Chapter II

2088 Words
"SIT DOWN FIRST, KNIFE." "Salamat, Ma'am Scar." "Harley nalang." "Ho?" Napa-ngisi ako dahil sa reaksyon ng mukha nito. "Harley nalang... Hindi naman magkalayo ang edad natin. You want some drinks?" Pag-aalok ko sa kanya at umupo rin sa single sofa. "Tubig nalang siguro." "Sure? Gusto mo bang kumain, tara sa kitchen, doon tayo." Tumayo ako saka naglakad patungo sa kusina. Ramdam kong sumunod naman si Knife sa akin. "Ikaw lang mag-isa dito?" Kumuha ako ng san mig sa fridge at inilapag ko ito sa mesa. "Nope, may mga kasama ako dito. Remember mo 'yong mga nasa bar?" "Ah... Oo. Sino pala sila? Bakit puro lalaki? Ikaw lang isang babae dito?" Tumingi ako. "Kumain ka... Masarap ang pagkakaluto nyan." Salita ko sabay lapag na naman ng pagkain sa mesa. "Mukhang masarap nga, luto mo?" Gusto kong tumawa dahil tanong ito ng tanong. Dahil sinipag naman ako sa pagsasagot, kaya okay lang. "Hindi ako marunong magluto, si Tita Lomeda ang nagluto nyan, wala siya dito ngayon kasama sina Tita Heart, Maria, at Rain." "Ang dami niyo pala dito. Hehehehe. Sobrang laki pa ng bahay niyo. Hmp... Parents mo pala?" Natigilan ako sa pag-inom at napa-tingin sa kanya. Yumuko ito at parang nahiya pa sa sinabi. "S-sorry." Napa-buntong hininga nalang ako. "No, it's okay. May mga parents pa ako, pero wala dito." Si Daddy Mark, minsan nalang umuuwi dito dahil, marami siyang naaalalang masasayang nakaraan noong nandito pa si Mommy. Mom? Where are you? I really miss you so much. "Ma'am? Este Harley. Okay lang po ba kayo? Umiiyak ka po." Hinawakan ko ang aking pisngi, at may kakaunting luha na dumaloy sa aking pisngi. "Yes. I'm okay. Don't mind me. Kain kana at ng makapag-pahinga." "Salamat." "Sige lang. Mamaya darating na rin 'yong mga tito ko, at kasama si Twin." "Twin?" "Iyong bossing mo ang tinutukoy ko, kambal ko siya. Fratelnal twin kung tawagin. Magkaiba kami ng ugali non kahit kambal kami." Paliwanag ko. Since nawala si mommy, may kanya-kanya na kami pag-uugali. Panlabas kong anyo, makikita mo ang isang nerd na babae. Parang wala lang, ganun ako. Blade, he is dangerous. Yan lang ang masasabi ko. "Mukhang mabait naman si bossing, diba? Pinag-tanggol niya ako sa lasing na gagong 'yon, sinampal pa talaga ako. Bwsit siya! Hays." "Ayaw nyang may makita syang sinasaktan na mga babae. Ganun siya, pero sa ibang bagay, makikilala mo ang tunay nyang pag-uugali." Humaba ang usapan namin hanggang inabot kami ng madaling araw, dahil nya ring kinuwento sa akin tungkol sa buhay niya. "Knife, mauuna na ako sa'yo medyo nahihilo na kasi ako, iyong guest room, nasa bandang kanan pumasok ka nalang don, at may mga extrang damit pantulog naman. Sige na, good morning." Pagkatapos ko magpaalam sa kanya ay agad akong lumabas ng kusina at saka naglakad patungo sa aking kwarto. Sarap ng itulog naka sampung bote ata ako ng san mig. Tss... Pagpasok ko sa aking tahimik na kwatro ay agad kong ibinagsak ang aking katawan. Napa-titig sa maputing kesami, at hinayaang maglayag ang aking isipan. "Mom? Come back please... I need you, we need you. Saan kana ba kasi? Buhay kapa ba?" Mamya ay may kumatok mula sa labas ng kwarto. Sino naman kaya ito? "Knife? Ikaw ba yan?" Walang may sumagot. Agad naman akong bumangon dahil sa katok na iyon. Hmp... Tinungo ko ang pinto at dahan-dahan binuksan. Shit! Nahihilo ko. Pagbukas ko ng pinto. "Walang tao?" Lumabas ako. Tangina! Bakit ko ba iniwan mag-isa si Knife sa kusina? Damn it! May ibang tao na nakapasok sa mansyon. Patakbo akong tumungo sa kusina para hanapin si Knife. "Knife?!" Pasigaw kong tanong. Shit! Wala na agad? Stupid! Umakyat ulit ako ng hagdan para tumungo sa guest room. Dali-dali kong pinihit ang pinto. Madilim. Kinapa ko agad ang dingding para mabuksan ang ilaw. "Knife?! Knife?! Nandito kaba?" Tumungo ako sa banyo. Wala siya. Pesteng life!! Napa-tingin ako sa labas ng pinto nang may kumalabog. "Ano 'yon?" Gulat kong tanong sa sarili. Patakbo ulit akong bumaba ng hagdan, galing sa kusina ng ingay na iyon. Pero nong tumungo ako don, wala namang tao. "Knife? What the hell?!" Naka-gapos ito at may takip ang bunganga. "Sinong gumawa nito?" Kalmado kong tanong. Bakas sa mukha nito ang takot, at panginginig ng katawan. Sa ganun minuto lang ito na ang nangyari? Tsk! Dali-dali kong inalis ang nakagapos nitong kamay at paa. Napayakap pa ito sa akin habang umiiyak. "H-harley...m-may t-tao. N-natatakot." Naiiyak nitong sabi habang nakayakap sa akin. "Ssshh...akong bahala sa'yo. Kilala mo ba kung anong mukha ang gumawa nito?" Kumalas siya ng pagkakayakap matapos kong magtanong. "Doon siya dumaan." Napa-tingin ako sa gawin kaliwa. Ibig sabihin, siya ang kumatok. Malamang. "Lalaki? O, babae?" "B-babae." Inalalayan ko siyang tumayo at tumungo sa sala. "Stay here." Pagkasabi ko ay, tinungo ko ng isang kwarto malapit sa aking kwarto. Sinong may lakas na loob na pasukin ang mansyon? Tsk! Ganito nalang ba palagi? Wala naman may nawawalang kahit anong kagamitan sa mansyon. Pananakot? O, pagbabanta? Dahan-dahan kong binuksan ang kwartong iyon. Madilim, subalit nakita kong bukas ang veranda ng silid na ito. Nagmamadali akong tumungo doon upang maabutan ang babaeng tinutukoy ni Knife. Hinanap ko sa paligid. Isang anino ang ananinag ko sa gawing harden ng mansyon. Nagmamadali itong lumabas ng hanggang sa malayo. "s**t!! Nahuli na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Bakit ba kasi ang bagal ko? Nyeta!" Sinarado ko ang sliding door ng veranda at agad lumabas ng silid na iyon. Bumalik ako sa sala para kamustahin ang kalagayan ni Knife. Nadamay pa tuloy ang babaeng 'to. "Ayos ka lang? May ginawa ba ang babae sa'yo, maliban sa paggapos sa iyo?" "Wala naman. Nagulat lang ako ng may biglang pumasok sa kusina, akala ko naman ay ikaw. Mas natakot ako ng naglabas ito ng baril at itinutok sa aking ulo. Hindi na ako nakasigaw dahil na rin sa takot. Binusalan niya ang bibig ko at ginapos ang kamay at paa. Lumabas kami ng kusina pagkatapos nyang gawin iyon sa akin. At dinala niya ako sa banyo at doon tinago. Hindi ko alam kung saan siya tumungo dahil iniwan niya ako. Ilang minuto lang ay bumalik siya at disgrasyang nabangga ng siko niya ang malaki vase papasok sa kusina, saka iniwan niya ulit ako doon, at tanging anino nya lang ang nakita ko na pumasok sa isang kwarto." Nanginginig pa ito habang nagsasalaysay sa pangyayari. Napa-hilamos tuloy ako ng aking mukha. "May cellphone kaba diyan?" Pagtatanong ko. "Meron." "Pagamit, nasa kwarto ko kasi ang phone ko. May tatawagan lang ako." Agad niya naman kinuha sa kanyang bulsa ang cellphone na iyon, at inabot sa akin. Dali-dali kong dinial ang numero ni Tito Uno. ❤️ Dalawang putok ng baril ang narinig ko mula sa turture room. Matapos kong makita ang lalaking bihag na iyon ay agad akong lumabas. Hindi na rin ako nagbalak na ulit pumasok dahil ayaw kong makita ang gagawin ni Blade sa kanya. "Tsk! Tsk! Kagaya ka nga ng ina mo. Walang awa, at nagiging demonyo kapag may hawak na baril, o kung anong klase ng armas." Napa-buntong hininga ako. Mamya ay tumunog ang telepono ko Agad kong kinuha ang celfone ko sa aking bulsa. Isanv unknown ang tumatawag. "Sino naman kaya ito?" Kunot noo kong tanong habang nasa screen ang tingin ko. Ang tagal ng tawag na iyon, kaya naman napag-disisyonan kong sagutin. "Password?" Agaran kong tanong. "B.O.S.S" Sa boses palang ay kilala ko na. Isa rin 'to, e. Anak nga kayo ng Boss. Tsk! Tsk! "Kaninong numero 'tong gamit mo?" "Knife. Nasaan na kayo?" "Nandito pa sa hide out. May niligpit lang ang kuya mo. Bakit gising pa kayo, may nangyari ba diyan?" "Yeah! Nilooban ang mansyon. Uwi na kayo pagkatapos diyan, dito ko na sasabihin. Bye, Tito Uno. Tawagan ko pa sina Tita Lomeda." Hindi na ako nakasagot dahil agat nyang binaba ang tawag. "Tangina naman!" Bulalas ko, at agad tumungo sa turture room. Pagpasok ko. Naligo sa sariling dugo ang lalaking naka-bitin lang kanila. Tsk! Tsk! Tsk! Kung nagsalita ka lang sana, napahaba pa ang buhay mo. Pero sa sitwasyon ni Blade, ay wala ka paring kawala. Mamamatay at mamamatay kapa rin. "Tatawag lang ako ng tauhan natin ng mailigpit na ang bangkay nito." Salita ni Dos, at lumabas ito ng silid. Parang walang may nangyari. Naka de kwatro pang nakaupo ang tatlo habang si Blade naman ay naka-titig sa kanyang baril. Lumapit ako. "Blade, hijo?" Napa angat ito ng ulo at tumingin sa akin. "Umuwi na tayp, tumawag ang kambal mo." "Bakit? Ganitong oras gising pa?" "Nilooban ang mansyon." "What!!?" Napatayo ito at agad ikinasa ang baril na hawak. "Blade, calm down." Usal ni Axel sa kanya. "Dammit!!" Singhal pa nito. "Mas mabuti pang umuwi na tayo, naghihintay ang kapatid mo, kasama ang babaeng barista sa bar niyo." Kalmado kong sabi. Sa kilos at galaw niya nakikita ko sa kanya si Boss Hell. Boss Hell male version. Iba naman si Harley, although sa kilos at galaw ni Blade, ay ang ina nito, si Harley naman ay may kakaibang katangian. Hindi ko maipaliwanag, simple lang kong titingnan mo si Harley, parang normal lang, nerd, o geek ito sa panlabas na anyos, pero sa kaloob-looban nito, isa rin itong demonyo. Hahahahaha. Ipag-katiwala na namin sa mga tauhan ang bangkay ng lalaki, alam na rin nila kung ano ang gagawin, saka namin sila iniwan. ❤️ "What the hell is doing on here, Scarlet Harley?!" "Hoy! H'wag na h'wag mong matawag ang kompleto kong pangalan, Blade, nakaka-bwisit ka!" "Tss... The hell I care!?" Matapos namin magtalo ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. I'm worried about my sister kaya ganun nalang ang galit ko sa kanya. "Kayong dalawa, pwde naman siguro kayong mag-usap na kalmado diba? Bakit kailangan pa talaga magsigawan." Salita ni Tito Axel sa amin ni Harley. "Tss... Pagsabihan niyo yang alaga niyo, Tito Axel." Usal nito at napahalukipkip pa sa aking harapan. Hindi ko siya pinansin at bumaling ang tingin ko sa babaeng barista. "You!" Duro ko sa kanya. "Can you explain what happen a while ago?!" Dagdag ko pa. "Kuya!!! H'wag mo syang sigawan, babae yang kausap mo." "Shut up! Scarlet. Nagtatanong lang ako." "Tanong? E, halos kasahan mo na yan ng baril na hawak mo, tapos sabihin, nagtatanong?! What the f**k!!" "Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Idadaan ba dapata sa init ng ulo ang usapang 'to? Hindi ba pwdeng magbati muna kayo kahit isang oras lang?" Awat sa naman sa amin ni Tito Dos. "Mga bata kayo, ohh!! Anak nga kayo ng Boss. Tsk! Tsk! Tsk!" Usal naman ni Tito Kwatro at napapailing pa ito. "Akin na ang baril mo." Usal ni Harley sa akin. "What!?" Singhal ko. "Baril mo sabi. Baka maiputok mo yan ng wala sa oras, e, gagawa kana naman ng ingay." Paismid pa nitong sabi. Ngayon lang, pagbibigyan kita. Imbes sa kanya ko ibigay, sa babaeng barista ko itp inabot. "Take." Walang gana kong sabi. Nanlaki ang mga mata nito at nagulat. "Blade." Si Tito Tres. "Take it!" Usal ko ulit at kinuha niya naman ito subalit nanginginig ang mga kamay niya. "A-anhin k-ko i-ito?" Nauutal a nito tanong. "Sayo na. Self defense." "A-ano!!? P-pero h-hindi a-ako m-marunong n-nito." "Pwde ka naman  siguro magsalita na di nauutal diba? Ano nga ulit ang pangalan mo?" Nakita kong lumunok ito ng laway niya. "Knife." "Okay, Knife. Itago mo ang baril na yan sa bag pack mo, at h'wag mong iiwan, o ilalabas kung di kailangan. Matutu kang gumamit nyan, dalhin kahit oras ng trabaho. Bawian mo agaf ng buhay kung sinuman ang may tangkang bastusin o saktan ka. Maliwanag?!" Laglag panga itong naka-tingin sa akin. "Wahahahahaha. Napaka-brutal ng bossing mo, Knife. Sundin mo na bago mag-iba ang isip nyan, minsan lang yan nakikipag-usap sa babae ng maayos." Usal ni Tito Dos na tatawa-tawa pa. "Hindi nga ako marunong gumamit nito." Usal pa nito. Hinablot ni Harley ang baril sa kamay nito at itinutok sa akin. "Ganito ang pag gamit ng baril, Knife. Watch me." Naka-ngisi nitong sabi at kalabit ng gatilyo saka ipinutok. "H'wag!!" Sigaw nito, at walang sabing kinalabit ang gatilyo nh baril. Bumiglang liko ang braso nito at pinatamaan ang isang malaking banga sa likuran ko. Nganga itong napa-titig sa akin. Napa-ngisi ako sa ginawa ng loka-loka kong kapatid. "Tangina!!" Bulalas ng lima naming tito. "Ganun ang paggamit ng baril." Usal ni Harley at i ibinalik ito sa kanya. "So, alam mo na?" Pormal kong sabi. Kahit naguguluhan ay tumango nalang ito. "So? What happen a while ago?" Pagtatanong ko ulit at umupo sa single sofa. "Hijo? Alas-kwatro na ng madaling araw, baka gusto mong matulog muna, at mamayang tanghali o hapon nalang natin yan pag-usapan? Look, stress ang lahat sa nangyari, pagahingahin mo muna." Napa-tingin ako sa aking wrist watch. Alas-kwatro na nga ng umaga. "Mauna na ako ikaw na bahala sa bisita mo. Mga Tito's good morning na. Nga pala mamayang hapon darating na ang mga tita's at kasama sina Katana, at insan Stephanie. Tulugan na. Hoy! Blade, samahan mo sa guest room yang si Knife." This is bullshit!! Bubulyawan ko pa sana ang babaeng 'yon ng tinalikuran na kaming lahat. "Batsi na rin kami." Paalam ni Tito Dos, at tinapik pa ako sa balikat ni Tito Uno. Tumango nalang si Tito Axel at ganun rin sina Tito Tres, at Tito Kwatro. Napa-tingin ako kay Knife. "Let's go." "Ha?" "I said let's go! Bingo kaba?! Ihahatid kita sa guest room, doon ka matutulog." "Ahh... Hehehehe. Salamat." "Sungit mo." Rinig kong bulong nito, at binaliwala ko nalang iyon. Pagod ako at kailangan ko na rin magpahinga. "Good morning, Bossing. Salamat ulit." Tss... Hindi ko na pinansin at agad ko syang tinalikuran. Dumulog na rin ako sa aking tahimik na kwarto at nagpahinga ng kunti saka pumasok ng banyo para mag shower.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD