"Handa na ba ang lahat?" may halong nerbiyos na tanong ni Miss Len Santos sa amin habang pinapasadahan kaming lahat ng nanunuring tingin.
"Yes, Ma'am. Huwag na po kayong mag-alala, wala naman po sigurong mangyayaring kapalpakan mamaya," sagot ng kasamahan ko sa Dance troupe na si Eva.
"Oo nga po, Ma'am. Ilang araw din po kaming nag-practice para sa dance number na ito. Mastered na po namin ang mga steps," pagsang-ayon naman ni Chelsea. May halo ring pagyayabang ang boses niya.
"Very good. Give your best sa sayaw ninyo. Alam n’yo namang mga matataas na tao ang bisita ng school ngayon. Ikaw, Darcy, mastered mo na ba ang mga steps mo? May part pa naman na magsosolo ka. Ilang araw ka ring hindi nakapag-practice dahil nagkasakit ka," may halong pag-aalala niyang tanong.
"Yes, Ma'am," magalang kong sagot upang mabawasan ang pag-aalala niya.
"Sige, good luck sa lahat. Kayo na ang susunod kaya maghanda na ang lahat," pagpapaalam niya at umalis na sa backstage ng gym kung saan ginaganap ang 67th Founding Anniversary ng aming paaralan.
"Darcy," tawag sa akin ng girlfriend kong si Carla. Malambing siyang yumakap sa akin nang bumaling ako sa kanya. Sinagot ko naman ang paglalambing niya sa pamamagitan ng mabilis na paghalik sa mapupulang mga labi niya pagkatapos ko siyang dalhin sa tagong sulok ng backstage.
"Na-miss kita, baby," malambing niyang saad. Naglumikot ang mga kamay niya hanggang sa humantong iyon sa gitna ng mga hita ko. Napakagat ako sa aking labi nang magsimulang humaplos ang kamay niya sa p*********i ko. Halos tatlong araw rin kaming hindi nagkita kaya talagang nananabik kami sa isa't isa.
"Pagkatapos ng sayaw natin, doon tayo sa cr," bulong ko sa kanya at pagkatapos ay hinalikan ko ang kanyang tenga.
Nang marinig namin ang pagtawag ng aming leader ay bumalik na kami sa aming mga kasama. Ilang saglit lang ay tinatawag na ng emcee ang pangalan ng aming grupo.
Nagsayaw kami sa harap ng matataas na opisyal sa aming paaralan, mga bisitang galing sa iba't ibang lebel ng pulitika sa aming probinsiya at sa aming mga kaeskuwela. Natahimik ang lahat sa parteng ako na lang sumasayaw. Tutok na tutok ang kanilang mga mata sa katawan kong umiindak at sumasabay sa malamyos na tugtog. Hindi maitatanggi sa mga tingin nila ang paghanga sa aking paggalaw at sa hugis ng aking katawan na bakat sa aking suot lalo na at may kanipisan ang pang-itaas nito.
Nang matapos ang aming presentasyon ay masigabong palakpakan ang isinalubong ng buong gym sa aming lahat. Maging ang mga opisyales ng aming paaralan at probinsya ay nakikita naming nasiyahan sa aming munting palabas kaya naman galak na galak kaming lahat. Pagkatapos ng aming pagbibigay-galang sa aming mga bisita at manunuod ay patakbo na kaming bumalik sa backstage. At dahil hindi pa tapos ang programa, kinakailangan naming manuod at tapusin ito.
Habang naglalakad patungo sa aming puwesto sa gilid ng stage, nakaramdam ako ng mga matang nakasunod sa akin. Sanay na akong makaramdam ng ganon dahil hindi naman maipagkakailang guwapo ako at malakas ang s*x appeal ko. Maganda rin ang hubog ng katawan ko dahil sa ilang taon kong pagiging miyembro ng Dance Troupe. High school pa lang ako ay napabilang na ako roon hanggang ngayon na nasa second year college na ako sa aking kurso na AB English. Ngunit ang titig na nararamdaman kong nakasunod sa akin ay tila nanunuri at may halong pagkaalinsangan ang aking nararamdaman kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na hanapin ang pinagmumulan ng tingin na iyon. Nagulat ako nang makasalubong ko ang tingin ng isa sa mga lalaking bisita na nakaupo sa presidential table kasama ang mga opisyales ng aming paaralan. Siya ang aming panauhing pandangal, ang anak ng aming congressman. Nagsisilbi rin siyang Sangguniang Panlalawigan Member ng aming lalawigan. Siya ay si Atty. Samuel Simon. Wala siyang kangiti-ngiti habang nakikipagtitigan sa akin. Gayunpaman, masasabi kong may itsura talaga siya dahil may lahing Kastila ang kanilang pamilya. Mamula-mula ang kanyang kutis at tila siya isang delegado mula sa ibang bansa dahil sa suot niyang dark gray na coat and tie.
Bahagya akong ngumiti sa kanya at magalang na yumukod. Mabilis ko nang ibinaling ang mga mata ko sa nilalakaran ko pagkatapos.
Hindi ko mabigyan ng anumang rason kung bakit ganong klaseng tingin ang ibinibigay niya sa akin. Na-offend ko kaya siya? Nahalata ba niyang may pagkabakla ako at galit siya sa bakla kaya ganon na lang niya akong tignan? Homophobic kaya siya? Nagsisimula na tuloy akong kabahan.
Political clan ang mga Simon. Isa o dalawang miyembro ng kanilang clan ay may puwesto sa gobyerno, national man, probinsya o dito sa aming lalawigan. Kinatatakutan ang mga Simon. Batas ang bawat salita nila at lahat kaming nasasakupan nila ay dapat sumunod. Maraming napapabalita sa aming probinsiya tungkol sa kung paano nila palakarin ang pulitika sa aming lugar at kung paano nila disiplinahin ang kanilang mga nasasakupan. Gumagamit sila ng kamay na bakal. Wala silang pinapalagpas na parusahan lalo na sa mga mapapatunayan nilang nagkasala sa bayan at lalong-lalo na sa kanilang pamilya. Kapag ipinatawag ka na nila sa kanilang bahay, wag ka nang umasang babalik ka na walang sermon na natitikman, hindi nasaktan or worse, wala nang hihintayin pang bumalik ang pamilya mo.
Hindi ko makakalimutan ang isa sa mga kabarangay ko na pinasok nila ang bahay dahil sa ayaw nitong tanggapin ang imbitasyon ng mga Simon. Ayon sa balita, pagkatapos nilang igapos ang lahat ng nasa bahay nito ay hinarap nila ang ama ng tahanan at pinakain ng papel na limang daang piso dahil sa pagkakabit nito ng poster ng kalabang partido ng mga Simon sa isang poste sa aming bayan. Bukod sa pananakot at pagpapakain ng pera ay ipinasara rin nila ang babuyan ng mga ito hanggang sa napilitan ang pamilyang iyon na umalis na lang sa aming probinsiya at magtungo sa lugar kung saan hindi sila masusundan ng mga Simon.
Kaya nga hanggang maaari ay ayokong makita sila dahil sa takot ko sa kanilang pamilya. At ngayon, ganon na lang ang tingin sa akin ni Samuel Simon. Dapat na yata akong umuwi at magkulong na lamang sa aking kuwarto. Nag-iinit na rin ang pakiramdam ko dahil sa kaba. Mukhang babalik pa yata ang trangkaso ko dahil sa nerbiyos na nararamdaman ko. At dahil sa hindi na ako mapakali, nagpaalam na ako sa aming guro. Pinayagan naman ako nito at binilinan na magpahinga agad. Nag-volunteer naman si Carla na ihatid ako hanggang sa sakayan at pumayag naman si Miss Santos dahil alam naman nito ang relasyon ko sa dalaga.
"Napagod ka ba sa sayaw natin?" worried na tanong ni Carla habang naglalakad na kami palabas ng gym. Mula sa pagkaway sa isang estudyante na bumati sa akin ay liningon ko siya.
"Medyo, baby. Maaga na lang akong papasok bukas para makapag-bonding naman tayo bago mag-umpisa ang mga klase natin," pagpapahabol ko nang makita kong nalungkot siya. Ngunit sandali lang ang kalungkutan niyang iyon dahil bigla na lang kumislap ang kanyang mga mata.
"Bakit hindi na lang natin umpisahan ngayon habang abala ang lahat, baby? Siguradong pagkakaguluhan ka na naman ng mga fans mo bukas at mahihirapan na naman akong makasingit," nakalabing sagot niya.
Natawa naman ako sa kanya at nakalimutan na ang kabang nararamdaman ko kanina pa. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. May mga fans ako rito sa school kahit alam ng lahat na bisexual o silahis ako. Medyo sikat kasi ako bilang parte ng Student Council, school paper, dance troupe at presidente pa ako ng AB students. Kaya nga rin siguro napasagot ko agad si Carla nang ligawan ko siya kahit na alam niyang pwede rin akong ma-attract sa kalalakihan.
Hindi ko naman itinago iyon. Alam ko rin na halata ng lahat sa mga kilos ko na hindi ako straight na lalaki. Sa totoo nga niyan sa tuwing may nagtatanong ay sinasabi ko agad na bisexual ako. Laking pasasalamat ko na lang dahil hindi ako na-bully dahil sa kasarian ko. Friendly naman kasi ako ever since. Halos kaibigan ko ang lahat sa high school na pinanggalingan ko at maging ang mga school mates ko ngayong nasa kolehiyo na ako ay kaibigan ko rin. Kaya kong makipag-usap ng tungkol sa beauty pageants sa mga kababaihan at kaya ko ring makipaglaro ng basketball sa mga kalalakihan. Ako yata yung tinatawag na all around friend.
Hindi rin maiiwasan na marami ang magkagusto sa akin. Guwapong-guwapo ako sa mata ng mga kababaihan at malakas naman ang s*x appeal ko sa mga mata ng kalalakihan. Ngunit sa lahat ng nagpahayag ng damdamin nila sa akin, si Carla ang napili ko.
Maganda at sexy si Carla. Sa dance troupe kami naging magkalapit. Kantiyawan na nauwi sa ligawan ang nangyari sa aming dalawa kahit na sa totoo lang, kaibigan lang ang turing ko sa kanya noon simula pa. Tinutukso kasi nila kami na crush namin ang isa't isa kahit na alam ko sa sarili ko na hindi umaabot sa lebel ng paghanga niya sa akin ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya nang makita ko siyang nag-blush dahil sa panunukso nila sa aming dalawa, nagdesisyon na akong ligawan siya lalo at halata naman sa mga paglalambing niya na malaki talaga ang pagkakagusto niya sa akin. I also believe na oras na para maranasan ko naman ang magka-girlfriend.
Tatlong araw lang ng panliligaw at naging opisyal na ang relasyon namin. Ika-unang anibersaryo namin nang mag-date kami sa motel. Siya ang nakauna sa akin. Siya pa nga ang nagturo ng mga dapat kong gawin para mapaligaya siya. Nagulat man na hindi ako ang una niya, hindi ko iyon dinamdam. Tinanggap ko siya at sa loob ng anim na buwan pa naming relasyon ay natutunan ko na siyang mahalin nang totoo. Naipakilala na rin namin ang isa't isa sa aming kanya-kanyang pamilya. Nagkakantiyawan na nga ang aming mga magulang na tatlong taon pagkatapos ng aming pag-aaral ay pwede na kaming magpakasal. Tuwang-tuwa ang mga magulang ko na babae rin ang makakatuluyan ko. Hindi ko rin kasi naitago sa kanila ang totoong kasarian ko. Alam na nila iyon mula pa nang bata ako. Sa totoo nga niyan ay ako pa ang pinakapaborito ng mga magulang ko sa aming apat na magkakapatid. Dahil siguro sa bunso ako ng aming pamilya.
Carla was so proud when we became a couple. May ilan ding pagkakataon na nakikipag-away siya ng dahil sa akin. Campus crush nga kasi ako at kahit alam na ng iba na taken na ako, hindi pa rin sila makapagpigil na iparating sa akin ang kanilang paghanga na hindi rin naman nakalagpas kay Carla. Kaya naman sa pagdaan ng mga panahon that we are together, ipinapakita niya sa lahat how possesive she is of me.
Nagpahila na lang ako kay Carla nang dalhin niya ako sa building ng kurso niyang Commerce at ipasok sa isang bakanteng cubicle ng mga lalaki. At dahil nasa isa't isa ang mga atensiyon namin, wala kaming kaalam-alam na ilang metro mula sa amin ay may tao pala na sinusundan kami mula pa nang maglakad kami palabas ng Gym.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa cubicle ay agad na akong dinaluhong ni Carla ng sabik na sabik na mga halik. Napayakap na lang ako sa manipis niyang katawan habang sinasagot ko ang mga halik niya. She's always the aggressive one kapag nasa ganitong sitwasyon kami.
Napakapit na lang ako sa pader nang lumuhod siya sa harap ko at mabilis niyang kinalas ang pagkakabutones ng pantalon ko. Inilabas niya ang naninigas kong p*********i at walang pag-aalinlangan iyong isinubo. Hindi ko napigilan ang mapaungol nang malakas habang nakakaramdam ng sarap sa ginagawang pagpapaligaya sa akin ni Carla. Ni hindi ko na narinig ang mga yapak na tumigil sa harap ng pintuan ng cubicle na kinalalagyan namin ng girlfriend ko. Tuluyan na akong naging bulag at bingi.
"Try nating mag-s*x dito, Darcy. Hindi pa natin nasusubukan dito, 'di ba?" Pag-aayaya ni Carla pagkatapos kong makaraos sa bibig niya.
"’Wag dito, baby. Baka mahuli tayo. Nakakahiya," pagtanggi ko ngunit nagtila bingi siya. Nagsimula na siya sa pagtaas ng t-shirt ko at paghalik sa balat kong na-expose sa kanya na tila hindi ako nagsalita.
"Carla, please!" may kalakasan kong sambit nang walang anu-ano'y may kumatok sa kinaroroonan naming cubicle. Mabilis kaming naghiwalay ni Carla habang inaayos namin ang aming mga kasuotan at buhok.
Nagkatinginan kami nang magpatuloy ang pagkatok ng kung sinoman sa labas ng pinto.
"Ako na ang lalabas. Dito ka lang," bulong sa akin ni Carla na sinang-ayunan ko. Kabado kong pinanuod ang pagtanggal ni Carla ng lock sa pinto at ang paglabas niya.
"K--kayo po pala," narinig kong halos pumiyok na sabi ng nobya ko. Lalong nadagdagan ang kaba ko. Sino kaya ang nasa labas ng pinto? Pilit kong tinalasan ang aking pagdinig ngunit nanatiling tikom ang bibig ng kung sinomang kinakausap ni Carla hanggang sa mamalayan ko na lang ang pagbukas ng pinto ng kinaroroonan kong cubicle.
Nagitla ako nang mapagsino ko ang taong nasa harap ni Carla. Ilang beses akong napalunok habang pinaglilipat-lipat ko ang mga mata ko sa kanila ng aking nobya.
"Come out." Maikling pangungusap ngunit nakakapangapos ng hininga na utos ng lalaki. Yuko ang ulo na sumunod ako. Hindi ako nakaimik nang hawakan ng lalaki ang batok ko.
"Hindi ba at ground for expulsion dito sa school ninyo ang ginawa ninyo kani-kanina lang?" matigas nitong tanong.
Nang manatili kaming walang imik ni Carla ay banayad kaming itinulak ng lalaki palabas ng cr.
"Sa office ng school president na lang tayo mag-usap."
Wala kaming nagawa ni Carla kundi ang sumunod sa paglalakad ni SPM Samuel Simon patungo sa President's Office.
Yukung-yuko ang ulo ko habang pinapakinggan ang pagkastigo ni Sir Morfori, ang School President, sa amin ni Carla. Hindi ako makaimik. Hindi ako makapagbigay ng rason lalo at kaharap pa namin ang nakahuli sa aming si Atty. Samuel Simon.
Pagkatapos ng mahaba-habang sermon ni Sir Morfori ay nagsabi siyang ipapatawag daw ang aming mga magulang. Nag-init ang buong katawan ko sa kaiisip ng kahihiyang idinulot ko sa aking pamilya.
"Mr. Mafori, sa tingin ko ay hindi na uulit ang dalawang ito pagkatapos ng sermon mo. There's no need to call their parent's already. Siguro naman ay natuto na sila." Sa unang pagkakataon mula nang dalhin niya kami rito sa opisina ng school president ay nagsalita na rin si Atty. Simon. Natahimik naman ang presidente dahil sa sinabi nito.
"Siyanga naman, Sir. Pasensya na po sa nagawa ng mga bata. Hayaan nyo po at simula sa araw na ito ay babantayan ko na sila at sisiguraduhin na hindi na mangyayari yung nagawa nila kanina," pagsingit naman ni Miss Santos. Pinatawag kasi siya bilang adviser at natanong din tungkol sa pag-alis namin kanina sa kalagitnaan ng programa.
"Ikaw, Carla, bumalik ka na sa Gym at tapusin ang program. At ikaw, Darcy, umuwi ka na dahil nagsabi ka kaninang hindi maganda ang iyong pakiramdam dahil kagagaling mo lang sa sakit, hindi ba?" pagpapatuloy niya nang walang umimik sa dalawang opisyal.
"Opo, Ma'am. Sorry po." Sa unang pagkakataon ay nakapagsalita rin ako.
"Ihahatid ko na siya tutal aalis na rin naman ako. I have a meeting later at 3 o'clock." Tumayo na si Atty. Simon at tumingin sa akin na napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi naman nakapagsalita sina Carla, Sir Morfori at Miss Santos sa sinabi nito.
"Hin--di na po," nakayukong pagtanggi ko sa sinabi niya. Nagulat ako nang bigla na lang niyang hawakan ang pisngi ko.
"Mataas ang temperatura mo. Nilalagnat ka. Kesa maabala ka pa sa pag-aabang ng masasakyan pauwi sa inyo, ihahatid na kita. Kilala ko ang ama mo."
Sa huling sinabi niya na may halong pagbabanta ay wala na akong nagawa nang hawakan niya ang siko ko at igiya ako patungo sa pintuan ng opisina. Bago ako tuluyang lumabas ay liningon ko muna sina Carla, Miss Santos at Sir Mofori. Lahat sila ay may pag-aalalang nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako ng bara sa lalamunan nang bumukas ang pinto at itulak na ako palabas ni Atty. Samuel Simon.