Chapter 3

1833 Words
Chapter 3 Sa pagdaan ng mga araw, mas lalo ko pang nakilala si Sir Liam. Mas lalo akong nasanay sa ugali nito. Kung seryoso siya ngayon, mamaya ay iiral na naman ang kagaguhan sa isip niya. Kung mabait siya ngayon, mamaya ay kabaliktaran na ang ipapakita niya. Maarte siya sa pagkain. Masyado ring malinis sa sarili. Ilan lang iyon sa mga napansin ko. Ang sabi niya no'ng unang araw na pumunta ako dito, ayaw niya ng maingay. E' siya lang naman ang nag-iingay dito. Ayaw niya rin daw na kausapin ko siya, pero binawi niya rin naman. Madalas magulo siyang kausap, hindi. Mali. Palagi pala. "Danyela, tapos kana maglaba?" "Opo, Sir." Sagot ko at isinauli ang mga palanggana sa cabinet. Naabutan ko si Sir Liam sa kusina na kumakain, sa tabi naman nito ay si Riyo. Tingin ko ay mag aalas-onse na ng tanghali. Nakapagluto narin naman ako. Maliligo muna ako bago kumain dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko. "Where are you going?" Pagpipigil nito saakin nang lagpasan ko siya. Kumumot ang noo ko at tinuro ang kwarto. "Kwarto po. Bakit?" "Eat with me." "Ha?" "Sit." Napakamot ako sa ulo ko. "E' mamaya pa po ako kakain, Sir." "Who's the boss?" Tanong nito ng nakataas ang kilay. "Kayo po." "Sinong masusunod?" Wala na akong nagawa at umupo nalang para sabayan siyang kumain. Nag lagay ako ng isang upuan na pagitan naming dalawa. Nang magsimula akong kumain ay hindi ako kumikibo, hindi ko rin ito tinatapunan ng tingin at nakatutok lamang sa pagkain. Nang maramdaman ko ang mga titig nito ay nagtaas ako ng tingin. Nagsalubong ang kilay ko. Nakatingin ito sa'kin na para bang nag-eenjoy siya na ewan. Bahagyang ring nakaawang ang mga labi niya na para bang may gusto siyang sabihin. Hindi ko na napigilan ang sariling mapatitig dito. Mula sa itim na mga mata nito hanggang sa matangos niyang ilong at kulay pink na labi. Perpektong perpekto rin ang higis ng jawline nito na lalong nagpagwapo sakanya. Ang mga ganitong mukha ang madalas kabaliwan ng mga babae. Maliban sa'kin. "May dumi po ba sa mukha ko?" "Huh?" "Nakatitig kasi kayo sa'kin, e. Hindi ko maiwasang hindi mailang." Akala mo naman hindi rin ako tumitig. Napailing ako sa naisip at napangiti. Mukha tuloy akong baliw. Muli kong ibinalik ang atensyon sa pagkain at sumubo. "I'm not staring at you." Tila iritadong dipensa nito. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na nagsalita. Nang matapos akong kumain ay naghugas agad ako ng plato para agad ring makaligo. Si Sir Liam naman ay nanatili sa kusina habang gamit gamit ang cellphone niya. Paminsan minsan kapag lumalabas ako ng bahay na 'to ay maraming nakatingin saakin. Palagay ko nga ay pinagtsitsismisan nila ako dahil no'ng minsan tinanong ako ni aling marie kung nobyo ko na raw ba ang nakatira dito dahil palagi daw akong nandidito. Syempre agad akong humindi pero hindi naman siya naniniwala. Bakit daw ikinakaila ko pa e wala naman daw masama. Ang swerte ko raw dahil mayaman daw ang mapapangasawa ko. Jusko, nakakahiya. Papaano kaya kapag malaman iyon ni Sir Liam? Lalo na kay nanay. "Pagkatapos mo diyan, magbihis ka ng maayos. We're going out." Pinatay ko ang gripo at lumingon dito. Nakita ko itong nakatingin sa'kin habang nakatagilid sa upuan. Kahit na iba ang dating sa'kin ng 'magbihis ka ng maayos' ay may isa pang nakakuha ng atensyon ko. We're going out daw. Mabilis na sumagi na naman sa isip ko ang nangyari noong nakaraang linggo nang ayain ako nitong umalis pero bandang huli ay hindi naman ako sinama. "Kasama po ba talaga ako?" Ulit na tanong ko rito at tumitig sakanya para malaman kung nagbibiro ba siya. Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. "Bakit, ayaw mo?" Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Sino ba saamin ang nagpababa ng sasakyan no'ng huli niya akong inayang umalis? Iyon na yata ang pinakatumatak na ala-ala ko rito. Sa tuwing naririnig ko ang salitang 'aalis' ay iyon agad ang pumapasok sa isip ko. "Hindi naman. Pero, seryoso na po ba kayo?" "Bakit ba? Ayaw mo?" Binalot ng iritasyo ang mukha nito. Sunod sunod akong umiling. "Hindi po, Sir. Sinisigurado ko lang kasi po baka pababain niyo na naman ako ng sasakyan." Kumunot ang noo nito, pero ngumisi rin ng parang may maalala. "Ah, that." Napatawa ito. "Don't worry. I'm really serious this time. You're going with me." Tumango nalang ako at bumalik na sa ginagawa. Ano pa nga bang magagawa ko? Kung hindi niya ulit ako isasama, bahala na. Nang makatapos maghugas ng plato ay naligo ako at gumayak katulad ng sinabi nito. Nagdadalawang isip pa ako no'ng una at inisip kong magdahilan pero parang ang bastos naman pakinggan no'n kaya sumunod ako rito. Mabuti naman at hindi nga ito nagbibiro. Sinama niya ako at ako naman ay halos masuka-suka sa loob ng sasakyan. Mas sanay pa nga si Riyo saakin na sumakay ng sasakyan. Sa mall huminto ang kotse ni Sir Liam. Nakakapagtaka nga at alam niya kung papaano pumunta rito dahil hindi naman siya nagtanong sa'kin at hindi ko natatandaang tinuro ko sakanya ang daan dito. Unang namili si Sir Liam ng mga damit niya at pabango. Halos lahat yata ng sinukat niya ay binili niya. Katulad ng inaasahan ko, ako ang nagbitbit lahat. Medyo nakakailang kase halos lahat ng nakakasalubong namin ay nakatingin sa'kin, o' baka kay Sir Liam at nag-aassume lang ako. Mayron pa nga akong nakasalubong na kaklase ko last year na tinatanong kung ano daw ang pangalan ng gwapo kong kasama at kung nobyo ko raw ba ito. Humindi ako at kahit na gusto ko pa siyang ipakilala kay Sir Liam, hindi puwede. Dahil sa pagtanggi ko ay mas inisip tuloy nito na boyfriend ko si Sir Liam. "Sir, anong oras po tayo uuwi?" Tanong ko rito nang makaramdam ng pagod. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito at dumadami narin ang mga dala ko. Hindi naman ako gano'n kalakas para mabuhat lahat ng gusto niyang bilhin. Sa dami ng paperbag na 'to pakiramdam ko nga ay matatanggal na ang kamay ko, nakakangalay. "Pagod kana? May bibilhin pa ako." Bumagsak ang balikat ko sa naging sagot nito. Grabe pala siyang mamili, daig pa babae. May relo, sapatos, poloshirt, t-shirt, pabango. Jusko. Tapos may bibilhin pa? Hindi ba siya nauubusan ng pera? Ang mamahal pa naman ng binibili niya. Nang mapansin ang ekspresyon ko ay lumapit siya saakin at kinuha ang mga dala ko. "Alright. Dadalhin ko na ito sa kotse. Wait here, samahan mo muna si Riyo." Nabigla 'man ay tumango nalang ako at hinawakan ang tali ni Riyo. Mukhang sinasapian na naman si Sir Liam ng kabaitan, lulubus-lubusin ko na. Habang naghihintay ay hindi ko naiwasang mapadako ang tingin sa mga pambabaeng damit na nakadisplay. Ang gaganda. Halos lahat ng nandito ay ang mga nakikita kong suot ng mga koreana na napapanood ko sa tv. Nakikita ko ring nagsusuot ng mga ganito ang kaklase ko. Lumapit ako roon para makita ng mas malapitan ang mga damit. Mabilis akong ginapangan ng inggit sa mga babaeng nasa loob ng shop. Sana lahat may pambili. Ipinilig ko ang ulo ko at bumalik sa pwesto ko kanina. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid ko at halos lahat ng nakikita ko ay mga couple. Bumagsak ang tingin ko kay Riyo na nakaupo lang. Buti pa 'tong asong 'to mukhang sarap na sarap sa buhay. Kapag naging aso ako sa susunod kong buhay gusto ko mapunta ako sa mayaman na amo. Tapos magpapabili ako ng damit 'saka masasarap na pagkain. Napatigil ako sa pagiisip ng biglang lumakad si Riyo. Gustuhin ko 'man itong pigilin pero dahil sa laki nito ay baka ako pa ang mahila. Unti-unti ay bumilis ang paglakad nito na naging sanhi ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Bigla akong nataranta. Baka makabangga kami! Nang hindi ko na macontrol ang bilis nito ay binitawan ko nalang ang pagkakahawak sa tali niya 'saka ito sinundan. "Jusko, ano bang nangyayari sa aso na 'to. Baka mamaya hinahanap na kami ni Sir Liam." Bulong ko sa sarili at mas binilisan pa ang pagtakbo. Napalayo na kami sa pwesto ko kanina at mas lumalayo narin ang agwat ko kay Riyo. Dumiretso ito sa labas at nang mapansin ng guard sa exit na hinahabol ko si Riyo ay pinigil niya ako. "Ma'am, ma'am! Aso niyo po ba iyon?" Tanong ng guard sa'kin pagkalapit. Tumango nalang ko at nilagpasan ito. s**t. Baka makalayo si Riyo! Patay ako kay Sir Liam. Nang makalabas ay agad akong luminga-linga para hanapin si Riyo. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Ano nang gagawin ko ngayon? Siguradong magagalit si Sir Liam. Sinubukan kong pumunta sa parking lot at paikot sa labas ng mall pero wala parin. Hinihingal na napahawak ako sa tuhod ko habang naghahabol ng paghinga. Nakakainis naman! Pa'no na 'to? Pumasok ako ulit sa loob ng mall pero sa pagkakataong ito ay para hanapin na si Sir Liam. Hinanap ko siya sa first floor, second at third pero hindi ko siya nakita. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang paglakas ng t***k ng puso ko pero hindi ako lumubay kakahanap. Mukha na siguro akong zombie sa sobrang pagod pero hindi ako tumigil kakatakbo. Pumunta akong parking lot para hanapin ang kotse ni Sir Liam pero maging iyon ay hindi ko nahanap. Napatigil ako sa paglakad nang may mapagtanto. Dalawang bagay lang, iniwan ako dito ni Sir Liam, o' nagkakasalisi kami. Sinubukan ko ulit maghanap sa paligid pero wala talaga. Nang mapagdesisyunan kong tumigil ay agad akong tumawag ng tricycle para umuwi. Habol ko parin ang paghinga ko at para akong naliligo sa sariling pawis. Pakiramdam ko ay namamanhid ang mga tuhod ko pero hindi ko na iyon pinansin dahil masyadong okupado ang isip ko. Iniwan ako ni Sir Liam? Huminga ako ng malalim at umiling. Bakit niya naman gagawin iyon? Siguro ay nagkasalisi lang kami. Si Riyo. Napahilamos nalang ako sa mukha ko at malutong na napamura. Hindi naman siguro siya gano'n kasama para iwan ako doon. Siguro. Nang makarating sa bahay nila Sir Liam ay natagpuan ko si mang domeng sa garden na nagdidilig. Nang sulyapan ko ang garahe ay doon ko napagtanto na nagpagod lang pala ako sa wala. Huminga ako ng malalim at napatingala. Ayos lang iyan, Danyela. Tahimik at kalmadong pumasok ako ng bahay. Maingat ang paglakad ko at mula dito ay naririnig ko na ang boses ni Sir Liam. "Good boy, Riyo." Nanigas ang mga panga ko roon. Muli ay huminga ako ng malalim bago nagdirediretso sa paglalakad. Halos manlambot pa ang tuhod ko nang makita si Sir Liam na nakangiti habang nilalaro si Riyo. Nang magtama ang mga mata namin ay agad din akong nag-iwas ng tingin. Hindi ako nagsalita at nilagpasan nalang ang mga ito para dumiretso sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at napatitig sa ceiling. Grabe. May mas ilalala pa pala siya. Nag-init ang mga mata ko kaya't bago pa tumulo ang mga luha ko ay pumikit nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD