CHAPTER 1: First Encounter

2210 Words
-=Michael Ethan's Point of View=- "s**t!" hindi ko mapigilang hindi mainis habang patuloy kong sinisipa ang gulong ng kotse ko, biruin mo ba naman kung kailan importanteng makarating ako sa meeting ko with Henry Cervantes ay saka pa ako nasiraan, wala pa naman akong kaalam alam pagdating sa kotse. Wala pa naman akong driver, dahil mas ginusto kong mag-isang magdrive nang araw na ito. "Where the hell are you?!" bulyaw ko sa kabilang linya kung saan naroon ang natataranta kong assistant na si Roger. "Uhmmm..... malapit na po ako sir." sagot nito na lalong nagpainit ng ulo ko, ayoko pa naman ng hindi diretsong sagot. "Ang tanong ko ay kung nasaan ka?!" galit kong sigaw dito, sobra na kasi akong nafrufrusrate sa mga nangyayari lalo na't ilang buwan din kaming nakipag schedule kay Henry at ngayon nga lang ako naipasok sa schedule nito. "Sorry sir, nasa Edsa Station na po ako." natatarantang sagot naman nito, lalo tuloy akong nainis lalo na't sa BGC pa naman ang meeting samantalang nasa Quezon Avenue pa lang ako. "s**t!" kung hihintayin ko pang makarating ito ay siguradong malelate na ako talaga, kaya naman nagdecide akong magcommute na lang na matagal ko nang hindi nagagawa, pero kahit ganoon ay pinadiretso ko pa din ang assistant ko para sa kotse ko. Matapos masiguradong nakalocked ang lahat ng pinto ng kotse ko ay agad akong naglakad papunta sa sakayan ng MRT na agad din naman nagbago ng makita ko ang haba ng pila doon. I tried to hail a cab pero wala kahit isang bakante, nagcheck na din ako kung may available na grab after installing their app, pero wala talagang available, hanggang sakto naman na may humintong bus sa mismong tapat ko at wala na akong nagawa kung hindi sumakay doon. Bigla naman napadako ang tingin nang mga nakasakay sa bus, specially ladies. I know the effect I have with the opposite s*x. Just like before, I can feel heated glanceS coming from them, but I ignore all of it. Mabuti na lang talaga at hindi siksikan ang naturang bus kaya naman agad akong nakahanap ng mauupuan katabi ng natutulog na babaeng mukhang papasok pa lang ng trabaho. Mabigat pa din ang daloy ng trapiko kaya naman hindi ko maiwasang hindi kabahan, bandang Kamuning ng huminto ang naturang bus para magbaba at magsakay ng mga pasahero, sandali akong sumilip sa labas pero katulad sa Quezon Avenue ay mahaba din ang pila sa istasyon na iyon kaya naman minabuti kong manatili na lang sa bus. Mga ten minutes din ang tinagal namin sa lugar na iyon ng sa wakas ay umandar na ang naturang bus, habang umaandar ay may dalawa namang lalaking tumayo, iyong isang nakapulang shirt ay naglakad sa harap samantalang ang kasama nito ay sa likod naman pumuwesto. "Maganda umaga po sa mga minamahal naming mga pasahero, kami po ay hindi masamang mga tao, humihingi lang po kami ng kaunting tulong para po sa nakakabata kong kapatid, wala na po kasi kaming pera para sa pagpapaopera niya, ito po ang larawan ng kapatid ko na si Junjun, ito din po ang certification na galing sa aming barangay, nawa po'y matulungan ninyo kami, mabuti na po ang humingi ng tulong kesa magnakaw." ang sinabi nito. Bigla tuloy nadagdagan ang inis ko sa narinig dito, ang pinakaiinisan ko ay ang mga taong umaasa na lang sa limos, kaya naman nang tinapat na nito ang hawak nitong kahon ay isang malamig na tingin ang sinalubong ko dito. Mabuti naman at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin, dahil agad ako nitong nilampasan. Hindi naman nagtagal ang dalawang iyon, matapos makuha ang kailangan ay sandalian silang nagpasalamat at agad nang bumaba sa bus. Hindi ko maiwasang hindi mapabuntung hininga nang tuluyang mawala sa paningin ko ang dalawang lalaking iyon. Naiinis pa din kasi ako sa mga katulad nila. I despised people na umaasa na lang sa awa at limos nang iba. Natutunan ko na hindi ka dapat umasa sa iba, na hindi ka dapat humingi nang awa sa kahit na sino, dahil tanging sarili mo lang ang maasahan mo, and I learned that lesson the hard way, when my mother passed away. I checked my watch and cursed internally nang makita ko ang oras. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung makakaabot ba ako sa meeting ko with Henry Cervantes. Halos kakabalik lang ni Henry sa paghandle ng mga negosyo nito, naaksidente kasi ito, kaya naman ang kapatid nitong si Atilla ang humawak sa mga negosyo nito.  Atilla handled Henry's businesses quite well, kaya naman kahit nacoma si Henry ay naging maayos ang takbo ng kanilang negosyo, with the help of Ram Santiago, whos is a well known businessman. The two got married and currently on their honeymoon. Kaya naman bumalik na din sa paghahandle ng mga negosyo si Henry. I just got lucky nang makakuha ako ng appointment kay Henry, kaya naman ayokong masayang lang iyon. Naputol ang pag-iisip kong iyon nang huminto na naman ang bus sa bandang Cubao kung saan mas mahabang oras ang itinagal namin, para kasing ginagawa nang terminal ng mga bus ang bahaging iyon ng EDSA. Sa sobrang inis ay hindi ko naiwasang tawagin ang kundoktor ng bus, agad naman itong lumapit sa akin. "Yes sir? Bakit po?" magalang naman nitong tanong. "Magkano ang kailangan kong bayaran paa hindi na kayo magstopover at magsakay pa nang iba pang pasahero?" diretsong tanong ko dito, hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.  Bigla naman napamaang ang naturang kundoktor sa tanong kong iyon, masyado nang nauubos ang oras sa paghihintay kaya naman naisipan kong upahan ang buong bus, balak ko ngang pababain ang iba pang pasahero, kesehodang bayaran ko din ang mga iyon. "Ahhh... bale gusto niyo po bang magrenta ng bus? Naku kailangan niyo pong tawagan ang opisina namin para magpaschedule." sagot nito, mukhang mali ang pagkakaintindi nito sa sinabi ko. "You don't understand..." sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang huwag itong mabulyawan, kaya naman naisipan ko munang huminga na malalim, bago muling magpatuloy sa pagsasalita. "What I want is to rent this bus now!" I really tried, pero hindi ko pa din naiwasan ang pagtaas ng boses ko. "Pasensya na sir, pero katulad nga ng sinabi ko sa inyo kanina ay kailangan ninyong tumawag sa opisina para maschedule ang pagrerenta ninyo." malamig na nitong sagot sa akin, mukhang hindi nito nagustuhan ang bahagyang pagtaas ng boses ko kanina. "Hindi mo naiintindihan, I have a very important business meeting and I really need to be there as soon as possible!" tuluyan na akong napasigaw ng dahil sa frustration na nararamdaman ko, hindi pa din kasi nito naiintindihan ang urgency at importansya na makarating ako sa pupuntahan ko sa malaon at madali. "Sir! Huwag ninyo naman po akong sigawan! Katulad nga ng sinabi ko sayo ay hindi po basta basta puwedeng rentahan ang bus, kailangang ipaschedule iyon, kung mananatili naman kayong ganyan ay puwede naman po kayong bumaba na lang at maghanap ng ibang masasakyan." hindi na din ito nakapagtimpi at tumaas na din ang boses nito, akma nitong ibabalik ang bayad ko, ngunit agad ko itong pinigilan. "I will stay." napipilitan kong sagot dito. Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagka-asar na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Kung gugustuhin ko ay madali lang para sa akin ang bilhin ang bus na ito, heck! I can buy the company kung gugustuhin ko, pero mukhang wala talaga akong ibang puwede magawa kung hindi ang maghintay. "Sa wakas!" sa loob loob ko ng sa wakas ay muli nang umandar ang naturang bus, sandali naman itong tumigil at ilang sandali lang ay may sumakay na isang babae. Bigla akong natulala habang nakatingin sa mukha ng bagong sakay na babae, pakiramdam ko nga ay biglang bumagal ang takbo ng oras habang patuloy lang akong nakatitig sa maamo nitong mukha. Hindi ko namalayan na napahawak ako sa tapat ng puso ko ng may maramdaman akong kakaiba doon. Pakiramdam ko ay isa itong anghel na sumakay ng bus, kung posible ba iyon, dahil sobrang ganda at amo ng mukha nito. Ang ganda nito ay hinding hindi mo pagsasawaan at habang tumatagal mo itong titigan ay parang mas lalo itong gumaganda sa paningin. Hindi naman naligtas sa paningin ko ang tila pagkahapo sa mukha nito, pero kahit ganoon ay hindi pa din iyon nakabawa sa taglay nitong ganda. Meron itong maliit na mukha, nakakaakit na tignan ang kulay hazel brown na mga mata nito na para bang nagsusumamo kung tititigan mong maigi, napapalibutan naman ng mahahabang pilikmata ang expressive na mga mata nito, sobrang tangos naman ng ilong nito hindi ko alam kung saan nanggaling ang urge para lapitan ito at para itrace ng daliri ko ang parteng iyon ng mukha nito, hindi ko naman mapigilan mapalunok ng dumako ang tingin ko sa mapupula nitong mga labi na hatala ang natural na pagkapula ng mga iyon. "What the hell!" sa loob loob ko, she have the most luscious lips that I ever seen, and it made me wonder how her lips taste. Bigla naman akong napailing sa naisip kong iyon, how pervert can I be? Lusting over someone na ngayon ko lang nakita. Hindi naman nakaligtas sa akin ang reaksyon ng iba pang lalaki na nakasakay sa bus, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng galit sa mga nakikita kong reaksyon ng mga ito. Hindi ko din alam kung saan nanggagaling ang possessive feeling na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Muling bumalik ang tingin ko sa nakakaakit nitong mukha, ilang sandali lang ay para akong dinuyan ng marinig itong magsalita, sobrang lamyos kasi ng boses nito na para bang gusto mo na lang na makinig dito buong maghapon. Hindi agad nagregister sa akin ang sinabi nito, inabot din siguro ng dalawang minuto ng sa wakas ay nagregister sa isip ko ang mga sinabi nito. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko ng sa wakas ay nagclick na sa utak ko ang pakay nito, at ang paghangang naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng galit. "Magandang umaga po sa kapwa ko pasahero, magandang umaga din po sa kundoktor ang bus driver. Pasensya na po talaga sa abala. Ako nga po pala si Brielle. Gusto ko lang po sanang humingi ng kahit kaunting tulong..." tuluyan na akongnagising sa trance nang dahil sa kagandahan nito ng tuluyan kong maintindihan ang sinasabi nito. "s**t!" hindi ko namalayan na naibulalas ko pala iyon, bigla naman itong napatingin sa direksyon ko at halata sa reaksyon nito ang pagkagulat, may kalakasan din kasi ang nasabi kong iyon, ngunit sandali lang itong tumingin sa akin at nagpatuloy na uli ito sa pagsasalita. Ayon dito ay may malubhang sakit ang Tatay nito at kailangan na kailangan nitong maoperahan sa malaon at madali, at humihingi ito ng tulong para maisagawa ang naturang operasyon, in short ay namamalimos ito. Kung kanina ay pagkainis ang naramdaman ko sa dalawang lalaking namalimos kanina ay mas malalim ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, I felt disgusted and I despised her for stooping down so low. Tuluyan nang nasira ang pagtingin ko dito, kahit anong ganda kasi nito ay hindi ko matanggap na magpapakababa ito para mamalimos. Ilang sandali nga lang ay naglakad na ito para mag-abot ng mga sobreng hawak nito, nagpatuloy ito sa pamimigay hanggang sa matapat ito sa puwesto ko. Kita ko ang pag-aalangan sa maganda nitong mukha, napansin siguro nito ang paraan ng pagtingin ko dito, kaya naman imbes na abutan ako nito ng sobre ay minabuti nitong lampasan na lang ako.  Nagpatuloy ito sa pag-abot ng mga sobre, sandali pa itong naghintay at matapos ang ilan pang mga minuto ay muli nitong kinuha ang mga inabot na sobre. "Maraming salamat po talaga sa lahat ng mga tumulong at muli ay sorry po kung masyado na akong nakainstorbo." tila nahihiya nitong sinabi, pero alam ko naman na umaarte lang ito, at hindi totoong nahihiya ito, sigurado akong sanay na ito sa pamamalimos. Matapos nitong magsalita ay agad na din itong bumaba ng bus, nanatili akong nakatingin dito hanggang sa tuluyan na itong makababa, kaya naman laking gulat ko ng bigla tumunog ang cellphone na hawak ko. "Finally!" saloob loob ko ng makita ang notification sa cellphone ko, sa wakas kasi ay may nagconfirm na sa grab na kanina ko pa binubook. Nawala kasi sa isip ko na patuloy pa din ako sa pagsubok na magbook ng grab ng sumakay ang kaninang babae, kaya nagulat ako ng may nagconfirm na. Nagmamadali akong bumaba ng naturang bus, hindi ko na din pinansin ang pagmumura ng kundoktor kanina ng mapansin nitong bumaba ako. Sakto naman ng makababa ako, pasakay naman ang kaninang babae sa bus na nasa likuran lang ng sinakyan namin kanina. Sandaling nagtama ang mga paningin namin, hindi nakaligtas sa akin ang tila lungkot sa mga mata namin, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng guilt ng makita iyon, gayon wala naman akong dapat ikaguilty dito. Hindi naman nagtagal ang pagtitig ko dito, dahil nagpatuloy na ito sa pagsakay sa kabilang bus, muli ay naalala ko ang pakay nito at dahil doon ay nawala ang guilt na naramdaman ko kanina. Para sa akin kasi ay hindi dapat kaawaan ang mga tulad nitong namamalimos, madaming paraan para kumita, pero mas pinili nitong magmakaawa at mamalimos sa ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD