Chapter 1 : Birthday Girl

1677 Words
RED   Late na syang nakapasok sa pinagtratrabahoan nyang Mexican Restaurant. Kinuha nya agad ang isang maliit na box sa kanyang bulsa na sya ring dahilan kung bakit sya na late.   Maingat nyang binuksan ang laman ng maliit na box na regalo nya para sa napakagandang babae na nagdiriwang ngayon sa kanyang ika dalawampu‘t apat na kaarawan. But the real purpose of this gift could very well save her life, ang katunayan nga lang ay hindi nya ito pwedeng sabihin sa kanya.   Iniwan nya ang malamig na Amerika para sa kanyang special mission dito sa Pilipinas as he entered another door to a different world.   Mag-iisang taon na din syang nagtratrabaho sa nasabing restaurant. May pagkakataon ding makaranas sya ng kaunting problema sa kanyang trabaho,subalit lahat ng yon ay madali lang naman nyang na handle at kahit paman hanggang ngayon.   Pumunta sya agad sa counter para alamin kung meron ba silang reservation ngayong gabi. Sa unang tingin nya akala nya’y wala, pero ng tiningnan nya ulit ito ay meron naman pala. Naka reserved ito mismo sa nag-iisang pangalan at yon ay walang iba kundi si Brandon Harlem. Ang lalaking namumuhay sa dilim at sa sekretong mundo.   Kinuyom nya ang kanyang kamao knowing na si Brandon Harlem pala yong nagpa reserved. Kinuha nya ulit yong maliit na box sa kanyang bulsa at nagtungo ito papuntang kitchen habang nag-iisip naman sya ng dahilan sa kanyang pagka late. Napahinto sya sa labas ng pinto at maiging pinakinggan ang katahimikan sa loob ng kitchen. Either sinadya lang ng mga maiingay nyang kasamahan na manahimik or sobrang late lang talaga syang dumating.   Lahat ng naisip nyang dahilan ay bigla nalang nagsiliparan sa kanyang isip ng pagbuksan nya ang pintuan. Nalaman kasi nyang wala naman palang tao sa loob maliban kay Garrie. Nakaharap ito sa isang stainless-steel barrier na naghahati sa kanilang working station mula sa cooking area,kung saan doon magluluto ang kanilang chef ng mga pagkain na e-siniserve nila sa dinner. Tiningnan lang nya si Garrie mula sa likuran nito at di alam kung ano man ang emosyon nito ngayon kung galit ba ito, iritado o kung ano man ang nararamdaman nya sa mga oras nato.   Naririnig nyang pinagalitan ni Garrie ang sarili, pero bakit kaya? may nagawa ba itong mali?   Gusto sana nyang isipin na nababaliw na itong si Garrie dahil kinakausap nito ang sarili,pero hindi naman ata fair yon kung iisipin nyang ganun sya, baka may tinatagong hinanakit lang ito.   Tahimik syang humakbang patungo sa kinaroroonan ni Garrie para humingi ng paumanhin sa pagiging late nito sa birthday party nya.     GARRIE   Sini-set aside na nya yong mga gift na natanggap nya galing sa kanyang mga kasamahan. It was her 24th birthday and everyone knew it was important to her. Ang iba pa ngang kasamahan nila ay maagang dumating para lang maki celebrate sa kanya kahit nga yong manager nila, pwera lang sa iisang tao na pinakahihintay nya.   "Yan ang napala mo Garrie ang maghintay sa wala, pero sana sinabi nalang nya na may sakit sya para di nalang ako umasa." sabi ni Garrie habang kinakausap pa rin nito ang sarili.   "Happy Birthday Margarette!" biglang bati ni Red na ikinagulat naman nya.   Lumiwanag ang mukha ni Garrie ng sa kanyang paglingon ay nakita nya si Red, nakahinga ito ng maluwag.   Vince Restituto Duterte III. Tall, gorgeous and oh so handsome as what she describe to him. A six footer man, has dark brown hair, charming eyes, and a killer smile kung nakangiti lang sana ito palagi, at syempre ang katawan nito ay ulam na ulam na.   OMG! bumaba yata si Adonis mula sa kalawakan, it takes her breath away ng makita nya ang gwapong mukha ng kaharap. Ang hindi lang alam ni Red na ang makasal sa kanya ang birthday wish ni Garrie ng nag blow-out ito sa kanyang birthday candles.   Napalunok nalang si Garrie sa kanyang nakikita,at ang kaninang galit ay napalitan na ito ng saya.   "I'm sorry dahil na missed ko ang party mo" humingi ng paumanhin si Red as he walk towards her.   "Wala namang nag check ng attendance" sabi naman nya  at pinagpatuloy nito ang pag arranged sa kanyang mga regalo.   Hindi nya kayang makipagtitigan ng matagal kay Red dahil baka matunaw sya. Mas mabuting umiwas nalang sya ng tingin nito kaysa naman ma tensed ito pagkaharap nya si Red. Kunsabagay, matagal-tagal na rin ang panahon na magkasama sila sa trabaho,mag-iisang taon na,pero hanggang ngayon ganon pa rin ang epekto ni Red sa kanya.   "Parang kailangan mo ng isang tao na magbuhat ng mga regalo mo ah" sabi ni Red at kumuha ito ng knife para hiwain ang cake na nasa mesa.   "regalo din ito sayo?" tukoy naman nito sa hinihiwa nyang cake at agad na tinikman ito."Mmm..mmm, ang sarap"   RED   Kumunot  ang noo nya ng makita ang isa sa mga regalo ni Garrie na isang wedding photo album na naka emphasized pa talaga ang word nito na 'WEDDING ALBUM'   "Pati rin yan regalo sayo?" mausisang tanong nya sa album."Akala ko birthday party lang, bridal shower din pala."   Kinuha naman ni Garrie ang album at niyakap ito.   "Ang ganda kaya lagyan ng wedding pics nitong album”   "Sa pagkakaalam ko kasi wala ka namang boyfriend,so imposible namang magpapakasal ka or..di kaya nag wanted ka ng mapapangasawa mo noh? dahil sabi-sabi nila ayaw mo daw maging old maid kagaya ng mga pinsan mo."   "Eh ano naman sa iyo kung mag wanted nga ako? syempre isa sa mga goal ko ang makapag-asawa noh." at tinaasan sya ng kilay nito. "Besides,busy ako sa school at sa trabaho baka hindi ko na ma meet yong prince charming ko."   Hindi na sumagot si Red at tinulongan nalang nya si Garrie na iligpit yong mga kalat na gift wrapper. Napahinto naman syang bigla ng may nahawakan ito sa ilalim ng mga nakakalat na wrapper.   "Sa tingin ko may isa ka pang gift na hindi mo nakita"   "Ang alin?"   "Ito,the traditional something blue" pinakita nya ni Garrie yong blue na carton ng condom.   "Eh sino naman kaya ang nagbigay sa akin nyan?" takang tanong naman ni Garrie at umiling-iling ito.   "you keep it, magagamit rin yan" at nginitian lang nya si Garrie ng mapang asar.."syangapala meron din pala akong gift para sayo."   "Ows talaga?" tanong ni Garrie at mukhang masaya naman ito ng marinig nyang may regalo sya para sa kanya.   Sa totoo lang,ayaw ni Red ang mga babaeng flirt, he made it clear to her at sa iba pa nyang mga babaeng kasamahan sa trabaho na nagpapakita rin sa kanya ng gusto.   "Pero ibibigay ko lang sayo ang regalo ko sa pag-uwi natin." sabi nya "Gusto ko kasi na ibigay to sayo in private. Kung pwede don sa boarding house mo?"     GARRIE   Tiningnan naman nya ang paligid at siniguro talaga nya na wala ngang tao. Umuwi pa kasi yong mga kasamahan nila para magbihis since maaga pa namang natapos ang birthday party nya at sa dinner pa din naman magbubukas ang restaurant na pinagtrabahoan nila.   "Bakit hindi mo nalang ngayon ibigay sakin ang regalo mo? eh tayong dalawa lang naman ang nandito?"   "Nakakatuwa ka talaga Margarette"   "Ano naman ang nakakatuwa don honeypie?" tinawag  na naman nya si Red sa pinaka ayaw nitong itawag sa kanya.   "Pwede ba,wag mo nga akong tinatawag na honeypie..nangingilabotan ako,oh ito uminom nalang tayo." at inabotan sya nito ng champagne glass na sinalinan ni Red ng alak, ngunit bigla nyang nabitiwan ito. Mabuti nalang hindi ito nabasag.   Kumuha agad  ng tissue si Red at lumuhod ito para sana punasan ang nabasang sapatos ni Garrie. Pero pinigilan nya ito.   "Ako na Vince,kaya ko na to ako naman ang may kasalan dahil nabitawan ko." sabi nito kay Red dahil naiinis sya sa pambibitin nitong ibagay ang regalo nya "Kung ayaw mo ibigay sakin ngayon ang regalo mo, eh di wag"   "Wag kanang magtampo dyan Margarette,ibibigay ko naman sayo itong regalo mo"   Ang totoo,naiinis sya kay Red dahil sa sobrang manhid nito. Hindi man lang nya napansin kung gano sya kasabik sa ibibigay nito na regalo.   "Ok puntahan mo nalang ako sa bahay"   "Nakakahiya naman sayo Margarette,baka akala mo na bongga itong regalo ko sayo dahil pina suspense ko pa."   "Alam mo Vince mag-aaway lang talaga tayo kapag mamaya mo yan ibibigay sakin dahil kukulitin talaga kita"   "At bakit naman natin pag-aawayan yon Margarette?"   "Dahil kukulitin at kukulitin talaga kita dahil hindi talaga ako makapaghintay."   Ngiti lang ang ginanti sa kanya ni Red.   "Alam mo naiintriga ako sa regalo mong yan, pero kung ayaw mo namang ibigay sa akin ngayon,den ok fine whatever." sabi nya kay Red at lumabas na ito sa kitchen.     RED   Sinundan naman nya ng tingin si Garrie hanggang sa makalabas ito. Tinawag na naman sya ni Garrie sa first name nya which is sya lang din ang nakakaalam dahil Red naman talaga ang alam ng iba. Katulad din nya sya lang din naman ang tumatawag kay Garrie sa totoong pangalan nito.   Margarette. Ano kaya ang naisip ng ina nya at panglalaki ang binagay na palayaw nito,sabi ni Red sa kanyang isip.   Lumabas na rin sya sa kitchen para ayusin ang mga dining tables sa kanyang working area,at sakto ring dumating na ang kanilang chef cook.   Papunta na sya doon sa pwesto nya sa exclusive club house kung saan sya ang head waiter. The thirthy-year-old private club offered peace and privacy na ang kadalasan nagpa reserved doon ay yong mga prominenteng tao.   Dumaan muna sya sa magarang furnished dining room at nakikita nya si Garrie doon na nagsisindi ng mga kandila sa mga dining tables habang kumakanta ito. Bagay talaga sa kanya ang uniporme nyang white shirt at black skirt dahil lalong nakahulma ang hubog ng katawan nito.   Umakyat na sya sa itaas para e-check yong billiard rooms at lounge na andoon sa second floor na kadalasan naman ay naging routine na nya.   Pagkatapos nyang e-check ang second floor,bumaba na agad sya para tingnan ulit sa counter ang reservation list. Naka focused ngayon ang mga mata nya sa nag-iisang pangalan na nakasulat doon. Brandon Harlem. How could such a simple name impact so many lives?     *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD