"Hindi ko na alam kung paano umuwi. Naligaw ako..." umiiyak na sabi ni Agatha sa phone Kausap ang asawang si Helios.
"Damn! Where are you right now? Pupuntahan kita diyan. Hintayin mo 'ko diyan!"
Ilang minuto na hindi sumagot si Agatha tanging hikbi lang ang naririnig ni Helios mula dito. "Hindi ko maintindihan ang sinabi mo." humihikbi na sagot nito.
"What the fvck! Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita." muli ay sabi ni Helious. Umiinit na ang ulo dahil sa asawang hindi makaintindi ng english. Hindi rin kasi ito marunong magbasa.
Yung magkaroon ka ng asawang hindi marunong magbasa at hindi makaintindi ng english. Araw-araw sumasakit ang ulo ko para lang ipaintindi sa kaniya.