bc

I LOVE YOU, MR. HATER

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
counterattack
CEO
kicking
enimies to lovers
weak to strong
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Amy offered Nathaniel money five years ago para lang layuan nito ang kapatid niya. Galit na galit sa kaniya ang lalaki at halos isumpa siya.

Pero bakit sa araw nang sinabi ng Lola Estrella niya na kailangan niyang magpakasal sa hindi pa nakikilalang groom, ay si Nathaniel ang nadatnan niyang naghihintay sa altar habang nakangisi sa kaniya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AMY’s POV Inayos ko ang salamin sa mata ko at inayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Nasa tapat na kami ng gate namin at kararating ko lang galing sa eskwelahan. Mula sa kinaroroonan namin ay aabutin pa ng halos dalawang minuto bago namin marating ang lugar kung saan nakatayo ang mansion na ilang taon pa lang buhat nang maitayo. Sa yaman at kapangyarihan ng lola ko ay hindi naging mahirap para sa amin ang bilhin ang hekta-hektaryang lupain kung saan may falls pa na kasama sa asset namin. For others, iyong hindi mga nakatira sa mismong lugar na ito, masasabi nilang paraiso ang lugar na ito. Pero hindi sa amin ni Anna Lee, ang nag-iisang kapatid ko. Nakatali kasi ang buhay namin sa lola namin na siyang kasa-kasama na namin mula noong 10 years old ako. Buhat nang mamatay ang mga magulang namin ay si Lola Estrella na ang kumupkop sa amin. Ang buong akala ko nga ay magpapalaboy-laboy na kaming magkapatid sa kalsada, eh. Hindi kasi kami aware noon na may mayaman kaming abuela, na siyang ina ni Mama. Lumaki kami ni Anna Lee sa eskwater, sa gilid kami ng tulay nakatira kasama ang mga magulang namin noon, na sa tuwing umuulan ay kailangan naming lumikas para lang hindi mameligro ang buhay namin. But we were happy back then kahit ang paulit-ulit naming ulam ay ginisang kamatis na nilagyan ng itlog. Kahit salat kami noon sa mga materyal na bagay at sa pera ay hindi naman nagkulang ang mga magulang namin na ipakita sa amin kung gaano nila kami kamahal. Nag-aaral kami sa public school, at kahit piso lang ang baon ay masaya na kami. Hindi namin alam noon na sa kabila ng kahirapan namin ay bilyonaryo pala ang angkan na pinanggalingan ng mama ko. I thought everything was perfect. Siyempre, masaya kami, eh. Until one night. Nasa gilid kami ng kalsada ni Anna Lee habang ang mga magulang namin ay nasa kabilang bahagi ng kalsada. Hinihintay namin sila dahil may dala sila na isang balot na liston manok para sa hapunan namin. Isang lasing na driver ang walang habas na sumagasa sa mga magulang namin at sa iba pang taong nasa linya nila. Sampu ang namatay ng gabing iyon, kasama na roon ang mga magulang namin. Laman ng balita ang nangyari lalo pa at anak ng senador ang suspek. Nabalitaan ng lola ang nangyari sa mga magulang namin. Naabutan niya pa ang libing ng anak niya, pero kahit isang saglit ay hindi ko siya nakitang umiyak. Hindi ko siya nakitaan ng lungkot sa mga mata. Nanatiling walang emosyon ang mga mata niya kahit noong tabunan ng lupa ang katawan nila Mama at Papa. “Nandito na tayo, Señorita Amy,” anang driver kaya inayos ko ang sarili ko. Hindi ako nagsalita, hindi rin ako nagpasalamat sa driver bago ako bumaba. Pero sanay na sila sa ugali kong ito, na kung sabihin nga nila, ay kaugali ko ang lola ko. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko ayusin ang hem ng palda ko na halos umabot pa hanggang talampakan ko dahil sa haba. Buong araw akong pagod dahil Finals namin ngayon, idagdag pa na kailangan kong asikasuhin ang mga dapat papirmahan sa mga professors kong mga papel. My grandma wanted me to be fully prepared before my graduation dahil sasabak na kaagad ako sa kompanya namin bilang CEO, at kahalili ni Mr. Escobel as acting CEO. Sa totoo lang ay kanina pa hindi mapakali ang t***k ng puso ko. Kaninang umaga pa buhat nang kausapin ako ni Lola Estrella. Mabuti na nga lang at hindi iyon naging hadlang para sagutan ko ang bawat answer sheets na nasa harapan ko. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng mansiyon ay limang katulong na naka-uniform ang sumalubong sa akin. May kumuha ng mga libro at bag na dala ko, habang ang iba ay nanatiling nakayuko. “Nasaan si Lola?” pormal na tanong ko sa kanila. “Nasa pavilion po, Señorita Amy.” Isang tanong, isang sagot. Kung ano ang itinanong ng mga diyos ng mansiyon na ito ay ito lang dapat ang isagot ng mga katulong. Walang labis, at wala ring kulang. Tumingin ako sa wristwatch ko na nagkakahalaga pa ng seven-digit kung iko-convert sa pera ng Pilipinas. “Alas-singko na, ah? Bakit nasa labas pa rin siya?” Nitong huli kasi ay naging masakitin si Lola. Kaya nga kailangan nitong magdoble ingat para hindi na ulit isugod sa hospital. “May bisita ba siya?” “Opo.” “Sino?” Umiling ang katulong na kaharap ko kaya tinanguan ko siya. “Nasaan si Ann—” Hindi ko pa man tapos banggitin ang pangalan ng kapatid ko ay natigilan na ako. Narinig ko na ang malakas nitong tawa kaya alam ko na kung nasaan ito. I motioned my hand para paalisin na sila bago ako nagtungo sa sala. Nasa malayo pa lang ako ay kumirot na ang puso ko, but I remained my face formal. Hindi ko dapat ipakita sa dalawang nag-uusap ang saloobin ko. “Oh, you’re here? How’s the exam?” Tumayo pa ang kapatid ko para salubungin ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako hinila papunta sa sofa na kinauupuan niya kasama ang nobyo niya. Si Nathaniel Sebastian. Siya ang nag-iisang anak ng flower vendor sa bayan. Hindi ko masasabing hirap sa buhay si Nathaniel, pero hindi ko rin masasabing mayaman kaya komplikado ang relasyon nila ng kapatid ko. Nang tumingin sa gawi ko si Nathaniel ay tumingin ako sa kapatid ko. Kita ko ang saya sa mga mata niya, at natatakot akong mawala iyon kapag nalaman niya na ang pinag-usapan namin ni Lola kaninang umaga. But for now, I have to keep quiet. Kailangan kong itikom ang bibig ko hangga’t hindi pa dumarating ang Sabado ng gabi. “Nakausap mo na ba si Lola Estrella? I think we’re having a big party kasi she’s talking to Denver, eh. Geez! I can’t wait for that big party.” Gusto ko mang titigan ang kapatid ko pero tila may kung anong magnet ang hatid ni Nathaniel sa akin. Napatingin ulit ako sa kasintahan ng kapatid ko. He’s staring at me intently na para bang binabasa nito maging ang kaluluwa ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook