Prologue

187 Words
Isa lang ang naman ang pangarap ko, ang magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang aking kabiyak na si Mariano, sa isang liblib na bayan ay aming inumpisahan ang payapa naming pamumuhay, Isang malaking pamilya ang hinahangad ng aking asawa, at handa naman akong ibigay iyon sa kanya. Sa ilang buwan na pananatili namin bilang mag-asawa, ay naramdaman ko ang kanyang labis na pagmamahal at pag-aalaga, ngunit hindi ko inakala na sa isang iglap ay may hahadlang sa aming pagsasama. Kadiliman, isang misteryo at kababalaghan na kinatatakunan ng mga residente sa aming lugar, at ang misteryong iyon ay nagdala sa akin ng matinding takot. takot para sa kaligtasan ng aking buhay at takot na mawala ang aking pinakamamahal. Dumating ang ilang pagkakataon na ninais kong lumayo, Ngunit habang tumatagal ay lalong humihirap ang sitwasyon, may mga bagay na sadyang pumipigil sa akin. may mga boses na nagsasabing huwag akong lumayo. at ang malaking dahilan ng aking pananatili ay ang mga pangako na binitawan ko sa aking asawang si Mariano. kaya kahit mahirap ay pinili kong mabuhay, at tanggapin ang mga ikinukubling lihim sa loob ng sinasabing BARYO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD