Prologue

1117 Words
"Thank you for having us, pasensya na talaga at mukhang late ang anak ko," saad ng lalaking nasa mid 40's, katabi ang asawa nito. "Oh no, it's okay Mr. and Mrs. Ross, maulan talaga ang panahon ngayon kaya understood na ang mga traffic," sagot naman ni Mrs. Razon sa mag asawang kaharap sa table. Hindi man sang ayon si Heiley sa plano ng mga magulang at maparito ngayon, pero ayaw naman niyang ipahiya ang mga ito sa harap ng kanyang magiging mga in-laws, ang magulang ng kanyang future husband, kaya no choice kung hindi umupo at maghintay ng tahimik. Dumaan ang ilang minuto, hanggang sa naging isang oras na, pero wala pa rin ang bwisit na lalaking magiging asawa niya. 'Ganyan ba ang attitude ng mga lalaki ngayon? Alam kong ayaw din niya ng arrange marriage na ito, pero rumespeto naman sana siya sa amin kahit kaunti.' Kahit inis na inis na siya hindi na lamang niya iyon ipinapahalata sapagkat bakas sa mukha ng mga magulang ng lalaking yun ang frustration at embarrassment. "We're really sorry Mr. and Mrs. Razon, specially to you Heiley, I don't think that Damon will present himself tod--" Naputol ang sasabihin ni Mr. Ross nang may lalaking nagmamadali at biglang sumulpot sa likuran nito. "Oh, I'm here Dad, did I miss something?" Nang masilayan ang pagmumukha ng kanyang misteryosong future husband, parang gusto niyang masuka nang mapagtanto na ito nga yung lalaki sa airport. She instantly look away before she made a mess here, maalala pa lamang niya kung paano makipaghalikan ang gagong to sa labas ng ladies comfort room sa airport. Parang may matinding kilabot na umakyat at gumapang sa kanyang buong katawan. Nakayukom na lamang ang kanyang mga kamay na balot ng leather gloves sa ilalim ng mesa. 'The heck, he's Damon Ross?! Now I know, his name really suit him well. He's really a demon.' isip-isip pa niya habang nakikita ang nakangisi pang mukha nito, na para bang hindi ito late ng mahigit isang oras. 'Pssh, wala talagang kahihiyan. Normal nga na lalaki hindi nagtatagal sa akin, yan pa kayang womanizer na yan. Are you kidding me?' napapailing na bulong niya sa kanyang sarili. "Hi ma'am, sir, nice meeting you po," magalang na pagbati pa nito sa kanyang mga magulang. Napangiti naman nang maganda at puno nang paghanga ang kanyang Mama, ganun din ang kanyang ama na para bang nakalimutan ng mga ito ang pagiging late ng lalaking 'to ngayon lang. 'Sabi nila first impression last, at ngayon pa lang ayaw ko na sa kanya. Una, nahuli ko na agad siyang nakikipaghalikan at ngayon nama'y late pa.' Hindi niya napigilan na mapailing habang nakatitig sa menu na kanyang hawak. Sa wakas, sa loob ng isang oras, makaka-order na din sila. Gutom na siya kanina pa tapos magpapalate lang ang lalaking ito na akala mo ay isang VIP. Ang mas nagpapa-inis pa sa kanya ay ang katotohanan na nang makita ito ng kanyang mga magulang ay parang mas nagustuhan pa nila ito. "Nice to finally meet you too, hijo," pabalik na pagbati ng ina niya. "Your mom, Alicia and I are really close friends, that's why we decided for our child to meet and married someday," saad ng kanyang ina habang napapatango lang naman ang kanyang ama sa tabi nito. Ang babae at bagong asawa naman ng ama ni Damon ay napayuko na lamang nang mabanggit ang pangalan ng tunay na ina ni Damon. Ang kasama kasi ng ama ni Damon ngayon ay ang second wife nito. Matagal na din noong naghiwalay ang mga magulang nito. "I totally agree, Damon is in the right age for having a family for himself, baka sa ganung paraan ay magseryoso naman ito at tigilan na ang pagiging mapusok," seryosong ani Mr. Ross at saka tiningnan nang may pagbabanta si Damon na nasa tabi nito. Pangisi-ngisi lang naman ang gago na parang di sineseryoso ang pag uusap na nangyayari sa ngayon. Kaya hindi siya nag-oover react sa mga nangyayari sapagkat alam naman niyang hindi sila compatible at hindi rin sila magtatagal nito. Ngayon pa lang gusto na niyang umalis at mag walk-out pero iniisip pa rin niya ang dignidad ng kanyang mga magulang. 'Tiis lang Heiley, tiis lang,' she chanted over and over in her mind. And when she shifted her eyes upward, their eyes meet, and that arrogant guy in front of her shamelessly wink at her. She quickly put his hand over his mouth to keep from vomiting because of what he had done. Napayuko na lamang siya at hindi na muli pinansin ang bwisit na lalaki sa kanyang harapan. Nagpatuloy ang pag uusap ng mga ito na para bang wala siya doon, wala naman siyang pakialam at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain. Now, what she did, really did backfired because the second thing she noticed, they're in front of a house. It's a two story bungalow house with a big and wide veranda. Tingnan pa lamang mula sa labas ang bahay na ito, isang masaya, maganda at simpleng pamilya ang nakatira o maninirahan dito. She instantly look at her mother and ask what the hell happened, and why they're here. "Tsk tsk, lutang ka kasi kanina pa anak ko, are you stunned by his handsomeness, well, I can't blame you," natatawa habang napapailing na saad pa nito sa kanya. Sa halip na mamula at mahiya na parang isang teenager dahil sa pag aasar nito, she looks at her mom with a bored looking eyes that almost saying "Are you kidding?" Mukhang napansin naman iyon ng kanyang ama kaya ito na ang nagpaliwanag. "We have decided that before you get married, it would be better for the two of you to meet first." "Thanks dad," masayang saad niya at nakahinga ng maluwag. 'Salamat naman at naisipan nila na wag agad kami ipakasal.' Pero biglang may naalala din siya. "Then, what are we doing here? Whose house is this, by the way?" Pansin niya na nagkatinginan pa ang kanyang mga magulang na para bang may hindi pa sinasabi ang mga ito. "Heiley, my dear. Alam mo naman siguro na hindi ka na bumabata--" "I know, Ma, but what's the meaning of this?" "We decided that, it's the right time for you to have a family, and hindi yun mangyayari hangga't hindi kayo nagkaka-kilala ng maayos." "Ma, I understand that, but what's bothering me is this house." "Ahm, sabi nga nila hindi mo makikilala ng mas malalim ang isang tao hangga't di kayo nagkakasama sa iisang bahay di ba? That's why, we decided---" Napapikit na lamang siya ng kanyang mga mata. 'For sure, this will be the death of me.' "--- for the two of you to live inside this house from now on."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD