Chapter 2

1241 Words
Chapter 2 JAREM LOUGENE TORRES POV: Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas. It's freaking morning at pasukan na naman. Nakakatamad talaga pumasok lalong lalo na ang aga pa ng first class ko. Nakarinig ako ng katok galing sa labas ng kwarto ko, it's my mom. "Lougene, gumising ka na!" sigaw ni mom sakin, tumayo na ako sa higaan ko. Alam niyo yung nakakatamad, lalong lalo na nasanay ako na late nagigising pero ngayon first day na naman ng school. "Oo na po, tatayo na!" sagot ko at pumasok na ako sa bathroom and do my rituals. Bumuntong hininga ako, kailangan kong pumasok kahit tinatamad akong pumasok ngayon. No f*****g choice. Ako nga pala si Jarem Lougene [Lu-wi-gin] Torres, just call me JL for short. 20 years old and still studying. I'm studying at ZZU simula noong highschool ako. The ZZU was formerly known as Santos University pero nagbago 'yun sa hindi kadahilanan na dahilan. Maraming usap usapan na nagpakasal daw ang unica hija ng mga Santos sa isang Zamora na kilalang kilala sa larangan ng business pero marami din nagsasabe na ginawa lang talagang Santos para hindi makilala ang mga Zamora. Pero kung ano man ang dahilan ng pagpapalit ng pangalan nito, nakabuti ito lalo na sa reputasyon ng unibersidad. "Bali-balita, may bagong transfer student na papasok sa section natin" Kian said, Kian Mattieu 'The Campus Badboy' "Sana naman babae" Julian said. Julian Jope 'The Campus Casanova' "Tch, pagt-tripan niyo na naman kung babae 'e " Aarron said. Aarron Marchac. 'The Campus Goodboy'         "Pabayaan mo nalang sila Aarron..." I said. I'm 'The Campus King'. Hindi nalang sumagot si Aarron at nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasa. Bumukas ang pintuan at nakita naming si Adam. Adam Zexter Zamora 'The Campus Varsity Captain'. Ang akala 'nga namin noong una naming siya nakita at nakilala siya ang may-ari ng university dahil nga isa siyang Zamora pero mali pala kami, kamag-anak lang pala siya ng may-ari. He’s somehow the cousin of Aljure Zaven Zamora na taga-pagmana ng ilang business ng mga Zamora. Tatlo daw sila magkakapatid pero hindi ko pa nakikilala ang pangalawa. Ang bunso naman nila ay nag-aaral din dito sa highschool at kilalang kilala din ito. May balita nga na kumalat na patay na daw ang pangalawa nilang anak at ang sabi naman nila ay naglayas daw. Pero hindi nagsalita ang mga Zamora patungkol ‘don, kundi sinira lang naman nila ang mga buhay ng mga nagpakalat ng mga pekeng balita. Sinalubong namin ang isa't isa. "Kilala mo ba yung bagong transfer student?" Julian asked him, Adam just smiled. Ibig sabihin kilala nga niya, sino kaya 'yun? "Sino ba Adam? Sabihin mo naman sa amin" Kian said, but he just shrugged his shoulders "Makilala niyo rin siya mamaya, darating din 'yun" nagsi-upo nalang kami sa mga upuan naming na nasa likuran. May isang vacant naman ang nasa kanan ni Adam. Bumukas na ang pintuan at 'yun na ang whole school year adviser namin. "Good morning students. I'm Miss Rivera, your class adviser for the whole school year" magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pintuan. I heard Adam whispered something, dahil nga nasa kaliwa niya ako. "She's here" bulong niya, napatingin naman ako sa pumasok, isang babae, may headphones na nakasabit sakanyang leeg at nakacivilian siyang damit. So siya ang bagong student? at bakit siya nakacivilian? Wala ba siyang pambiling uniform? I looked at her from head to toe. She's freaking hot yet cold. "Are you the new student, Miss...?" She looked at the whole class. "Arlyka Zane Zamora. The new campus owner" Nanlaki ang mga mata namin, campus owner? Kaano-ano niya si Adam? Pinsan ba niya si Adam? Isa ba siya sa mga anak ni Alexander Zamora? Siya ba ang pangalawang anak? Impossible dahil ang balita ay lalaki ang pangalawang anak nito. "Arlyka Zamora?" "Siya ba 'yun?" "She doesn't look like the Lyka we knew" "but it's possible right?" nagbulong-bulongan ang buong klase. Ano ang sinasabi nilang 'Lyka we knew'? dito din ba siya nag-aral dati? But her name is familiar to my ears. Nagkakilala na ba kami? Bakit wala naman akong matandaan. She's cold and emotionless. She has dangerous eyes. "A-Ah, good morning M-Madame" pagbati naman sakanya ni Miss Rivera. Naglakad naman siya papunta sa isang vacant seat na nasa tabi ni Adam. Adam kissed her cheek, napasinghap naman ang ibang students kasama na sina Kian and Julian. "Omygosh! sila ba?" "Are they married? Pareho sila ng surname..." "It's impossible, Adam is single" “tangina niyo, baka magpinsan sila” “ang oa niyo mga gaga” “ang pagkakaalala ko magpinsan sila ni Adam” “weh? paano mo naman nasabi?” “tanga ka ba, dito na ko nag aaral simula gradeschool kaya shut up ka nalang” "Bakit hinalikan ni Adam ang pisngi niya?" narinig kong bulong ni Julian, I just shrugged my shoulders. Hindi pa ako sure kung pinsan o di kaya isa sa mga kamag-anak ni Adam ang transfer student na si Arlyka. “Tanga, baka naman kasi sign of greeting nila ‘yan” sabi ni Kian sakanya, napanguso naman si Julian, “may point ka naman” Umupo na siya sa tabi ni Adam, na parang wala siyang narinig sa mga nagbubulong-bulungan. Hindi ko alam pero bakit nakakakaba ang presence niya. Para bang isang pagkakamali lang namin, papatayin niya kami. Inalis ko ang isip ko ang mga masasamang pag iisip ko patungkol sakanya dahil masyado naman akong over acting at nag ooverthinking. AFTER ng discussion ni Miss Rivera, first day of school may discussion agad. Wala talagang awa ang mga teachers ngayon. Akala namin orientation palang pero 10 minutes lang pala yun tapos ang mga natitirang oras ay nagdiscuss na siya about sa subject niya. Nakakadry ng utak, first subject palang. Paano pa sa next class namin. Nagsi-alisan na ang mga ibang students at natitira nalang sa buong room ay kami nina Julian, Kian, Aarron, Adam and the new student na nagpakilala na siya daw may-ari ng school. "bro, meet my cousin, Arlyka" nanlaki naman ang mata ni Julian. Sabi na nga ba na hindi niya asawa 'to. Dahil pagkakaalam ko single pa talaga si Adam at oa lang talaga mag-isip ang mga tao ngayon lalong lalo na Julian. "cousin? As in pinsan?" tumango naman si Adam sa tanong ni Julian. He sighed and looked at the new student "Hi Arlyka, I'm Julian Jope, just call me Julian" then he even winked at the new student, umaandar na naman ang radar niya, tch. Akala niya siguro malalandi niya ang pinsan ni Adam pero wala naman atang pakialam si Arlyka sakanya dahil halata naman sa mukha nito. "Arlyka, nice name, I'm Kian Mattieu, just call me Kian for short" and Kian smiled at her, nakapoker face lang si Arlyka sakanilang lahat "Aarron Marchac, nice to meet you. I hope we can be friends" casual na sabi naman ni Aarron. "I'm Jarem Lougene Torress, call me JL. Welcome to the university" pagbati ko sakanya, wala naman siyang imik sa pagpapakilala ng mga sarili namin sakanya. Tumingin siya kay Adam at nagsalita "I gotta go Zexter. Let's just meet at the cafeteria later" then she left us dumbfounded. What was that? Napanganga naman kami nina Julian and Kian, si Aarron naman parang walang pakialam. Napakamot nalang si Adam sa batok niya. "I'm sorry bro. Masyado talagang malamig si Zane pagdating sa ibang tao, hindi siya mahilig mag interact lalong lalo na sa mga hindi pa niya masyadong kilala" So he call her Zane? and I guess Zaven din ang tawag nito kay Adam. "Nah, okay lang, we understand" sabi ko nalang sakanya. Her cousin is too mysterious and cold. Mukhang mahirap kaibiganin, akala ko pa naman magkaugali silang dalawa ni Adam na friendly pero mali pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD