Chapter 1: Loveless Scenery

1565 Words
Once upon a time, there was a small, poging boy living in a trash.....charooot. Heyo everybody! Ako nga pala si Matheo. Matheo Yllouiesè Nevera. Wag ka 17 na ako. Cute, mabait, mapayat at paikot-ikot pa, hindi. Pano ko ba ie-explain sarili ko? Ah basta sabihin nating mabait ako (wao ha), pogi din (lakas ng tama), at syempre may galang (noice, just noice). Ano ba author! Basta hayaan niyo na yang isang yan. Nakatira ako sa maliblib na lugar. Panong liblib? Syempre nasa lansangan ako nakatira. Hindi naman talaga lansangan, nasa eskinita lang ng mga grocery store at gusali-gusali na yan. May mga kasama ako, lima sila; yung isa kasing edad ko at yung iba puro bata kaya minsan ang hirap magsalin-salin ng lugar na mapagtitirhan. Mabuti na ngalang at may mga muwang na tong mga to kung kaya't hindi mahirap magpasya. Mabuti nalang ngayon ay nakatira kami sa parang bahay-bahay dito na malapit sa pamilihan na kinumpuni lang namin para hindi naman kami mabasa ng ulan kapag umulan. Natural naliligo kami ha. Baka di niyo tinatanong kaya sasagutin ko na, malapit kaya sa batis ang bahay na nitinirhan namin. Di naman kasi gaano ang mga pamilihan dito. Ilang beses kalang makakita ng grocery store at gusali. Mayroon ding maliliit na apartment o condominium lang naman. Wala kasing gaanong signal din dito samin kung kaya walang may gustong lumipat dito. At isa pa puro pamilihan lang o palengke ang makikita mo dito, syempre may mga bahay din ano. Teka ba't ba ako explain ng explain eh minor de edad palang ako para intindihin ang mga bagay bagay na yan. Ano ba "Kuya Yll, nagugutom ako" sambit ng batang nasa tabi ko na papaiyak na. Siya si Tabs, lalake, 8 years old, kaya wag na kayong mag taka kung bakit nagugutom yan. Inshort di naman talaga siya mataba sadyang may katabaan lang. Tabs tawag namin sa kanya kasi siya lang ata may laman saming lahat dito. "Ano ba Tabs, parati ka nalang nagugutom" sawsaw naman ni Juli, 12 y/o, isa din sa mga batang kasama ko. Lalaki yan kaya wag niyong pagkamalan. "Oi Juli, ano yan? Wag mong inaano-ano si Tabs ha" singit naman ni Pulso na kumakain ng tinapay na tinignan lang ni Juli ng masakit. Aba may pagkain pala to di manlang bigyan ang isa. Ah basta, Pulso tawag namin sa kanya kasi 'Pulse' talaga pangalan niya. Di ko nga alam kung bakit kahit na matagal-tagal narin kami nitong magkakasama. "Ba't di mo kaya kuya bigyan si Tabs. Suway ka dyan nang suway di ka manlang mangbibigay" nakangusong sambit ni Juli kay Pulso. "Aba. Nagugutom din ako ano. Ikaw kaya magbigay" sagot naman nung Pulso sa bata sabay layo nung pagkaing nasa kamay niya. "May pagkain ba ko dito?" Bulyaw naman sa kaniya nung bata sabay irap. "Tumigil na nga kayo. Ang ingay-ingay niyo" bulyaw ko sa mga ito na ikinatahimik din nila. Pero may isa talagang ayaw mag paawat. "Eh Yllo grabe kasi tong si Juli. Ke aga-aga inaaway ba naman si Tabs natin" sagot talaga nito sabay pisil-pisil pa sa pisngi ni Tabs na papaiyak na. "Sinakit ko ba siya?" Pabulyaw na tanong ni Juli kay Pulso sabay bigay ng tingin 'ang tanga naman nito'. "O tinitingin mo?" Away naman nung Pulso sa bata sabay pisil ulit sa pisngi ni Tabs na namumula na. Ganyan makasagot si Pulso kasi 18 years old din yan. Isip bata ngalang minsan. Mas malala pa ata sakin (may mas malala pa pala sayo?) Manahimik ka otor ha! Basta, kasing edad ko yan. Mabuti na ngalang dahil may katuwang ako sa pagnanakaw este paghahanap pagkain at panggastos "Ke tanda-tanda mo na, inaano mo parin yung bata" sambit ko nalang dito. "Inaano?!" Di makapaniwalang tanong nito. "Inaaway mo tanga! Ang tanda-tanda mo na eh" bulyaw ko dito. "Ang sarap ba para sayo ulit ulitin yung salitang 'tanda' Matheo Yllouiesè Nevera? At tsaka makatanga ka naman, parehas lang tayo ano. Ano may pinag-aralan ka ba? Syempre wala din hahaha" pabalik din nitong bulyaw. Luh ang saya pa niya ah. "Hoy ikaw lang tanga satin ano" sabi ko dito sabay tawa. Ewan ko ba kung bakit natatawa ako, busets kasing tumawa nitong si Pulso parang pilit o nakulangan sa hangin. "Oh mga bata! Magandang umaga sa inyo. May dala akong pang agahan niyo dito. Kumain na kayo" sabi ni Ate Josephina. Siya yung may ari ng tindahang malapit sa tinitirhan naming bahay-bahay ngayon. Siya din yung nagpapakain samin minsan kapag may sobra pa siyang pagkain. Mabait si ate Josephina. Tinuturing na nga namin siyang nanay kasi siya ang nagpapakain at nag-aalaga samin. "Opo ate, salamat" nakangiting pagpalasalamat nina Tabs, Juli at ng dalawang kambal kay ate Josephina. Nagtataka ba kayo kung bakit may kambal? Ako ngarin eh. Biro lang, sila sina Bein at Bina, parehas na limang taong gulang, ang totoo niyan ang kambal nato ay nakita lang namin ni Pulso na nagtatago sa gilid ng basurahan malapit sa grocery store na pinagbilhan namin ni Pulso ng utos ni ate Josephina. Nung nakaraang dalawang bwan lang namin sila nakita pero ambilis lumapit ng loob nila samin ni Pulso. Eh awang-awa kami na hayaan nalang sila....hindi, ang totoo niyan ako lang talaga ang awang-awa na hayaan lang sila kasi itong si Pulso nalibang sa pusang nasa kabilang bahagi ng basurahan. Na-bwesit nga ako sa kanya, kaya ayun smack behind the back. Takang-taka pa nga ang loko. Syempre una nahihirapan kaming kausapin sila, kasi alam mo naman, hindi madaling makasundo yung mga bata kapag unang kita niya palang sayo. Pwera nalang kung walang hiya parehas kay Pulso. "Salamat ate" bahagyang nakangiting pagpapasalamat ko dito. Nahihiya narin kasi ako kay ate Josephina dahil siya lang parati ang pinupuntahan namin ni Pulso kapag nagugutom ang mga batang kasama namin. "Huy Yllo, may hiya ka pa pala?" Takhang tanong naman bigla ni Pulso. "Ikaw lang ang walang hiya satin, kaya okay lang yan buhay ka pa naman" diretsong sabat ko naman dito na ikinatawa ng bahagya ni ate Josephina. "Kayo talagang dalawa. Kumain na kayo. Wag kanang mag-alala Yllouiesè, wala namang problema yun. Alangan namang pabayaan ko lang kayo diba? Wala na ngang mag-aaruga sa inyo tas hahayaan ko pa kayo" sabi ni ate Josephina matapos ilagay sa mesang gawa-gawa namin ang hindi pa nailagay na pagkain. Tinutulungan din namin siya pati na yung kambal at nina Tabs at Juli. Madami-dami kasi ang naliluto ni ate kaya madami-dami din makakain namin. "Eh ate Josephina naman eh" madismayado ko namang sagot sa kanya. "Eto nalang, kung gusto mo talagang makatulong o kung sa tingin mo eh dagdag problema kayo sakin, na hindi naman totoo, ipapakilala ko kayo dun ni Pulso sa merchandiser sa bayan. Yung may ari ng silid aklatan ba dun. Naghahanap din naman kasi daw sila ng katulong dun, yung mag lilinis lang ba ng mga silid. Kung gusto niyo, puntahan natin ngayon. Balita ko, nandun yung anak ng duke ng bayan, baka malay niyo makipagtropa din sa inyo" balita samin ni ate Josephina. Abat may pagka tsismosa din pala to si ate ano. Pero ayos lang oportunidad din naman yun. "Talaga ate?!" May kinang sa matang sabay na tanong namin ni Pulso na sinagot lang ni ate ng tango with ngiti. Matagal narin kaming gustong makapagtrabaho ni Pulse kaso hindi kami nakakahanap ng oportunidad. Kaya ngayon lubusin na natin. "Maraming salamat talaga ate. Malaking oportunidad po samin to ni Pulso. Salamat po" sabi ko kay ate Josephina sabay yuko pa hanggang bewang. Sa tingin ko kasi mas ok kung ganito para malaman ni ate kung gano ako nagpapasalamat at kasaya sa oportunidad na natanggap ko. "Maraming salamat talaga ate Josephina" sabi naman ni Pulso sabay gaya din nung ginawa ko. Nang matapos ang pagyuko at nang makatayo ng tuwid ay agad naming isinagawa ni Pulso ang hand style ng pag fist bump. Yung may sari-sari pang pakulo bago ang fist bump ba. (A/n: sareh nalimutan ko tawag dun. May tawag ba dun? ahehe) "Pero tandaan niyo to, wag niyong iisiping pabigat kayo sakin ha. Kasi di niyo lang alam kung gano niyong anim napasaya ako simula nung dumating kayo sa buhay ko. Kaya wag niyo talagang itanim sa isip niyo na pabigat kayo at problema lang ang bigay niyo sakin at syempre ganun din sa iba. Dahil alam niyo naman na hindi lahat ng tao walang pake sa iba" nakangiting sambit samin ni ate Josephina sabay parang hawak sa balikat naming dalawa ni Pulso na sinagot lang namin ng ngiti at 'opo'. "Osiya kumain na kayo para maaga pa tayong makaalis" sabi ni ate kaya nagsipunta na kami sa mesa para kumain. "Eh yung tindahan niyo ate, pano yun?" Natanong ko bigla nung malala ko ang tindahan ni ate Josephina sa palengke. "Ahh yun ba? Nandun naman si Brent na anak ko, nagbabantay. Dadaan nalang tayo dun mamaya para masabihan siya" sabi nito habang nakangiting tinitignan kaming kumain. "Wala po bang trabaho si kuya Brent? Kain po kayo ate" tanong ko sabay aya din kay ate na kumain na tinanguan niya lang. "Ah wala. Linggo ngayun at sabi niya wala daw silang trabaho sa bayan. Kaya siya lang muna yung pagbabantayin ko ng tyangge tutal wala naman siyang trabaho" sagot naman ni ate Josephina sakin. "Ahh nga naman" sagot ko nalang din sabay kain nalang ng dinalang agahan ni ate samin. Woah. To be continue~ A/N: I hope mag-enjoy kayo guys ಥ‿ಥ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD