Chapter Two

1620 Words
“MAMA!” Masigasig na yumakap si Evan kay Eve habang nagmo-mop siya ng sahig ng café na pag-aari ng kakambal ni Eve na si Pauline ng naturang café sa Poblacion, ang syudad kung saan naging alkalde ang asawa nitong si senator Gregorio Perez. Kakambal niya si Pauline at nakilala niya ito matagal na panahon na ang nakakaraan. Pero si Pauline, nakilala lang siya mula nang gumawa siya ng eskandalo na kailanma’y hindi nila malilimutan. She was a drug addict. Matapos niyang lumisan mula sa mahigit dalawang taog pang-aabuso ng tiyuhin ay napilitan siyang magtrabaho sa isang strip club bilang masked dancer. Napilitan siyang magtrabaho sa isang trabaho na kahit kailanman ay hindi niya maiiisip na pasukan. Her lady boss promised her protection from her uncle. Pero ang kapalit no’n ay ang maging main attraction sa isang rundown strip club. Suot lamang ang pulang maskara at wala ni isang saplot sa katawan, nagbigay-pantasya siya sa mga kalalakihan na nanonood sa nakakaakit na galaw at kumpas ng katawan niyang kinaiinggitan ng kanyang mga ka-trabaho dahil sa kurba ng katawan niyang parang hinulma. Every men worshipped and bowed down before her nude beauty. Binatilyo man o uuugod-ugod na, walang pumapalya na bigyan siya ng isang malisyosong tingin sa tuwing tumutugtog na ang isang malumanay at erotikong kanta. Ang mga matang puno ng pagnanasa ang naging pundasyon ng kanyang kabuhayan para makatakas sa kamay ng tiyuhin. But she had nightmares. Nightmares that cannot seem to stop haunting her every single night. Her lady boss from the strip club introduced her to recreational drugs. It kept her sane. Naging maayos ang tulog niya at wala nang mas magandang pakiramdam doon. Pero dahil ipinagkait sa kanya sa matagal na panahon ang kapayapaan na nararamdaman niya sa ilalim ng impluwensya ng droga ay nalulong siya. She abused the drugs. Hanggang sa nagdulot iyon ng masamang epekto sa kanya at sa kanyang pag-iisip. The drug she took triggered negative feelings and thoughts. She tried to get rid of her twin sister, Pauline. She even stole Pauline’s identity for the money. Naging mas lulong siya sa droga at sa paggasta ng pera. The only thought that entered her mind that time was she was doing nothing wrong to anyone because she deserved it. She deserves luxury and peace of mind. Wala siyang kontrol sa pag-iisip, to the point that she nearly killed her twin twice. Walang dapat sisihin kundi siya. She let her demons completely destroy her. Kahit pa sabihin na nasa impluwensya siya ng droga ay alam niya sa sarili na walang dapat na sisihin kundi siya. And now, Pauline gave her a second chance. Pau took her to a mental hospital for rehab. Sa loob ng apat na taon ay tuluyan na siyang gumaling at noong nakaraang buwan lang siya nakalabas ng ospital. By the help of her psychiatrist and attending physician, she became completely okay. Malaki ang tulong ng psychiatrist para mawala ang mga masasamang panaginip at tuluyan nang mawala ang guilt na nararamdaman niya sa ginawa sa kapatid. Right now, she and her twin sister were best friends. Lagi silang nagkikita at kinakamusta ang isa’t-isa. At ngayon, dumating ito kasama ang anak niya na si Evan. Pauline took care of Evan for four years while she was in the hospital. Dahil sa pangangalaga ni Pau sa anak niya ay lumaki itong malusog at bibo kagaya ng pinsan nito na si Grey, anak ni Pau. Sinalubong niya ng yakap ang tumatakbong si Evan kasama ang pinsan nitong si Grey. She kneeled, spreading her arms wide open to welcome the two adorable kids with a smile. “Tita!” Grey giggled as the kids both burried their bodies to her. She squeezed them both. “Ang kukulit niyong dalawa. Ang sabi ko huwag na kayong magsasabay ng yakap sa akin.” Pinupog niya ng halik ang dalawa sa pisngi. “You look like mommy so I am your son, too. Technically speaking, tita.” Halos gustong magdugo ng ilong niya sa ingles nito. Mabuti na lamang at nasanay si Evan sa pagtatagalog dahil sa tita nito kaya hindi siya hirap sa pakikipag-usap sa anak. “Kamusta ka, anak? Bakit ka napadalaw dito?” Aniya sabay karga sa apat na taong gulang na anak. His green eyes smiled. “Kasi sabi ni tita pwede na daw akong tumira kasama ka, mama.” Nangunot-noo siya. “Sigurado ba siya? Akala ko ang sabi ng tito Grego mo, oobserbahan niya muna kung magaling na talaga ako bago kita alagaan?” “Pumayag na si Grego na tumira si Evan kasama ka. Syempre, gusto nang bawasan ni Grego ang ka-kumpitensya niya sa atensyon ko lalo na’t may dadagdag pa.” Ang pamilyar na boses ni Pauline ang sumagot sa mga tanong ni Eve. Pauline was standing beside her. Ni hindi niya man lang namalayan na katabi na niya pala ang kakambal. Pauline is blooming just like a fresh, vibrant-colored sunflower. Paniguradong sagana na naman ito sa dilig. “Ang bilis mo gumalaw, ah? Ang laki na niyang tiyan mo pero hindi kita napansin diyan sa tabi.” She tapped Pau’s back. “Kamusta ang pagbubuntis mo? May pinaglilihian ka ba?” Pau giggled, as always. “Saging. Saging ang pinaglilihian ko.” Umupo ito sa isang bakanteng sofa na nasa sulok ng café habang sapo-sapo ang tiyan. Nasa ikalawang trimester pa lang si Pau kaya may kalakihan na rin ang tiyan nito. Karga si Evan, nilapitan niya ang kakambal at inalalayang umupo ng maayos sa sofa. “Sorry. Napagod lang ako kaya nahihirapan akong gumalaw.” “Inaaraw-araw niyo kasi.” Sumimangot siya. Araw-araw na lang ay kinu-kwento ni Pauline ang sexcapades nito sa asawa. Pauline giggled. “I love how Grego makes me orgasm. My body craves for it. Siguro dahil sa pagbubuntis ko.” “Sinong niloko mo? Eh, kahit hindi ka buntis paniguradong aaraw-arawin niyo pa rin.” Pau’s sudden burst of laughter echoed in the whole café. She looks so adorable and lively. Kaya hindi siya nagtataka kung bakit baliw na baliw si Grego sa kakambal. “Naiinggit ka lang, Eva.” “Eve.” Pagtatama niya sa kapatid. “Eve ang palayaw ko at hindi Eva. Pinapaalala mo lang sa akin ’yung mukha ng hinayupak.” Naningkit ang mga mata ni Pau at sumandal sa sofa. “Bakit? Ayaw mo bang makipagbalikan sa tatay ni Evan? Hindi ba alam naman niya na may anak siya sa’yo?” “Pati ba naman iyan, ikinuwento ni Mr. Patrimonio?” Ang tinutukoy niya ay ang private investigator ng asawa ni Pau. Nagtatrabaho ito sa mag-asawang Perez kaya paniguradong lahat ng galaw niya ay under-surveillance at direktang inire-report kay senador Grego. “Ang sabi ni Dante, nagpa-imbestiga rin si Mr. Waverly tungkol sa’yo. Knowing Dante, he has tons of connections.” Eve heaved a sigh. Napaupo na rin siya sa tabi ng ka-kambal at sinabihan ang anak na si Evan na makipaglaro muna sa pinsan nitong si Grey. Nang masigurado niyang nakikipaglaro ang mga ito ng tagu-taguan sa mga staff ay nagpatuloy sila sa pag-uusap. “Alam ko naman iyon. Kahit hindi ko sabihin, makakahanap ng paraan si Hefner para malaman na… na…” she choked. She swallowed the lump formed in her throat. “–na siya ang tatay ni Evan?” Pauline added to her statement. She nodded. “Give him a chance to be a father, Eve. Just like what you did to me. Binigyan mo ako ng chansang maging kapatid sa’yo. Sana magawa mo rin iyon sa kanya. At least let him show that he’ll be a good father.” Pauline shrugged. “Grego thinks so, too. Kilala mo si Grego. Mahal na mahal niya si Evan kagaya ng pagmamahal niya kay Grey. Hindi niya ilalagay sa alanganin si Evan.” Napangiti si Eve. “Alam ko naman iyon, Pau. Naniniwala ako doon. Ni ayaw nga ni Grego na tumira si Evan kasama ako sa iisang bahay eh. Talagang may malasakit siya sa anak ko. Kaya pakisabi sa kanya, salamat. Alam kong hindi niya pa rin ako napapatawad—” Pau held her hand. Pinagsiklop nito ang kanilang mga kamay. “Hey, napatawad ka na ni Grego. Talagang iniisip lang niya ang nakabubuti para sa lahat. He only wanted to make sure that you are mentally capable of raising Evan alone. At base sa mga inire-report ni Dante, mukhang magaling ka na at kaya mo na. Kaya nandito kami ngayon para ihatid si Evan sa’yo. Nasa kotse ang mga gamit niya. Tuwing weekends, magpupunta ako kasama sila Erin at Grey sa bahay mo para bumisita.” She wanted to cry. Hindi niya alam kung bakit deserve niyang magkaroon ng napaka-bait na kakambal katulad ni Pauline. Marami na siyang nagawa rito na halos walang kapatawaran sa mata ng iba pero heto ito ngayon at tinutulungan siya imbes na kamuhian. Napapitlag silang pareho nang makarinig ng notification mula sa phone ni Pau. Nang kunin iyon at basahin ng kakambal ay natawa ito at napa-kagat labi. Napailing-iling si Eve. Paniguradong lalanggamin na ang kakambal niya at si senador sa sobrang ka-sweetan. Napahalukipkip siya at tinanaw na lamang si Evan at Grey sa malayo. Nakikipaglaro pa rin ang mga ito sa mga staff. At dahil wala namang customer sa mga oras na iyon ay malayang nakakapaglaro ang dalawa. “Maagang uuwi si Grego. May pupuntahan kaming dalawa mamaya kasama ang mga bata. Pwede bang bukas ko na ihatid si Evan sa’yo?” Tiningnan niya ang kapatid. “Sige. Basta dalhan niyo ako ng pasalubong.” “Bibisitahin namin si Nanang Marta sa San Rafael. Babalik din kami kaagad.” “Nai-intriga talaga ako dito sa Nanang Marta mo na ito. Gusto ko rin siyang makita’t makilala. Palagi niyong naiku-kwento ang Nanang mo sa akin. Sana makilala ko siya.” Tumayo na si Pauline at inayos ang suot na dilaw na maternity dress. “Makikilala mo rin siya. Dadalhin namin siya sa Poblacion kapag may tiempo.” Pauline kissed her cheek. “Iiwan na lang namin ang mga gamit ni Evan sa bahay mo pagkatapos ay tutuloy na kami sa San Rafael.” Hanggang sa makaalis na sila Pauline ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang posibilidad na kuhanin ni Hefner ng sapilitan ang anak nila mula sa kanya. Unti-unting umagos ang mga luha sa mata ni Eve, kasabay ng mga alaala ng nakaraang nakaukit at hindi mawala-wala sa buo niyang pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD