Chapter 1: ARIANA

1340 Words
NAGMAMADALI ako sa pagtakbo dahil mahuhuli na ako sa klase ko. Isa akong college student sa Shepherd University at ang kurso ko ay B.S. in Computer Science. Kilala akong matalino dahil isa akong scholar at kasama rin sa dean lister. First year level pa lang ako at tatlong buwan na lamang ay magtatapos na ang second semester. “Tabi! Tabi!” naghihiyaw kong sabi. Kung kailan kasi nagmamadali ako ay saka naman nakatambay ang ibang mga estudyante rito sa hallway. Wala silang pakialam kung nakasasagabal ba sila sa mga daraan. Bitbit ko pa ang tatlong libro ko dahil hindi na kakayanin ng luma kong bag at baka tuluyan na itong mapunit kapag ipinagpilitan ko pa itong ipasok sa loob. Napahinto ako noong humarang sa dinaraanan ko ang grupo ng mga maarte— este grupo ng ‘The Three Angels’ kuno na binubuo ng tatlong maldita at maarteng babae na pinapangunahan ni Karylle at may dalawang miyembro na sunod-sunuran niya na sina Jamie at Mica. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang matiim akong tinitigan mula ulo pababa at ibinalik sa mukha ko ang titig nila na parang nang-uuyam pa. “Eww… bakit paharang-harang ka sa daraanan namin?” nandidiring sabi ni Karylle. “Oh no! You’re late na, Girl! Huwag ka nang pumasok sa subject mo!” ngingisi-ngising sabi ni Jamie. Napabasungot ang mukha ko at humugot na lamang ako ng malalim na hangin. “Kayo kaya ang nakaharang? P’wede ba padaain niyo na ako dahil late na ako!” bulalas ko. “Look, b***h! Ikaw ang humaharang sa daraanan ng ‘The Three Angels’! Tumabi ka nga kung ayaw mong itulak kita nang malakas,” dagdag pa ni Jamie. “Hahaha! Mga girls, look… mukhang iiyak na siya,” pang-aasar na sabi ni Mica. “Hindi ako naiiyak. Alis nga!” inis na sabi ko. Lulusot sana ako ngunit humarang si Jamie at tatawa-tawa pa silang tatlo sa akin. Nagtaas-baba ang aking paghinga dahil nanggagalaiti na talaga ako sa mga maarteng babae na ‘to. Ilang buwan na nila akong ginaganito at nananawa na ako ngunit kailangan kong matapos ang second semester. Sinubukan ko pang muli na makalusot ngunit hinaharangan talaga nila ako. Nanlaki ang mga mata ko at sabay turo sa likuran nila. Nang sa pagkakataon na ito ay makalulusot ako. “S-Si Jacob!” sigaw ko nang malakas. Naglakihan ang mga mata nilang tatlo at mabilis na lumingon sa likuran nila at saka ako mabilis na tumakbo para malagpasan sila. “Jacob?” sabi ni Karylle. Ngunit bigo sila nang hindi nila nakita si Jacob. Isang heartthrob ng campus si Jacob Esguerra. Laki sa mayaman na pamilya at nasa Third Year level na sa kursong B.S. major in Accountancy. “Ble! Mga uto-uto!” pangangantyaw ko. Halos nanlaki ang mga butas ng ilong nilang tatlo. Akala mo mga clown sa children’s party dahil sa makapal na kolorete nila sa mukha. Daig pa nga ang rarampa sa ‘Ms. Gay’. Magaganda pa ang mga bading sa kanila at may mga sense of humor. “Bw*sit ka, Ariana! Humanda ka sa amin mamaya!” sigaw ni Karylle at mabilis na akong tumakbo patungo sa may hagdan at dali-daling umakyat. Huminto ako saglit at tiningnan ang relo ko. Alas-otso na at late na ako ng thirty-minutes. Tiyak akong magagalit ang prof ko nito. Inayos ko muna ang sarili at pinunasan ang pawisan kong mukha dahil sa kagagawan ng tatlong bruha na ‘yon. “Wala ba silang balak lumipat ng school? Napapagod na ako sa tatlong ‘yon…” hinihingal kong sabi sa sarili. Nang marating ko ang room 305 ay humugot muna ako ng malalim na hangin upang maglakas loob bago pumasok. Kumatok muna ako ng tatlong beses at sumilip sa maliit na salamin ng pinto. Naroon na nga ang prof sa loob at naglakad ito patungo sa pinto at pinagbuksan ako. Magkasalikop na ang magkabilang kamay ko na tila nagdadasal at ipit ko pa sa braso ko at kilikili ang tatlong libro ko. Please… please… sana papasukin pa ako ng prof ko. Promise, Lord, hindi na ako makikipag-away sa tatlong iyon at magpapakabait na ako… “What are you doing, Miss Beltran?” tanong ng baritonong boses ni Professor William Miranda. William Miranda, twenty-eight years old at kinababaliwan ng mga estudyante sa buong campus. Matangkad, magandang lalaki, maganda rin ang pangangatawan at metikoloso, ngunit mabait at maunawain. Minsan nga lang may pagkasuplado siya kapag oras ng klase. Siya ang professor ng philosophy subject namin. Tumingala ako at tiningnan si Sir William na nakapamulsa ngayon at nakasandal sa pinto. Seryoso rin itong nakatitig sa akin pababa dahil matangkad si Sir William at samantala ako ay maliit na babae lamang at nasa 5’2” lang ang height ko. Samantala si Sir William ay nasa six feet ang taas niya. “Ah, g-good morning ho, Sir William! Sorry if I’m late!” nahihiya kong sabi. “And why are you late?” tanong nito. “K-Kasi po… nagpuyat po ako kagabi at hindi ako nagising nang maaga. T-Tapos po hinarangan pa ako ng grupo ni Karylle, Sir…” paliwanag ko. “’Yan ba ang lagi mong idadahilan? Ang grupo nina Karylle, Jamie at Mica?” giit nito. Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Sir William. Mukhang hindi yata maganda ang gising ni Sir William. Matindi ang kaba ko sa aking dibdib at hindi ako makatingin kay Sir William. “Hindi ko na mapapalampas this time ang late mo, Miss Beltran. Baka sabihin ng ibang mga student ay may favoritsm ako sa klase ko,” seryosong paliwanag nito dahil siya rin ang class adviser namin. “Sorry po…” mahina kong sagot. “Sorry, pero hindi muna kita tatanggapin sa klase ko. Pumasok ka na lang next week and make sure that you won’t be late.” Pumasok na siya sa loob ng pinto at ni-lock ito. Napasandal na lamang ako sa pader at napatingala. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Relax, Ariana. Relax… isang session lang ang na-skip mo. Makahahabol ka… Limang araw ang pasok namin at bawat araw ay iba’t-ibang subject kaya naext week ko pa ulit mapapasukan ang subject ni Sir William. Three-four hours pa naman ang ginugugol minsan sa isang subject. Pupunta na lamang ako sa botanical garden ng campus at doon muna ako tatambay. Kasalanan ng mga bruha ‘to. Makahahabol pa sana ako kung hindi sila humarang sa dinaraanan ko. Kapag nagkita kaming muli bukas ay gagantihan ko na sila. Napupuno na ako sa kanilang tatlo. Pumunta muna ako sa locker at inilagay ko sa loob ang bag ko at tatlong libro. Mahal pa naman ang mga libro sa school na ito. Tapos mayayaman pa ang mga nag-aaral dito. Bumaba ako ng building at tinungo ko ang botanical garden. Malawak ito at maari kang pumasok anytime. Bawal lang magkalat dito sa loob at mamitas ng mga bulaklak. Pinaghirapan ito ng mga estudyante ng Bs in Forestry. Dahan-dahan akong naglakad habang pinagmamasdan ang magagandang bulaklak at iba’t ibang uri ng mga halaman. Sariwa ang hangin at malilim dito kaya minsan ay may mga estudyante ritong tumatambay kapag gusto magpahinga o mag-aral. Natigilan ako noong may marinig akong nagtatawanan at pamilyar sa akin ang kanilang boses. Pamilyar sa akin ang mga boses na iyon at ang mga halakhak na iyon ay ang grupo nina Karylle, Jamie at Mica. Tinungo ko kung saan nanggaling ang boses at namilog ang mga mata ko noong makita kong pinagtatawanan nila ang isang estudyante na umiiyak at nakasalampak sa sahig. May mga pinunit si Karylle na mga papel at ibinuhos ang mga pira-piraso nito sa ulo ng babae. Nagkalat pa ang ibang mga gula-gulanit na papel sa semento. Mga siraulo talaga ang mga ito at bullies. Wala silang magawa sa buhay nila kaya ang iba ang pinagdidiskitahan nila. Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko ang mga tumpok-tumpok na lupa na kabubungkal pa lang at pinulot ko ang mga iyon. Wala akong pakialam kung marumihan ang mga kamay ko o maputikan. Gaganti ako sa mga spoiled brat na mga ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD