Meet the Boss Boss

1313 Words
Jelhien POV It's been a month and my life is slowly getting better. My children is taking care by my mother, enough salary to cover for expenses, extra job during weekend, my parents farm is also doing well, little by little we will manage all the debt we had.  "Jelly, malapit na ang christmas party aattend ka ba?" my officemate asked me out of nowhere "Tin baka hindi, alam mo na ang mga artista busy yan sa taping, tanong ko secretary ko kung may schedule ba kong taping sa Saturday hehe"  "Di naman makausap ng matino to e, tinatanong kase ni Billy" "Sino si Billy?"  "Yung PA ni Pres., feeling ko nga may crush sayo yun, hayyy lagi na lang akong sawi sa pag ibig"  "Ano ka ba tingin mo ba may time pa ko lumandi? Perwisyo lang sa buhay yang mga lalaki na yan" "Lagi ka kase nya tinatanong saken nagsselos na tuloy ako"  "Ms. Javier, excuse me" nagulat ako nang tawagin ako ni Mam Ivy the secretary of the CEO  "Yes Mam?"  "You need to attend on Saturday, alam nyo naman na mag aappoint ng bagong CEO diba due to President health condition, iintroduce nya ang kanyang anak for the take over, aside from that kakausapin ka ng bagong CEO about cacao farming, the company is willing to invest for the solar panel" saka sya naglakad palayo sa Credit Dept.  "Jelly ibabalita ko na kay Billy na aattend ka hehe"  "Akala ko ba crush mo yun e bakit parang nagiging tulay ka pa?"  "Ang tunay na pag ibig ay mapagparaya, kung saan sya sasaya sino ako para humadlang? Hindi na pag ibig tawag don pag ganon obsession na yun"  "Pag Ibig my foot, love will make you broke, love will make you doubt yourself like if youre enough, if youre pretty enough to make him stay forever. Pag ibig pag ibig walang kwenta yan kapag nasa sitwasyon ka na hirap na hirap ka na" "Bitter na bitter naman teh"  Di na ko umimik, salitang pag ibig pa lang ay nag aapoy na ang dibdib ko sa galit. Marahil hindi ko pa nga limot ang sakit na dulot nya pero hindi tulad noon na lagi lang akong umiiyak at tulala. Ngayon ay di ko na sya naaalala maging ang pakiramdam ng haplos nya ay di ko na maalala. Kahit pa mag isa ako sa gabi ay di na sya sumasagi sa aking isipan, ang idea ng pag ibig at ang sakit na dulot nito ang labis kung kinakagalit, kung paanong ang sandaling masarap sa pakiramdam ay bibigyan ka ng habangbuhay na sakit sa dibdib.  @Christmas Party Naglalakad ako sa pasilyo ng gusali papunta sa Event Center kung saan gaganapin ang Party at ang pag iintroduce sa bagong CEO suot ang makintab na black tube dress at black heels na hiniram ko kay Tin, wala sana akong plano pumunta sa nasabing party ngunit kailangan para sa pag uusap namin ng bagong CEO tungkol sa cacao farming. Maraming tarpaulin at magagarbong disenyo ngunit di na ko nag atubili pang tingnan at dumiretso na lang ako sa 10th floor kung saan ang Presidents Office, sinadya ko ring magpalate, malamang ay inaantay ako ni Tin sa aming designated table, sinadya kong pumunta kung kelan tapos na ang programa. Kinakabahan man ay nagdirediretso na lang ako, malakas ang kabog ng aking dibdib habang nasa elevator. Pano kung matandang masungit? or mas malala pa ay mayamang rapist? Mas lalo akong kinabahan sa aking naisip, di naman siguro no marami namang cctv dito. Dahan dahan akong naglalakad sa hallway binabasa ang bawat department na aking nadadaanan.  "Hi Mam Jelhien, nandito ka ba para sa meeting nyo ni Boss Boss?"  Maganda ang bati saken ni Billy ang crush ng officemate kong si Tin, tiningnan ko ang kanyang suot na talaga namang pormang porma sa kanyang navy blue na tuxedo. Tinitigan ko rin ang kanyang muka at masasabi ko rin naman na may itsura sya.  "A e bakit ganyan ka makatingin? Hinanap kita sa party akala ko di na po kayo pupunta salamat naman at dumalo kayo, pasok ka na Mam inaantay ka ni Boss"  Pumasok ako saka ko nilibot ng tingin ang opisina, napaka elegante. Nakatalikod sa akin at may kausap sa kanyang cellphone ang isang lalaking nakatuxedo, nakatayo lang ako at di muna agad lumapit inaantay na matapos syang makipag usap.   Sa tantya  ay mukang bata pa ang bagong CEO, nilibang ko ang aking sarili sa pagbabasa ng text ni Tin sa akin, tinatanong kung nasaan ako at ang balitang nagsayaw sila ni Billy sa party, bahagya akong napangiti patay na patay kay Billy ang isang iyon.  "It's been 3 years Ming"  Kumabog ang dibdib ko, pamilyar ang boses na yun at dahan dahan kong inangat ang aking tingin sa lalaking nasa harap ko na ngayon. Isang pamilyar na pakiramdam ang namutawi sa buo kong pagkatao. Tiningnan ko ang kanyang muka at mas lalo humapdi ang kirot ng puso ko, tinitigan ko ang kanyang mata at nalunod ako sa sakit ng kahapon. Agad tumulo ang luha ko, pinikit ko ang aking mata at nagbabakasakaling baka naghhallucinate lang ako. Pag dilat ko ay sya pa rin, bumuhos ang luha at wala akong tigil kakapunas. Walang umiimik, tahimik lang din syang lumuluha habang nakatitig sa akin. Maya maya ay dahan dahan nya kong niyakap, saka ako natauhan na kailangan kong lumayo at tumakbo.  "Nathan" marami akong gustong itanong, isumbat at sabihin ngunit presensya nya pa lang ay nauubos na ang lakas ko.  "Ming I'm so sorry, I'm so sorry" bulong nya habang patuloy ang kanyang pagluha.  Umakyat ang galit sa aking pagkatao, sorry? after 3 years ayun lang yon?  "Don't call me Ming Nathan,  or Sir President? Akala ko iniwan mo lang ako niloko mo rin pala ako. Buong pagkatao mo pala ay isang malaking Joke."  "NATHANIEL GEORGE LA TIERREZ "CEO" basa ko sa plaka na nasa office table "Nathan Del Mundo ang alam kong pangalan mo, ang alam ko isa kang anak ng OFW at isa kang undegrad ng agriculture at isa kang freelance online designer. Wala pala akong alam talaga sa pagkatao mo and yet kinasal tayo o masasabi ko bang ikaw ang pinakasalan ko?" Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.  "Ming let me explain, I didn't mean to lie, let's take a sit and hear me out"  "No, sorry to say but I don't have time for your bullshit"  Humakbang na ko papunta ng pinto wala akong planong makinig at hindi pa ko handang makipag usap ng maayos.  "Ouch" sa pagmamadali ko natapilok ako at napaupo sa sahig, dali dali naman syang dumalo sa akin.  "Okay ka lang? Bakit ka ba kase nagssuot ng ganyan, di ka naman sanay mag ganyan" sermon nya habang hinihilot hilot ang talampakan ko.  "Wala kang paki" tumayo na ko at tinanggal ang sapatos ko, nakayapak akong tumakbo papunta ng elevator, alam kong nakasunod sya ngunit di ko na tinangka pang lumingon kahit pa tinatawag nya ako   Pagdating ko sa ground floor ay nakita ko si Billy at si Tin na nagtatawanan, nagulat silang makita akong mugto Ng mata at nakayapak.  "Jelly ano nangyari? Dont tell me narape ka?" usal nyang gulat na gulat sa itsura ko, di ko sya pinansin at dali dali akong nanakbo sa sakayan, labag man sa loob kong magtaxi dahil mahal ay sumugal na ko makalayo lang sa sa lugar na yon.  Kahit anong isip ko dati wala akong maisip kung anong dahilan ng pag iwan ny samin ng mga anak ko. Wala kaming pinag awayan o problema man lang nagising na lang ako na wala na sya atsana bukas magising ma lang ulit ako na wala sya. Mas masakit iwan ng di mo alam ang dahilan, mas masakit pa dahil isa akong ina at may dalawang anghel na nakaasa sa akin. Tuloy tuloy ang luha sa aking mata habang ako ay nakatanaw sa bingana ng taxi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD