bc

Chasing the Wind

book_age18+
2.1K
FOLLOW
5.5K
READ
second chance
badgirl
billionairess
drama
bxg
highschool
lonely
like
intro-logo
Blurb

Wala ng ibang hiniling si Sorell kung hindi ang lubayan siya ni Rosette, ang makulit na babaeng imbes na mag-aral ay walang ginawa kung hindi magpapansin sa kanya at habulin siya. She ruined his first relationship at hindi titigil hangga't hindi siya bumibigay. Pero wala talaga siyang gusto rito kahit pa halos buong elementary at highschool ay ginugol nito para mapansin niya. Hanggang sa isang araw ay nawala na lang itong parang bula nang may mangyaring trahedya sa pamilya nito.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, muling pinagtagpo ang mga landas nila. This time, it was different. Rosette was no longer the cheeky and lively girl na nakilala niya. Naipit ito sa isang malaking problema at ngayon ay wala sa sariling nakikipaglaban sa buhay.

Sorell promised na siya naman ang maghahabol dito at hindi na tatakbo kung sakaling lumapit ulit ito. He will return the old Rosette even if making her happy again is like chasing the wind.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Oh, andito na naman itong spoiled brat na Rosette na ito," sabi ng batang si Alison sa dalawa pang kasama. "Halika na nga, panggulo lang 'yan e." "Hi, can I join you?" tanong ng walong taong gulang na si Rosette. "No! Doon ka nga," mataray naman na sabi ng kinakapatid na si Kate at itinulak pa siya.  "Maybe, she can join us," pilyang sabi ni Queenie. "Kung ibibigay mo sa'min 'yang kwintas mo." Napatingin si Rosette sa suot na kwintas na may lockheart pendant. Hindi niya iyon pwedeng ibigay dahil iyon ang huling regalo sa kanya ng mommy niya. "I'm sorry. This was my mom's gift." "Your mom is dead," sabi ni Kate. "Salbahe ka kasi kaya siya namatay." "Hindi totoo 'yan!" hindi na napigilan ni Rosette ang sarili. "Don't shout at me." Nagulat na lang si Rosette nang sabunutan siya ni Kate hanggang sa sumali rin ang dalawang kalaro at pinagtulungan siya ng mga ito. "Take her necklace," utos ni Queenie. Dahil matangkad, nagawa ni Rosette na makalayo sa mga ito. Hindi sinasadyang maitulak niya si Kate dahilan para mapaupo ito sa bato at nagsimulang umiyak. Sakto namang napadaan ang kuya nitong si Kliff at nakita ang nangyari sa kapatid. "Sinong umaway sa'yo?" galit na tanong nito. Kinabahan si Rosette. Basagulero pa naman ang pinsan niyang iyon. Hindi siya nakakibo nang ituro siya ni Kate. Kitang-kita niya nang matalim itong tumingin sa kanya at ngumiti nang tumalikod ang kuya. "Bakit mo inaaway ang kapatid ko?" mayabang na tanong nito. "Siya naman nauna e," sagot ni Rosette. Hindi siya magpapaapi sa magkapatid na ito. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili. "Huwag kang maniwala dyan, kuya," kunwari’y maamong sabi ni Kate. "Ninakaw niya kaya 'yong kwintas ko." "Ibalik mo 'yong kwintas ng kapatid ko," utos ni Kliff. "Akin naman talaga ito..." "Ibalik mo sabi!" "No!" Hindi na napigilan ni Rosette na umiyak nang hablutin ni Kliff ang suot niyang kwintas. Pinilit niya iyong agawin muli pero talagang matigas ang lalaki. Nagulat na lang ito nang may lumapit na isa pang bata. "Ibalik mo 'yan sa kanya," seryosong utos nito. "Sino ka?" matapang na tanong ni Kliff at aambaan agad ng suntok ang lalaki. "Hindi ka dapat nambubully ng babaeng walang laban. Matanda ka pa naman kay sa sa kanya." "Ano bang paki mo ha?" Nagulat ang mga batang babae nang magsuntukan ang dalawa. Wala pang ilang minuto ay napatumba na ng bagong dating si Kliff at nabawi ang kwintas. Kinabahan naman ang batang lalaki at halatang hindi ito sanay makipag-away nang titigan ni Kliff nang masama. Halatang napahiya si Kliff dahil isang hamak na bata ang tumalo rito. Matanda si Kliff kay Rosette ng dalawang taon. "Magtutuos tayo," galit na banta ni Kliff habang sapo ang panga. Walang namang nagawa ang tatlong batang babae kung hindi sumunod sa kuya ni Kate. Lumapit kay Rosette ang batang nagtanggol sa kanya na mukhang nasaktan rin.  "Thank you for defending me," humihikbing sabi ni Rosette. "Wala iyon. Nasaktan ka ba?" "Hindi naman. Ikaw?" Nakangiting umiling ang batang lalaki bago iabot ang kwintas sa kanya. "Ito o. Sa'yo ito, hindi ba? Huwag ka nang umiyak." "Salamat," masaya nang sabi ni Rosette at tuwang-tuwang isinuot ulit ang kwintas. "You're my hero." Hindi nito napigilang yakapin ang batang lalaki. "What's your name?" "S-sorell," namumulang sagot nito. "I'm Rosette." "Hi." "Salamat talaga sa pagtatanggol sa akin ha. Hayaan mo, bukas dadalhan kita ng bagong laruan." "Huwag na." "Don't be shy. Sabi ni mommy, I should love those who are kind to me. Ikaw lang yata ang mabait sa'kin e. Kaya friends na tayo ha?" Walang nagawa si Sorell kung hindi tumango. "Siguro kapag nakilala ka ni mommy matutuwa iyon. Kaya lang wala na siya e," bahagyang nalungkot ang boses ni Rosette. "Nasaan na siya?" curious na tanong ni Sorell. "She died last week." Hindi nakakibo si Sorell lalo na nang makitang natahimik ang batang kasama. "S-sorry kung nagtanong ako. I'm sure kung nasaan man siya ngayon, mahal na mahal ka niya at ayaw niyang nakikitang umiiyak ka. Kailangan mong maging matapang." Tumango si Rosette at pinilit ngumiti kahit pa halatang gusto na naman nitong umiyak nang maalala ang ina.  Maya-maya ay nakita ng lalaki ang yaya na kumakaway mula sa labas ng school. "Sige, kailangan ko nang umuwi. Sinusundo na ako ng yaya ko e." "Ganoon ba?" masaya na ang boses ni Rosette. "Can I come to your house? Promise, mag-bebehave ako." "Ah… kasi gagawa pa ako ng homework," pagdadahilan ni Sorell. Mukhang mapapasubo siya sa babaeng ito. "Okay, next time," nakangiti nang sabi ni Rosette at kumaway nang umalis na ang lalaki. "Bye, Sorell." Ganoon na lang ang pagkagulat ni Sorell nang makitang inaabangan siya ni Rosette sa labas ng school. May dala pa itong bagong laruang kotse katulad ng pangako. "Sorell!" masayang kumaway si Rosette sa paparating na lalaki. May mga kasamang kaibigan ang lalaki na siguro’y mga kaklase nito. Hindi alam ni Sorell kung ano ang gagawin. Lalo siyang nahiya nang magsimula siyang tudyuin ng mga kasama. "Sino 'yan, Sorell, girlfriend mo? Ikaw ha. Ang bata-bata mo pa. Susumbong kita sa nanay mo." "H-hindi a," napilitan niyang tanggi at kunwari'y naiinis na naglakad nang mabilis. "Di ko nga kilala yan e." Nawala naman ang mga ngiti sa labi ni Rosette. Pero muling napangiti nang maalala ang pagtatanggol na ginawa ni Sorell kahapon. Nahihiya lang siguro ang lalaki dahil may mga kasama itong kalaro. Tsaka na lang niya ulit lalapitan ang bata. Isa pa, sabi ng mommy niya, huwag daw basta-basta susuko sa mga taong mahal mo at nagpakita sa'yo ng kabaitan kahit pa dumating ang oras na saktan ka nila. "Don't worry, mommy," sabi ni Rosette sa sarili, "I will not give up on Sorell." Iyon ang pangako ni Rosette sa murang pag-iisip. Hindi niya susukuan ang tanging taong nagpakita sa kanya ng kabaitan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
425.3K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
685.3K
bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook