Chapter 1

1134 Words
BAKIT BA ang hirap mabuhay? Kung kailan kaunting kaunti na lang at makakaraos na siya, saka naman may dumarating na namang pagsubok na nagpapasakit sa ulo niya. Marahas na bumuntong hininga si Angel at nanghihinang napatitig sa listahan ng mga kailangan niya bayaran para mapasama siya sa List Of Graduating Students para sa taong ito. Sobrang tagal na niya sa College at gusto na niya maka-graduate. Twenty three na siya ngayong taon. Ang mga kasabayan niya noong first year siya, mga magaganda na ang trabaho ngayon. Siya, eto pa rin, hindi makausad usad sa buhay. Mahirap maging working student. Every other semester nahihinto siya kasi kailangan niya magtrabaho at mag-ipon ng pang enroll. Kaya heto, inabot siya ng pitong taon sa kolehiyo.  “Bakit libo-libo ang kailangan bayaran? Walang wala na talaga ako ngayon,” paungol na sabi ni Angel at mariing pumikit. “Pautangin kita, gusto mo?” Dumilat si Angel at tiningnan si Grace na busy sa kung sinong ka-chat sa latest nitong iphone. Ngumiwi siya. “Ang laki na ng utang ko sa’yo eh. Hindi pa ako nakakapasok sa magandang trabaho lubog na ako sa utang.” Nag-angat ng tingin ang kaibigan niya at ibinaba na rin sa wakas ang cellphone. “Kasi naman, kuntento ka sa mga part time job na barya ang kita eh. Tingnan mo ako, buhay reyna,” ngising sagot nito. Sumeryoso si Angel. “Alam mong hindi ko kaya ang ginagawa mo.” “At hindi naman kita pinipilit gawin ang ginagawa ko. Kasi sa pinasok ko, kung hindi ka mag-e-enjoy, hindi ka tatagal. Fortunately, I enjoy f*****g with strangers,” ngisi ni Grace. Nailang siya sa term na ginamit nito. Kahit pa kung tutuusin dapat masanay na siya kasi matagal na silang magkaibigan ni Grace. Naging magkaklase sila noong second year College pero hindi katulad niya, hindi na pinilit ng babae na ituloy ang pag-aaral. Nakakuha kasi ng ‘career’ na magbibigay dito ng limpak limpak na salapi.    High Class Escort ang kaibigan niya. Madalas alam ng mga lalaki na bayaran ito. Minsan naman, kapag kailangan ni Grace ng malaking pera at taong susustento sa luxurious living nito, nagiging professional hooker naman ang kaibigan niya. Nagpapa-in love ng mayamang lalaki – madalas foreigner – at kukumbinsihin na bigyan ito ng bigyan ng pera. Maganda at sexy si Grace. Maputi at makinis ang balat. Revealing manamit pero hindi mukhang cheap. Parang sexy star ang dating at madalas napagkakamalang modelo o kaya artista. Si Grace ang tipo ng babaeng kapag naglakad kahit saan lahat ng tao mapapatingin. Ito ang tipo ng babaeng kapag nakita ng mga lalaki literal na maglalaway at titigasan. Kaya syempre successful ito sa buhay na pinili nito. Walang lalaking hindi mahuhulog sa karisma at ganda ni Grace. Tumaas ang kilay ng kaibigan niya. “Alam ko kung ano ang naiisip mo ngayon, Angel. At hindi ako magsasawang sabihin sa’yo na mas maganda at mas sexy ka sa akin. Mas marunong lang akong gamitin ang ganda na meron ako.” “At mas may pera ka para makabili ng branded na mga gamit at regular na magpa-spa at facial,” dugtong niya. Ngumisi si Grace. “Exactly.” Napabuntong hininga na naman si Angel. Napatitig sa listahan ng mga dapat niyang bayaran. Dalawang araw na lang deadline na ng pagbabayad. Wala na siyang ibang makukunan ng pera. “Sinubukan mo na ba manghiram sa tita mo?” tanong ni Grace. Sarkastikong natawa siya. “Hindi ako bibigyan ng pera ‘non kahit pa utang. Ni hindi na nga ako pinapakain ‘non sa bahay niya kasi dagdag gastusin lang daw ako.”                Nainis si Grace “That old b***h! Makakarma rin siya balang araw.”                Malungkot lang na ngumiti si Angel pero hindi nagkomento. Ayaw niyang magsumpa ng ibang tao kasi sa loob ng labing tatlong taon mula nang mapunta siya sa poder ng tiyahin niya ganoon palagi ang ginagawa nito sa kaniya. Ayaw niyang gawin kasi alam niya ang pakiramdam ng nakakarinig ng hindi magandang salita mula sa iba.                Nag ring ang cellphone ni Grace. Sumenyas itong sasagutin ang tawag at tumango siya. Uminom siya sa baso ng juice sa harapan niya. Nasa isang restaurant sila. Libre ng kaibigan niya. Malambing ang tono nito habang nakikipag-usap. Ibig sabihin lalaki ang tumawag.                “Kailan at ano ang limitations?” tanong ng kaibigan niya sa kausap. “Hmm.” Napatingin kay Angel si Grace habang nakikinig sa kausap. Natigilan siya. Kasi kakaiba ang titig nito sa kaniya. Parang may pina-plot na kung anong ideya na involve siya. “I’ll call you later.” Saka nito tinapos ang tawag. Hindi pa rin siya nilulubayan ng titig.                Kinabahan si Angel. “Bakit ganiyan mo ‘ko tingnan?”                “Kailangan mo ng pera ‘di ba?”                Dumeretso siya ng upo. “Hindi ko gagawin.”                Tumirik ang mga mata nito. “Duh. I’m not asking you to f**k someone. Alam ko naman na gusto mo boyfriend mo muna ang isang lalaki bago mauwi sa ganoon. Though lahat ng naging ex mo ay sira ulo at walang pera. ‘Coz you know, you have a very bad taste in men.”                Sumimangot si Angel. “At least ako nakikipagrelasyon muna at sinisigurong mahal namin ang isa’t isa bago kami mag-s*x,” parungit niya.                “Hindi ka nila minahal, Angel. Not the way you wish they will. At alam mo ‘yan.”                Nasaktan siya. Kasi totoo ang sinabi nito. Bumuntong hininga siya. “Change topic na nga.”                “So kailangan mo nga ‘di ba ng pera?” “Oo.”                Tumango si Grace. “May raket na inaalok sa ‘kin pero ibibigay ko na lang sa’yo. Mababayaran mo ang graduation fees at may sobra pa para makabili ka ng magandang graduation dress at mai-treat mo ang sarili mo after. Don’t worry, it doesn’t involve s*x. Malinaw naming pinag-usapan na hindi pwedeng umabot ‘don ang mangyayari. Unless you want to do it. Kapag ganoon ang kaso, hindi ka naman pagbabawalan. Bahala na kayo mag-usap ng lalaki, if ever.”                Uminit ang mukha ni Angel pero alam niyang wala siyang mapapala kung makikipag-argue pa siya na wala siyang balak makipag-s*x sa isang estranghero. Hindi na siya virgin at lalong hindi rin naman siya matatawag na conservative. But having s*x with someone she doesn’t know is not her style. Wala siyang nakukuhang thrill sa ganoon. Pero tama rin naman ito na kailangan talaga niya ng pera. Wala naman masama kung pakinggan niya kung anong klaseng raket ang sinasabi nito. Baka naman kaya niyang gawin.                Huminga siya ng malalim. “Okay. Ano bang raket ‘yan?”                Ngumiti si Grace. At saka sinabi sa kaniya ang buong detalye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD