PROLOGUE: The Interview

670 Words
Adriana’s Point of View “Miss Adriana,” ang pagtawag ng isa sa mga interviewer. “Ang ganda ng bago niyong naisulat. Ramdam ko ang emosyon sa bawat salita sa inyong likha. Ang tanong ko lang ay… anong naging inspirasyon mo sa nobelang ito?”    Napangiti ako at tumango bilang tanda na nakuha ko ang katanungan. Handa na akong sagutin yun. Hindi naman na ito bago sa tuwing may book launching akong pinupuntahan. Itinapat ko naman ang aking mga labi sa mikropono.    “Pagmamahal,” ang simple kong tugon. “Pagmamahal na marunong bumitiw at handang maghintay sa tamang panahon.”    “Madalas naming naririnig mula sa’yo na hindi ka kailanman muling papasok sa isang relasyon,” ang pagpapatuloy ng interviewer. “Meron na bang nagpapatibok ng puso mo?”    Napakunot naman ako ng noo.    “Paano mo naman naitanong yan?” ang tanong ko pabalik.    “Napansin po namin na nag-iba ang writing style mo,” ang paliwanag naman niya.    “Hindi nun i-b-big sabihin na…” ang nauutal kong sagot. Natigilan ako nang maalala ang kanyang mukha. Ang kutis niyang ubod ng kinis, ang chinito niyang mga mata na nawawala kapag tumatawa, ang ngiting mas maliwanag pa sa sikat ng araw, at ang kanyang… mga pandesal.    “Miss Adriana?” ang pagtawag ng boses. Natauhan naman ako at muling natagpuan ang aking sarili sa venue ng book launching. Napakurap naman ako at pinagpatuloy ang aking pagsasalita.    “Meron,” sa wakas ang tugon ko pagkatapos ng pinakawalan kong buntong-hininga. Nagsimula naman silang mag-ingay. “Pero huwag kayong ma-excite,” ang pagsuway ko sa kanila. “In time, mapapakilala ko kung sino siya.”    “Pero masasabi niyo bang… he’s the one?” ang sunod niyang tanong. Natigilan ako at napaisip. Nakakabwisit ang kaartehan ng lalakeng yun. Hindi mo mapakain ng kung anu-ano dahil madaling masira ang kanyang tiyan. Isa pa, daig pa akong babae kung makapag-apply ng kung anu-anong skincare. I hate the way he talks, especially the way he pronounces words with r and l. I hate him singing songs early in the morning.    But why do I miss him so much?    Why do I miss him cooking dishes I have never tried before? Bakit ko nami-miss ang amoy ng face serum na ginagamit niya? Bakit ko nami-miss yung pagiging cute niya sa tuwing nabubulol siya? Bakit ko nami-miss yung mga kantang kahit hindi niya naman inalay sa akin ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang malamig niyang boses?    Isa lang naman ang sagot, di ba? It’s a no brainer. Mahal na mahal ko siya.    Pero hindi kami pwede para sa isa’t-isa. ‘Yon ang una kong naisip noong mga panahong umaarte pa kami.    Okay naman na ako na mag-isa eh. Okay na ako na.. tumandang mag-isa. Another failed relationship? Wala lang ‘yan sa akin. Pero sa pagkawala niya, parang may nawala rin sa akin. Mas madali ko nang natanggap na walang lalaking darating pa at wala na akong makikita pa bukod sa kanya. Magsusulat na lang ako, maggagantsilyo, mag-aalaga ng mga pusa, gagawing lalagyan ng isda ang plastic tub ng ice cream, at magiging dakilang ninang sa mga anak ng aking mga kaibigan. But everything changed noong dumating siya sa buhay ko.    “I believe so,” ang huli kong tugon bago tuluyan na ngang natapos ang Q&A portion ng event. Dumako na ako sa pagpirma ng mga librong binili ng mga sumusuporta sa akin. Ilang oras din yung tumagal… pero it’s all worth it. Tatayo na sana ako pagkatapos ng huling librong aking pinirmahan nang may boses na sumigaw.    “Sandari rang po!” ang pagsigaw ng isang tinig sabay pagpakita ng isang taong may bitbit na malaking bouquet. Sa aking kinalalagyan ay hindi ko makita ang kanyang mukha sapagkat natakpan ito ng bulaklak. Hinintay ko namang makalapit ito. Inilapag niya ang bouquet sa mesa. Napanganga ako sa aking nakita.    “S-Steve,” ang pagbanggit ko sa kanyang pangalan.    “Nae yeobo (My darling),” ang sabi niya kasabay ng isang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD