Prologue

911 Words
"What's that thing in your neck, Thlaine?" Mother dear asked with her blazing eyes narrowed on the said part of my body. Tinunton ng mga daliri ko ang parteng 'yon ng aking leeg na pinatutungkulan niya.   "Its uhm...a teenager thing, you know it as hickeys, kiss marks, love marks and whatever you want to call it." Her eyes widened. If it weren't for the traffic light changing from red to green that signals us to go she must have hit me hard.   Seething anger in her eyes intensified.   "I can't believe this, ni hindi mo man lang sinubukang itago o itanggi sa 'kin ang bagay na 'yan!" She scoffed. Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng isang magarang gate ng pamosong unibersidad dito sa Manila.   "Ang sabi mo sa 'kin gawin ko na ang lahat ng kalokohan huwag lang ang magsinungaling sa'yo. I'm trying my best to be honest here, hope you appreciate it." I murmured and shifted my gaze onto the university's cream colored gate.   "East Empire University." I whispered to myself, sa labas pa lang ay mababakas na ang pagiging prominente ng unibersidad. Idagdag pa ang iba't ibang brand ng mha mamahaling sasakyan na pumapasok sa loob ng mismong university. Maging ang mga estudyanteng namamataan ko sa paligid lahat sila ay may ibubuga at mukhang may kaya sa buhay. Nilingon ko ang bag na nasa likurang bahagi ng sasakyan ni Mommy at sinukbit na 'yon sa 'king sarili pagkatapos kong maialis ang seatbelt sa 'king katawan.   "Thlaine...pwedeng bang tigil-tigilan mo na ang ginagawa mong 'yan? Kaliwa't kanan ang mga lalaking dinidate mo. Pinagsasabay mo pa sila kahit na hindi mo sila boyfriend hindi pa rin magandang tingnan lalo na't babae ka." My eyes did a 360 degree roll at her statement. Muli kong hinarap si Mommy na seryosong-seryoso sa pangangaral n'ya sa 'kin. I rolled my eyes on the mid-air once more and sighed. Bakit kaya hindi si Dad ang pangaralan niya na huwag mambabae? Alam ko naman na alam niya rin ang tungkol sa bagay na 'yon. Nagbubulag-bulagan lang siya.   "Pangit tingnan kasi babae ako? Pero kapag ang lalaki ang may dinate na maraming babae ayos lang, ayos lang kasi lalaki sila? Kaya dumadami ang gagong lalaki sa mundo kasi tinotolerate din ng mga babae ta's kapag tayo ang gumawa ng mga ginagawa nila wala na kaagad tayong moralidad. That is just so unfair. 21st century is almost over and yet double standard is still here, standing proudly. Kung p'wede tayong paglaruan ng mga lalaki dapat tayo rin!" Hindi ko na hinintay ang itutugon niya sa mga salitang ibinato ko sa kaniya. Lumabas na kaagad ako ng sasakyan at nagdire-diretso na papasok ng gate ng hindi man lang siya nililingon.   I am so annoyed that I couldn't even appreciate the university's architectural design. Dire-diretso lang ang lakad ko hinahanap ang building na nakalaan para sa mga Bachelor of Arts students na katulad ko.   Halos isumpa ko na ang lawak ng campus at hindi ko pa rin mahanap ang tamang building para sa department ko. Nakadaan na 'ko lahat-lahat sa cafeteria para bumili ng maiinom na smoothie na halos mauubos ko na rin pero wala pa akong kaide-ideya kung nasaan ba ang building na 'yon.   Naliligaw na nga ata ako!   Ilang building na para sa iba't ibang department na ang nalampasan ko bago ko natanaw ang isang assembly hall.   Punong-puno 'yon ng mga taong may pinagkakaguluhan. Isang grupo ata ng mga lalaking tumutugtog sa stage ang nakita kong masugid nilang sinasabayan sa pagkanta. Yeah right, hindi mawawala ang mga pacool na ganiyang lalaki sa university na katulad nito.   I shook my head out of disgust. Another set of men species to add on the long list of my good for nothing men that needs to leave this world as soon as possible.   Humakbang ako paatras at sakto sa pagpihit ko paharap ay may naramdaman akong nakabanggan. My eyes went to scan him from his chest up to his broad and prominent chest.   "Wala bang nakapagsabi sa'yo na hindi ka dapat humaharang sa daanan?" His baritone voice is winter like it almost sent shiver into my spine. Mabilis ko 'yong iwinala sa 'king isip at sa halip ay nagtaas na lamang ako ng kilay sa kaniya.   Kinuha ko ang wallet mula sa 'king bag at kumuha roon ng ilang libo na iniabot ko sa kaniya. His lifeless eyes fired up as the corner of his lip twitch.   "Bayad para diyan sa jacket mong natapunan ng smoothie—Mukha ba 'kong pulubi sa'yo?" His eyes went to my neck. Bigla akong naalarma na baka makita niya rin 'yong hickey doon dahil nakatali ang buhok ko. He took a threatening step that made me took a step back automatically, backing out from the danger that's about to come for me.   Hinila niya ang nectie ng uniform ko at mabilis na nilapat ang labi n'ya sa 'kin.  Napaka-bilis non na hindi ko alam kung nangyari ba 'yon o hindi. When everyone around who have witnessed the scene gasped and started to whispers things. Nakumpirma kong nangyari ngayon, hinalikan niya nga ako.   "H'wag kang magyabang dito, hindi ka Montefiore." Bulong n'ya sa kaliwang kong tenga suot ang nakakainis at malamang sa malamanf ay hindi ko makakalimutang ismid sa kaniyang labi.   Hinablot niya ang mga pera sa 'king kamay saka tumindig ng matikas. My eyes widen and my mind is in total shocked after I've saw him tear my money and throw it in the mid-air.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD