CHAPTER 1: Goodbye Philippines

1075 Words
Chapter 1: Goodbye Philippines Hindi pa nga nagsisimula ang kwento aalis na agad ako. Wala eh. Ganyan talaga kapag may taning na ang buhay. Kailangan ng mag-goodbye Philippines. Pero syempre, joke lang. Ako ay mag-aalsa balutan na. Pinapalayas na ako dito sa ating bansa. Masyado na raw marami ang magaganda dito. Nakakadagdag na daw ako sa over population kaya naman nagpasya na ang ating embahada na ipatapon na ako sa lupain ng South Korea. That's why I am saying goodbye to all of you. Mamimiss ko kayo! Before anything else, Magpapakilala pa ba ako? Let me think about it. Huwag na kaya? Baka ako'y makilala niyo if I introduce myself. Pero biro lang, syempre.  My name is... My name.. and it's not your name. Kaya wag niyo kuhanin ha! Kidding aside, my name is Kim Ashley Asuncion. 22 years of age. Now going to settle at the beautiful land of South Korea. Dating magandang magandang magandang fangirl. Kung itatanong niyo kung fangirl pa rin ako hanggang ngayon, syempre ang isasagot ko sa inyo ay... Oo. Maganda pa rin ako. Pero seryoso na. Oo naman, syempre. Hindi na naman yun mawawala sa akin. Kaya lang, may mga bagay na kailangan kong iprioritize ngayon kesa sa pagiging fangirl ko. Na-realize ko kasi na baka tumanda akong nasa lusak kapag hindi ako nagsumikap. At kailangan kong tulungang mai-ahon sa hirap ang pamilya ko. Ang bait ko, ‘di ba? Siya, kailangan ko pang mag-empake. Bukas na ng umaga ang alis ko eh. This is it na talaga. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako makakalimot na sumulat. "Uy bespren!" Halos mapatalon ako sa sobrang hulat nang bigla na lang may dumamba sa akin mula sa likuran. “Ay kabayo ka ng ama mo!" Malakas namang tumawa roon ang nanggulat sa akin. “Daebak bespren! Aalis ka na't lahat, napakamagugulatin mo pa rin." Anak ng tinapa si sadako, oo! Si Loisa pala ito. At kasama pa sina Izzy at Majoy na napakalawak ng ngiti. Akala mo'y kay gagandang mga babae. Eww! "Sira ulo kayo! Anong gusto niyong mangyari? Atakihin ako sa puso para hindi ako matuloy sa pagpunta sa Korea? Aba'y matindi! Walang ganyanan." Nakapameywang at nakanguso kong sabi sa kanila. "Pwede din yun." Tumawa na naman itong si Izzy na katunog ng tawa ni Spongebob. “Oo nga. Napakadaya mo naman kasi! Bakit ikaw lang pupunta doon? Isama mo na nga sabi kami. Papabalot na lang kami sa aluminum foil tapos itupi mo na lang kami. Para wala ng gastos sa pamasahe.” Isa pa itong si Majoy. Napa-facepalm ako sa narinig na iyon. Kaya siguro kami magkakaibigan? Kasi pare-pareho kaming mga baliw. Hay... Pero ito ang mamimiss ko sa mga bruhang ito. Yung kakaltugan nila. Kabaliwan. Ang tatanda ng mga tao, mga isip bata pa rin! Bias pa rin nila mga inaatupag. Nakanang judas belt! Tumawa ako roon. “Mga sira ulo kayo! Wag nga kayong ganyan! Baka umiyak ako. Papatayin ko talaga kayo." Pabiro kong sabi saka sila sinamaan ng tingin. "Che! Echusera ka bespren! Uwi!" At kasunod niyo ay nakatanggap ako ng batok mula kay Loisa. Ang dakilang batukera ng grupo. Naupo ako sa kama kasama sila. Sabay-sabay pa kaming nagbuntong-hininga. "Teka... nasaan nga pala ang kapatid mo?" Tanong ni Majoy. I shrug my shoulders. "Ayun, nire-r**e ang kanyang bias doon sa kanyang kwarto. Baka nga buntis na yung bias niya." Napatawa ako ng malakas nang makita ko ang mga reaksyon nila sa sinabi kong iyon. Lahat sila parang mga nakakita ng multo na hindi ko mawari kung anong uri ng multo. Basta multo. Ganoon. Agad naman akong nag-peace sign sa kanila nang tingnan nila ako ng masama. Baka mamaya bugbugin pa ako ng mga ito. "Sira ulo! Hindi natanggap ng baliw sa Korea, Kash! Huwag ka ng tumuloy. For sure, they'll just going to send you back here. So come on, dont go." Ayan. Nag english na naman ang baliw na si Izzy. Teka! Pahinging cotton balls. Tatlo kaming duguan dito! "Echoserang mga palaka kayo! Hinihintay na nga daw ako ng South Korea. Mamahalin daw nila ako doon at aalagaan. Hindi daw nila ako hahayaang masaktan. Kaya kayong mga masasamang espirito na lumulukob sa akin, lubayan niyo ako." I said then I put my tongue out. Lulubusin ko na ang pangtitrip ngayon. Dahil alam kong bukas at sa mga susunod na araw hindi ko na ito magagawa. They just gave me a poker face after I said those to them. I laughed heartily before jumping into them. “Group hug nga mga kapatid!" Sabi ko tapos lumapit sila sa akin at niyakap ako. "Hoy teka! Pasali ako! Aba naman! Sasapakin ko kayo ng tig-iisa. Nakikita niyo!" Hayan na ang isa pang baliw. ‘Yong kapatid kong aning aning. Haha. "Bilis na! Dami pang satsat nitong Krystal na bruhang to. Faster!" Sagot ni bespren Loisa. Nakasimangot. Pero ganyan lang talaga ng hitsura niya, most of the time. "Siya, hatid niyo ako bukas ha?” Maya-maya’y dagdag ko, sabay pa-cute sa kanila. Alam ko namang hindi nila matitiis ang ka-cute-an ko. Super cute ko raw kaya, sabi ni mama. "Ano ka? Chix? Batukan kita eh." Nanlilisik ang mga matang sabi sa akin ni Majoy. Eh? Batukan ako? Hello? Adik talaga tong si Majoy. Nabatukan na nga ako bago pa sabihing babatukan ako. I pout on that. “Wala kayong pasalubong sa akin. Tandaan niyo yan." Banta ko sabay halukipkip.  Akala niyo ha! Hindi ko kayo papasalubungan ng buhok ng mga bias niyo! Their eyes all widened because of what i’ve said. See? Mga takot mawalan ng pasalubong. Tsk! As if I would still come back. Duh! Doon na kaya ako maninirahan! I secretly laughed inside my head. Pero joke lang pala. Baka paluin ako ng nanay ko sa pwet kapag hindi na ako bumalik dito. “Ikaw naman, Kash. Jino-joke ka lang naman nitong si Majoy. Hindi ka na mabiro.” Halatang pilit na tumawa si Izzy. “Syempre ihahatid ka namin. Gusto mo kahit hanggang Korea pa.” Napatawa na lang ako ng dahil doon. Aalis pa ba ako? Huwag na kaya? Mamimiss ko ang mga ito eh. Pero wag din pala, tutuloy pala ako. Pakiramdam ko talaga meant to be ako sa Korea. Kaya, hwaiting! Tutuloy ako! Aja! Teka... ano nga ba ang magiging trabaho ko pagdating ko doon? Hala... oo nga! Hindi ko pa alam kung ano ang dadatnan kong trabaho sa kabilang ibayo! Kidding again! Ang alam ko magtuturo ako. Magtuturo ako kung paano magluto ng itlog sa kanto. Hehehe... joke lang ulit. Some sort of trivia... Alam niyo ba na graduate ako sa kursong Education at ang major na kinuha ko ay English. Kaya’t kung inyong mamarapatin, isa akong guro. Hindi man halata pero oo, isa akong butihing guro. Saklap! Pero hindi pa naman ako nakakapagturo talaga sa school. I still don't have an experience being a real teacher. That's why I decided to work abroad. Ayan. Alam niyo na ha. Hindi na kayo magtataka pagdating ko doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD