SYNOPSIS

304 Words
Dahil sa masasakit na salita ni Cody ay napilitang umalis ni Sera at ipinangakong hindi na muling magpapakita pa sa binatA at maging sa pamilya nito. Masaya siya kapag kasama niya ang angkan ng mga Mondragon, dahil ramdam niya ang mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya. Sampung taong gulang pa lamang siya ay nawalan na siya ng mga magulang, at simula niyon ay hindi na niya naranasan pa ang pagmamahal ng isang magulang dahil hindi iyon pinaramdam sa kanya ng kanyang Lolo Ernesto. Kaya naman nang makilala niya sina Yaxmien at Jazmyn, at ipakilala siya ng mga ito sa buong pamilya niya ay sobrang kaligayahan ang naramdaman niya, lalo pa at nagustuhan siya ng mga ito, maliban na lang sa isang tao—si Cody. Pakiramdam niya ang malas niyang tao dahil kung sino pa ang mga taong nagugustuhan niya ay siya pang hindi niya makuha.   Unang beses pa lamang nakita ni Cody si Sera ay alam na niya sa sarili niya na ang dalaga na ang gusto niyang makasama haggang sa pagtanda niya, kaya lang ay nabadtrip siya nang ipagsigawan ng kanyang mga kapatid na ampunin ng mga magulang niya ang dalaga. Siya ang nagtulak palayo sa dalaga dahil sa takot na totohanin nga ng kanyang magulang na ampunin si Sera, alam niyang magkikita pa ulit sila at sa susunod nilang pagkikita ay titiyakin niyang magiging kanya na ang dalaga at wala nang makakapigil pa sa nararamdaman niya rito.   Makalipas ang ilang taon ay nakita niya ulit ang dalaga ngunit nang handa na siyang magtapat dito at aminin ang tunay niyang nararamdaman ay bigla naman nitong sinabi na ikakasal na ito. Mas lalong hindi siya papaya na mangyari iyon! Kesehodang pikutin niya ang dalaga at ligawan ang Lolo nito ay gagawin niya para lang mapunta sa kanya ang babaeng minamahal niya   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD