CHAPTER 1

3083 Words
Vacation would be the most amusing thing for me sa ngayon. As a fresh college graduate, gusto ko munang magpahinga this summer bago pumasok sa trabaho. It has been a tough year for me. Lahat ng mga pagod at puyat ko for the rest of the school year is worth it naman. "Anong oras ang alis mo Bell?" Napatingin naman ako sa pintuan ng room ko nang biglang bumukas ito. Napangiti naman ako nang makita ko si Mama. "Ten o'clock mamaya, Ma," maikling sagot ko at ipinagpatuloy na ang paglagay ng mga damit ko sa maleta. Alam kong hindi masyado in favor si Mama sa plano kong pag bakasyon sa kapatid niya sa Tagaytay for a while. She wants me to stay para may kasama sila dito ni Dos sa bahay since nasa New York si Kuya Uno para sa isang conference nila sa Hospital na pinagtatrabahuhan niya. "Payag na ako ngayon na tumigil ka muna ng ilang linggo kay Tita mo Stephanie, pero kapag umuwi na ang Kuya mo next month ay umuwi ka na rin dito ha?" paki-usap niya naman sa akin habang naka-upo sa gilid ng kama ko. Mama trusts me. Alam niyang hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasira ko at ikakagalit ng pamilya ko kaya kahit saan man ako pumunta, basta makapagpaalam lang ay papayagan niya ako. Ngumiti naman ako at lumapit sa kaniya. "Thank you, Mama!" ani ko sabay yakap sa kaniya. Tumayo na siya at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ko. "I cooked your favorite ulam dahil last meal mo na ito ngayon sa bahay kaya go downstairs after you finish packing, okay?" Napataas naman ang kilay ko. "Ito namang si Mama kung maka last meal naman akala mo ay uuwi na ako sa asawa ko at hindi na babalik dito sa bahay," biro ko pa sa kaniya. "Subukan mo lang Isabella at malilintikan ka sa akin!" ani niya naman at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. "Biro lang Ma, ito naman!" Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga gamit ko ay bumaba na ako at nadatnan ko naman si Mama na naghahanda ng pagkain. Sa hagdan palang ay amoy na amoy ko na ang niluluto nila. "Escabeche yorn?" Lumapit na ako kay Mama at inamoy ang niluto niya at inilapag na niya ito sa mesa. "Sige na kumain ka na at para maka-alis ka ng maaga. Ihahanda ko lang din ang ipapadala kong pagkain kay Stephanie." "Okay dots," sagot ko. "Ay by the way Ma, kumusta pala ang pagbebenta mo ng mga beauty porducts mo may natira ka pa ba diyan? Pahinga naman," wika ko naman sa kaniya. May binibenta kasi si Mama na product galing sa kaibigan niya sa kabilang street at nagustuhan ko naman, pero masyadong madamot si Mama kaya hindi niya ako binigyan. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napalingon sa akin. "Ubos na noong isang araw pa. Naghihintay nga ako ng mga bagong stock galing kay Mirna at nang makapagbenta ulit ako." "Ah gano'n ba..." "Anong araw na ba ngayon?" tanong pa sa akin ni Mama. Napakunot naman ang noo ko. "Wait, hindi ko nga rin matandaan eh, uhmm, Monday? Ay oo Ma, Monday ngayon." Pati ako ay nakakalimutan ko na rin ang petsa at araw. Ano ba 'yan, ilang buwan lang akong graduate pero sa tingin ko ay lahat ng pinag-aralan ko ay nawala na lahat. "Lunes? Nako! Pakigising nga ng kapatid mo sa taas dahil may taekwondo lessons pa 'yan mamaya sa Robinsons," ani naman ni Mama. Napa-irap naman ako at inayos na ang mga pinagkainan ko. "Ang swerte naman ni Dos, Ma. May pa summer lessons na samantalang kami ni Kuya dati ay tamang stick lang ang gamit." Biro ko lang 'to kay Mama dahil alam ko naman ang hirap na dinanas niya para lang makapagtapos kami ng pag-aaral. "Ang dami mong sinasabi diyan, alam mo naman na mag-isa lang akong kumakayod sa inyo dati at hindi naman ako ang nagbabayad ng bawat session nang kapatid mo na 'yan kung hindi ang Kuya Uno mo," bulyaw naman sa akin ni Mama kaya napatawa ako. Tumayo na ako at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo. "Kalma na po kayo Ma nagbibiro lang talaga ako. Diyan lang kayo at gigisingin ko muna ang pogi nating bunso." Bumalik na ako sa taas patungo sa kwarto ni Dos. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya at nadatnan kong mahimbing pa ang tulog ng bata. Lumapit naman ako at umupo sa gilid ng kama niya. "Dos, Dos," malambing kong tawag. "Gising na baby. Ngayong araw daw ang first day mo sa taekwondo classes mo and I know you're pretty excited about it. Dos..." Marahan namang iminulat ni Dos ang mga mata niya sabay inat. "Ate..." daing pa niya. Tinulungan ko na siyang makabangon kaya agad akong napangiti nang bigla siyang uminat sabay sandal sa dibdib ko. "I'm still sleepy, Ate," ani niya naman sa akin. I sighed lightly. "You don't like being late right? If you want to be on time sa taekwondo lessons mo ay bumangon ka na diyan para early ka pang makapunta doon," sambit ko pa sa kaniya. Sa amin tatlo kasi kay mas close si Dos kay Kuya Uno dahil dati na nag-aaral pa ako ay halos hindi na ako makapagbonding sa kanila dahil na rin sa dami ng ginagawa ko at pinag-aaralan ko since I'm not smart like Kuya. Marahan na siyang bumangon ulit at napatingin sa akin. "Okay Ate. But why are you the one waking me up? Where is Mama?" tanong niya pa. "Mama is preparing your food," sagot ko pa. Hindi ko pa pala nasasabi na aalis ako ngayong araw at sa susunod na na buwan babalik. "Ate will be gone for a month muna from now on. Be a good kid okay? Huwag mong hahayaan na ma stress si Mama dito," paliwanag ko naman sa kaniya. Napasimangot naman si Dos kaya napangiti ako. Sadya naman talagang cute ang mga bata when making an expression. "Kuya Uno left last week, pagkatapos ay aalis ka rin Ate?" mangiyak-ngiyak niyang saad. Hinawi ko naman ang buhok niyang nasa mata na niya. "Don't worry. Kuya Uno will be back in a few weeks nad uuwi na rin ako that time. Let's go downstairs na?" "Okay Ate." Tumayo na siya at bumaba ng kama. Nang bumaba na kami ay nadatnan namin si Mama na nagluluto ng healthy food ni Dos. Nang makita niyang kaming pababa ay tamang-tama naman na kakalatag lang niya ng pagkain sa mesa. "Gising na pala ang baby namin. Come here baby!" Tumakbo na si Dos papunta kay Mama kaya sumenyas na ako na aakyat na para mag-ayos. Pasado alas-otso na naman kasi ng umaga kaya kailangan ko na ring magligo at mag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako dala-dala ang malaking maleta ko. Nadatnan ko namang nanunuod si Dos ng TV samantalang si Mama naman ay may bitbit na paperbag. "Hindi mo pa inaayusan ang isang 'to, Ma?" pagtatakang tanong ko sa kaniya. "Ate!" "Tumawag sa akin ang manager na may kailangan pa raw silang ayusin sa venue kaya sa Wednesday nalang mag-uumpisa," pahayag naman ni Mama. "Oh I see. Paano ba 'yan..." Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Dos paakyat ng hagdan. "Anong nangyayari diyan?" tanong ko pa. Itinuro naman ni Mama ang TV kaya napatango nalang ako. Pinapalabas pala ang paborito niyang cartoon film ni Jackie Chan kaya everytime na lumalabas 'yan ay kinukuha niya sa room niya ang mga medallion. "Dos, aalis na ang Ate. Won't you say goodbye atleast?" sigaw ko naman para marinig niya ako. "Bye bye Ate, take care. I love you!" "I love you too!" pabalik kong tugon sa kaniya. Napa-iling nalang ako at lumapit na kay Mama. "I'll go ahead na Ma. Baka maiwan pa ako ng bus kaya kailanga ko nang umalis. May iniabot naman siya sa akin ni paperbag. "Pagkain niyo 'to for lunch. Alam mo naman ang Tita Steph mo na palagi bumibili lang sa mga fast food chain kaya andaming sakit na dinaramdam. Kare-kare 'yan at Adobo." Napangiti naman ako kay Mama. "Thank you! Sige na huwag na kayong masyadong magpuyat na pinapanood niyong k-drama na 'yan ah? I'll be back ni a month." "Ingat Bell. Love you!" "Love you, Ma." Lumabas na ako ng bahay at kumaway kay Mama. Sumakay na rin agad ako ng tricycle papunta sa Terminal ng Bus at sumakay ng papuntang Tagaytay na byahe. Mga tatlong oras hanggang apat lang naman ang byahe kaya baka hapon na ako makarating kela Tita. Mabuti nalang at nakahanap ako ng magandang pwesto sa likurang bahagi ng bus sa may bandang bintana. Makulimlim pa ang panahon kaya perfect sa pagiging emo ko for a while. I've never been free like this since then. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag unwind. Alam kong tapos na ang journey ko as a student pero ngayon naman nag-uumpisa nag buhay ko as a young adult who strives for her future. Isa akong graduate ng Multimedia Arts and ang inaaplayan kong trabaho ngayon ay bilang isang graphic artist. Hindi ganoon kalaki ang sweldo pero I love what I'm doing. That's what matters the most. Wala rin namang problema sa family ko ang kinuha kong course kahit na ang gusto talaga ni Mama para sa akin ay maging isang ganap na doktor din kagaya ni Kuya. I grabbed my earphones inside my bag and inserted it on my phone. I love mild songs during this weather kaya I have chosen Macklemore and Ryan Lewis song na White Walls. Napangiti naman ako dahil saktong-sakto sa panahon ang pinapatugtog ko. Kahit na nakaka-antok ang kanta at kahit na sobrang haba ng byahe ay hindi manlang ako nakatulog. Makalipas pa ang ilang oras ay nakarating na rin ako sa wakas sa Terminal ng Tagaytay. The air I breathe ay ibang-iba talaga nang nasa Manila pa ako kanina. Kaya pala mas pinili nila Tita Stephanie na dito nalang magpatayo ng bahay kahit na nasa Manila pa ang kanilang negosyo. Alam ko na naman kasi ang addres ng subdivision nila dahil minsa na rin kaming pumunta dito nila Mama at Kuya. Sumakay na ako ng Jeep hanggang sa makarating sa tapat ng isang exclusive na subdivision. Hindi na rin naman ako mahihirapan dahil may mga shuttle buses naman na umiimot kaya sabihin mo lang ang block at lot ng bahay ay ihahatid ka nila. Nang makababa ako ng shuttle bus ay ang agad na sumalubong sa akin ay ang pinsan kong si Claire, ang bunsong anak ni Tita Stephanie. "Ate Bella!" masayang sabi niya naman sabay yakap sa akin. "Are you gonna stay here for the whole summer na ba, Ate?" tanong niya pa sa akin. I'll get used to the kaconyohan nalang ng mga pinsan ko dito simula ngayon. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Hindi pa ako sure eh, kapag kasi umuwi ang Kuya Uno niyo galing New York ay uuwi na rin ako sa bahay kaya let's see. Nasaan sila Tita pala at mga kapatid mo?" pagtatakang tanong ko pa. "Belladona!" Napa-iling naman ako nang marinig ko ang pangalan na 'yan dahil iisang tao lang naman ang tumatawag niyan sa akin. Napasulyap naman ako sa tapat ng pintuan at nakitang nakatayo si Ann. "Stop calling me that word, Ann," ani ko at lumapit na rin sa kaniya sabay beso. "How are you?" "Fine, graduate na tayo kaya more fun!" wika niya naman. Pinagtulungan na ng dalawa ang malaki kong maleta kaya napatawa ako. Mas matangkad sila sa akin pero mas malakas naman ako sa kanila. Napatigil naman kami sa pagtatawanan nang makita ko si Tita Stephanie na galing sa kusina. "Bella, you here. Welcome child!" Lumapit na ako sa kaniya sabay beso. "Hi Tita." "I'm si glad na nandito ka at hindi na mababagot ang mga pinsan mo na 'yan," ani pa niya. "Nasaan na nga pala sina Pamela at Andrew?" "Bumili pa sila ng lunch natin sa labas Meh," sagot naman ni Claire na nahihirapan sa pagpasok ng maleta ko sa kwarto ni Ann. "Ay may dala po akong pagkain para sa lunch natin. Niluto po ni Mama," inilabas ko na ang paperbag at ibinigay kay Tita. "Kare-kare po 'yan at Adobo." "Wow, masarap pa naman magluto si Tita," wika pa ni Ann. Sumunod na kami kay Tita sa kusina at umupo na sa dining table. Napangiti naman ako dahil siguradong masaya sila kapag nagkakasama-sama na kahit pa na nasa ibang bansa pa si Tito nagtatrabaho bilang isang engineer. "Kumusta naman pala ang paghahanap mo ng trabaho, Bell?" tanong ni Tita sa kain habang inilalagay sa mangkok ang mga dala kong pagkain. "Nakapagpasa na rin po ako ng ilang resume sa iba't-ibat company sa Manila pero wala pa naman akong plano mag trabaho since gusto ko munang makapagpahinga this summer, siguro by August doon na ako magtatrabaho," sagot ko naman kay Tita. Kinalabit naman ako ni Ann. "Sa iisang kompanya nakang tayo magtrabaho tutal sa graphic design ka naman magaling why ako naman sa video presentations," ani pa niya. "Oo nga Bell, at para mabantayan mo rin 'yang pinsan mo sa trabaho." Napatawa naman kaming dalawa ni Tita habang si Ann naman ay iritang-irita. "They're here!" dinig naming sigaw ni Claire galing sa labas kaya napatayo na ako. Nandito na si Ate Pamela at ang kambal ni Ann na si Andrew. "Isabella, I missed you!" Dali-dali naman akong lumapit kay Ate Pamela at niyakap siya. Minsan lang din kasi kaming magkitang dalawa dahil narin nagtatrabaho siya sa Canada bilang isang nurse. "I missed you too, Ate. I'm glad at tamang-tama na nandito ka rin pala nagbabakasyon ngayon." Tatlong taon na rin kasi si Ate Pam simula nang umalis siya dito at magbabakasyon din siya for two months lang dito sa Pilipinas at babalik narin. Tinapik na rin ako ni Andrew. "Good to see you again, Sis," ani pa niya kaya ngumiti ako. "Balita ko ay may ipinakilala ka na rito sa bahay niyo ah?" biro ko naman sa kaniya at umupo na kami. Bumili pala sila ng dalawang bucket ng chicken joy at family bundle na spaghetti. "Kumain na muna tayo," sambit ni Tita sa amin. Nag-umpisa na kaming kumain na anim at masayang nag-uusap lang. Nakakamiss din pala na makipag bonding na ulit sa mga pinsan ko. "Kumusta naman pala ngayon si Henry, Bell? Dinig ko kay Ate Sofia ay ay nasa New York siya ngayon para sa isang conference?" tanong pa niya sa akin. Tumango naman ako. "Opo, and maybe he'll be back in a few weeks saka nalang din ako uuwi," ani ko pa. Napatigil naman ako nang bigla akong tinapik ni Ann. "Oh ano na naman ang chika?" tanong ko sa kaniya. Kilala ko 'tong pinsan ko na 'to eh. Mas mabait pa nga si Andrew sa kaniya dahil napakakulit ng babaeng 'to. "Bar tayo mamayang gabi," bulong niya sa akin. "Sabihin mo kay Mommy dali," dagdag pa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hala huwag mo akong idamay diyan sa kalokohan mo na naman st babatukan kita," sambit ko rin sa kaniya. "Tutal, Isabella's here so let's have fun. Can we go to the bar later Mom?" tanong ni Ate Pamela kay Tita Stephanie kaya tuwang-tuwa ngayon si Ann. Napatingin naman sa akin si Tita. "Well you know the fact that Bella and Henry isn't like us. Alam mo naman kung paano sila pinalaki ng Tita Sofia niyo so it's up to her. Are you in ba sa plano ng mga pinsan mo, Bella?" tanong sa akin ni Tita. Anim na mga mata naman ang nakatitig sa akin ngayon kaya mahiya naman kao kung hindi ko sila pagbibigyan lalo na at minsan lang naman ako malapagbakasyon dito. Ngumiti na ako. "I'm in Tita," sagot ko sa kaniya. Nag-apir naman sina Ann at Andrew kaya napa-iling nalang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga nalang muna ako sa kwarto ni Ann dahil na rin sa pagod mula sa byahe. Nang dapit-hapon na ay nag-ayos na rin si Tita dahil night shift ang trabaho niya sa Hospital bilang isang nurse. "I'll be home in the morning kaya magsi-ayos kayo mamaya kapag umalis na kayo, are we clear?" paalala naman sa amin ni Tita. Nandito kasi kaming apat ngayon sa room ni Ann nakatambay at nag-uusap ng kung ano-anong mga bagay. "Copy Mammeh!" sabay nilang sabing tatlo kaya napatingin sa akin si Tita. "I have trust in you, Bella. Ikaw na ang bahala diyan sa mga pinsan mo," ani pa niya sa akin. Ngumiti naman ako. "Yes po, Tita. Makakaasa kayo." Isinara na niya ulit ang pintuan at tuluyan nang lumabas kaya nagsitawanan na kaming apat. "Oh ano, saang bar ba tayo pupunta?" tanong ni Andrew. Napa-isip naman si Ann. "What about bar hoping nalang tayo para mas fun?" she suggested. "No!" mariing sagot ni Ate Pamela. "We should stay in one place para hindi na tayo mahirapan sa pag park ng car. Kailangan may isa ring sober sa atin para makapagdrive pauwi bukas ng umaga." "So sa anong bar tayo?" tanong ko pa sa kanila. "Station 15, how's it sound?" ani pa ni Andrew. "G! Maganda raw do'n sabi ng mga friends ko," dagdag pa ni Ann. "We're settled then, magsi-ayos na kayo. We'll leave at 9pm later," wika ni Ate Pamela at lumabas na ng room ni Ann. Napag-isipan naman naming matulog nalang muna dahil alam aabutin kami ng hanggang umaga bukas. Eenjoy na raw kasi namin ang gabi kaya dapat energize kami bago umalis. Mama won't be glad about what am I doing righ now pero syempre kailangan ko paring magpaalam sa kaniya ng maayos sa mga pupuntahan namin. "Sige na Ma, minsa lang naman eh," pahayag ko sa kaniya. "Alam mo ikaw unang araw mo pa nga lang diyan ganyan na agad ang mga ginagawa mong bata ka," mariing pahayag niya naman sa akin sa kabilang linya. "Ma, I know you trust me. Atsaka kasama ko naman silang tatlo kaya alan mong safe ako sa kanila right? I you know I won't do anything to harm myself." Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Mama sa kabilang linya. "Okay fine, pero always update me sa mga nangyayari sa'yo diyan okay? Ingat kayo. Love you nak." "Love you too, Ma." Ibinaba ko na ang tawag at napatigil nalang muna sa veranda nila Tita sa second floor. Tulog ang tatlo kaya hinayaan ko nalang muna sila. Alam ko rin naman kasi na sa lakad namin mamaya ay sila lang ang malalasing at ako ang magbabantay sa kanilang tatlo. "Ate Bell?" Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Claire. "Oh Claire, what brings you here? By the way congrats pala at ikaw ang valedictorian ng batch niyo this school year." Hindi ko alam kung bakit sa lahat sa aming magpipinsan ay mukhang ako lang yata ang may mahinang utak sa lahat. Ngumiti naman siya sa akin ng malapad. "Thank you, Ate. Nasaan po sila?" "Natutulog pa, aalis kasi raw kami mamayang gabi dahil gusto nilang mag bar kaya ayon, kumukuha pa ng energy sa tulog," biro ko pa sa kaniya. "Gano'n ba, kaya pala mag-isa ka lang dito ngayon. Sige Ate baba na muna ako at maglalaro pa ako ng PUBG." Agad naman nang umalis si Claire. Nako, mga bata nga naman talaga ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD