Chapter 1

1035 Words
“BILISAN NIYO! Ang bagal! Huwag kayong tatanga-tanga, dalian niyo at baka magising ang mga gwardya!” Tatlong tao ang pumasok ng gate dala-dala ang mga iba't ibang kagamitan sa pagnanakaw. Mga mamahaling kagamitan na sila lamang ang nakakaalam na gamitin. Ang high tech na susing makakapagbukas ng kahit na anong padlocks. Mga gloves na hindi made-detech ang fingerprints. Isang remote na makakapag-detech kung saan ang pera at mga alahas nakatago. Isang controler na makakapag-bukas ng volt at mga passcodes. At ang isang tablet na makakapag-hacked ng lahat ng programs at computers site. Dahan-dahan silang nagsi-puntahan sa isang garahe kung saan ang punterya nilang tatlo. Ang Lamborghini na pagmamay-ari ng may ari ng mansyon na pinasukan nila. At ang isang race car na kapag ibenenta kulang pa sa halaga ng isang buhay. Ngumisi ang isa sa kanila nang mabuksan nila ang gate ng garahe at sumalubong sa kanila ang kumikinang na kulay abong lamborghini at ang kulay pulang kumikinang na race car. “Kumusta ang guard?” tanong ng leader sa kanilang tatlo. Pinakita ng isa nilang kasama ang hawak. Isa iyong electric shock. Kung saan kapag makuryente ka no'n, mawawalan ka ng malay. Ngumisi siya. “Good job, guys. Hindi man lang nila napansin na napasukan na natin sila at matatakawan. Ihanda niyo na ang mga gamit niyo. At pahaharurutin na natin ang dalawang kotse na ito palabas ng garahe. Simula sa araw na ito, atin na ang dalawang 'to.” Humakbang ang dalawa saka nagsibukas ng kanilang mga bag. May inilagay sila sa gilid ng kotse dahilan para hindi iyon umingay nang hawakan nila at buksan ang pinto. Tiningnan naman ng isa ang hawak na tablet saka may pinindot na hacked. At lahat ng ilaw sa mansyon ay namatay. Maging ang likran ng garahe ay bumukas para padaanin sila. Pumunta ang dalawa sa lamborghini na kulay itim at doon sumakay. Samantalang ang kanilang leader ay sa mamahaling race car na pula. Pero bago siya sumunod sa dalawang naunang kasama na nakaalis na. May inihulog muna siyang isang letter. Letter para sa taong ninakawan nila. A letter from thief. Nang masiguradong pulido at walang bakas silang naiwan ay tuluyan na siyang umalis ng garahe at lumabas ng subdivision na iyon. May ngisi ng tagumpay sa mga labi. “WALA KAYONG KWENTA! Umalis kayo sa pamamahay ko!” hingal na hingal na sigaw ni Enfakid sa mga pulis na nasa kanyang bahay. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang galit na galit. Pinipigilan niya lang ang makasuntok ng isa sa mga ito at baka siya pa ang makulong kapag magawa niya iyon. Binabayaran niya ang mga ito pero hindi ng mga ito makita ang nagnakaw ng dalawang kotse na importante sa kaniya at may sentimental value? “Sorry, Sir Monteneille. Pero malabo pong hanapin ang mga nagnakaw ng kotse niyo. Wala hong naiwang ebidensya. Malinis at pulido nilang ginawa ang pagnanakaw. Maliban na lamang po sa bagay na ito. . .” Doon napakunot ang noo niya sa pinakita sa kanya ng pulis na nasa harapan. Isang sulat. Mas lalo siyang ngumiwi. “Ano ang bagay na iyan?” “Mukhang may sulat ho sa inyo ang magnanakaw. Baka may gusto ho sa inyong sabihin.” Nagtitimpi siyang kinuha rito nang marahan ang sulat. Kung malaman niya lang talaga kung sino ang may kagagawan ng krimen na ito sa buhay niya, sisiguraduhin niyang makukulong ang taong iyon habang buhay sa bilangguan! Sinisigurado niya iyon! Kahit maubos pa ang pera niyang naipon sa pakikipagkarera. Mahanap niya lang ang dalawang kotse na naging parte na ng buhay niya. “Son!” Hindi pa niya nabubuksan ang sulat na hawak ay napabaling ang atensyon niya sa bagong dating. Sumalubong sa kanya ang Mommy Anlenne, at Daddy Kopiko niya. Kasama ang mga kapatid niyang nasa likuran ng mga ito. Mukhang kahit yata hindi niya ipaalam sa mga ito ang nangyari sa kanya. Malalaman at malalaman pa rin ng mga ito. Tulad na lamang ng pagparito ng mga ito sa hating gabi ngayon sa mansyon niya. Yes, in his early age of 22, may sarili na siyang bahay, at negosyo. Dahil lang iyon sa perang napapanalunan niya sa pagkarera. Isinukbit niya sa bulsa ang sulat. Mamaya na lamang niya iyon babasahin. Bumaling siya sa kaharap na kaninang pulis at sinabi rito: “Bukas niyo na ipagpatuloy ang paghahanap ng ebidensya. Masyado nang gabi para ipagpatuloy.” Tumango naman ito saka sumenyas na sa mga kasama. “Anong nangyari?” tanomg agad sa kaniya ng Daddy niya pagkalapit na pagkalapit niya sa mga ito. Napahilot siya sa kaniyang batok. “My two cars, was stolen by the thief!” Narinig niyang nagsi-alisan na ang mga pulis dala ang mga patrol car nito. “Relax, bro! Kotse lang iyon. Makakabili ka no'n, sa dami ng pera mo,” biglang usal ng kapatid niyang si Bearbrand. Inirapan niya ito. “Shut up! Oo madali iyong palitan. Pero ang alaala no'n sa akin. Halos lahat ng tagumpay ko ay kasama ko ang dalawang kotse ko na iyon.” Hindi na nagsalita pa ang kaniyang kapatid at nanahimik na lamang. Nag-usap lang silang magpamilya saglit at nagpaalam na rin ang mga ito para umalis. Huminga si Enfakid habang pinagmamasdan ang mga magulang at kapatid na umalis ng kanyang mansyon. Mag-isa ulit siya sa bahay na itong pagkalaki-laki. He as everything pero parang kulang pa para sa kaniya. Napakapa siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa sobreng iyon. Binuksan niya ang sulat ng magnanakaw para sa kanya. Kung may gusto man sa kaniyang sumira, o kung patayin siya. Hindi siya natatakot. Dear Mr. Enfakid Monteneille, I have your lamborghini and your race car. Advance gift mo na sa nalalapit na kaarawn ko at graduation. Thank you! Yours, A thief. Inis na inis niyang nilamukos ang sobre saka itinapon sa labas ng terrace. “Kung sino ka man! Humanda ka na! Dahil ipapakulong kita!” Hindi niya pansin ang isang itim na kotseng nakaparada sa hindi kalayuan. Ngumiti ito nang pagkalapad-lapad dahil sa nakikita. Gamit ang telescope nito. Malaya nitong pinagmamasdan si Enfakid at ang bawat kilos ng lalaki. “Sorry my dear, speed racer. You are in my trap.” Nang pumasok na sa loob ang lalaking binabantayan ay siya naman ang pagpaharurot ng kotse nito paalis ng subdivision na iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD