Prologue

333 Words
Prologue: "M-mahal mo ba ako?" Nanginginig ang mga labi ko habang tinatanong iyon sa kanya. Nag-uumigting ang pagkirot ng puso ko, pakiramdam ko’y wasak na wasak na. Para akong tanga, dapat inasahan ko na `to, e. "Devora. . ." Pumikit ako nang mariin at naghintay ng sunod na sasabihin niya. "Mahal kita bilang kaibigan." Tila gumuho ang mundo ko. Sabi ko na nga ba. All those sacrifices that I’ve done are not worth it. Akala ko, mamahalin niya na rin ako `tulad ng pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi pala, nagkamali ako. Umasa na naman ako. Matapang akong dumilat at ngumiti sa kaniya. Ngiting puno ng pait, ngiting may bahid na hinanakit. "Claudius, I can't be your bestfriend anymore. . ." Nangangatal at pabulong na sabi ko. "Dapat hindi na kita kinaibigan pa ulit. Dapat hindi na natin dinugtungan pa ang pagkakaibigan natin noon." Humakbang siya palapit sa akin pero agad kong iniharang ang kamay ko. Ayokong lumapit pa siya kasi kapag nangyari iyon, baka hindi ko na naman kayanin. "L-lalayo ka na naman ba?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako. This time, magtatago na ako sa kaniya. "Oo, kasi noon pa man, hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan." "Pero, 'di ba ang sabi mo, naka-move on ka na?" Umaasang tanong niya. Sadness was evidently in his eyes. I looked away. `Cause I know if I don't, bibigay na naman ako. "Naka-move on ako noon. But the moment you came back into my life, bumalik din pati ang pagmamahal ko sa 'yo." Bumuntong hininga siya at saka yumuko, akmang aabutin ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Ayokong madala na naman ako ng pagpapaawa niya. "I'm sorry. . . Ayokong masira ang pagkakaibigan natin," he whispered. "Y-yeah, pero ayoko na Claudius, sana maintindihan mo na hindi ko kayang magkaibigan lang tayo." Pagod na akong gawin ang lahat mahalin niya lang ako. Ibinigay ko na sa kanya ang lahat. Pero kulang na kulang pa rin at hindi pa rin sapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD