Chapter 1: Bittersweet Life Recipe

2535 Words
                                                                                            ALLEN Pag-ibig.   Isang mabigat na salita. Salitang punum-puno ng iba’t ibang klaseng emosyon. Salitang maraming pakahulugan. Salitang tayo mismo ang magbibigay saysay.   Pero para sa ‘kin? Ang pag-ibig ang siyang kahinaan ko. Pag-ibig ang siyang nagpaparupok sa buong sistema ng kumplikadong buhay ni Allen Dominic Rodriguez.   Bitter na ba ako sa mundo? O baka naman ang mundo ang bitter sa ‘kin? Mukhang hindi na ako magantihan ng pagpapala kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.   “Allen, LDR won’t work for us. Kaya sa tingin ko it’s better to just split it up.” That was my first girlfriend. Hindi pa nga nadevelop nang maayos ang relationship namin nakipagbreak na agad. Ni hindi kami tumagal ng dalawang buwan! Lilipat na ng bahay e, kaya ayun, nakipaghiwalay na.   “No, sorry. I have no idea na nililigawan mo na pala ako. Alam mo naman siguro kung gaano ka-strict ang parents ko at kapag nagkataon na nalaman nila ‘to, yari tayo.” Siya naman ang pangalawa. Well, inakala kong magiging pangalawa. Yung mga ka-eskwela ko lang naman ang bumuo ng issue na may kami e. And if you’re asking kung willing naman dapat akong ipaglaban ang nararamdaman ko for her…   “Also, huwag mo na akong banatan na ipaglalaban mo ako. Hindi ‘to telenovela and 16 lang tayo, Allen. And if it helps you move on, sorry but I don’t really like you.” Ayan! Binigyan niya ako ng homily.   Yep. 16 nga lang kami noon. After everything else, naging awkward na kami.   Akala ko talaga siya na ang last na pag-aalayan ko ng karupukan ko. Doon ako nagkamali.   Or lagi naman talaga akong mali?   Love falls out at the most unexpected of time out of all unexpected places… and at the most unexpected of persons. For once in my life, lubha akong nalito sa sarili. Hindi ko alam kung totoo ba yung nararamdaman ko noon o baka pinaglalaruan lang ako ng puso’t isipan ko. Pero hindi. All the fluttering in my stomach felt real at that moment na una niya akong nilapitan.   By looking at those eyes and the thin line that formed those lips, kumpirmado ko sa sarili ko.   I fell in love with Matt Joseff Del Mundo.   Akala ko mali ang lahat pero sa tuwing kausap ko siya, it feels so right. Doon ko napagtanto na silahis ako.   But even so, nalilito pa rin ako. I can’t afford my parents being mad at me kapag nalaman nila ang pagkatao kong ito. Nanatili akong closeta at nanatili rin ako sa pagmamahal ko para kay Matt. Yun nga lang, siya pa ang mas nagpapalito sa akin.   He was sweet. He was caring. Thoughtful din. Family person. Maalaga sa mga nakababata niyang kapatid. Panganay kasi siya at nag-iisang lalaki sa magkakapatid. Pero alam mo kung anong nakakalito sa kaniya? Kung may gusto rin ba talaga siya sa ‘kin.   We tried to hide away the us na binubuo namin pero after a month, kami na ang talk of the town. Lumabas na may relasyon kami—kahit pa hindi ako sigurado kung meron na nga.   He kept on being sweet. Heck, minemessage niya nga ako ng “I love you.” He keeps on sending sweet messages, na parang boyfriend ko talaga. May call sign din. May mga hindi nalalaos na pagbanat. Exchange gifts. Late night talks. In short, pa-fall.   Yung tipong pinupuyat ka gabi-gabi para lang lumandi sa chat pero paggising mo… wala pa ring kayo.   Doon niya ako nililito.   O baka naman assuming lang talaga ako.   It looked like I claim him as my only one for the eyes and thoughts of many kahit na sa katunayan aa hindi na ako sigurado sa kung ano ang paniniwalaan. Sinubukan kong maghanap ng label pero mukhang wala akong mapapala.   Summer before my last junior year, doon ako nalinawan.   “Mahal kita, oo. Pero hindi sa ganoong paraan.”   Nalinawang pinaasa lang pala ako. Anong label meron kami? M.U.   Malanding Usapan.   Maling Ugnayan.   Medyo Umusbong.   Marupok na Umasa.   Pwede rin namang “Manhid siya. Umasa ako.”   M.U. M.U. pang nalalaman, sa pagiging emo rin pala ang bagsak. It was the best of times, it was the worst of times. Para kasing sa kaniya lang ako nakaranas ng isang rollercoaster ride pagdating sa love.   Love? Ano ba ‘yon? Mahirap nang maniwala.   Ang natitirang isang buwan ng bakasyon bago muling magpasukan ay ginugol ko sa pagmu-move on. Sinubukan nang sinubukan kong makalimot pero halos lahat na lang nang bagay na titigan ko ay nagpapaalala sa ‘kin ng pagkatao ni Matt.   I was in distress. Not to mention na araw-araw kong tinitiis sa bahay ang hindi mapatid-patid na bangilngilan ng aking pamilya dahil sa mahadera kong lola. Isang buong istorya rin sila.   I wanted to escape, pero hindi ako pagbigyan ng panahon.   Until someone called two weeks before the start of another school year. Pinapatawag ako sa Del Valle High School, school namin. In need daw ng student assistant sa English oral test para sa transferees na under screening for first-class section.   Masama raw manghingi ng sign dahil parang tinetest natin ang higher being pero para sa ‘kin, this opportunity was a calling. Binibigyan na ako nito ng chance to escape.   Escape from the broken hearts.   Escape from the loud house.   Escape from my selfless and depressing thoughts.   Gusto ko nang bumalik sa apartment na tinutuluyan ko during school days. I can find my inner peace in there. Nahuhulma ko ang sarili out of sadness na, lately, constantly kong nararamdaman. I felt so alone after Matt cleared the clutter in my head. Mag-iisang buwan na rin matapos ng huli naming usap.   Bakit ba hindi kita mabitawan?   Umaawas sa mga salita ang laman ng isip ko habang nabiyahe papuntang school. Natapon lang ang lahat ng ‘yon nang makababa na ako mula sa bus na sinasakyan.   I was an hour late. Kung sabagay, lagi naman akong huli. Laging left out.   Kaagad akong dumiretso sa second floor library upang hanapin ang mag-iinterview for English oral test. Nadaanan ko mula sa labas ang mga estudyanteng nakaupo’t naghihintay ng kanilang pagsalang sa interview. May isang babae mula sa kanila ang dumungaw at nginitian ako.   Mukha siyang mabait. Matangkad siyang babae. Nakasuot siya ng kulay rosas na dress na tinernuhan ng puting sandals. Maayos ang pagkakaliyad ng kaniyang buhok sa kaniyang likuran at nilapatan niya iyon ng matingkad niyang pagngiti.   Nginitian ko lang siya pabalik bago dumiretso sa loob ng silid-aklatan.   Pagpasok ko doon ay nadatnan ko si Ma’am Marie na may kausap nang lalaki na sinisilbatuhan na ng tanong. Magalang akong bumati sa kaniya kasabay ng marahan na paglapit. Mabait si Ma’am Marie, o baka naman dahil close kami. Binigyan niya ako ng instructions sa kalagitnaan ng interview kung kaya’t napabaling sa ‘kin ng tingin yung lalaki. Matalim ang tingin niya sa ‘kin—yung para bang mangangain. Salubong kasi ang mga kilay niya.   I sported a faint smile nang magtama ang paningin ko sa kaniya. Dumiretso na ako sa labas upang magbigay ng mga paunang paalala at isiwalat ang rubrics sa mga sasalang sa oral test.   “Good morning everyone!” masiglang bati ko sa mga naroroon. Muling napatingin sa ‘kin yung babae kaya muli kong nasilayan ang kaniyang matamis na pagngiti. I shook my remaining thoughts of her at nagsimula nang magpakilala at sabihin ang mga dapat kong sabihin. Itinuon ko ang sarili sa pakay kung bakit ako pinapunta rito—ang mag-assist.   Siguro ayos na rin ‘to—mabaling sa iba ang atensyon para tuluyan nang maalis sa isip ko si Matt.   Siguro… Hanggang siguro na muna.                                                                                        ∞∞∞∞∞   Mag-aalas sais na rin ng gabi nang makauwi ako. May bitbit akong inasal na manok pang-ulam sana namin ngunit nawalan na kaagad ako ng gana kumain pagkadating na pagkadating ko pa lang sa tulay sa tapat ng bahay namin.   Samu’t saring palitan na naman ng sermon ang naririnig ko mula kay mama at lola. Tungkol na naman yata sa kawalan ng paggawa sa bahay ng mga kapatid ko. Ang hirap kasing intindihin sa lola ko ay kahit anong effort naming magkakapatid na tumulong, gumawa, at magtrabaho, hindi siya nasisiyahan. Mukha pa ring marumi ang bahay para sa kaniya kahit na anim kung sa isang araw namin walisan ang buong bahay, maski ang bakuran. Kahit nga umuulan pinagwawalis kami ng mga naglalaglagang dahon sa bakuran namin e.   Lagi nang pinuna ang kawalan namin ng gawa kahit na nahingi rin naman siya sa ‘kin ng kwarta tuwing naraket ako. Tuwing may nakukuha akong sweldo sa paggawa ng thesis o research paper ng iba o ‘di kaya tuwing may gimik sa bukid—wala pa akong sinasahod, may bilin na kaagad sa kaniyang porsiyento. Hindi ko alam kung paano sumalungat sa mga sinasabi niya. Worst case scenario kasi, baka mapalayas kami sa pamamahay niya.   Sa katunayan naman ay si mama at si tita ang nagpagawa ng bahay na ito. Ewan ko ba. Mukhang ‘di talaga namin siya kadugo.   Tahimik akong pumasok mula sa may kusina, inilapag ang pagkain sa may lamesa at dali-daling dumiretso sa kuwarto. Araw-araw na lang ganito. Minsan nga nasasangat na lang din sa eksena si papa dahil sa kasuklaman ng lola kong iyan.   Ipinasak ko sa tainga ang earphones upang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig sa mga kanta ni Taylor Swift. Nahiga ako sa kama at hinayaan ang sariling lamunin ng dilim. Namulat na lamang ako nang biglang humina ang aking pinapatugtog na kanta buhat ng pagsaliw ng notification ringtone. Sinabayan pa ito ng bahagyang pag-vibrate ng aking cellphone.   Agad ko naman itong binuksan at itinapat sa aking mukha.   You have a new friend request from Denielle Villacruz.   Naningkit ang aking mga mata sa nabasa.   Hindi pa nagpatinag ang pagtunog ng ringtone nang muli itong nagpabungad ng panibagong notif.   You have a new friend request from Andrei Cruz.   Tumaas ang isa kong kilay nang pagtabihin ang dalawang bumungad na pangalan.   Villacruz tapos Cruz? E parang tinanggal lang yung Villa doon sa Cruz e. Psh.   Walang atubili akong nagbukas ng aking friend request list. Nang inspeksyunin ko ang display photo nung Villacruz ay napaisip ako kung saan ko siya namukhaan. Nagbalik ang imahe niya sa akin noong maalala ko ang pagtatama ng aming mga mata.   Siya nga. Siya yung babaeng panay ang tingin sa ‘kin kanina noong nag-aasikaso ako ng interviewees. Kaagad ko namang in-accept ang kaniyang request.   Mabilis namang sumuggab ang chat head namin mga ilang segundo matapos kong ma-accept ang friend request niya.   Denielle Villacruz:             Yes! Mas naalala mo ako! Hahahaha.   Umigtad ang aking kilay nang mabasa ko ito.   Mas naalala? Ano raw?   Nag-seen lamang ako kung kaya’t nagsimula na ulit siyang mag-type ng message nang mahinuha niya sigurong wala akong balak sumagot.   Denielle Villacruz:             Sorry… Nagpustahan kasi kami ni Andrei kung sinong mas mauunang ma-accept ang friend request. Turns out, mas nauna ako, so baka mas naalala mo ako.   I gibbered raspberry nang mabasa ko ang sinabi niya. Ngumisi na lamang ako at tinanggap na rin ang friend request nung Andrei Cruz na iyon. Parang mga bata itong dalawang nakabingwit sa akin.   Wala pang isang minuto ay muli na namang tumunog ang cellphone ko na naghuhudyat ng panibagong mensahe.   Andrei Cruz:             Hello. Hahaha, nagpustahan kasi kami ni Ielle… so natalo ako kasi mas nauna mong inaccept friend request niya.   I rolled my eyes. So bakit parang kasalanan ko?   Andrei Cruz:             Is it okay na makipagkaibigan kami sa ‘yo?   I let out an exasperated sigh. Medyo wala ako sa mood ngayon but for the sake of the nice image, I tried to pull myself together para makapagreply nang maayos. Siguro pwede na ‘to para mapakalma ang nababalahura kong pag-iisip.   Allen Dominic Rodriguez:                Sure :)   Andrei Cruz:             Yay! May friend na kami. Hindi na kami mahihirapan mag-build up ng sarili namin. Haha.   Somehow, I felt a spark in my heart. Parang biglang lumubag ang aking kalooban.   Andrei Cruz:             Btw, ako yung guy na katabi ni Ielle kanina. Yung nakasalamin.   Sinubukan kong alalahanin ang mga taong nakasalamuha ko kanina pero ang pinakamalakas lang talaga na nagpa-pop out sa aking photographic memory ay si Denielle at saka yung supladitong lalaking iniinterview ni Ma’am Marie noong biglang pasok ko sa library.   Allen Dominic Rodriguez:             Can’t thoroughly remember. Sorry…   Allen Dominic Rodriguez:             But I hope we become good friends :D   And from that cue, muli na namang nabuhay si Denielle.   Denielle Villacruz:             Andaya!!! Ako yung unang inaccept pero si Andrei ang mas unang nireplyan. Hmph :((   My lips curved upward. I am sensing a train of positivity by just chatting with them. Without even knowing ay tuloy-tuloy na ang pagrereply ko sa kanila. That’s how our acquaintance to one another started. We chatted all throughout the remaining time with our vacation. We kept in touch—exchanging selfies, jokes, how-was-your-days. Mas madalas ko na tuloy sila makausap kaysa kay Kris, best friend ko.   I wanted to keep track of myself while I’m still standing on this milestone. Never in my life pa ako nag-entertain ng total stranger online. Yeah sure, nagkita na kami in person the very first day but it was a mere exchange of glances. Heck, ‘di ko pa nga namukhaan si Andrei. So it was nice for me to be this socialite to them.   Am I living under a rock all this time?   And come to think of it. Sa tuwing sila ang nakakausap ko, my spirits are being lifted. Parang hindi ako nakakaramdam ng pagkalungkot at all. I don’t remember being an orphan of Matt’s love or being a prisoner-s***h-slave in my own house. It felt surreal for me.   Phone is the second to the best personal thing I ever have in my life kaya kung meron mang nakakaalam ng mga tunay kong pinagdaraanan? It’s only my brain-heart tandem, the first best personal thing, my phone, and my best friend, Kris.   Somehow, I wanted to see my emotional and mental being progress out from distress. I want to taste the bittersweet life recipe for myself.   While scrolling through my news feed, I saw something that somewhat made my heart giddy and at the same time, broken. It’s a photo of Matt pulling off that damn killer smile of his, posing next to his cousins. Mukhang naghuling hirit sa tag-init silang magkakapamilya.   Bakit ba kasi ang cute at ang gwapo mo every time you sport that smile?   “Self, itigil mo ‘yan! Move on, move on,” I whispered to myself. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata as I tried to get rid of that photographic memory of mine. Mabilis akong nag-scroll up nang nakapikit para lang maiwasang makakita pa ng kahit isang post niya.   Ang shunga ko rin, ano? Ayaw ko pa kasing i-unfriend. So ano ka na, Allen? Paano ka makakamove on niyan?   Tinigil ko na ang pag-scroll at kaagad na iminulat ang mata. Natigilan ako sa kung saan nakapunto ang aking hintuturo sa screen ng aking phone. I shook my head realizing what I’ve wired with myself earlier.   I stopped scrolling at an advertisement for an app.   A daily mood tracker and activity journal—in a phone. Is this how I should monitor myself? Through an interactive diary application?   A gut feeling stirred up in me. I do want to change these scrambled emotions of mine. Hindi na ako kumurap at kaagad nang in-install sa aking phone ang nakita kong app.   And that’s how I met Daylio.   Will this be able to keep track of the best and worst times of my life?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD