bc

Heart Surgeons' Healing Heart

book_age4+
38
FOLLOW
1K
READ
possessive
confident
twisted
sweet
lighthearted
witty
childhood crush
first love
school
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Ang panganay nina Athena at Martin De Villa III

Martheena De Villa couldn't forget the day her young heart was rejected by someone whom she trusted and value so much. It made her lost her self esteem and confidence. For years, binaon niya sa isip ang masakit na alaala during her High - School Days. Until one day, their paths crossed again. Sinubukan niyang hindi magpa apekto sa presensiya ni Juan Miguel Acosta. Ngunit pasaway lang talaga ang puso niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
        Alalang alala siya sa kanyang katabi na si Onemig. Short for Juan Miguel Acosta. Kasalukuyan itong nilalapatan ng first aid ng School Nurse nila. Paano ba naman, nakipagsuntukan lang naman ito sa dalawang bully niyang kaklase.           "Oh, anong nangyari diyan?" tanong ni Ma'am Rhona Cruzat, ang kanilang adviser bilang mga Grade 3 Bonifacio pupils sa kanilang subject teacher na si Ms. Ellen Aseremo. Itinuro nito ang dumudugong labi ni Onemig maging ang dalawa pang sina Xyrus at Lyndon. Nabungaran sila ng kanilang adviser nang makatapos ang English Class ay ipatawag ng principal sa opisina.         "Ma'am, please huwag po kayong magagalit kay Onemig. Ipinagtanggol nya po kasi ako doon kina Xyrus at Lyndon eh. Noong makita niya po akong umiiyak, sinugod niya po ung dalawang nang - agaw ng baon ko." aniya na takot na takot na mapagalitan ng adviser.         Lumambot ang ekspresyon ng kanilang adviser habang napailing. "Next time pag may ganyan sabihin nyo na lang agad sa amin ng Mam Ellen nang masolusyunan agad."         "Bakit ninyo kasi ginawa iyon Xyrus, Lyndon?" tinapunan ng tingin ni Mam Rhona ang dalawang nakayuko ang ulo. "Wala ba kayong baon?"         "Meron po." mahinang tugon ng dalawa.         "Meron naman pala eh. Bakit ninyo naman inagawan ng baon si Martheena?" tanong pa ni Mam Rhona.         Namumula ang matang sumagot si Xyrus.         "Sorry po Mam. Gusto lang po sana naming mapansin naman kami ni Martheena."         "Totoo ba yun Lyndon?"         Tumango ng marahan si Lyndon. "Opo, Maam."         Nakakaunawa namang tumango ang kanilang adviser. "Alam nyo bang mali ang ginawa nyo? Pwede ka namang makipagkaibigan o makipagkilala sa kanya nang hindi siya binubully. Inaasahan kong hindi na mauulit ito ha. "         Tumango naman ang dalawa. "Sorry po."         "Hindi kayo sa akin dapat humingi ng sorry. Kina Martheena at Juan Miguel kayo humingi ng tawad."         Alanganing lumapit sa kanila ang dalawa. "Sorry."          Tumango na lamang siya habang nakatingin lamang sa mga ito si Onemig. ***********        "Salamat kanina ha. " hindi napigilang sabihin ni Martheena kay Onemig. Pabalik na sila sa classroom noon galing sa principals office.             Nakangiting lumingon sa kanya si Onemig bago muling itinuon ang tingin sa dinaraanan. "Wala kang dapat ipagpasalamat Ynah."             "Thank you pa rin sa pagtatanggol." nangingiting sabi niya ito. "Paano ba ako makakabawi sa iyo?"             Nilingon siyang muli ni Onemig. "Sige, sabayan mo na lang ako sa pagrerecess tuwing oras ng recess natin. Okay na ba yun?"             "Okay." Matipid na sagot niya kay Onemig.              Agad silang sinalubong ni Esple. Agad nitong itinanong sa kanya kung ano ang napag - usapan sa office. "Anong sabi nina Ma'am Rhona at Ma'am Ellen sa inyo?"             "Wala naman. Napagalitan lang naman sina Xyrus at Lyndon."             "Mabuti nga sa kanila. Ang galing galing nilang mam bully eh."             Tumikhim si Onemig. "Nandito naman ako para ipagtanggol si Ynah eh."             Napalingon ang batang si Ynah dito. Hindi naman ganito ka open sa kanila si Onemig. Tahimik lang ito most of the time. Pero ngayon, mukhang napapahaba ang mga paliwanag at side comments nito.              Na touch naman siya sa sinabi nito. She's discovering other sides of Onemig and she's starting to like it. Ngayon pa lang, umaapaw sa tuwa at kilig ang batang puso ni Martheena.       *****************      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook