Prologue:

604 Words
Prologue: Bumangon ako mula sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo. Ang sakit na parang binibiyak sa dalawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi na ako iinom pa ulit, kahibangan na iyon. Pero s**t, parang gano’n na nga ang gusto kong mangyari ngayong ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa sobrang kalasingan kagabi. Dumilat ako at inalis ang kumot na nakatakip sa aking katawan. Agad na nangunot ang noo ko nang makitang hubo't hubad ako. Hubo't hubad? Tapos masakit rin ang gitna ng hita ko pati na rin ang buong katawan ko. . . Unti-unting nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Kahit malabo, alam ko kung anong nangyari! Nagtayuan ang mga balahibo ko habang unti-unting pumapasok sa alaala ko ang mga nangyari kagabi, pakiramdam ko nanginig ang mga kalamnan ko sa nakakadiring nangyari! "s**t!" Mabilis kong nilingon ang katabi ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Harold doon na nakahiga. Mahimbing na mahimbing pa ang tulog. Malakas ko s'yang hinampas sa dibdib. Namumuo na ang galit sa aking sistema. Umaangat-baba na rin ang dibdib ko. Bakit nangyayari 'to? s**t! "Hoy! Hayop ka! Gumising ka d'yan!" Nangingilid ang mga luha ko. Bakit nga ba ako pumayag na makipag-inuman kasama 'tong gago na 'to?! "Hmm, bakit love? Inaantok pa ako. . ." Mas lalong nag-init ang ulo ko. Tumagilid lang siya at natulog lang ulit. Sinipa ko nga nang malakas. At nang mahulog s'ya sa kama, halatang masakit iyon dahil sa paglagabog pero wala akong pakielam! "Aray! Ang harsh mo talaga sa akin, love!" Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Pinalis ko agad iyon dahil ayokong makita n'ya akong umiyak. Tumayo s'ya mula sa lapag at hinimas himas ang pwet-an niya. Pumikit ako at hinilot ang sentido ko. Ni hindi manlang siya nag-abalang takpan 'yung hinaharap nya! Bwiset. "Oh, bakit ka nakapikit? Tingnan mo 'ko, Kassandrea. Para tuluyan ka nang magpakababae!" Idinilat ko ang mga mata ko at lakas-loob kong dinampot ang unan at ihinagis sa kanya. "Gago ka! Pinagsamantalahan mo ako! Porque lasing ako! Tandaan mong hindi ko ginusto ang nangyari sa atin!" Nagngingitngit ako sa galit. Kung hindi ba naman sampu't kalahating bobo itong lalaking ito. Pinagsamantalahan ako! Lalong hindi ako magpapakababae nito! Umangat ang kilay niya at sumilay ang ngiti sa labi. Kita mo na, 'yang ganyang ngiti sarap upakan, eh! "Talaga? Hindi mo ginusto? Gusto mo ba ng ebidensya na gustong-gusto mo ang ginawa nating dalawa?" "Ano bang sinasabi mo r'yan? Hinding-hindi ko nagustuhan iyon! Kadiri ka Harold!" Tumalikod siya sa akin at may kung anong kinuha doon sa side table niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak siyang camera. Inihagis nya iyon sa akin, nagkaroon ako ng ideya. Vinideo niya kaming dalawa kagabi?! Kumakabog man ang puso ko at nanginginig ang mga kamay, binuksan ko iyong camera. Bumungad sa akin iyong nangyari kagabi. Halos hindi ako makapaniwala! Ako iyong humila sa kanya. Nagmakaawa pa ako na ipasok niya iyong kanya sa akin! Hindi ko kinaya ang mga napapanuod ko kaya agad-agad kong binura iyon at ibinato ulit sa kanya. Mabuti at nasalo niya pa! "Lasing lang ako kagabi!" Umangat ang kilay niya habang nakatitig sa camera. Ha! Binura ko, eh. "Useless ang pagbura mo nito. Lima ang copy sa camera. Isa lang binura mo." Ngumisi siya at kumindat sa akin. "Anyway, nice boobs! Ganyan pala kalaki 'yan kapag hindi inipit." Doon, mas lalong nag-igting ang galit ko kay Harold. Mula no’n isinumpa ko na sa sarili ko, na hindi talaga ako magkakagusto sa gagong 'yan! Tomboy ako, babae ang gusto ko. Iyan ang hindi kayang intindihin ni Harold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD