PART 3

586 Words
PINILING kaibiganin ni Realyn ang matandang si Mang Douglas. Nalulungkot kasi siya dahil tatlong araw na sila ni Jhoena sa lugar na iyon pero hindi pa rin niya nakikita si Nash Roxas. Iba na rin kasi ang hitsura ng lugar kaya nahihirapan siyang tuntunin kung saang saktong lokasyon doon ang bahay na dapat bibilhin ng kanyang Daddy noon ngunit hindi natuloy sa kadahilanang nagkasakit ito ng malala at kalaunay namatay. Natyempohan niya ang matanda isang hapon. Nagdidilig ito ng halaman sa hardin. Sakto namang tulog pa si Jhoena. "Mang Douglas, matagal na po ba kayo sa lugar na 'to?" panimulanh tanong niya sa matanda. "O-opo, Ma'am. Bakit niyo po naitanong?" Ikwinento niya ang tungkol kay Nash Roxas. Pati ang hitsura ng batang lalaki na iyon. Nagbakasakali siyang kilala o maaalala pa ito ng matanda. "May pangako kasi akong binitawan sa kanya. Gusto ko pa rin po sanang tuparin," nalulungkot na pagwawakas niya sa kanyang isinasalaysay. "Kilala ko ang tinutukoy mong bata, Ma'am. Kaya lang--" Natigilan ang matanda kaya hindi nito naituloy ang sinasabi. Napayuko ng ulo at nalungkot. Kahit paano ay nabuhayan siya ng loob. Mataman niyang hinintay ang kadugtong nang sinasabi ni Mang Douglas kahit kinakabahan siya dahil sa paglungkot ng matanda. "Kaya lang... A-ano po Mang Douglas?" aniya nang hindi na siya makapag-antay pa. "P-patay na raw ang bata na iyon sabi ng ama niya," malungkot na tugon ng matanda. "P-patay na siya?!" natigagal na sambit niya. Namula agad ang gilid ng kanyang mga mata. "Nakita mo na ba 'yong malaking restaurant diyan sa kabilang baryo?" Tumango siya bilang sagot. Hindi na siya makaimik pa sa kabiglaan. Hindi niya kailanman naisip na patay na si Nash Roxas. "'Yong may-ari po n'on, si Arthur. Siya po ang ama ni Nash." Umawang ang mga labi niya saka kagat niya ang pang-ibabang labi niyang tumango nang marahan. "Ang alam ko sa likod ng bahay lang nila inilibing ang kawawang batang 'yon. Kasi mahirap pa si Arthur noon," patuloy ni Mang Douglas. "Nasan po 'yong bahay nila?" Nakakalungkot man ay wala na siyang magagawa kung wala na si Nash. Nanghihinayang na lang siya dahil hindi man lang sila nagkita ulit. Ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa magiging bahay nila sana. Gusto niyang makita ulit ang bahay na dapat ay bibilhan ng kanyang daddy. "Katabi rin ng restaurant nila," tugon ng matanda. "Doon po, Ma'am." Mahabang 'Aaaahhh' ang nausal niya sa sarili. Kung gano'n, si Mang Arthur din ang nakabili sa bahay na 'yon pero ginawa na lamang restaurant. Kaya naman pala medyo pamilyar ang place sa kanya kanina. Isang tanong ang muling nabuo sa isip niya na hindi niya napigilang itanong sa kausap na matanda. Iyon ay kung paano yumaman ang pamilya ni Nash Roxas. Kitang-kita niya ang pagkibit-balikat ni Mang Douglas. "Iyon din ang ipinagtataka naming lahat dito. Kasi isang araw ay bigla na lang kasing nabuhay ulit ang ihawan nila gayung nalugi na noon." Naalala niya ang nabanggit noon ni Nash Roxas na wala na raw silang pera kaya nag-aaway ang mga magulang nito. "Isa pang nakapagtataka, eh, napakamura ng mga paninda nila na makakain. Na kung tutuusin pamahal na nang pamahal ang karne pero sila hindi kailanman nagtataas ng presyo. Kapag tinatanong naman siya kung sino ang supplier niya ng karne, eh, hindi sinasagot. Nakatyamba raw siya ng murang supplier ang kanya lamang sinasabi." "Ang suwerte naman nila," komento lang niya. Umungol ang matanda. "Sobrang madamot naman. Gusto siya lang ang yumaman." at saka puno ng pagdadamdam sa tinig nito na sabi. .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD