MB - 1

1006 Words
Yurice's P.O.V ***** "She will be your butler." "But dad! I don't need butler!" Pag protest ko. Paano ba naman ako di magprotest? "Eh sa sobrang ganda po niya baka di siya marunong mag timpla ng kape man lang." Reklamo ko pa. Maganda naman talaga ang bruha. Makinis ng katawan at mukha. Ang sexy at higit sa lahat ang tangkad. Mas matangkad ata sa akin ng dalawang pulgada lang naman. Ang ayaw ko lang ay parang di marunong ngumiti. Always nakapokerface lang. Pinuri na nga ay dipa ngumiti. Tsk! "There's no more buts Michaela Yurice. Kaya simula sa araw na ito ay isasama mo siya sa British International University next week sa states. Dahil doon na din siya mag-aaral." Pagdidismiss sa akin ni dad bago umalis. May business trip na naman siya. Ganun din si mommy. Kaya mag-isa lang ako dito. Ano pa ba ang bago? Nalungkot ako. Pero kahit papano may naiwan sa akin. Ang bago kung butler. Napapabuga ng lang ako ng malakas dahil mukhang maiistress lang ako. Namatay ang huli kung butler ng dahil sa car accident at buti sinusundo ako mula sa isang mall. Nagtataka nga ako kung bakit nangyari iyon sa kanya. Masyado pa naman maingat iyon mag drive. Bumalik isip ko sa so called new butler ko daw na matamang nakatayo pa din. Nilibot ko siya at pinag-aralan ang kabuoan nito. Hinawakan ko flat tummy niya. "Hhhmmmmm....." Sabay himas na ikinasinghap nito. "May abs ka pala." Tinitigan nito ako. Hinimas ko ulit pero ang dyosa wala pa din ginagawa kundi tumitig sa akin. Where's your room? Tanong niya bigla na ganun pa din na nakatitig at wala man lang ka ngiti ngiti. "At bakit mo naman itinatanong? Aber? Maglilinis ka sa tanghaling tapat? Eh nalinis na iy....." Di pa ako tapos ng barahin nito ako. Bastusan lang ang peg. "I'm sleepy." Walang emotion nitong turan ulit. "Whaaaattt?" Tanong ko na napalakas dahil baka nagkakamali lang ako sa pagkakarinig. "Wag kang mataray! Dika maganda." Lumaki mga mata ko sa sinabi niya kaya tinarayan ko siya lalo. Diko tuloy maintindihan sarili ko dahil hindi ako iyong typical na Yurice. Hindi talaga ako mataray. Kilala ako bilang soft-spoken sa BIU. Pinapanatili ko ang reputation na iyon hangat maaari. "Hoy! Para sa iyong kaalaman! Ikaw pa lamang ang nagsabi sa akin na di ako maganda! Ang kapal mo naman as if maganda ka din." Umuusok talaga ilong ko dahil ang daming humahanga sa taglay kung ganda mapa babae at lalaki pero pagsasabihan lang akong hindi maganda. Bakit pa ako nabigyan ng butler? Tapos isang babae pa?! Kailan pa naging babae ang butler?! According sa dictionary ng may dictionary lalo na kay maring merriam. The main male servant in the home of a wealthy person daw ang ibig sabihin ng butler. Iyong mga napapanuod ko ay lalaki talaga ang butler. Pero siya?! Hinagod ulit ko ito ng tingin...isang dyosa! "Yah, i'm not maganda kasi isa akong dyosa." Sabi ni kaps sabay flip sa mahaba nitong straight na hair. Napanganga ako hindi dahil sa dyosa siya kundi dahil sa kakapalan ng mukha niya. "Napaka conceited mo naman. Pwede ba kita kamayan dahil kaya mong magkaroon ng bagyo dito sa Pilipinas eh tag-init ngayon." Sabay kunwaring nilalamig ako at natutumba. "Sure.... just be careful dahil baka bumaha pa ang kagandahan ko." Sakay naman niya. Nah! Ngayon lang ako nakakita talaga ng taong saksakan ng kayabangan. "Pwede ba diko kayang kaharap mga gaya mong mayayabang. Andun ang guestroom sa maydulo ang gamitin mo." Pagdidismiss ko sa kanya na sinasabayan pa ng kumpas ng kamay. "Bingi kaba? Sayang dyosa ka pa naman." Sabi nito na nag smirk. "Ang sabi ko saan ang room mo?" "Ohh? So hindi pala ako maganda? Dahil isa akong dyosa. Hhmmm..... now i know. Kaya ka pala ganyan maka asta dahil natalbugan ang pagiging dyosa mo." Lumapit ako at bumulong. "Sa taas kulay pink ang pintuan, ang kama, unan, kabinet, cr.............. at ang wall syempre." Sabay alis pagkatapos kong sabihin pero dipa ako nakaka dalawang hakbang ng magsalita ito na ikinalingon ko sa kanya. "Hhhmmmm.... so mapagmahal ka pala at sweet." Hinagod ako ng tingin. "Pink represent love like red. Ang pagkakaibahan nga lang nila ay nag re-represents ang red ng heat and passion. While, ang pink mo ay romance and charm." Doon ko unang nakita sumilay ang isang ngiti mula sa napakaganda nitong mukha na mas kanyang ikinaganda. Diko namamalayan na napatitig ako sa kanya. It's her turn upang bumulong naman sa akin. "I like red, but because of you," she paused. "I love pink now." Sabay kagat ng tainga ko na ikinatayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Makikita mo ang kapilyahan sa mukha niya. Tapos kumindat pa ang bruha. Naiwan akong nakatulala sa kawalan. ***** Pagkatapos ng encounter namin kanina sa kaps (kapal mukha) na iyo ay di pa ako nakakapunta sa kuwarto ko. Gabi na at gusto ko ng magpahinga. Pero di pa nakakain ang kaps na iyon. So, i decided na pumunta sa kuwarto ko at para gisingin din siya. Dapat siya ang gumagawa nito dahil siya ang butler ko. Ng makapasok na ako ay agad bumungad sa akin ang maganda nitong mukha na ang sarap ng tulog. Diko muna siya ginising. Nag shower na lang ako dahil naglalagkit ang aking katawan. Pagkatapos maligo at ma blower ang hair ay napagdesisyonan ko ng gisingin ito. Ang amo talaga ng mukha niya. Napapangiti ako sa tuwing maalala ko iyong kayabangan niya kanina. Sabagay dyosa naman talaga ito. Halatang di purong pinay dahil sa features nito at may pagka slang ang tagalog niya. Umupo ako sa gilid ng kama. "Hey kaps," tawag ko sa kanya sabay tapik sa braso. Nakalimutan ko palang itanong kay dad ang kanyang pangalan. "Gising hindi kapa kumakain." Paulit-ulit ko siya tinatawag na may kasama pa ding tapik sa balikat. Kahit sumigaw na ako hindi pa din ito ibinubukas ang mga mata. Aba! ang bingi naman niya at tulog mantika. Kaya niyugyog ko na ito dahil baka ginogoodtime lang ako. "Gumising kana nga kaps!" Wala pa din reaction ang katawan niya. Bigla akong kinabahan. "Hey, i said wake up." Nataranta na ako dahil wala pa din response mula sa katawan nito. I checked her wrist. Wala akong maramdaman. Itinapat ko tainga ko sa dibdib niya. Wala pa din. Sa ilong....... Oh my god! She's not breathing! ***** Nicolette0810
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD