pagod at panghihina. Agad niya akong binuhat na parang bata. Sinubsob ko naman ang mukha ko sa kanya at inipit siya sa pagitan ng mga hita ko. “I am so tired Mr. Cove…” “Let’s get you home baby…and let us make that miracle hands of yours, rest.” Tanging ungol lang naisagot ko sa kanya bago ako sakupin ng pagod at antok.                  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.2K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.9K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

CLOSER

read
141.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook