Prologue

1965 Words
Zaparta's POV "Wait wait wait! alam ko yan, alam ko yan!" tumingin ako kay Ate Zoe na sumisigaw sigaw habang nakaduro sa envelope na hawak ko. Nakita ko ito sa mailbox namin ngayon. Nakapangalan sakin ang envelope pero hindi ko alam kung kanino galing dahil walang nakasulat kung sino nagpadala nito. May gold rose na nakadesign at dragon. "Malamang." nakairap na sabi ni Ate Alexa. Gusto kong matawa sa dalawa. Natutuwa ako kapag sinusungitan ni Ate Alexa si Ate Zoe na hindi naman naaapaktuhan sa sinasabi ng asawa. "Ano ba yan?" takang tanong naman ni Mama habang parehas sila ni Papa na nakatingin sa envelope na hawak ko. "Alam ko yan!" sigaw ulit ni Ate Zoe. "Zoe!" napafacepalm si Ate Alexa kay Ate Zoe na lagi na lang hyper. Sa edad nyang 40 years old para syang batang umasta minsan. Hindi din naman halata sa kanya na 40 years old na sya dahil ang bata nya pang tignan. "Ano ba yon at ang ingay ni Zoe?" mula sa likuran nila Ate Zoe na kakalabas lang galing kusina si Kuya. "Teka, parang alam ko yan ah. Yan ba yung envelope na galing sa Dragon Basketball Girls Internation Training Camp?" at nasabi na ni Kuya kung ano ba talaga ang envelope na 'to. "Kuya! bakit mo sinabi? ako nga magsasabi non eh!" maktol ni Ate Zoe. Oh diba? parang bata. Napatingin ako sa envelope na hawak ko at hindi pinansin ang sermon ni Ate Zoe kay Kuya. "Buksan mo na anak para malaman natin kung ano nilalaman nyan." sabi ni Papa. Tumango ako at kinuha ang nilalaman ng envelope. Nakaabang naman sakin ang lahat. Isang papel na mukhang mamahalin dahil sa ganda ng design nito at mabango pa. Mababasa agad sa papel ang Congratulations na nasa gitna at itaas ng papel. Binasa ko ang nakaligay sa papel. Hindi naman sumilip sila Ate Zoe pero nakangiti sila. Mukhang alam na nila kung ano ang nilalaman nito. Natural, naggaling sila dito kaya alam na alam nila. "Hindi ko alam na nagtry-out ka pala sa training nila." sabi ni Ate Zoe habang nagbabasa ako. "Maganda yan Zap, lalo ka gagaling sa paglalaro ng basketball, diba hon?" yumakap sa likuran ni Ate Alexa si Ate Zoe. Ganyan yan si Ate Zoe kahit madaming tao sa paligid, kung gusto nyang lambingin si Ate Alexa, wala syang pakialam. "Yeah. Congratulation at isa ka sa napiling itra-train nila." sabi ni Ate Alexa na nakangiti sakin. "Oh bakit hindi ka masaya, anak?" tanong ni Mama kaya naman nagtatakang tumingin sakin sila Ate. Ibinalik ko sa loob ang papel at sumagot sa tanong ni Mama. "Hindi ako magtra-training sa kanila." "Ano?!" sigaw ni Ate Zoe at Kuya. Nakita kong napangiwi si Ate Alexa dahil sumigaw si Ate Zoe malapit sa tainga nya. "Pero bakit?" takang tanong ni Ate Alexa at inilayo ang mukha ni Ate Zoe. "Sumali ka pa sa try-out nila kung hindi mo rin pala gusto magtraining sa kanila." sabi ni Ate Zoe na nakakunot ang noo. "Hindi naman ako nagtry-out sa kanila." sagot ko. Ibinaba ko sa lamesa ang envelope. Kita sa mukha nila ang pagtataka sa sinabi ko. "Huh? eh paano ka naman nila nabigyan ng invitation kung hindi ka nagtry-out?" tanong ni Kuya. "Hindi ko alam sa kanila. Ayon sa nakasulat, nakita daw nila ang potential ko sa paglalaro ng basketball kaya iniimbitahan nila akong magtraining sa kanila." sinabi ko kung ano ang nakasulat sa papel. "Bakit ayaw mo? magandang pagkakataon ang magtraining sa camp." sabi ni Ate Zoe. Alam ko naman yon dahil doon sya gumaling sa paglalaro at nakilala sa larangan ng basketball. Kahit sino na nabigyan ng pagkakataong magtraining sa camp na yon, makikilala agad. Hindi dahil sa pangalan ng camp kundi dahil sa galing ng bawat player doon. "Ayoko lang." nawe-weirduhan sila sa sagot ko. "At tsaka magqu-quit na ako sa pagba-basketball. Ngayon ko dapat sasabihin sa inyo yon pero dumating ito." sabay tingin ko sa envelope. "Bakit? Diba mahal mo ang pagba-basketball?" takang tanong ni Mama. "Bakit titigil ka?" "Niyaya kasi ako ni Josh sumali sa soccer. Pwede daw babae. Gusto ko naman itry ang soccer." pagdadahilan ko. "Sigurado kang ayaw mo na magbasketball?" nag-aalalang tanong ni Papa. Ngumiti ako sa kanya. "Opo Pa. Ayokong maoffend kayo," tumingin ako kanila Ate Zoe. "Pero nakakasawa na din magbasketball." Tinignan ako ni Ate Zoe bago ito nagbuntong hininga. Siguradong nadismaya ko sya sa sinabi ko. Pangarap nya sakin na maging best player ng Pilipinas dahil yun ang gusto nyang mangyari sa kanya noon pero hindi nangyari dahil nawala ang kanang braso nya. Gusto ko din naman yon noon pero hindi na ngayon. "Sige. Kung yan ang gusto mo kahit na naghihinayang ako na titigil ka na sa paglalaro, hindi kita pipilitin. Masyado kang magaling para sayangin mo ang career mo sa basketball. Akala ko ikaw na ang papalit sa trono ni Ate Kill, hindi na pala mangyayari." sabi nya na ikatawa ko. "Ate, hindi ako magaling." sabi ko sa kanya. "Anong hindi? natatalo mo si Ate Kill, si Japan at Alexa." sabi nya at tumingin sa asawa. "Ako nga hindi ko magawang talunin 'to." "Mahina ka kasi." sagot naman ni Ate Alexa. Natawa kaming lahat. "Matanda na sila kaya natural lang yon." napatingin ako kay Ate Alexa na nakataas ang kilay sakin. Natawa ulit ako. "Wag masyadong hot, Ate." "Pero sayang pa din yon ah." sabi ni Kuya. "Pero okey na din yon para may maiba naman ang sports sa pamilya na 'to. Puro na lang basketball ang mga tao dito. Sigurado din akong magaling ka sa soccer kaya susuportahan kita." Natawa naman kami. Ang dalawang anak ni Kuya at nila Ate Zoe ay mahihilig din sa basketball. Hindi ko sila masisisi dahil si Ate Zoe ay isang coach at minsan ay sinasama nya ang mga bata sa gym tapos si Ate Alexa na naglalaro pa din at ako kaya nahawa ang mga anak nila sa paglalaro ng basketball. "Salamat Kuya!" nakangiting sabi ko sa kanya. Nagthumbs-up sya sakin. "Sayang ito." sabi ni Ate Alexa habang hawak ang envelope. "Hayaan mo na. Kakausapin ko si Ate Ella about dito baka magtaka sila kung bakit wala si Zap doon." sabi ni Ate Zoe. "Mukhang sila ang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng invitation sa camp." "Thank you Ate." nakangiting sabi ko. "Nah, maliit na bagay." kinuha nya ang envelope kay Ate Alexa. "Pero sayang talaga." ilang beses ko na ba narinig ang sayang sa kanila? "Diba sinabi mo na? hayaan na." natawa ako kay Ate Alexa. Oo nga naman kasi, ang kulit. "Oo na po." sabi ni Ate Zoe tsaka humalik sa pisngi ni Ate Alexa. Dinaig pa nila ang mga magulang namin sa kasweetan. "Balita ko rin nakapasa din si Kriza dito." dagdag nya. "Paano sya nakapasa kung nasa ibang bansa sya for 5 years?" takang tanong ni Kuya. "Pero sabagay, apo sya ng may ari ng camp." "Hindi baliw. Wag mong maliitin ang kakayahan ni Kriza. Umuwi yon dito last month para makapagtry-out tapos 3 days lang itinagal nya dito at bumalik ulit sa Japan." sabi ni Ate Zoe. "Anak yon nila Ate Avey at Ate Kill kaya magaling ang batang yon. Diba Zap?" Hindi ako umimik pero tumango ako. "Akyat na po muna ako." sabi ko. Tumango sila at hinayaan nila akong tumungo sa kwarto ko. Mabilis na nagdive ako sa higaan ko at tumingin sa kisame. Mas lalong hindi ko tatanggapin ang imbitasyon ng camp sakin sa nalaman ko. Hindi iyon matutuwa kapag nalaman nyang- ako, hindi nagtry-out pero may imbitasyon na natanggap na magtraining sa camp at sya, na nagtry-out. Mas lalo lang ako kamumuhian ni Kriza. Sya lang naman ang dahilan kung bakit ako titigil sa paglalaro ng basketball. Tyrant's POV "Grabe ang tagal naman lumabas non." inip na sabi ko habang naghihintay kami sa waiting area para sa pagdating ni Eloi. "Atat makita ang crush?" nakangising sabi ni Mama Torey ko. Ngumuso ako. "Chill lang ang mga magulang nya oh, tapos ikaw sobrang atat." "Ma naman." sabi ko at tumingin sa lalabasan ng mga dumating dito sa pilipinas. "Bakit pinauwi mo ngayon si Eloi? isang taon pa bago sya pwedeng sumali sa Cup." sabi ni Tita Irene. Ang Mama ng hinintay namin. "Para makilala nya ang mga makakaharap nya at para naman masanay na sya sa team. Parang ikaw din yon eh, mailap." sabi ni Mama. "Nakakapagtataka nga na hindi namana ni Eloi ang pagiging friendly ni Eli. Sya naman nagdala kay Eloi." natawa kami sa sinabi ni Mama habang si Tita Irene ay nakitbitbalikat lang. "Malakas kasi ang genes ko." sabi naman ni Tita Irene. Ngumiti lang si Tita Eli sa sagot ni Tita Irene. Asawa ni Tita Eli si Tita Irene. Magkaiba nga naman talaga ang ugali nilang dalawa. Mabait si Tita Eli at nakikisabay pa sa mga biro habang si Tita Irene na sa pamilya lang nya hindi nagsusungit o nagiging cold pero malakas din mang-asar si Tita Irene na madalas mapikon si Mama sa kanya. "Nandyan na si Eloi." sabi ni Mommy Madelyn. Ang isa ko pang ina na syang nagsilang sakin. Magkahawig na magkahawig kami ni Mommy Madelyn. Tangin nakuha ko lang kay Mama Torey ang mga mata nya. Hinanap ko agad si Eloi. Kahit na kahawig ni Eloi si Tita Eli, kaaura naman nya ang isa nyang ina na si Tita Irene na cool lang pero cold naman. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya. "Eloi! Welcome back!" sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya. "Kaya ayokong umuwi." sabi nya at inalis ang braso ko sa pagkayakap sa kanya. Ngumuso naman ako sa kanya. "Aww busted ulit ang anak ko." pang-asar ni Mama. Sinamaan ko ng tingin si Mama at nagpapaawa naman akong tumingin kay Mommy. Sinapak naman ni Mommy si Mama kaya naman napangiti na ako dahil nakaganti ako kay Mama gamit si Mommy. "Welcome back, Eloi." sabi ni Tita Eli at niyakap si Eloi. Niyakap naman ni Eloi si Tita. "I miss you Mom." buti pa si Tita miss nya. Sunod nyang niyakap si Tita Irene. Nakipagbeso naman sya sa mga magulang ko. "Paano ako?" nakasimangot na sabi ko. Tinignan nya lang ako at nag-ayang umuwi na. "Tita Eli oh!" sumbong ko. "Wag ka na magtampo dyan. Palagi mo naman na makakasama si Eloi." sabi ni Mommy.  "Sabagay." sabi ko. Natawa sila sa pagbago ng mood ko. Nilapitan ko si Eloi at hinawakan ang braso nya. "Let's go!" Naglakad kami patungo sa van na ginamit namin. Kinakausap nila Mama si Eloi tungkol sa basketball. Hay nako, puro na lang basketball. Hindi ba pwedeng paano kaming dalawa? "Nabalitan ko na magtra-training si Kriza sa Dragon Empire." sabi ni Mama. Nasa byahe kami ngayon pauwi sa bahay nila Eloi. "Two years bago mo sya makaharap at sigurado akong mas gagaling pa si Kriza doon." "I don't mind." sagot ni Eloi. "Tatalunin ko pa din sya." "Yan ang gusto ko sayo, Eloi. May isang taon ka para mas gumaling pa lalo tapos next year, tatalunin na natin ang Dragon Empire." sabi ni Mama.  Ang laki talaga ng pangarap ni Mama. Si Mama ang coach ng Shakers at gusto nyang talunin ang Dragon Empire na hindi matalo talo at laging champion sa Cup. Huling champion ng Shakers sa Cup, fifteen years ago na nakakalipas. Panahon pa nila yon.  "Galingan mo din Tyrant. Kayong lima ang inaasahan kong tatalo sa Dragon Empire." sabi ni Mama. Tukoy nya sa tatlo kong kaibigan. "No problem, Mama. Basta kapag nanalo kami, papakasalan ninyo kami ni Eloi." sabi ko. Natawa ang mga magulang ko pati si Tita Eli. "Eww." sabi ni Eloi na ikanguso ko. "Sumuko ka na, Tyrant." sabi ni Tita Irene na nagdri-drive. "Ayoko nga Tita. Matutunaw ko din ang yelong Eloi na ito." sabi ko. Napailing na lang si Tita Irene sakin habang nakangiti naman ang tatlo. -----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD