Pangalawang Kabanata

906 Words
 Pumasok nga silang dalawa sa munting bahay. Sa pagpasok nilaay sinalubong sila ng mga batang nagtatakbuhan. Umupo sila sa sofa na gawa sa rattan. "Sam" si Aling Ada. "Gusto ko mang tanggapin ka sa munti kong pamamahay pero wala na kasing espasyo. Yung mga magulang at mga kapatid ng asawa ko ay dito pansamantalang tumutuloy. Isama mo pa ang mga anak ng mga kapatid nila. Nagpadala ako ng sulat pero sa pagdating mo ay huli na yun." Hindi alam ni Sam ang gagawin. Parang gumuho ang mga pangarap niya. Wala na kasi siyang alam na ibang mapupuntahan kundi ang sa kanyang tiyahin. "Wala pong problema" ang sabi naman ni Sam. "Babalik na lang siguro ako ng probinsya" "Sayang naman" ang singit ni Jun. "Wala ka na bang ibang mapupuntahan?" Umiling lang naman si Sam. "Kung gusto mo, sa boarding house ka na lang namin" ang suhestyon ni Jun. "Ha?" ang reaksyon naman ni Sam. "Di bale na lang. Masyadong magastos, wala akong pambayad sa upa buwan-buwan" "Wala kang proproblemahin sa upa dahil ako naman ang magbabayad. Sa iisang kwarto nga lang tayo magsasama... Eh yun ay kung okay lang sayo" ang paliwanag naman ni Jun, napapaisip si Sam. "Magandang ideya yan!" ang pagsang-ayon ni Aling Ada sa suhestyon ni Jun. "WAg kang mag-alala Samuel. Mabait na tao yang si Jun." "Payag ka na?" ang tanong ni Jun. "Uhm... O, sige" ang pagpayag na ni Sam sa suhestyon ni Jun. Kung sa bagay, kung gusto niyang maipagpatuloy ang mga pangarap niya ay kailangan niyang pumusta. At sa ngayon, ito na lang angkatangi-tanging bagay na magagawa niya. "Halika na" ang yaya naman ni Jun sa kanya sabay tayo niya. "Kakausapin pa natin yung landlady" Napatango naman si Sam at nagpaala sa kanyang tiyahin. Sa tapat lang nga ang boarding house ni Jun. "Oyy, sino yan?" ang tanong ng isang lalake kay Jun nang pumasok sila. "Kapatid mo?" "Tropa ko" ang tugon naman ni Jun sa kanya. "Si Manang Aida?" "Nasa kusina, pinapagalitan na naman si Henry" ang tugon ng lalake "Nagdala na naman ng babae kagabi?" ang tanong ni Jun. Tumawaa naman silang dalawa. "Tara" si Jun. Sumunod nga si Sam kay Jun. Hanggang sa napunta sila sa kusina. "Henry, ah! Ipapaalala ko sa'yo... Hindi motel ang tinutulayan mo." ang pagalit na sinabi ng isang babae na medyo may edad na pero parang teenager pa rin kung mag-ayos. Blonde kasi ang buhok na may pink highlights na dinaig pa si Barbie. Naka-spaghetti strap at shorts. "Isa pa... Sisipain kita palabas. Naiintindihan mo?" "Oho" ang tugon naman ng mestisong lalakeng nakaupo sa monoblock chair. "O, Jun!" ang magiliw na pagtawag ni Aling Aida kay Jun nang makita niya siya sabay lapit."Hindi niyo gayahin itong si Jun. Masipag na bata" "Aling Aida, kayo naman" ang reaksyon ni Jun sabay kamot ng ulo. Hindi kasi siya sanay na napupuri. "Nga pala, ipapaalam ko sana na kung pwedeng dito makituluyan itong kaibigan kong si Sam" "Magandang umaga po" ang bati ni Sam kay Aling Aida. "Okay sana pero alam mo naman Jun na wala tayong bakante" ang tugon ni Aling Aida. "Yun nga, Aling Aida. Ipapaka-usap ko sana na sa kuwarto ko na lang siya tumuloy" ang paki-usap ni Jun. 'kagagaling niya po ng probinsya. Tiyahin niya si Aling Ada diyan sa katapat nating bahay. Alam niyo naman yung sitwasyon dun. Sayang naman yung pinunta niya rito" "Ganun ba?" ang reaksyon ni Aling Aida. "O, sige na nga. Ano nga ulit ang pangalan mo?" "Samuel Dimalanta" ang tugon naman ni Sam. "Bakit ka nga pala lumuwas dito?" ang tanong ni Aling Aida kay Sam . "Mag-aaral po" ang tugon naman ni Sam. "O.sige... Nang marehistro kita sa Barangay Hall" ang sabi ni Aling Aida bago nagpaalam at umalis. Yinaya naman ni Jun si Sam na pumasok na ng kuwarto. "Pasensya na, medyo magulo ang sabi ni Jun kay Sam nang nasa loob na sila. Sa tingin ni Sam ay maayos naman ang kuwarto. Linapag ni SAm ang knayang bag sa atvbi ng kama. "Mabuti na lang, may bakante pa akong aparador" ang sabi naman ni JUn sabay bukas ng isang aparador. "Dito mo na lang ilagay ang mga gamit mo. "Salamat" si Sam. "Nga pala" si Jun. "Diyan ka na sa kama ko" "Hala, hindi na" ang pagtanggi naman ni Sam sa alok ni Jun. "Sa papag na lang ako. Sanay naman na ako kasi laking probinsya ako" "Hindi ka bagay sa papag" ang naging komento naman ni Jun. Nagtaka naman si Sam kaya napatingin si Sam sa kanya. "Ha? Bakit naman?" ang tanong ni Sam. "Mukha ka kasing bata" ang tukso ni Jun kay Samsabay tawa. "Ang liit mo kasi" Namula naman si Sam dahil sa sinabi ni Jun. Natigilan naman si Jun sa katatawa. "Uyy, biro lang yun, ha?" ang paliwanag naman ni Jun. Napangiti naman si Sam. "Alam ko" sabi ni Sam sabay tawa. "Pero seryoso ako, sa papag na lang ako. Ikaw na nga ang magbabayad ng upa tapos gagamitin ko pa ang kama mo. Nakakahiya na" "Sige na nga" ang pagpayag ni Jun. Magpahinga ka na muna, alam kong pagod ka pa mula sa byahe" "Salamat" si Sam sabay higa sa kama. Hindi nagtagal ay nakatulog na siya. Pagkagising niya ay hapon na. Wala si Jun sa kuwarto. Nag-aalangan naman siyang lumabas dahil nahihiya pa siya sa ibang tao sa boarding house. "Jun! Jun!" ang pagtawag ng isang babae habang kumakatok sa kuwarto. Kaagad naman siyang bumaba ng kama at binuksan ang pinto. Natigilan naman ang babae nang makita siya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Teka nga-" ang bulong ng babae. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Tumapak siya pabalik at binilang ang mga pintuan. "Tama naman ah. Wag mong sabihing..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD