bc

Archon Fangirl No More (Book 2)

book_age12+
625
FOLLOW
4.0K
READ
love-triangle
second chance
pregnant
sensitive
self-improved
sweet
bxg
humorous
enimies to lovers
lies
like
intro-logo
Blurb

BOOK TWO of the story THE CRAZY ARCHON FANGIRL

Will they have a happy ending? Or will they end as normal people acting like they don't know each other and doesn't even exists in each other lives?

Join Kim Ashley Asuncion also known as Kash as she face the new journey in her life.

As a fangirl? I guess, not anymore.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Life is like a roller coaster. Minsan, smooth ang takbo. Minsan naman, parang nasa lubak. At masasabi ko na kagaya ng roller coaster ang buhay ko. Nangarap ako. Nagmahal. Minahal. Pero sa huli, nasaktan. Nakasakit. Pero alam ko na ito ang tamang gawin. Dahil minsan, may mga bagay na kahit gusto nating maging permanente at pang-habang-buhay ay hindi pwede. Nariyang hadlang ang mga taong nakapaligid, mundong ginagalawan at higit sa lahat, ang tadhana na siyang may pakana ng lahat. There are two options in making decisions. First is to hurt yourself for the happiness of others. Second is to hurt others for your own happiness. And I chose the first one. I chose to be hurt for the happiness of my love. Pero wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Kahit na nasaktan ko siya, kahit na nasasaktan ako, wala akong makapang pagsisisi dahil sumaya ako. Naging masaya ako sa piling niya. At siguro, sa ibang pagkakataon, pwedeng madugtungan ang pagmamahalan namin. Baka sa ibang pagkakataon, pwede na talaga kaming magsama. Iyong panghabang-buhay na. Iyong masasabi ko na wala na talagang hadlang. But for now, I have to do this. I have to leave him. For his own sake. Madami na siyang nagawang sakripisyo para sa akin. So it's time for me to do my part. Ako naman ang magsasakripisyo para sa kanya. Tama na rin siguro ito. Dahil alam ko na parehas na kaming nasasaktan. Parehas na kaming nahihirapan. Siguro, sa ginawa kong ito. Sa ginawa kong pag-iwan at pagtalikod sa kanya, magagalit siya. Kamumuhian niya ako. Kasi kahit na alam ko na ako ang kailangan niya, iiwan ko siya. Hindi ko na siya kayang hawakan. Kailangan ko ng bumitiw. Masyado ng napakabigat. Na kapag kumapit pa rin ako, parehas na kaming masusugatan ng husto. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero sadyang hanggang dito na lang. Wala ng next chapter. Wala ng kaabang-abang. Ito na yata ang ending ng lahat. ' "Sorry if I hurt your feelings too much. Hindi lang kasi ako makahanap ng tamang pagkakataon. Akala ko kasi, alam mo na, na may gusto ako sayo. Akala ko kasi malinaw na sayo ang lahat. Yun pala, akala ko lang yun. Hindi ko alam na masyado na pala kitang nalilito. But please, don't take back your love. Huwag ngayon..." He looked at me in the eyes. "Not now that I'm madly and deeply inlove with you." ' ' "The thought of you saying I love you to him slowly kills me inside. Pero mas nakakatakot pala yung sayo ko mismo narinig na sumusuko ka na. Daig ko pa ang pinatay ng sampung ulit." ' ' "Hindi kita mahal. Kasi ang totoo, mahal na mahal na mahal kita. That all I want is to keep you here beside me every second and every minute of the day." ' ' "Kahit na milyon pa silang magaganda sa harapan ko, kung nasa sayo naman ang puso ko, wala silang laban doon. Ikaw lang naman pati ang nag-iisang maganda na nag-eexist sa mundo ko kaya stop worrying. Okay?" ' Memories started to flashed back as tears starts flowing down on my face. Those memories I will keep and treasure for the rest of my life. "Kash..." Napatingin ako sa katabi ko. Masama ba akong tao sa gagawin ko? Masama ba ako kasi hindi ako tutupad sa binitawan kong pangako? Masama na ba akong matatawag kung ang iniisip ko lang naman ay ang kapakanan niya? Masama ba ako? He sighed. "Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" I bit my lower lip as I shook my head. "No. My decision is final. Ito ang alam kong tamang gawin. Ito lang." He sighed again as he enclosed me in his arms. Mas lalo akong napaiyak. I'm going to miss this guy. "Gustung-gusto kitang itali para lang hindi ka umalis. Kaya lang, sino lang ba ako para gawin yun? Ikaw pa rin ang magdedesisyon. Kung pwede lang kitang samahan, nakapagpa-book na din ako ng flight. Pero alam mo namang malabo yun." I nod. "Okay lang. Madami ka ng naitulong. Sapat na yun. And I thanked you for that. Salamat kasi hindi mo ako iniwan hanggang dito. Salamat kasi naiintindihan mo ako. Salamat sayo." He didn't answer. But his hug became tighter. Kung hindi rin siguro dahil sa tulong ng taong ito, hindi ko makakayang gawin ang lahat ng ito ng ako lang. Pati siya, nadadamay. Pati siya, kailangan niyang magsakripisyo para sa akin. Nandoon lamang kami sa ganoong posisyon hanggang sa tawagin ang boarding flight ko. This is it. There's no more turning back. "It's time." Sabi ko saka kumawala sa pagkakayakap niya. "Indeed. Mag-iingat ka. Ingatan mo ang sarili mo." I nod. "I will." He lowered his head and kissed me on my forehead. "Keep in contact with me. Please. Kahit ako na lang." Napatitig ako sa kanya. Should I? Tumango ako na bahagya niyang ikinangiti. "Thank you, Kash." "Just keep this between the two of us." Tumango siya. "I will." And for the last time, we bid our goodbyes. As I walk away in this country, things are going to change. Things that I'm used to before will no longer be part of me. And the things I left for this country is going to approach me again. I guess, this is really my destiny. A destiny that I never thought will hit me. And I accept it whole-heartedly. Goodbye happiness. Still, be happy. Live your life. I love you. ****** Two months na ako dito sa bahay pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapag-adjust sa klima. Nakakaasar. Para na 'kong tanga. Araw-araw akong nabubugnot at nagrereklamo na ang init-init dito sa bahay. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi na nasa Pilipinas na ulit ako. Ahh! It's good to be home. I missed my home. I missed my family. I missed my crazy friends. I missed this life. Bumaba na ako sa kwarto ko at nagdiretso sa kusina. Naabutan ko doon ang kapatid kong si Krystal na busy sa paghahanda ng almusal. "Morning!" Bati niya na tinanguan ko lamang. "Isnabera!" Tuwing umaga na lamang. Kapag babatiin niya ako at tatanguan ko lang siya, palagi niyang sasabihin na isnabera ako. Tumango naman ako ah? Anong isnabera doon? Gaga talaga. Naupo na ako. Pero ng makita ko ang mga nakahain, parang gustong bumaligtad ng sikmura ko. Nawalan ako bigla ng gana. "What's with the face, Ate? Para kang tanga." I frowned. "Lalo ka na. Ano ba 'yang mga niluto mo? Ayoko niyan. Hindi masarap. Wala na akong gana." Napanganga siya. "Ha? Eh di ba favorite mo ang mga ito?" Bahagya lamang akong umiling saka tumayo na. Lately, mabilis magbago ang mood ko. Pati na rin ang mga gusto ko. Palagi rin akong antok na antok. Kahit hindi naman ako nagpupuyat. Nagtataka na nga sina Majoy sa akin. Kasi dati naman daw hindi ako pilian sa pagkain. Pero ngayon, kung makapamili ako, wagas. Hindi naman talaga dati. Kaya maski ako, nagtataka sa ikinikilos ko. Dala ba 'to ng nararamdaman kong pangungulila? O masyado lang akong nasanay sa mga pagkain sa Korea? Kaya ganito na namimili ako ng mga kakainin ko. Naipilig ko ang ulo ko. Nagmu-move on na nga pala ako. At kasama sa pagmu-move on na iyon ang hindi ko pag-iisip sa kanya o sa kahit na anong may koneksyon sa kanya. Niyaya akong lumabas ng Kaltog Girls. Para naman daw may masagap akong ibang hangin bukod sa hangin na ibinubuga ng aircon sa kwarto ko. Sumama na rin ako. Halos two months na rin ako dito pero hindi pa ako nakakapamasyal sa labas. Alam na nila ang nangyari. At imposibleng hindi nila malaman. Dahil bukod sa mga fangirl sila ay mga chismosa din sila. Kaya pinilit talaga nila akong pagkwentuhin. Natatandaan ko pa, kinabukasan, pagkadating na pagkadating ko, lahat sila nagsugudan sa bahay at pinilit akong magsalita. At dahil na-corner na ako that time, wala na akong nagawa. Iyak ako ng iyak habang nagkukwento. Masakit. At hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit. Pinipilit ko lang magpakatatag para hindi na nila ako alalahanin. Ayoko ng mag-alala sila. Tama na 'yung isang buwan na halos gabi-gabi na lamang akong umiiyak. Nakakapagod na ring umiyak. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon eh. Pinili ko ito. Kaya dapat lang nga siguro na magdusa ako sa naging desisyon ko. "Anong gusto niyong kainin mamaya sa mall? Libre ko!" Napatingin ako kay Izzy ng sabihin niya iyon. Ano bang gusto ko? Nagugutom na ako. Kanina pang hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa gutom. Nag-iisip ako ng kung anong pwedeng kainin mamaya sa mall ng biglang out of nowhere, nakaamoy ako ng kakaibang amoy. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng amoy na iyon. And in an instant, I start craving. "Calamares." "Ha?" Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Pero hindi ko sila pinansin. Parang nagkabuhay ang mga paa ko at nagsimulang maglakad sa may nagtitinda ng calamares. Hindi ko inaalis ang tingin ko doon. Ayokong mawala ang paningin ko roon dahil baka mawala kaagad iyon. The Kaltog followed me. Ng makalapit na ako ng tuluyan at makita ko na ang calamares ay mas lalo akong nag-crave. I smiled widely. "Manong, 20 pieces nga pong calamares. Yung maanghang na suka po, please. Salamat." Ngiting-ngiti kong sabi sa tindero. "Okay, Miss Ganda." Naramdaman ko ang pagkulibit sa akin ni Majoy. I looked at her. "Sigurado kang kakain ka niyan? Di ba ayaw mo niyan dati?" I just shrug. Bakit ba? Eh gusto ko na siya ngayon. Ng matapos ako sa pagkain ay nagyaya na.ako sa kanila na tumuloy sa mall. I'm so happy! Ang sarap-sarap nung calamares. Gusto ko pa nga sana kaya lang pinigilan na ako nung apat. Maputla na daw ang labi ko dahil sa suka. Aangal pa sana ako kaya lang ay masyado ng mataas ang sikat ng araw. Masyado ng mainit. Di bale, mamaya, babalikan ko talaga yun. Naglilibot na kami sa loob ng mall ng bigla akong mapatigil sa paglalakad. "Bakit bespren?" T'was Loisa. "W-wala. Medyo nahilo lang." "Bakit?" "Baka dahil sa init ng panahon sa labas kanina. Tapos bigla tayong pumasok agad dito sa malamig." Paliwanag ko. Nanlalabo ang paningin ko. Ang bigat din ng pakiramdam ko. Ano bang nangyayari? Kunot-noo silang nakatingin sa akin na parang ang lalim ng iniisip nila. Parang binabasa nila ang kabuuan ko. "Kash, umamin ka nga..." Napako ang tingin ko kay Majoy. "Buntis ka ba?" I blinked. "Oh my gosh!" Natutop ko ang bibig ko kasabay ng paglandas ng luha sa aking mata. Matapos ang tanong sa akin kanina ni Majoy ay nagyaya na akong umuwi. Bigla, hindi ako napakali sa itinanong niyang iyon kaya bumili ako ng pregnancy test kit. At ngayon nga... Ito na. Nanghihinang napaupo ako sa kama. It's positive. I'm pregnant. I'm happy. I really am. Hindi ko alam na sa ginawa ko palang iyon ng gabing 'yon ay may mabubuo. I'm bearing his child. Our child. This time, alam ko na, everything's going to change. Big changes will going to happen. And I'm going to face this alone. I'm going to raise this child on my own. Mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko dahil siya na lang ang tanging meron ako na makakapag-paalala sa kaisa-isang lalaking minahal ko ng husto. Hindi na niya kailangang malaman. Hindi na niya kailangang malaman dahil ayokong masira na naman ang career niya ng dahil sa akin. I smile as I caress my little tummy. Sabi ko, kakalimutan ko na siya. But how can I even do that kung may naiwang alaala sa pagitan naming dalawa? Well, I guess, this is just the start of something new. A new story to be told. Destiny is always here. Ready to knock in my life. Either make it good this time or worst than ever before. I'm going to start the new chapters of my life with this amazing gift from above with new challenges, new faces, and I guess, a new heart too. A new version of me will be introduced.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.7K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook