CHAPTER 04

1307 Words
"Uyy Breigh gising. "Sabi ng ka office mate ko at tinuktok niya pa yung table ko para mas lalo akong magising. Medyo bitin pa ang tulog ko pero umayos na ako mula sa pag kaka upo. "Bakit parang puyat na puyat ka? "Tanong sa'kin ni Lovely. "Wala. Pagod lang talaga ako. "Medyo malumanay pa na sagot ko. Grabe! Inaantok pa kasi talaga ako ehhh. -_- "Uyy umayos ka, nandyan si Sir. "Mabilis na sabi niya at bumalik sa kanyang ginagawa. Imibis na ayusin ko ang pagkaka upo ko ay ang buhok ko ang inayos ko, baka kasi magulo tapos ma-turn off sa'kin si Castiel. Nakatingin lang ako sa kanya habang lumalapit siya sa pwesto ko. Shit! Bakit ang gwapo niya pa rin kahit sobra ang pagkaka-kunot ng noo niya. Yiiehh! *pakkk Nawala agad ang pag de-daydream ko sa sobrang gulat nang pabagsak niya inilapag ang mga folder na hawak niya sa table ko. "Dalhin mo toh sa 16th floor, sa office ni Gab "Utos niya at mabilis na tumalikod tsaka umalis. Tiningnan ko ang mga folder sa harapan ko, grabe ang dami naman nito. "Nakaka inis talaga yang si Sir, ang dami daming pwedeng utusan tapos ikaw pa. Kaya mo ba yan? O gusto mo tulungan na kita? "Tanong sa'kin ni Lovely at halata ko na medyo nag aalala siya sa'kin. I just smiled at her. "Okay lang, tsaka kailangan ko talaga toh para makapag excercise ako ng hindi ako antukin. "Masayang sabi ko at tumayo na. "Sure ka huh."paninigurado niya, nag nod naman ako at tsaka binuhat na yung mga folder. Sumakay na ako sa elevator at kahit nahirapan ako sa pag pindot ng floor ay nagawa ko naman. Dapat pala binilhan ko si Castiel ng kape bago ako pumasok kanina, pang pagtanggal ng hang over niya di ba? Tskk, nakalimutan ko. Haysss. . . *tiiinngg . . Bumukas na yung elevator at nag madali na akong pumunta sa office ni Sir Gab, kumatok muna ako pero nang hindi siya sumagot at pumasok na ako kahit walang pahintulot. "Sir Gab? "Tawag ko sa kanya nang mapansin ko na wala siya sa working table niya. "Sir Gab may pinapabigay po si Sir Castiel. "Sabi ko habang nag lalakad na palapit pero wala talaga si Sir. Asan kaya si Sir Gab? Dumiretso na ako sa may table ni Sir at ipinatong na lang yun doon. Aalis na sana ako ng biglang mag ring naman ang telepono ni Sir kaya mabilis ko naman yung sinagot. "Hello? " [Ibaba mo na lang yan dito sa Office ko, nandito si Gab. ] boses ni Sir Castiel yun. "Okay Sir. "Sagot ko habang naka ngiti kahit alam kong hindi naman niya nakikita. Binaba ko na yung telepono at excited na binuhat ulit ang mga folders. Yieeehhh! Pinapa-punta niya ako sa office niya, ewan ko ba pero kapag ganon ay talagang ang saya saya ko. Feel ko kasi, girlfriend niya ako na dumadalaw sa kanya hehehe. Sumakay na ulit ako sa elevator at masasarado na sana yun ng biglang may pumigil non at pumasok din. "Hi Breigh. "Bati nung lalaki sa'kin. Tiningnan ko naman siya pero hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pinansin. Pero base sa suot niyang ID ay dito din siya sa Kompanya nag ta-trabaho. "Ayyy bakit parang ang suplada mo naman? Pero pag nakikita kita, lagi ka naman naka ngiti. "Sabi niya pa kaya naman hindi ko maiwasang batuhan ulit siya nang tingin at pinag taasan siya ng kilay. "Taga dito ka ba talaga? Bakit ngayon lang kita nakita? Tsaka Stalker ba kita? "Masungit na tanong ko sa kanya kaya medyo napa-chuckled siya sa'kin. Well, cute naman tong boy na toh kasi pag ngumingiti siya ay talagang lumalabas ang malalim niyang mga dimple. Hmmmm.. Sana may ganon din akong dimple. "Ahmmm. Well, isa akong intern ni Sir Raver sa kabilang department. I'm part of the multi-functional team. Under surveillance pa. "Naka ngiti pa rin na sagot niya. Mag sasalita pa lang sana ako nang magsalita ulit siya. "Tsaka hindi ako stalker. "Sabi niya at saktong bumukas na yung elevator at nasa may designated floor na ako kaya lumabas na ako at walang lingon-lingon na lumabas na pero--- "Bye Breigh. "Rinig kong pahabol pa niya kaya napa-irap na lang ako sa hangin at mabilis na pumunta sa office ni Sir. Nakita ko na nag uusap sila ni Sir Gab. Si Sir Gab ang unang naka kita sa'kin laya mabilis niya akong nginitian samantalang si Sir Castiel naman ay nakatalikod sa pwesto ko. "Ito na po yung mga folders. "Sabi ko at binatuhan nang tingin si Castiel kung titingin siya pero mukhang wala siyang balak tumingin sa'kin . Hayyysss. Ano ba naman yan. :( Napilitan na tuloy akong lumabas ng opisina niya kahit hindi ko man lang siya nakita. Nakaka inis naman ehhh! -__- . . Bumalik na ako sa table ko at pabagsak na umupo, mag che-check na lang sana ako ng mga sunod na appointments ni Castiel nang biglang mag vibrate ang phone ko na nakapatong dito sa table. Gwynette's Calling... Ayy ano ba naman yan, working hour ko pa kaya hindi ko masasagot ang tawag niya kaya lang pag hindi ko sinagot toh...baka siya ang pumunta dito. Hayyyssss. Tumingin tingin muna ako sa paligid at mukhang busy naman ang lahat kaya bumaba ako sa pagkaka upo ko para hindi nila ako makita tsaka ko sinagot ang tawag niya. "Hello? "Bulong ko. [Wassup Cuz, kararating ko lang galing Siargao...so let's meet?] "Mamaya ka na tumawag ulit okay? Nasa trabaho pa ako. " [Oh yeah...actually,we really need to meet to talk about that stupid things of yours. Pumunta ka sa bahay. So see yah. ] Toot Toot Hayyysss. Bumalik na ako sa pagkaka upo ko at buti na lang ay walang naka halata sa'kin. Kahit kailan talaga may pagka-bossy ang babaeng yun.By the way, siya nga pala si Gwynette Fazon pinsan ko siya on my Mother's side. Mahilig siyang mag travel and guess what? Lahat nang pinupuntahan niyang lugar ay nagkakaroon siya ng boyfriend dun, kasi very playful ang personality niya at independent din siya tulad ko. She's living her life to the fullest kaya naman I adore her... hindi ko kasi kayang gawin ang mga ginagawa niya dahil alam niyo na, busy sa work---pero sobrang happy naman ako sa ginagawa ko dahil araw-araw kong nakikita ang taong mahal ko. "Ms. Gonzales. "Napa angat ang paningin ko sa biglang tumawag sa'kin. Si Sir Gab pala. Agad naman akong napatayo. "Yes Sir? "I asked. "Pinapatawag ka ng boss mo. "Naka ngiti niyang sabi kaya naman nag bow na lang ako tsaka umalis na ito. Mabilis naman akong pumunta sa office ni Sir Castiel at bago ako pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko. Kumatok muna ako bago pumasok. "Pinapatawag niyo daw po ako Sir. "Sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin at nag-hand gesture na maupo ako kaya umupo naman ako. Siya naman ang tumayo ang at lumapit sa table niya habang ako naman ay sinusundan lang siya nang tingin. May kinuha siya na folder sa drawer niya at lumapit ulit sa'kin. Walang salita na binato niya yung dalawang folder sa mahabang lamesa dito sa harap ko. Aabutin ko pa lang sana yung folder nang magsalita na siya. "I want you to personally close that deal. "Seryosong sabi niya dahilan kaya binatuhan ko siya nang nag tatakang tingin. Ano? Gusto niya na ako ang mag close ng deal? Bakit???????? . . This is my first time if ever na tatanggapin ko ito, usually kasi minsan ako ang nanliligaw sa mga kliyente pag may mahalagang gagawin si Castiel pero siya pa rin ang mag co-close nang deal. Kaya lang iba ngayon... Gusto niya na ako mismo ang makipag transaction sa mga kliyente. Shit! Kaya ko ba toh? "Dapat lahat sila ay mapa payag mo. "Sabi pa niya. Waahhhh. Ang hirap naman nang pinapagawa niya pero wala naman ako sa lugar para tanggihan ito at lalong hindi ko siya kayang tanggihan. Waahhhh. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD