bc

Worth The Chase (COMPLETED)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
14.1K
READ
aloof
brave
confident
drama
comedy
sweet
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG. COMPLETE!)

Montgomery Series 3

"You are the only risk I am willing to chase because I know you'll be worth it."

Isang perpektong lalaki ang tingin ng marami kay Isaiah Montgomery. A rich guy, a singer and pianist, handsome man. The 'boy next door' kind of guy. Pero ang hindi alam ng iba ay meron ding mga sikretong tinatago ang binata. He's searching for someone who saved him before. Pero paano ba niya ito makikita gayung ni pangalan nito ay hindi niya alam?

Si Andrea Samonte o mas kilala bilang si Ann ay isinumpa na ang lahi ni Adan dahil na rin sa masamang karanasan sa kalalakihan. Paano na lang kung mag-krus ang landas nila ni Isaiah Montgomery? Mababago ba ang pananaw niya sa kalalakihan o patuloy pa rin siyang tatakbo palayo?

Handa ba siyang habulin ni Isaiah hanggang makamit nito ang kaniyang takot na puso?

Montgomery Series 3

(Cover made by yours truly, picture is not mine)

chap-preview
Free preview
Prologue
You say you've been overseas I say over where You say just a holiday My Alsatian heir I say I've been working late, working overtime Haven't seen that sun since sixty-nine My eyes are close as I sing ang play, blocking out the sound of the people watching me. Kapag tumutugtog ako ay sinisiguro kong nasa ginagawa ko lang ang atensyon ko para hindi magkamali. Does the moonlight shine on Paris After the sun goes down If the London Bridge is falling Would anybody hear a sound If you follow that sunset will it ever end Oh Does the moonlight shine on Paris Du ru rum du ru rum du du Will it ever end I opened my eyes and smile at the people. Nangibabaw ang tilian at palakpakan nila. Tumayo na ako at yumukod sa harapan ng mga nanuod ng aking mini concert sa isang kilalang mall at kumaway. Isang oras ang binigay na oras para pumirma ako sa mga bumili ng album ko at masaya ko naman silang pinaunlakan, Nakangiti akong sumasagot sa mga tanong nila at nagpa-picture. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang signing at pilit na gumagawa ng daan ang security team para makalabas kami at makapaunta sa parking lot. "Where's the nearest comfort room?" balihg ko sa security guard nang sa wakas ay makalabas na kami. "Sa loob pa po, Sir." napakamot sa ulong sabi niya. Bumaling ako sa manager ko at sa personal bodyguard ko. "I need to use it. Ako na lang mag-isa ang papasok para hindi agaw atensyon. Oh, John. Hihiramin ko muna itong cap at salamin mo." nakangising sabi ko sa kanila sabay kuha ng cap at salamin ni John at agad na itong isinuot. Tututol pa sana sila pero pinigilan ko sila at kaswal naglakad na papasok ulit sa mall. Mabilis ko nang hinanap ang C.R at nakita ko ito sa dulong pasilyo. Diretso akong naglakad at pilit na iniyuyuko ang ulo para masigurong walang makakilala sa akin. Pero mukhang minamalalas ako dahil may kung sinong bumunggo sa akin. Dahil sa lakas ng pagbunggo niya ay nalaglag ang suot kong salamin. Napamura na lang ako ng mahina at muli itong isinuot at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. "Si Isaiah ba 'yon?" rinig kong sabi ng isang babae kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko. "Oo nga eh, parang kamukha!" "Nakita ko ang mukha niya, siya nga si Isaiah Montgomery! Omg! Tara magpa-picture tayo!" "Si Isaiah! Kyaah!" Dahil sa pagsigaw nila ay naagaw na ang atensyon ng karamihan. Tumakbo na ako para iwasan ang mga nagtitiling fan girls. Siniguro kong hindi nila ako nakitang lumiko papuntang C.R bago agad na pumasok sa unang pintong nakita ko at mabilis iyong isinara. "God dammit." mahinang mura ko at isinandal ang ulo sa pinto. Kinapa ang cell phone sa bulsa para lang muling mapamura ng maalala kong ibinigay ko ito kay Sam. "Hoy! SIno ka? Ano'ng ginagawa mo sa storage room?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng mukhang tomboy base na rin sa pananamit at pananalita. Pero ang tinitigan ko ay ang nangungusap niyang mga mata at ang mapupula niyang mga labi. "Magnanakaw ka ano?" pang-aakusa niya kasabay ng paglalakad papalapit sa akin. Pinaliit niya ang mapupungay niyang mga mata. "Hell no! Look Miss, hindi ako magnanakaw. Kailangan ko lang magtago dahil---" "Aha! Shop lifter ka?" "f**k sake. Miss, let me just hide here for a whi---" Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang tilian sa labas at ang mga pagtatanong kung nasaan ako. Narinig ko ring may reporter sa labas na naghahanap din. Muli akong napamura ng mahina. Hindi na dapat ako umalis pang mag-isa. Now I'm freaking trapped with a... dangerous girl. "Lalabas ka ba o sisigaw ako?" pagbabanta niya. "No! You can't do that! Ilang minuto lang plea--" "May magnanak--" I cut her off by putting my hand on her mouth. Isinandal ko siya sa pinto at sumenyas na tumahimik lang siya. Nanlalaki ang mga mata niya at maya-maya pa ay napasigaw na lang ako dahil sa pagkagat niya sa kamay ko. Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong namumula ito at may bakas pa ng ngipin. "Ano ka, aso?! God damn it. Paano ako tutugtog nito mamaya?" inis na tanong ko sa sarili ko. Ngumisi lang siya at muling nag-ambang sisigaw kaya naman ginawa ko na kung ano ang tingin ko'y makakapagpatahimik sa kaniya. I kissed her. And surprisingly.... I liked it.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
82.0K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.8K
bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.8K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook