CHAPTER 01: Flashback Starts

1907 Words
ENRICO'S POV TWO-O'CLOCK na ng hapon pero wala pa rin iyong taong kakatagpuin ko. I am here at SM Calamba's Jollibee at kanina pa ako nakaupo ditong mag-isa. Hindi na ako natutuwa at medyo naiinis na ako. Usapan namin ay one-thirty ng hapon. Thirty minutes na siyang late! Dalawang large fries na ang nauubos ko. Kinuha ko na naman ang cellphone ko. I was about to make a call nang biglang... "Mr. Enrico Veracruz?" tanong ng maputi, matangkad at singkit na lalaking nakatayo sa harapan ko. Lalaki ako pero aaminin ko na gwapo ang lalaking iyon. Sa tantiya ko ay maraming babae ang nagkakandarapa dito. "Mr. Jocco Garcia?" balik na tanong ko doon sa lalaki. Nakipagkamay siya sa akin bago umupo sa harapan ko. "I am sorry kung na-late ako. Ma-traffic kasi..." "It's okey. No worries," pero sa loob ko ay nainis ako dahil pinaghintay niya ako ng matagal. "Anyway, bago tayo tumuloy sa mga pag-uusapan natin... oorder lang ako. Marami tayong pag-uusapan, Jocco." He smiled. "Okey. Can I call you sa first name mo? "Oo, okey lang. Ano nga pala ang kakainin mo?" "Pwede bang limang extra-large fries at large Coke? Mukhang marami-rami tayong pag-uusapan, Enrico." Mahina akong napatawa sa sinabi niya. "Copy!" sabi ko na lang at pumila na ako sa counter. Limang extra-large fries at large Coke. Sa akin naman ay isang large fries, regular burger at pineapple juice. Habang nakapila ako ay panay ang memorize ko sa isip ko ang mga oorderin ko "Welcome to Jollibee! Ano pong order niyo, sir?" Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa unahan ng pila. Sinabi ko ang mga order ko. Habang hinihintay ko lahat ng mga order ko ay kinausap ako nung babaeng crew na nasa counter. "Hindi niyo po yata kasama ang asawa niyo, sir?" nakangiti niyang tanong. "Ha? Paano mo nalaman na asawa ko ang lagi kong kasama dito?" tanong ko rin. "Eh, kasi po lagi niyo siyang kasama dito at ang sweet-sweet niyo. Iyong ka-sweetan na hindi nakakairita. Meron kasing mga couple na nakakairita ang pagka-sweet sa public places." Tumango na lang ako. "Salamat..." sabi ko. Pagkabayad ko ay kinuha ko na ang tray kung saan nakalagay lahat ng inorder ko. Habang naglalakad pabalik sa table ay naalala ko iyong sinabi ng babaeng nasa counter. Tama siya, dito kami madalas kumain ng asawa kong si Andrea o Riya. Favorite na namin dito at ang dahilang kung bakit ay hindi namin alam na dalawa. Siguro, nakasanayan na namin. Ang sabi nung crew, sweet daw kami palagi. Sweet? Seryoso ba siya? Wala na. Wala na ang sweetness na iyon kay Riya. She changed a lot. Inilapag ko na ang tray sa table namin ni Jocco. Naabutan ko siyang nakatungo at hawak ang cellphone nito. Umangat ang ulo niya nang umupo na ako. "Bilis mo, ah!" aniya. "Wala naman masyadong pila," sagot ko habang kinukuha ang orders ko at inilalapit iyon sa akin. Kinuha na rin niya ang mga fries niya at drinks. "Favorite ko talaga ang fries nila dito," aniya. "Kung maubos iyang sa iyo, pwede kang kumuha dito sa akin, ha." Mataman kong tiningnan si Jocco. "Lets get straight to the point, Jocco. Magkano ba ang babayaran ko sa service mo as boyfriend-for-hire?" Yes, Jocco is a boyfriend-for-hire. Inirekomenda siya ng kaibigan kong babae. Sila iyong ang trabaho ay magpanggap na isang boyfriend o manliligaw ng isang tao. Halimbawa, wala kang ka-date sa Valentines Day or sa Alumni Homecoming niyo, sila ang dapat mong lapitan. Akala mo lang na they don't exist but they are. At si Jocco ang halimbawa nila. Mukha at charm lang ang puhunan nila para kumita ng malaking halaga ng pera. "Whoa! You're too fast, Enrico. Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon kasi ngayon lang ako magpapanggap na boyfriend ng isang... lalaki." Kinindatan pa niya ako ne medyo ikinairita ko. Napakunot ako ng noo. Medyo hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. "Ikaw ang hindi ko maintindihan. Ano bang gusto mong i-point out?" Uminom muna si Jocco sa Coke niya bago sumagot. "Eh `di ba, magpapanggap ako bilang boyfriend mo? Usually kasi babae ang nagha-hire sa akin..." Malakas akong tumawa sa sinabing iyon ni Jocco. Napatigil ako sa pagtawa dahil sa pinagtinginan ako ng ibang taong kumakain doon. Tumikhim ako. "Hindi yata tayo nagkakaintindihan dito, Jocco. Oo nga, ako ang magha-hire sa iyo pero hindi ka magpapanggap na boyfriend ko. Straight guy ako." "Okey. Gets ko na. Sorry... Na-offend ba kita?" "No! Hindi." "Anyway, kanino ako magpapanggap?" "Sa asawa ko!" "What?!" muntik nang masamid sa kinakaing fries si Jocco. Uminom siya at may pagtataka sa mukha na tinanong niya ako. "Tama ba ang narinig ko or nagbibiro ka lang?" Tumango,ako. "Oo naman. Seryoso ako." "Pero bakit?" "Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya dahil ayoko na ng ugali niya..." "Bakit hindi na lang ikaw ang makipaghiwalay sa kanya?" "Dahil ayokong maging masama sa tingin ng ibang tao lalong-lalo na sa family ko at family niya. Ayokong ako ang masisi ng lahat kapag naghiwalay kami. Make my wife fall in love with you at kapag nangyari iyon... siya na mismo ang makikipaghiwalay sa akin!" Napangiti si Jocco. "Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong case, ah. Interesting! Pero bakit mo naman gustong maghiwalay na kayo? Ilang taon na ba kayong nagsasama?" "One year pa lang pero ang dami na niyang pinagbago. Ngayon, naniniwala na ako na makikilala mo lang talaga ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na siya sa iisang bubong..." sagot ko. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang isang picture. Iniabot ko iyon kay Jocco para makita niya. "Siya ang asawa ko. She's Andrea Zamora Veracruz or Riya. Twenty years old..." Mataman tiningnan ni Jocco ang litratong inabot ko sa kanya. May paghanga sa kanyang mata. "Sigurado ka ba na makikipaghiwalay ka? Napakaganda ng asawa mo..." "Sa pag-aasawa, mas importante ang ugali kesa sa kagandahan, Jocco. Ano, pumapayag ka na ba?" Ibinalik na ni Jocco sa akin ang litrato. "Oo naman. Payag na ako. Thirty thousand per month ang service fee ko. Hangga't nagbabayad ka, tuloy-tuloy ang serbisyo ko." Naglabas ako ng isang cheke at after kong sulatan iyon ng specific amount at pirmahan ay ibinigay ko iyon kay Jocco. "Three hundred sixty thousand iyan para sa isang taon mong serbisyo," napasipol pa si Jocco. Nagulat siguro sa perang ibinayad ko sa kanya. "Ligawan mo ang asawa ko and do your best para ma-inlove siya sa'yo hanggang sa siya na mismo ang makipaghiwalay sa akin." "Paano kung sa loob ng one year ay hindi pa rin siya na-i-inlove sa akin?" "I am willing to pay another three hundred sixty thousand. Hindi tayo titigil hangga't hindi siya nagkakagusto sa'yo, Jocco. Titigil lang tayo kapag nakipaghiwalay na siya sa akin!" Mula sa dala kong folder ay inilabas ko ang kontrata namin at iniabot ko iyon kay Jocco. "Pirmado ko na ang contract natin. Sign it now..." Kinuha naman iyon ni Jocco at binasa. Inilapag niya iyon sa lamesa. Ang buong akala ko ay pipirmahan na niya iyon pero hindi pa pala. "Bago ko ito pirmahan, Enrico, may gusto lang akong ipagawa sa'yo..." aniya. "Ano iyon?" "Gusto kong ikuwento mo sa akin ang kwento niyo ni Riya. Gusto kong maintindihan ng maayos kung bakit mo gustong makipaghiwalay sa asawa mo." "Kailangan mo pa bang malaman? Bayad ka na." "Lahat ng nagiging client ko, pinapagawa ko ito. Hindi ako pipirma hangga't hindi ka nagkukwento, Enrico..." at ngumiti pa siya. Ang dami palang arte ng taong ito. Huminga muna ako ng malalim. "Okey. Seventeen years old si Riya at twenty years old naman ako nang magkakilala kami. We have a Romeo and Juliet love story. Ayaw ng parents niya sa relasyon namin kasi masyado pa daw bata si Riya habang ang parents ko naman, gusto nilang mag focus ako sa business namin which is isang cake house. One year din kaming naging magkasintahan. Hanggang sa lumagpas kami sa limitasyon namin. Nabuntis ko si Riya at nagpakasal kami. Pero nakunan siya..." tila may bumara sa lalamunan ko. "At simula nang mawala ang baby namin, nagsimula na rin siyang magbago. Ano, okey na ba iyon?" "Sorry. Hindi ko alam na namatayan pala kayo ng anak..." "It's okey. Ano, pipirma ka na ba?" Umiling siya. "Hindi pa rin. Ang boring ng kwento mo. Gusto ko iyong detailed! From start to finish." Napapikit ako. Malapit na akong maubusan ng pasensiya kay Jocco. Binuksan kong muli ang mata ko. "Masyadong mahaba pag kinwento ko sa'yo!" "Kaya nga marami tayong inorder na french fries, `di ba? Sige na, interested ako sa kwento niyo ni Riya. I am willing to listen!" Tiningnan ko si Jocco at inumpisahan na ang pagkukwento sa kanya... TWO YEARS EARLIER... "Umorder kayo lahat ng drinks na gusto niyo. Magpakalasing tayo! Sky is the limit!" sabi ko sa lima kong kaibigan na kasama ko sa bar na iyon isang gabi. Dalawang babae at tatlong lalaki. Birthday ko kaya nandoon kami para i-celebrate ang kaarawan ko. "Iyan ang gusto ko sa'yo, Pareng Enrico. Galante ka!" sabi ni Xander sa akin sabay akbay. Siya ang pinakaclose ko sa lahat. Bestfriend kumbaga. Napatawa ako. "Ngayon lang 'to kaya kasi birthday ko kaya lubus-lubusin niyo na!" Sigawan ulit sila. Ako si Enrico Veracruz. Twenty years old at nag-iisang anak. Kaya naman ako ang nag-iisang tagapagmana ng family business namin na isang cake house--- ang Veracruz' Cake and Pastries. Happy-go-lucky pero alam ko ang limitasyon ko dahil pinalaki ako ng magulang ko nang maayos. Pinalaki nila ako na may prinsipyo na kahit mayaman kami ay dapat na marunong pa rin akong rumespeto at alam ko ang mali sa tama. Patuloy kami sa pagsasaya ng mga kaibigan ko nang mapansin ko ang isang babae na mag-isang umiinom sa isang mesa. Mukhang marami na siyang naiinom sa tantiya ko sa mga bote sa harapan niya. Kahit na madilim ang lugar at patay-sindi ang ilaw ay nasisiguro kong napakaganda niya. Nakakapagtaka tuloy kung bakit siya umiinom mag-isa. Ang katanungang iyon sa aking isip ang nagtulak sa akin para magdesiyon na lapitan siya. "Guys, saglit lang. May lalapitan lang ako," sabi ko sa mga kasama ko. Agad naman akong kinantiyawan ni Sandy. Twin-sister naman ito ni Xander na kabarkada ko na rin. "Asus! I'm sure na may nakita na naman iyang chicks!" Ngiti na lang ang isinagot ko at nilapitan ko na `yong babaeng nakita kong nag-iisa. "Hi. Are you alone?" tanong ko sa kanya. Hindi ako sinagot n'ong babae. Tiningnan lang niya ako nang masama at umiwas ng tingin sa akin. "Ako si Enrico. Ikaw, anong name mo?" wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Mind if I join you?" kulit ko pa sa kanya. Tiningnan niya ulit ako. "Marunong ka naman sigurong makaramdam, `di ba? Leave me alone!" pagtataboy niya sa akin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko kapantay sa aking ulo. "Okey. Hindi mo na ako kailangang sigawan, miss. Bye!" at bumalik na ako sa table ng mga barkada ko. "Ano, tablado ka d'on, pare!" kantiyaw agad ni Xander sa akin. "First time na hindi gumana ang magic charm mo, Enrico!" dugtong pa ng isa sa mga lalaki kong kaibigan. Iiling-iling na lang ako. "Bahala siya! Magsisisi siya na tinanggihan niya ako." "Sige nga, sige nga. Lapitan mo ulit!" panunudyo pa ni Sandy. "This is not the last time na magkikita ulit kami," sabi ko. "Uminom na nga lang tayo. Enjoy lang tayo!!!" pagbabago ko ng topic pero hinding-hindi pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD