CHAPTER I

2224 Words
CHAPTER I:   Five years ago . . .   “Are you sure of this Leutenant?” Naniniguradong tanong sa kanya ni General Mercado.   “Yes, Sir!” taas ang noong sagot niya.   Nakita niyang kinuha nito ang kanyang badge at malungkot siyang tiningnan.   “Malaking kawalan sa gobyerno lalo na sa AFP ang pag-alis mo Donovan, pero naiintindihan ko kung bakit ka aalis.” Napapabuntong-hiningang wika nito. “Hahawakan ko muna ang mga ito at itatago at sa oras na hand aka nang bumalik ulit sa serbisyo ay bukas-palad kitang tatanggapin ulit.”   “Thank you, Sir,” sagot niya at sumaludo rito.   Imbes na saluduhan siya ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya. “I’m sorry for what happened to your mother. If only I had the power to make a move, I will surely appoint you to deal with it,” anito.   Hindi siya kumibo at nanatiling nakatayo lang, hindi siya galit rito pero hindi rin niya maiwasang sumama ang loob dahil wala nga silang magawa para imbestigahan pa ang pagkamatay ng kanyang ina.   Pagkaalis niya sa ahensiya ay dumeretso na siya sa kanyang condo. Pabagsak siyang umupo sa sofa at malalim na napaisip. Ayon sa report na natanggap niya ay isang shoot to kill ang nangyari sa Mommy niya at ang lumalabas na motibo nang pagbaril dito ay dahil sa napapabalitaang pagtakbo nitong Congresswoman sa lungsod nila.   Hindi niya ito nasamahan ng araw na iyon dahil may ibinigay sa kanilang assignment ang kanilang Head at siya ang namuno sa kanyang team sa isang drug-raid.   Tumunog ang kanyang cellphone at nakita niyang ang tumatawag ay ang dati niyang intel na siya ring inutusan niyang kumalap ng mga impormasyon sa totoong nangyari noong mamatay ang kanyang Mommy.   “Hello, Sir?” bungad nito.   “Yes, Carl, may balita ka ba?” tanong niya rito.   “Nabalitaan kong nagbitiw ka na sa posisyon mo sa AFP,” sagot nito.   Pagak siyang natawa sa sinabi nito. “Ang bilis mo talagang sumagap ng balita, what else do you have to say?”   “May alam akong isang tagong ahensiya na makakatulong sa paghahanap mo ng hustisya sa magulang mo,” saad nito.   Nagtiim ang anyo niya. “I’m all ears.”   “Ibibigay ko lang sa’yo ang location tapos ikaw na ang dumiskarte. May nag-tip lang din sa’kin at sinabing maganda raw ang serbisyo nila,” anito.   “Okay text me the address and I’ll go check on them,” sagot niya at ibinaba na ang kanyang telepono.   Hindi na niya kailangan pang itanong dito kung ano ang buong detalye ng ahensiya dahil nakita niya agad na nagpadala ito ng mensahe sa kanya at ibinigay ang location. Nagtaka siya dahil wala itong binanggit na kahit na ano pang impormasyon tungkol sa sinasabi nitong ahensiya. Ang tanging sabi lang nito ay napaka-hirap kumuha ng impormasyon tungkol sa dito, ibig sabihin lang ay gano’n ka-confidential at professional ang nasa likod ng ahensiya.   Nagpahinga lang siya ng mga ilang oras bago gumayak at puntahan ang lugar. Ito ang dahilan kaya nagbitiw siya sa kanyang posisyon, gusto niyang subukan ulit mag-undercover sa ganoong paraan lang niya malalaman ang mga nasa likod nang pagpatay sa kanyang Mommy.   Madilim na nang makarating siya sa address na binigay ni Carl, sa una ay nag-atubili pa siyang bumaba sa sasakyan niya dahil sa nakita niyang signboard na nakalagay sa gilid ng dingding.   Queen’s Men Lair: A place where pleasure resides.   ‘Seriously?’ Tanong niya sa kanyang isip. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Carl ngunit hindi na niya ito ma-kontak kaya wala siyang nagawa kundi ang bumaba na lang at napilitang pumasok sa loob ng Bar.   Iniisip niyang baka doon niya matatagpuan ang taong tinutukoy ni Carl, mas maganda nga namang hideout ang lugar kasi walang matinong tao ang makakaisip na pumunta sa lugar na iyon.   Halos malaglag ang panga niya nang bumungad sa kanya ang malalanding sigawan ng mga matronang tuwang-tuwa sa tatlong lalaking nasa entablado at sumasayaw na tanging briefs lang ang suot.   A high-class bar that exclusively serves women and gays. Umupo siya sa counter at nag-order ng isang inumin na maging siya ay hindi alam kung nag-eexist, sinunod niya lang ang bilin ni Carl dahil sa ganoong paraan lang daw niya mahahanap ang taong nasa likod ng ahensiyang tinutukoy nito.   Mataman siyang tiningnan ng bartender bago ito umalis sa harapan niya, inilibot niyang muli ang kanyang tingin sa paligid. Kapansin-pansin na halos lahat ng mga staff doon ay puro lalaki, matitikas ang pangangatawan at hindi itulak-kabigin ang taglay na kaguwapuhan. Bawat isa ay may personalidad at karakter na talaga namang walang kahit na sinong babae ang hindi makakapansin.   Lihim siyang napailing nang makitang may kinuhang isang babae ang lalaking naggsasayaw sa entablado at pinaupo sa silyang nasa gitna ng stage. Piniringan nito ang babae na kitang-kita ang kilig sa mukha nito. Nag-lean ang lalaki rito at napangiwi siya sa sunod nitong ginawa. Awtomatikong nag-iwas siya ng tingin at lalong kumunot ang noo niya nang makita ang isang napakagandang babae na mataman siyang tinitingnan at parang sinusuri.   Dumating ang kanyang inumin at wala siyang pinalagpas na pagkakataon at tinungga ang laman niyon. Sumagad sa lalamunan niya ang kakaibang tapang ng alak, kung hindi lang niya sinanay ang sariling itago ang totoong nararamdaman niya ay tiyak na naubo na siya sa sobrang tapang niyon.   “You must be the one that my intel talked about.” Narinig niya ang nang-aakit na boses mula sa gilid niya.   Hindi na siya nagpaligoy-liguy pa at tumango. “Yes, that’s me, ano baa ng mga kailangan para makapasok ako sa agency niyo?”   Narinig niya itong tumawa at ang sarap sa pandinig niyon. “The thing is, you need to pass the first test,” anito at hinaplos ang dibdib niya.   Ipinilig niya ang kanyang ulo at tinaasan ito ng kilay. Halatang gumagawa ito ng move para akitin siya, tiningnan niya ito sa mata at mas lalong lumakas ang hinala niya na tama nga ang iniisip niya.   Hinawakan nito ang kanyang baba at lumapit sa kanya. Hindi siya gumalaw o kumurap man lang, kahit gaano pa ito kaganda ay hindi uubra sa kanya ang pang-aakit nito. Five years ago, he made an oath to a special woman that he’ll never be attached to this kind of flirtation.   Tinawid nito ang pagitan nilang at akma siyang hahalikan ngunit tumigil ito nang ga-sinulid na lang ang pagitan nilang dalawa. Nakakaloko itong nakatingin sa kanya at nilabanan niya ang tingin na iyon, isang blangkong ekspresyon lang ang ibinigay niya rito.   “Oh well, you pass,” sabi nito at lumayo sa kanya.   Nakakunot ang noo niyang tumingin dito.   “That’s it?” tanong niya sa babae.   “No honey, it’s just the initiation,” malambing na sagot nito at tumayo na sa upuan nito. “Follow me.”   Sumunod siya rito, pumasok sila sa isa sa mga kuwarto doon. Hindi siya nagtanong at tahimik lang na sumusunod dito, nang isara nito ang pinto ay agad nitong inihagis sa kanya ang isang malaking vase. Nagulat man ay agad niya iyong naiwasan, at tiim ang anyong tumingin rito.   “Sinusubukan lang kita,” malambing na wika nito.   Kakaiba rin ang trip ng babaeng ito. Sa likod ng kagandahan nito ay nakatago ang panganib na dala nito. Parang ginagamit nito ang katangian nito para ma-trap ang kung sinumang bibiktimahin nito, lihim siyang napailing, mabuti na lamang at hindi siya mapaglaro.   Lumapit ito sa isang ordinaryong switch at pinindot iyon, dumilim ang paligid at naramdaman niyang gumagalaw sila, hindi niya lang alam kung pababa ba sila o pataas. Dahil madilim ang paligid at wala siyang makita ay ginamit niya ang ibang pandama niya para maging alerto kung sakali mang susugurin siya ng babae.   Maaaring iyon na ang huling araw niya sa mundo sa oras na maging kampante lang siya. Nanliit ang mga mata niya nang may maramdaman siyang kakaiba sa likod niya, mabilis siyang umiwas at hinawakan ang bagay na iyon. Huminto ang paligid at nagliwanag ang paligid, saka niya nakita na ang makinis na kamay ng babae ang hawak niya.   May hawak itong patalim at kung hindi siya nakailag ay maariing butas na ang leeg niya ngayon.   Binitiwan niya ito at humarap naman ito sa kanya, gusto na niyang mainis dito dahil ang ganda pa rin ng ngiti nito at tila wala itong balak na masama sa kanya gayong dalawang beses na nitong pinagtangkaan ang buhay niya.   Indeed, looks can damn be deceiving.   “Hi! My name is Aphrodite and welcome to the club, Lieutenant Colonel Niklaus Donovan,” anito at inilahad ang kamay sa kanya.   Tiningnan niya ang kamay nitong nakalahad. “Does that mean you’re done attempting on killing me?”   She giggles. “Don’t worry, I’ll be nice to you this time.”   Tinanggap niya ang kamay nito at tipid na ngumiti.   “I can’t come with you there but the moment you go inside, you can’t turn your back anymore,” may bahid ng kaseryosohang sabi nito.   Tumango siya. Wala siyang balak umatras, kung matutulungan siyang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang Mommy ay kaya niyang gawin ang lahat. Pagkatapos magpasalamat kay Aphrodite ay dahan-dahan na siyang naglakad papunta sa pintuang tinuro nito.   Huminga muna siya ng malalim bago pinihit iyon at pumasok. Tumambad sa kanya ang maluwang na kuwarto na walang kagamitan, walang mga bintana at may isa pang pintuan sa di-kalayuan niya. Hula niya ay iyon ang destinasyon niya, mabilis siyang naglakad at tinungo ang pintuan para lang magulat dahil hindi niya iyon mabuksan.   “Great, what do I need to do to open this door?” tanong niya sa sarili niya. “Should I need to shout a magic word?”   “Donovan, am I right?” Narinig niyang wika ng isang babae pang boses. Inilibot niya ang kanyang paningin at wala siyang makitang kahit na anong CCTV Camera, the room was painted with white and he didn’t see anything suspicious gadgets or whatever.   Maliban na lamang kung see-through ang mga dingding o hindi naman ang pintuan. Puwede rin naman na may mga high-tech gadgets silang ginagamit para maging malinis at smooth ang lahat. Sa naisip ay hindi na siya nagsayang pa ng panahon at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib.   “Yep,” simpleng tugon niya.   “I just have one question before I open the door for you,” saad nito.   “Go on,” walang kurap niyang saad.   “Bilang parte ng agency namin ay kailangan mong kalimutan ang pagkatao mo—lahat-lahat. Kaya mo bang gawin iyon?” tanong nito.   “Yes, I can do that,” walang gatol na sagot niya.   “You need to forget even the slightest memory you have from any person you’ve met. You’re okay with that?” tanong ulit nito.   “Yes.”   “Even the memory of you and Freya Santibañez, especially the affair you have with her—you need to throw it away.”   Lihim siyang napatiim-bagang, hindi niya inaasahan na may ganitong patakaran siyang susundin. How can he possibly throw all the good memories he has with Freya? He can’t do that!   “We need to disregard your weaknesses, Donovan. In that way, you don’t have any distractions and failures as our agents. Do we have a deal?” tanong nito.   Narinig niyang bumukas ang pintuan. “If you move forward, then it’s yes. You may come and meet me but if you move backward, which I definitely recommended not to,” anito.   Hindi niya ipapangakong kakalimutan niya ang alaala nilang dalawa ni Freya pero pipilitin niyang isantabi ang pangungulila niya rito. Professional niya pagdating sa trabaho niya kaya alam niyang magagawa niya iyon. Humakbang siya paabante, palapit sa pintuan at nang nasa tapat na siya nito ay nakita niya ang isa pang babae nan aka-cross ang mga balikat sa dibdib nito at nakangiting naghihintay sa kanya.   “Good choice, now let’s head up.” Ipinilig nito ang ulo at sinenyasan siyang sumunod dito.   Isa pang pintuan ang pinasok nila at nakita niya ang tatlong pintuan na magkakatabi. May mga nakasulat sa itaas ng mga ito, pinaupo siya nito at parang may pinindot sa tenga may tenga nito.   “You can come here, Athena, prepare everything for our new recruit,” anang dalaga.   Umupo siya iminuwestra nito at pinag-aralan ang buong paligid. Ordinaryo lang ang desinyo ng kuwartong iyon at alam niyang hindi talaga iyon ang pinaka-main na headquarter ng agency.   “Puwede na ba akong magtanong?” aniya.   Tumango ito pero nang ibuka niya ang kanyang bibig para magsalita ay may lumabas na isa pang babae mula sa tatlong pinto na magkakahilera. May bitbit itong laptop at ilang dokumento, maganda rin ito katulad ng kaharap niya at ni Aphrodite, ngunit ang tatlo ay may iba’t-ibang aura na agad mong mapapansin kapag nakasalamuha mo sila isa-isa.   Itinikom niya ang kanyang bibig at nilunok na lamang muna ang dapat ay itatanong niya. Saka na lang siya magtatanong kapag naipaliwanag na sa kanya ang lahat, base sa mga hawak ng babae ay mahaba-haba ang mapag-uusapan nilang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD